Chapter 6

1010 Words
THIS is the day! Maaga siyang gumising at naghanda. Natawa siya nang tingnan ang mukha sa salamin. Mugto ang mata at gulu-gulo ang buhok. Nang maghahanda na ng makakain ay nagulat siya nang bumukas ang pinto. “Surprise!!!” sabay-sabay na sambit nila Mervie. Marami ang mga ito at lahat ay nakasuot ng Harmony shirt. Kasama rin ng mga ito sina Mari Lu at iba pa niyang kaibigan. “Anong ginagawa n'yo rito?” nakangiting tanong niya. “Nabalitaan namin. Kalat na nga kaagad sa academy. Kaya naisipan naming puntahan ka. Alam naming malungkot ang Gabgab namin,” sabi ni Vanessa na sinugod siya ng yakap na siya namang sinundan din nina Mari Lu at Mervie. “Saglit, maliligo pa ako! Nag-almusal na ba kayo? Hindi ko na kayo mahahandaan, kuha na lang kayo sa kusina,” natatawang saad niya. Nagtungo nga sina Ken sa kusina na pinangunahan ni Denver. Tuwang-tuwa pa ang mga ito. Iniwan niyang nagkakaladyaan at nagtatawanan ang mga kasamahan nang pumasok siya sa banyo. Pagkatapos gumayak ay sabay-sabay silang pumuntang school. May mga dalang sasakyan ang mga ito kaya napabilis. May mga malalaking banner na tarpaulin sa iba't-ibang sulok ng school na may nakasulat na ‘Harmony’. Ngayong taon ay sa kanilang eskuwelahan gaganapin ang kompetisyon. “What’s team!?” “Har-mo-ny!!!” Paulit-ulit na sigaw nila. Bawat nadadaanan ay may pa-confetti pa. Tuwang-tuwa ang teachers nila sa kanila at ang mga estudyante. Akala mo sila na ang itinanghal kahit hindi pa man nagsisimula ang kompetisyon. Nagdatingan na rin ang ibang kalahok galing sa iba't-ibang unibersidad at napapatingin ang mga ito sa kanila. Doon sila dumiretso sa room ng Harmony. Kapwa lahat sila ay excited at handang-handa na. Napalingon sila kay Mervie nang magsimula itong kumanta. Kinindatan sila nito. They knew it. It's a jam. “If you ever find yourself stuck in the middle of the sea, I'll sail the world to find you If you ever find yourself lost in the dark and you can't see, I'll be the light to guide you.” [/Boys: “Find out what we're made of When we are called to help our friends in need.” [/Gabriella: “You can count on me like one two three I'll be there And I know when I need it I can count on you like four three two You'll be there..." Myla sing along. "'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah. Whoa, whoa Oh, oh Yeah, yeah...” [/Denver: “If you tossin' and you're turnin' and you just can't fall asleep—” he paused and then looked at Mervie. “—I'll sing a song, beside you.” Naghiyawan ang mga ito. [/Ken: “And if you ever forget how much you really mean to me Everyday I will remind you, oh...” [/Girls: “Find out what we're made of When we are called to help our friends in need...” [/All: You can count on me like one two three I'll be there And I know when I need it I can count on you like four three two You'll be there...” [/Myla: “'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah.” [/Gerald: “Oh, oh Yeah, yeah...” [/Gabriella: “You'll always have my shoulder when you cry I'll never let go—” [/Lucas: “—Never say goodbye...” Her heart skipped a beat. [/All: “You can count on me like one two three I'll be there And I know when I need it I can count on you like four three two And you'll be there 'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah. Oh, oh...” She looked at him as she ended the song. “You can count on me 'cause I can count on you.” Mayamaya pa ay nagsimula na nga at ilang kalahok na ang natapos. Nasa back stage pa rin sila at hinihintay ang kanilang eksena. Inaayos niya ang ibang damit na nagkalat sa sahig at upuan. Busy kasi ang mga ito sa pagtawa na ang pasimuno ng masayang kuwentuhan ay sina Denver at Gerald. Nang matapos i-hanger ang mga damit ay isasabit niya na ang mga ito sa pader na may hook ngunit hindi niya ito maabot. Tumingkayad pa siya ngunit wala ring silbi. Nang napagdesisyonang kumuha ng upuan at handa na sanang umalis ay siya namang may humawak sa kanang kamay niya kung saan naroon ang hanger na hawak. Hindi siya nakagalaw at tila binuhusan ng malamig na tubig. Alam na alam niya ang perfume na iyon kung kanino. Kinuha nito ang hawak niyang hanger at ito na ang nagsabit. Nakaharap siya sa pader habang ito ay nasa likuran niya. Dahan-dahan siyang humarap nang hindi tumitingin dito. “Salamat,” aniya sa mahinang tinig. “Excuse me.” Hindi ito kumilos ngunit ramdam niya ang titig nito. “Gabriella,” Hindi siya sumagot. Kinakapos siya sa paghinga. Pinigilan niya ang sariling mamuo ang luha. Ayaw niyang tingnan ito at baka maiyak lang siya. Sobra pa rin siyang apektado rito kaya kailangan niyang kontrolin ang sarili at limitahan ang pagdikit dito. “Gabriella,” ulit nito. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at nang magtama ang mga mata nila ay nakita na naman niya ang lungkot na madalas niyang makita rito. “Bakit?” Sa halip na sumagot ay hinaplos nito ang mukha niya, ngunit marahan niyang tinanggal iyon. Hindi na puwede. Bakit pa ba nito ginagawa iyon? “Anong sasabihin mo?” ibinaba niya ang tingin. Ilang segundong hindi kaagad ito sumagot. “Gusto ko lang sabihin na... parati kang mag-iingat.” Ngumiti siya rito at iniwan na ito. Kailangan niyang lumayo muna sa dahilan ng sakit, gusto niyang kusang maghilom muna ang sugat sa puso. Hangga’t patuloy itong nalalapit sa kanya ay tiyak niyang patuloy rin siyang masasaktan. Tanggap niya naman na, e, ang kaso ay sariwa pa. “Guys! Tara na!” tawag ni Gerald nang tawagin ang school nila. Sumunod na lamang siya kila Mervie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD