Chapter 6.3

1125 Words
Ilang sandali pa ay ipinatawag na sila para sa awarding. “Tara mag-beach kapag nanalo,” suhestiyon ni Ken na kaagad sinang-ayunan ng mga kasamahan. “Simulan na nating magdasal ng taimtim ngayon pa lang,” biro ni Gerald. “Nagdadasal kami, ikaw lang hindi marunong, Gerald!” pambabara ni Myla. Nagtawanan sila. “Sige ipagdasal n’yo, baka mag-work,” singit ng isang babaeng isa sa mga nakalaban nila. Umismid ito. “Ipagdasal mo rin na makaalis ka nang ligtas sa campus namin,” taas-kilay na sambit ni Fiona rito. Halata ang pagpipigil ng tawa nina Ken sa tinuran ng dalaga. Lihim na napangiti na lamang siya. Nagtinginan naman sina Mervie at Myla nang makahulugan. Paminsan-minsan ay maganda rin ang naidudulot ng bitchesang ito. “Parang hindi nakitayo at nakisayaw kanina habang nagpe-perform tayo,” bulong ni Myla. “Hayaan n’yo na,” maalumanay niyang sambit. Napatingin silang lahat sa stage nang magsalita ang emcee. “Here's the result! Nangangamoy 50k, oh!” Inamoy pa nito ang hawak. Dahil doon ay nag-ingay ang crowd. “For our 3rd place hindi ko na patatagalin. Our 3rd placer is... 1Melody!” Umakyat naman ang mga taga-St. Joseph Academy. Nang makuha ang award ay sumunod naman i-announce ang second place. “Give a big round of applause for Moosikeros!” Nagulat na lamang sila nang maghiyawan ang katabi nilang grupo. Ang kinabibilangan ng babaeng tinarayan ni Fiona. Inirapan sila ng babaeng namilosopo. And then panghuli ay ang winner na. “Kapag binaggit ko ang tatanghaling Top Musical of the Year ay isigaw n’yo ang team n’yo!” wika ng emcee. Naghawak-hawak silang kamay. Pagtingin niya sa kahawak niya ay si Lucas pala. Nagulat siya’t napatingin dito. Paano ito napunta sa tabi niya gayung sina Myla ang katabi niya kanina? Hindi siya nito tinitingnan at walang kakikitaang kahit na anong tuwa sa mukha nito. Nasaktan siya roon. Sinubukan niya na lamang na iignora ang presensya nito. “Congratulations, Harmony!!!” Nanlaki ang mata niya at natulala. The next thing she knew ay nagsisigawan na sa tuwa ang mga kasamahan niya. Hinila siya ni Mervie na nasa kanan niya kaya napabitaw na siya sa pagkakahawak ni Lucas. Dumiretso sila sa stage habang naririnig nila ang pangalan ng grupo nila na isinisigaw ng crowd. Malamang ang pinakamaingay ay ang mga schoolmate rin nila. Masayang-masaya sila dahil worth it ang lahat ng pagod at effort nila. Halos kulang sila sa pahinga noong mga nagdaang araw at napawi iyon nang maparangalan sila sa entablado. Iyon na siguro ang pinakamagandang achievement na nakamit niya sa paaralang ito. She smiled. “Paano ba ‘yan? Saturday bukas, let’s have a vacation!” sabi ni Mervie na gumagayak na para umuwi. “Ano, bet?” “Bet!!!” sigaw ng mga ito maliban sa kanya. “Oh, Gab? Tara ha?” Umiling siya kay Denver. “Why?” nakangusong tanong ni Mervie. “Kayo na lang, may work ako. Hindi puwedeng lumiban.” Nginitian niya ang mga ‘to para hindi na siya alalahanin. “Hindi naman puwedeng wala ka,” ani Myla. “Saka walang kasama si Tobi. Kayo na lang. Kaya n'yo na 'yan.” Bahagya siyang natawa. "Magdidilim na. Maiwan ko na kayo, may pasok pa ako." Sinilip pa niya ang wrist watch. Alas-singko na pala. Mabuti na lamang at nag-text siya kay Ate Kyle na mala-late siya dahil sa kompetisyon nila. “Gab!” Hinawakan siya ni Myla sa braso. "May dinner pa tayo, eh, sabi ni Sir Jorddan. Celebration daw," sambit ni Gerald na nagtitipa sa cellphone. "Oo nga. Sama ka na," pamimilit din ni Mervie. "Guys, stop it. Ano ngang magagawa natin? E, work 'yon, e. May kontratang involved. Bawal nga namang labagin 'yon ni Gab. 