Chapter 9

1504 Words
"Okay lang ba sa mga magulang mo na nag-half day ka lang sa opisina?" tanong ni Gaile. "Okay lang iyon kila Mom at Dad. Architect-in-charge lang ako at hindi naman kailangang maghapon na nandoon sa hotel." "Okay." Tumingin siya sa labas ng bintana at pinaandar na ni Brix ang kotse. "Alam mo, ang saya-saya ko ngayon. Hindi ko makakalimutan ang date natin." Napatingin siya sa binata, nakatutok ang mga mata nito sa pagmamaneho pero nakangiti ito. "Date?" "Oo, date." Tuwang-tuwa ang loko, ang lapad ng ngiti nito. "Oo nga naman. Ako rin, hindi ko makakalimutan ang nangyari ngayon," bulong niya sa sarili. "May sinasabi ka?" tanong ni Brix. "W-wala. Sabi ko ang init ngayon." Pinaypayan pa niya kunwari ang kaniyang mukha. Binuksan ni Brix ang aircon. "Mainit pa ba?" "Hindi. Okay na." Tumahimik siya at muling tumingin sa labas ng bintana hanggang sa maihatid siya nito sa kanilang bahay. Sobrang saya ng kaniyang pakiramdam. Ayaw na niyang matapos pa ang gabing iyon. Pero kahit ayaw niya, natapos na. Pinagbuksan siya ni Brix ng pinto at inalalayan sa pagbaba. "Salamat." "Huwag kang magpasalamat, the pleasure is mine." Alanganin siyang ngumiti. Tatalikod na sana siya para pumasok sa loob nang bigla siya nitong tawagin. "Gaile?" "Bakit?" "Goodnight." Mabilis na humakbang papalapit si Brix sa dalaga at dinampian ng halik sa mga labi. Sobrang bilis at gaan ng halik nito na parang hindi na halos naramdaman. Pero ang puso niya, ramdam na ramdam niya ang bilis ng pagtibok. "I'll see you in my dreams." Ngumiti ito sa kaniya, kumaway muna bago sumakay ng kotse at umalis. Tila naging estatuwa si Gaile. Hindi na gumalaw pa sa kinatatayuan niya. Abot hanggang tainga ang kaniyang ngiti. "May dapat ba kong malaman anak?" Narinig niya ang biglang pagtikhim ng ina, bigla na lang itong sumulpot. "Ay, kabayo! Si Mama naman bigla-bigla kung magsalita. Paano na lang kung may sakit ako sa puso, baka inatake na ko." "Ay sus! Daming sinabi." Kinurot nito ang kaniyang pisngi. "Aray! Mama naman, ang sakit mangurot." Hinawakan ni Gaile ang magkabila niyang mga pisngi. "Aba! Hanep magreklamo. Halika na nga sa loob, marami tayong pag-uusapan." * * * * "Ang cute niya talaga..." bulong ni Brix sa sarili. Nakangiti siya habang nagmamaneho pauwi. Coke lang ang ininom nila kanina pero daig niya pa ang nakainom ng alak, nalalasing siya sa saya. "I'm not gay!" sigaw niya. "I'm home!" Sisipol-sipol pa si Brix habang pumapasok sa mansyon. "Welcome home anak. Look who's here." Narinig niya ang mga boses sa garden kaya doon siya dumiretso. "Aunt Michelle? Uncle Henry? Kailan pa kayo umuwi? Bakit hindi kayo nagpasabi? Hindi ko tuloy kayo nasundo," sunod-sunod niyang tanong. "Hold your horses hijo, mahina ang kalaban," tawa nang tawa si Henry. "Malapit na ang kasal ni Sofia kaya pumunta na kami. We don't want to miss Sofia's most special day." Nakangiti si Michelle sa pamangkin habang hawak ang kamay ni Brix. "Actually, ikaw ang topic namin bago ka dumating hijo." Nakatingin si Vera sa anak na tila may tumatakbong kalokohan sa utak. "Ano naman pong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Brix. "Sinabi sa 'min ng Mommy mo na meron kang special someone. Bakit hindi mo siya ipakilala sa 'min?" Nakatitig si Alex sa anak. Napakislot si Brix sa tanong na iyon, hindi niya napaghandaan. "Look at you hijo. You're blushing!" pang-aasar ni Vera. "Sige po, ipapakilala ko siya sa inyo. Kailan niyo gusto? "As soon as possible. What about... tomorrow?" si Alex. "Tomorrow? Sige po, I'll call her later." Nakangiti na ang binata. "Nag-dinner na po ba kayo?" "Hindi pa. Hinihintay ka namin," tugon ni Alex. "Bakit niyo pa po ako hinintay?" "We want to ask everything about your special someone hijo. Balita namin, nag-half day ka lang sa office," seryoso si Alex kaya bigla siyang kinabahan. "Let's talk about that over dinner." Hinila ni Vera si Brix papuntang dining table. "Is she your girlfriend?" tanong agad ng kaniyang Daddy, 'ni hindi pa niya nakukuha ang bandehado ng kanin. "No, Dad. But... May balak akong ligawan siya." "Saan kayo nagkakilala?" tanong naman ni Henry. "Sa restaurant po nila Alice." "What does she look like?" si Michelle. "She's beautiful Tita." Tumango-tango lang ang apat na nakatatanda. "What can we expect about her?" si Vera naman ang nagtanong. "She's simple, kind and intelligent. Alam kong magugustuhan niyo siya." "Well, dapat lang. Ngayon lang nagkainteres nang ganiyan ang Mommy mo sa babae mo. Naku-curious na rin tuloy ako." Lukot ang mukha ni Alex. Tumawa si Michelle para mabawasan ang tensyon. "Ang dami nating tanong, hindi na nakakain si Brix." Nagtawanan lang silang lahat at nagsimulang kumain. Puro business na ang paksa ng mga ito, tahimik na nakikinig lang si Brix dahil si Gaile ang laman ng kaniyang isip. Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na siya para pumunta sa garden. Tatawagan niya si Gaile para sabihin na mag-hapunan sa bahay nila bukas. Dialing Gaile's Cellphone #: "Hello? Sino to?" sagot ni Gaile sa kabilang linya. "Si Brix ito. Nakuha ko ang number mo sa resume mo," sagot naman ni Brix. Muling nabighani ang binata dahil ang ganda rin pala ng boses ng dalaga sa phone. "Bakit ka napatawag?" "Gusto sana kitang imbitahan na mag-dinner dito sa bahay bukas. Ok lang ba sa 'yo?" Hindi ito sumagot kaya kinabahan siya. "Gaile?" "Ha? A, oo. Sige, pupunta ako." "Thank you. Susunduin na lang kita bukas sa bahay niyo ng 7 pm. Salamat sa pagpayag." "T-thank you sa pag-invite." "See you tomorrow. Goodnight and sweetdreams." "Goodnight din." End of call Nakatitig lang si Brix sa kaniyang cellphone. "Magkikita ulit kami bukas ni Gaile! Yes!" * * * * "OMG! Tinawagan ako ni Brix para maghapunan sa kanila bukas!" Nagpaikot-ikot ang dalaga sa sala dahil sa sobrang saya. "Aba... Meet the parents agad kayo?" biglang nagsalita ang kaniyang Mama. "Po?" "Anong po? Narinig ko ang usapan niyo noong sinasabi mong Brix. Gusto mo siya?" Tinitigan siya sa mata ng kaniyang Mama, yumuko siya dahil sa hiya. "Bakit hindi ka nagsasalita riyan? Kanina lang para kang bulate na naasinan, ngayon naman ay para kang naputulan ng dila. Halika nga rito sa tabi ko." Tumabi nga si Gaile sa ina at yumakap dito. "Ma, sa tingin niyo, ano kayang ibig sabihin ng dinner na iyon?" "Hindi ko alam anak, hindi ako manghuhula. Magkausap na kayo kanina, 'di ba? Bakit hindi mo tinanong?" Nalukot ang mukha ni Gaile. "Kasi po Mama nakakahiya, baka mamaya friendly lang pala siya at ganoon siya sa lahat. Assuming naman ako masyado 'pag naghangad pa ako ng mas malalim pa roon." "Hinatid ka niya kanina tapos hinalikan ka sa lips, sasabihin mo friendly lang? Joke ba 'yan anak?" "N-nakita niyo pala 'yon, Ma?" "Malamang anak, alangan naman sinabi sa 'kin ng Tatay mo, patay na iyon." "Mama talaga kung magbiro!" "Alam mo anak, kung ako sa 'yo, hintayin mo muna siya na mag-open kung anong meron sa inyo. Pero kung talagang atat ka na, tanungin mo siya bukas." Niyakap siya ni Perla pagkatapos. "Anong isusuot ko para bukas, Ma? Wala naman akong magagandang damit." "Subukan mong magsuot ng bestida," sabay batok ng kaniyang Mama. "Aray naman, Ma." "May puti kang bestida riyan, 'di ba? 'Yon na lang ang isuot mo." "Bahala na bukas, Ma. Kahit anong isuot ko bukas, maganda pa rin ako naman ako, 'di ba?" "Hay, naku! Oo na nga lang. Matulog ka na, antok lang 'yan." "Goodnight Ma!" "Goodnight anak." * * * * Sinundo siya ni Brix. Dumadagundong ang dibdib ni Gaile sa sobrang kaba. Iniisip niyang baka makagawa siya ng mga bagay na nakakahiya sa bahay nila Brix. Nagdadalawang-isip na siyang pumunta. "Anak, nandito na ang sundo mo," sigaw ng kaniyang Mama. "Opo Ma, papunta na po." Nagmadali na siyang ikabit ang pekeng hikaw niya, naglagay din siya ng pulbos at lip tint. Bahala na si wonder woman! Lumabas na siya ng pinto. Nakatitig sa kaniya si Brix kaya na-conscious siya. Iniisip niya na baka panget ang bestida niya, medyo luma na kasi. Lumapit sa kaniya si Brix. "You're beautiful."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD