Isang malamig na klima ang naramdaman ni Ingrid nang imulat niya ang kanyang mga mata. Wala pa siya sa wisyo ng dahil sa pagiging tulala. Wala siyang maalala sa nangyari sa kanya at isa lang ang alam niya. Siya ay nakatulog na lang bigla at isang tao ang naaninag niya ng siya ay tuluyang napapikit sa gitna ng bakuran. Pinagmasdan niya ang buong paligid at saka n'ya lang narealize na wala siya sa kwarto niya. "T-teka! Nasaan ako?" Agad siyang napabalikwas sa pagkakahiga at agad napahawak sa kanyang tyan. Bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi maganda ng dahil na rin sa kanyang sitwasyon. Hanggang sa natauhan si Ingrid nang mapansin niya ang style ng bahay at ng kulay nito. Humiga siya agad at saka kinuha ang napakakapal na blanket para ilagay sa kanyang katawan at niyakap niya ang