'Wag n'yo siyang konsensyahin at siya rin ang mahihirapan," suway ni Ken. Tila naman batang nagmaktol si Mervie. "Next time na lang. Sorry... bawal kasi talaga..." "Ang lungkot naman kasi kung kulang tayo. Saka nag-e-enjoy kami habang ikaw hindi? Nakakakonsensya rin kaya," Napangiti siya. Gustuhin man niya wala naman siyang magagawa. Saka isa pa, makakasama niya si Lucas... Nakaramdam na naman siya ng lungkot. Itong araw kasi na 'to, ito 'yong araw na may sasabihin dapat siya kay Lucas... Ito dapat iyon... "Ano ka ba, Mervs, okay lang ako. Huwag n'yo akong alalahanin. Enjoy-in n'yo lang. Okay?" Imbis na sumagot ay niyakap siya nito, ganoon din si Myla. Nagpaalam na siya sa mga ito at bago siya umalis ay muli niyang binati ang mga kasamahan. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki habang kumakaway palayo, baka makatulong na maibsan ang pag-aalala ng mga ito. Nang tuluyan na siyang nakatalikod sa mga ito ay saka siya napangiti ng malungkot. She's crying inside. Nang malapit na siya sa gate ay nagulat siya nang makita niya si Lucas sa tabi niya at medyo hinihingal ito. Huminto siya at humarap dito. Ngunit hindi tumingin sa mga mata nito. "Lucas, bakit?" Napabuntong-hininga ito bago nagsalita. “Ahm... 'Di ba, pagkatapos ng competition, sinabi mo sa akin na may sasabihin ka?” Lihim na nagulat siya sa narinig. Hindi nito iyon nakalimutan? Ibinuka niya ang bibig pero walang lumabas doon na kahit anong salita. "Gabriella..." "Ah... ano... wala lang 'yon. Kalimutan mo na. Nakalimutan ko na rin kasi kung ano 'yong sasabihin ko, eh," pagpapalusot niya na sinabayan ng bahagyang pagtawa. Hindi niya alam kung nahimigan ba nitong peke iyon. Ilang segundo itong hindi nakasagot. Mayamaya ay bahagyang yumuko at muling tumingin sa kanya kasabay ng maliliit na pagtango. "Gano'n ba..." Nag-angat siya ng tingin dito at nang mapadako iyon sa mga mata nito ay nanlambot ang puso niya sa nakitang kalungkutan sa mga mata nito. Pilit siyang ngumiti. "Maiwan na kita. Pasensya na..." aniya at dahan-dahang tumalikod. Tila ba natangay niya lahat ng kabigatan sa dibdib nang pagtalikod niya rito. "Pasensya na, kasi hindi ko na masasabi 'yon sa 'yo. Hindi na kahit kailan. Hindi mo naman na kakailanganin 'yong pagsagot ko sana sa iyo sa araw na ito. That was supposed to be my gift for you, mahal ko." Lalong bumigat ang dibdib niya. Sa bawat paglakad palayo sa binata ay lalong naghihirap ang kalooban niya. Pinigilan niya ang sariling maiyak, pero hindi niya na kinaya. Umagos na ang mga iyon at walang tigil. Nang makalabas ng gate ay napahawak siya sa bibig niya at tumakbo na palayo. Medyo madilim na. Minsan hindi lahat ng gusto ay dapat ipilit. Hindi kasi lahat ay sasang-ayunan ng pagkakataon. Maaring maganda ang resulta o kabaliktaran. Tingin niya, ito na ang resulta ng kagustuhan niyang mapansin ng iba. Hindi naman masama ang resulta, masasabi niya pa ring maganda. Dahil kahit mayroong iilang hindi umayon sa maganda, mas lamang pa rin ang magagandang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD