Chapter 10

1363 Words
Isang tipid at nahihiyang ngiti ang tugon niya. "Mama aalis na po kami ni Brix." Nagmano na si Gaile sa Mama niya. "Hijo, pakiingatan ang prinsesa ko," paalala ng ina. "Opo. I will take care of her. Puwede po bang ako naman ang dumalaw dito bukas?" Nagkatinginan ang mag-ina. "Sige, hihintayin kita rito bukas," Ngumiti si Perla pagkatapos. "Sige po, aalis na kami." Sumakay na silang dalawa sa kotse ni Brix. Tahimik ang dalawa habang nasa byahe. Kapwa kinakabahan sa magiging resulta ng gabing iyon. Nakarating na sila sa bahay nila Brix sa San Juan sa loob ng apatnapung minuto. Pumasok ang kotse sa isang eksklusibong subdibisyon. Tila tinatambol ang dibdib ni Gaile, dumoble nang huminto sila sa harap ng malaki at puting mansyon. "Welcome to our house Gaile." Tinulungan siya ng binata na makababa sa kotse. "Ang ganda at ang laki ng bahay niyo Brix." "Tara, pasok tayo sa loob." Nakahawak sa beywang niya si Brix habang papasok sila sa bahay. "Ang ganda ng loob, halatang pang-mayaman ang furnitures." "Is she your special someone hijo?" sabi ng isang magandang babae, mukhang nasa kuwarenta na pero halata pa rin ang ganda noong kabataan nito. "Yes po. Gaile, I would like you to meet Aunt Michelle. Aunt Michelle, siya po si Gaile." Nagkamay ang dalawa. Nanginginig ang dalaga sa nerbyos. "You're shaking hija. 'Wag kang masyadong ma-tense, baka mabawasan ang ganda mo." Kumindat pa si Michelle. "Doon na tayo sa dining area. Naghihintay na sila," tawag ni Brix sa kanila. Lumapit ito at hinawakan siya sa kamay. Sa kumedor, naroon si Vera, ang asawa nito at isang lalaki na hindi niya kilala. "Mom, Dad and Uncle Henry, this is Gaile, the girl who's special to me." Nagkatinginan ang tatlo samantalang nakatitig lang siya kay Brix, parang hindi maproseso ng kaniyang utak ang mga sinabi nito. "Gaile, they are my parents. Mom Vera, Daddy Alex and my Uncle Henry." Nakangiti silang lahat sa kaniya. "Nice to meet you po," alanganin siyang ngumiti at nakipagkamay sa mga ito. Nagsimula na ang dinner, kinakabahan pa rin si Gaile. "Calm yourself." Hinawakan ni Brix ang kamay niya at marahang pinisil. Unti-unting naging maayos ang kaniyang pakiramdam. "Sabi ni Brix, nagkakilala raw kayo sa restaurant?" tanong ng Daddy ni Brix. "Opo." "Paano?" si Michelle. "Nagtatrabaho po kasi ako dati sa restaurant ni Maam Alice, 'yong kaibigan ni Sir Brix," pakiramdam ni Gaile, pinipilipit ang kaniyang bituka. "What is your educational background?" "Undergrad po ako ng HRM. Pero dahil kasama po ako sa scholars ng El Paradiso Hotels, nagkaroon po ako ng chance para ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Tumango-tango lang ang Don. "That's good hija. Mas okay pa rin kapag nakatapos ng pag-aaral." Ngumiti na sa kaniya ang Daddy ni Brix. Nakahinga na siya nang maluwag. Nang matapos silang kumain, pumunta silang dalawa ni Brix sa garden. Nag-excuse naman siya para pumunta ng rest room. Call of nature. Nang makapagbawas siya, tumingin siya sa salamin at muling naglagay ng pulbos at lip tint. "Ang yaman nila pero hindi sila mayabang. Kinabahan talaga ako roon. Akala ko ay lagot na ko." Pumikit siya at huminga nang malalim. Pinilit niyang ngumiti. Lumabas siya ng banyo. Hinanap niya si Brix at nakita niyang kasama nito ang tiyahin, nakaupo ang mga ito sa hammock. "Hijo, sinabi mo na ba sa kaniya ang totoo?" sambit ni Michelle kaya napahinto si Gaile sa paglapit sa mga ito. "Hindi na po niya kailangang malaman ang totoo Tita. It will hurt her... Kaya hindi dapat malaman ni Gaile na nagkaroon lang ako ng interes noon sa kaniya dahil magkamukha sila ni Nhico." Dinig na dinig ni Gaile ang lahat. Nagmula ang mga salitang iyon sa mismong bibig ni Brix. He's interested in her dahil kamukha niya si Nhico. But why? Hindi niya ito maintindihan hanggang nabuo sa kaniyang isip ang tanong na: Is he... Gay? Naramdaman niya na lang na kusang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya sasabog ang kaniyang dibdib.. Nang makita ni Gaile ang mga magulang ni Brix, nagpaalam na siyang umuwi. Wala na silang dapat pag-usapan pa! * * * * "So... You're telling me na nakikipaglapit ka lang kay Gaile dahil kamukha niya si Nhico?" Nagulat si Brix sa sinabi ni Michelle pero hindi niya maiwasang ngumiti. "Hindi po ganoon. Well, noong una, nakuha niya ang atensyon ko dahil kamukhang-kamukha niya si Nhico. Pero nang makilala at makasama ko siya, nakilala ko ang tunay na Gaile." Hinawakan ng kaniyang tiyahin ang kamay niya. "Naaalala niyo pa ba ang sinabi niyo sa 'kin noon sa New York? Na baka pag-uwi ko rito sa Pilipinas, makakita ako ng babaeng bersyon ni Nhico. And I did! I really found one!" "Do you love her?" tanong nito, halatang nagdadalawang-isip. "Opo." Tumitig si Brix sa mga mata ni Michelle. Napabuntong hininga lang ito. "May problema po ba?" "Wala, hijo. I just wanted to ask you... Kailan at paano mo na-realize na mahal mo siya?" "Actually, kahapon lang po. After we date." Napapangiti siya nang maalala ang mga nangyari sa date nila. "Date?" tila nabigla si Michelle sa sinabi niya. "Opo. Date. Pumunta kaming Jollibee at Star City." "Jollibee? At Star city?" halatang hindi makapaniwala si Michelle. "Opo Aunt, sa Jollibee at Star city nga kami pumunta kahapon. May problema po ba?" "Walang problema hijo. Pero... Ang payo ko lang sa 'yo, sabihin mo sa kaniya ang totoo." "Pero..." "Walang pero Brix, you should tell her the truth. Saka wala namang problema, 'di ba? Tutal na-realize mo na hindi ka bakla." Hindi kaagad nakasagot si Brix kaya muling nagsalita ang kaniyang tiyahin. "The truth will set you free hijo." Tinapik ni Michelle sa balikat ang pamangkin at pumasok sa loob. Napaisip siya roon pero mahirap para sa kanya ang pinapagawa ni Michelle. Masasaktan niya lang si Gaile 'pag inamin niya ang totoo. Ang mahalaga, na-realize niya na hindi siya bakla at mahal niya ang dalaga. Mahal niya ito, hindi dahil kamukha nito si Nhico, kundi dahil hindi niya makita ang sarili na magmamahal pa ng iba. * * * * "Manong, diyan na lang po sa kanto. Ito ang bayad." Nagpunas ng mga luha si Gaile, hindi puwedeng makita ng kaniyang ina ang itsura niya. Mag-aalala lang ito sa kaniya. Bumaba na siya ng taxi at binuksan ang gate. Bumuntong hininga ang dalaga bago pumasok sa loob ng bahay. "Mabuti at nakauwi ka na anak. Kumusta naman ang hapunan doon kila Brix?" Pakiramdam ni Gaile ay barado ang kaniyang lalamunan, hirap siyang magsalita. "Okay naman po Mama, medyo nakakapagod lang." Nagmano siya at umupo sa sofa. Pinikit niya nang mariin ang mga mata. "May problema ba, anak?" Ramdam niya ang pag-aalala ng ina pero wala siyang lakas. Pakiramdam niya, kaunti na lang, babagsak na siya... "Pupunta lang po ako sa kuwarto Mama, gusto ko nang magpahinga." Nagtatanong ang mga mata ni Perla pero walang sinabi si Gaile. Malalim ang sugat na ibinigay ng nalaman niyang katotohanan kay Brix. Bakla ito! Ginamit lang siya nito para ipamukha sa pamilya nito na lalaki ang binata. Niloko lang siya ni Brix, pinaasa! Nang makapasok si Gaile sa sariling kuwarto, hinayaan niyang dumaloy ang mga luha. Humiling na sana, kasama ng kaniyang mga luha, mawala na rin ang pagmamahal niya kay Brix. * * * * Tumayo na si Brix at pumasok sa bahay, nakita niya ang ina. Nagpaalam siya kay Michelle na hahanapin niya si Gaile. Kanina pa ito pumunta sa powder room, hanggang ngayon ay wala pa. "Umuwi na si Gaile. Nagmamadali siya, may emergency yata," bungad ni Vera na nakatayo sa may pinto. "Po? Umalis na siya pero hindi nagpaalam sa 'kin?" Gusto sanang puntahan ni Brix ang bahay nila Gaile para malaman ang dahilan ng bigla nitong pag-alis. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng kaniyang Aunt Michelle. Nagdesisyon ang binata na kakausapin niya lang si Gaile kapag sigurado na siya sa kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD