Ramdam ni Ingrid ang pagkahiya at ilang ng dahil kay Draken. Hindi niya alam ang gagawin sa ngayon, pero ang tanging nasa isipan lang niya ay sumangayon. Ayaw niyang mapahamak ang bata sa sinapupunan niya at saka ngayon lang din nagkaroon ng interes si Ingrid sa pagkain na nasa harapan niya. "Kumain ka nang kumain, Ingrid. Hindi ko akalain na kaya pala ayaw ni Draken umuwi ay dahil sa iyo. Magkakaroon na pala kami ng apo." Halos mabilaukan si Ingrid. Buti na lang talaga au agad niyang nainom ang isang basong tubig na nasa harapan niya. "That's enough dad. Hayaan mo muna siyang kumain," saway ni Draken at saka naramdaman na lang ni Ingrid ang isang kamay nito na humahagod sa kanyang likod. Medyo nakahinga-hinga siya nang maluwag at saka hindi niya ito inisip dahil may mga tao sa pal

