Binilisan ni Brix ang pagmamaneho pabalik sa hotel. Tumakbo siya papunta sa pinagdarausan ng party, hinayaan niya na lang ang vallet na magmaniobra ng kaniyang kotse para ilagay sa parking lot. Pagdating niya roon, kaunti na lang ang mga bisita, tapos na ang kasiyahan. Napansin ni Brix na nakatayo sa gilid ang kaniyang ama at kausap ang ibang natitirang bisita na papaalis na. Lumapit siya rito nang makaalis na ang mga bisita.
"Where on earth have you been Brix De Vega?" bungad na tanong ni Alex.
"Pasensya na po pero may hinatid lang akong kaibigan. Hindi ko na napansin ang oras."
"How come? Nandito ang lahat ng kaibigan mo. Kanina ka pa nila hinahanap, bigla ka na lang kasing nawala hijo," litanya ng kaniyang Daddy.
"I'm very sorry Dad, it won't happen next time." Tinapik siya ng Daddy niya sa balikat at pinuntahan na niya ang kaniyang mga kabarkada sa lamesa ng mga ito.
"Speaking of the devil, here he is." Nakataas ang kilay ni Alice. "Muntik na kaming magka-ugat dito kakahintay sa 'yo. Alam mo ba iyon?"
Ngumiti lang si Brix. "Ito na nga ako, 'di ba? Galit ka pa rin? Ang sungit mo talaga! Kaya walang lumalapit na lalaki sa 'yo, daig mo pa kasi ang barako." Natawa siya sa sarili niyang biro. Inirapan siya ng dalaga sabay tapak sa paa niya sa ilalim ng mesa. "Aray! Grabe ka naman, hindi ka na mabiro."
"Tama na 'yan, Brix," saway ni Christian.
"Wow! Porke naging kayo ni Angela, nawala na ang pagiging palabiro mo?" Masaya si Brix kaya nasa mood siyang makipagbiruan.
"What are you trying to say?" pati si Angela ay naka-arko na rin ang kilay.
"Wala. What's with the serious mood?"
"Nagtanong ka pa? Isang buwan na lang kasal na namin pero hindi ka man lang tumulong sa mga preparasyon," sagot kaagad ni Sofia.
"She's right, dude. Simula nang umuwi ka ng Pilipinas, bihira ka pa rin namin makasama," dugtong ni Nhico.
"Package deal na ba kayo? 'Pag nagsalita ang isa, dudugtungan ng isa." Iiling-iling na lang si Brix. "Fine! Tutal tama kayo, ano pa bang puwede ko itulong?"
"Siguro, ikaw na lang ang tumulong na magprepara sa reception. Tutal usapan naman talaga na dito sa hotel niyo iyon gaganapin." Tiningnan ni Sofia ang maliit nitong notebook, doon nakalagay ang listahan ng mga kailangan para sa kasal.
"Okay, sige. Magiging hands on ako sa preparasyon para magkasilbi naman ako bilang best man mo." Uminom ng red wine si Brix.
"By the way, saan ka galing?" tanong ni Nhico.
"May inihatid lang akong kaibigan," tipid siyang ngumiti.
"Friend your face! Bagong girlfriend mo iyon, I'm sure," sabat ni Alice.
"Maybe she's a typical w***e. Ganoon naman talaga ang taste mo, 'di ba?" pagtataray ni Angela.
"Hey! Watch your mouth. She's not my girlfriend and she's not a whore." Tinitigan nang masama ni Brix si Angela. Ayaw niyang husgahan ng kaniyang mga kaibigan si Gaile kahit hindi pa nila nakikilala ang dalaga.
"Cool lang kayo, puwede? Minsan na lang tayo magkasama-sama, magaaway-away pa ba tayo?" awat ni Christian sa dalawa.
Nasira na ang magandang mood ni Brix kaya tumayo na siya. "Fine. Aalis na ko. I'm tired. Salamat sa pagpunta sa party ko."
Kaagad na pinandilatan ni Sofia si Angela upang humingi ito ng pasensiya kay Brix. Hindi nito dapat sinabi ang mga bagay na iyon. Naglakad na siya paalis nang tumayo si Angela para habulin siya.
"Sorry, Brix. Pasensiya ka na. Wala lang ako sa mood lately. Stress kasi sa trabaho."
Nilingon niya si Angelica. "It's fine. Ingat kayo sa pag-uwi." Kumaway pa si Brix sa mga kaibigan bago muling tumalikod sa mga ito.
"The party is finished. Umuwi na tayo," aya ni Sofia sa mga kasama.
"You're right. Ako na ang maghahatid kila Angela at Alice," suhestiyon ni Christian.
"Aalis na rin kami ni Sofia, dude." Tumayo na sila Nhico at Sofia. Sabay-sabay na ang lima na umalis sa venue at pumunta sa parking lot.
* * * *
Pumunta si Gaile sa opisina ng may-ari ng El Paradiso Hotels. Requirement kasi iyon para pag-usapan ang tungkol sa scholarship grant. Kumatok siya at sumilip nang kaunti sa pinto. Smoked glass kasi iyon kaya hindi makikita ang nasa loob.
"Please, come in," sabi ni Mrs. Vera De Vega, ang Mommy ni Brix. Tipid siyang ngumiti at pumasok sa loob. Nahihiya siya kaya dahan-dahan ang kaniyang paglapit sa lamesa nito. "Please take a sit. Huwag kang mahiya, hija. Congratulations nga pala kasi isa ka sa tatlong napili para sa scholarship," May ibinigay itong papel kay Gaile.
"Ano po ito?"
"Dokumento ito na nagsasabing scholar ka ng El Paradiso. Nakalagay din diyan ang mga tanong tungkol sa eskuwelahan at kurso na kukunin mo."
"Thank you po, Maam. Kung hindi po dahil sa scholarship niyo, hindi na po talaga ako makakatapos," halos maiyak na siya habang nagsasalita. Hindi niya akalaing may magandang oportunidad siyang makukuha kahit dalawang buwan pa lamang siya sa El Paradiso.
"Wala iyon hija. Actually, it's my son who brought it up. Marami raw kasing empleyado ang El Paradiso Hotels na matatalino at maabilidad pero hindi makaalis sa hirap dahil sa educational background," kakaiba ang ngiti ni Vera. "Do you know him?"
"Ha? Sino po?" tanong niya.
"Our son, Brix. Do you know him?"
"O-Opo. Kilala ko po si Sir Brix." Hindi makatingin nang diretso si Gaile, pakiramdam niya kasi ay nasa hot seat siya.
"Talaga? Saan? At kailan?"
"Kasi po...." Ikinuwento niya ang lahat ng tungkol sa nangyari sa restaurant at hotel sa Mommy ni Brix, pero syempre, hindi na kasama roon ang kaniyang nararamdaman.
Tawa nang tawa si Vera, namula tuloy siya sa kahihiyan. Bigla rin siyang kinabahan nang maisip na baka patalsikin siya sa trabaho dahil sa ginawa niyang pagsampal kay Brix. Pilit naman na itinigil ni Vera ang pagtawa at kaswal na tumingin sa kaniya.
"I'm so sorry, hija. Natawa lang talaga ako sa kuwento mo. Interesting ang pagkikita niyo ng anak ko." Medyo tumikhim pa ito. "Well, I'm glad to meet you. Goodluck to your studies hija." Inilahad ni Vera ang kamay nito upang makadaupang-palad siya.
"The honor and pleasure is mine, Maam Vera." Aalis na sana siya nang biglang may maalala. "Maam? Puwede po humingi ng pabor?" alanganin siyang ngumiti.
"Sure. What is it?"
"Puwede po bang pakisabi kay Sir Brix na maraming salamat?"
Ngumiti si Vera. "You know him, right? Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kaniya?"
"O-opo Maam. Thank you po. Aalis na ko." Umalis na si Gaile at isinarado ang pinto.
Rest day niya ngayon kaya wala siyang pasok. Pero bago umuwi, bumili siya ng orange juice sa cafeteria para pamatid ng uhaw.
"Hey! Musta?" biglang may tumapik sa balikat niya.
"Ay, kabayo!" Napasigaw si Gaile kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Sisigawan niya sana ang nanggulat sa kaniya pero napanganga lang siya nang makita na si Brix pala iyon.
"Oh! Sorry. Hindi ko naman gustong magulat ka," paghingi nito ng paumanhin.
"Sorry din po Sir." Hindi siya makatingin nang diretso. "Sir... Thank you po."
"Nagte-thank you ka sa 'kin kasi ginulat kita? Saka nag-usap na tayo na Brix na lang ang itawag mo sa 'kin, 'di ba?"
"Sabi ko nga B-Brix, pero nagte-thank you ako kasi nalaman ko kay Maam Vera na ikaw pala ang nakaisip ng pagbibigay ng scholarship."
Ngumiti lang ito. "Thankful ka ba talaga?"
"Syempre naman Sir e-este B-Brix."
"Good! Sumama ka sa 'kin magtanghalian, ikaw bahala, kahit saan."
Hinila siya nito nang marahan papunta sa kotse. Kahit braso lang ang hinahawakan ng binata, pakiramdam niya ay napaka-intimate na nila. Ang puso niya ay parang mga dagang hinahabol ng pusa. Ang bilis ng t***k! Daig pa ang tumakbo sa marathon.