Nang sila na ang sasalang ay nagsimula na silang maglakad. Ang lahat ng Angels ay may sinusunod na steps. Malapit na siyang makarating sa puwesto nang biglang may pumatid sa kanya. Kapwa nagulat ang mga kasamahan niya, mabuti na lamang at pare-pareho ito ng reaksyon kaya nag mukhang kasama iyon sa script. Tiningala niya ang pumatid sa kanya—it's Fiona. Nagpatay-malisya pa ito.
Doon na siya nagsimulang kumanta habang tumatayo ng dahan-dahan.
[/Gabriella:
“I'll always remember
It was late afternoon
It lasted forever
And ended so soon
You were all by yourself
Staring up at a dark gray sky
I was changed...” tumingin siya sa harapan.
[/Angels:
“In places no one would find
All your feelings so deep inside (deep inside)
It was then that I realized
That forever was in your eyes
The moment I saw you cry (cry...)
(Moment I saw you cry)”
Umikot si Mervie kina Lucas at Mandy—which is sina Galelina at Thompson. Nakaupo ang mga ito sa malambot na puro balahibong kulay pula.
[/Mervie:
“It was late in September
And I've seen you before (and you were)
You were always the cold one
But I was never that sure
You were all by yourself
Staring at a dark gray sky
I was changed.”
[/Angels:
“In places no one would find
All your feelings so deep inside (deep inside)
It was then that I realized
That forever was in your eyes
The moment I saw you cry...”
[/GabrieIla:
“I wanted to hold you
I wanted to make it go away
I wanted to know you
I wanted to make your everything
All right...”
Habang kumakanta ay nananariwa sa isipan niya ang araw na nagtapat si Lucas sa kanya. Gusto niyang bumalik sa araw na iyon at sulitin ang mga sandaling tanging silang dalawa lamang. Pinigilan niya ang luhang nagbabadya. Hindi na pala puwede.
Natapos nila ang kanta nang maayos. Susunod na ang eksena nila Lucas kaya kaagad silang bumalik sa dati nilang puwesto. Halos isang oras din ang tinagal ng play nila bago matapos. Walang nagkamali maliban sa paninisod sa kanya kanina.
“Good luck sa atin, bukas!” sambit ni Ken.
“Isang bagsakan bukas, ha?” ani Gerald.
“Yup. At babatukan pa rin ang magkakamali,” paalalang muli ni Denver.
Lumapit si Mandy sa kanila na may malaking ngiti. Ang iba ay hindi pa rin maiwasang mailang dito ngunit kailangan ng pakikisama. Iniwan na niya ang mga ito at nagtungo siya sa silid para ayusin ang mga gamit. Ayaw niya ring lumapit hangga't maaari kay Mandy dahil sa sakit na nararamdaman kaya mainam nang ilayo niya na lamang ang sarili. Hindi niya namalayang sinundan pala siya nito sa silid.
“Hi, Gab!”
Dagling natigilan siya pero agad ding nakabawi. “Hello," kaswal niyang pagbati rin dito. Liningon niya ito at nginitian pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagliligpit.
“Pasensya ka na—”
“Ah, no. Don’t. You deserve it, Mandy. Magaling ka at ipinakita mo ‘yon sa lahat. To think na ngayon ka pa lang nakapag-practice ay nakabisa mo kaagad.”
Tahimik na pinagmasdan siya nito kapagkuwan ay ngumiti. “Ang totoo niyan, nakapag-ensayo na ako mula nang bumalik ako two days ago..."
Natigilan siya at para na namang pinipiga ang puso niya. Napalunok siya at humarap dito. "Ah... gano'n ba? Hmm. Great."
"May gusto sana akong sabihin, Gabriella.”
“A-ano ‘yon?”
“Gabriella kasi... sorry, pero—”
“S-spill it, Mandy.”
“Kami na ulit ni Lucas.”
Huminto ang pag-ikot ng mundo niya maging ang paghinga niya. Para siyang nabingi sa narinig at tinarakan ng sampung bolo sa dibdib. Hindi kaagad siya nakasagot pero ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata.
“Gabriella, sorry... Hindi ko gustong manggulo—”
“Hindi ka nanggugulo. Kayo naman talaga, ‘di ba?" she then laughed, oh, it doesn't work. "Ah... ahm... congrats! 'Wag na ulit kayo maghihiwalay, ha?” pinilit niyang ngumiti at tatagan ang boses.
“Gabriella, pero kayo ni Lucas—”
“Don't worry, hindi naging kami. Totoo. Sige, mauna na ako.” Mabilis na kinuha niya ang gamit at nagmamadaling naglakad. Hindi pa man siya nakararating sa may pintuan ay napigilan na siya nito sa braso.
Lalong naghihirap ang kalooban niya habang pinipigilang umiyak. Hinarap niya ito. “Aalagaan mo siya, ha? 'Yon lang ang pakiusap ko sa 'yo,” Mabilis na nilisan niya ang silid at iniwan na ito.
Tinawag pa siya ni Mervie ngunit hindi na niya ito pinansin. Nang makauwi sa bahay ay doon niya inilabas lahat ng sakit. Naghalu-halo ang lahat ng nararamdaman niya at para iyong bulkan na sumabog. Nayakap niya ang sariling mga tuhod habang hilam sa sariling mga luha. Nilapitan siya ni Tobi, kinuha niya ito at niyakap.
“Ikaw, 'wag mo rin akong iiwan, ha? Ikaw na lang ang meron ako.” Muli siyang napahagulhol. Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak sa likod ng pintuan ng kuwarto.
Kahit na mabigat ang kalooban ay pinilit niya pa ring pumasok sa trabaho. Para siyang lugaw na walang timpla, napakapatay ng lasa. Tinatanong siya ng mga kasamahan niya kung okay lang ba siya, puwede naman daw siyang magpahinga na lang muna sa bahay pero ayaw niya. Gusto niyang malibang.
Lumipas ang mga oras nang hindi niya namalayan. Kung hindi pa sinabi ni Shin na tapos na ang duty niya ay hindi niya pa malalaman. Lumabas na siya at nagsimulang maglakad.
“Gabriella,”
Napaatras siya nang makita si Lucas na nag-aabang sa kanya sa tapat ng sasakyan nito.
Nagsimulang mamuo ang luha niya kaya kaagad niyang pinunasan iyon. Tumalikod siya para bumalik sa shop nang nahabol siya nito at pinigilan.
“Gabrie—”
“Ah, pasensya ka na Lucas, ah? May nakalimutan pa pala ako sa shop—”
“Gabriella, I wanna talk to you. May sasabihin ako sa 'yo.”
“Alam ko na, Lucas...” nanatili siyang hindi rito humaharap.
Napahinto ito.
“S-sinabi na sa akin… ni Mandy.”
Matagal na hindi ito nakasagot kapagkuwan ay naramdaman niya na lamang ang masuyong paghawak nito sa kamay niya. Lalong nanikip ang dibdib niya nang maramdaman ang init na dulot niyon. Lumakad ito sa harapan niya at tinitigan siya.
“I... I'm sorry...”
Nanubig ang mata niya at nag-angat ng tingin dito. Umiling siya. “It's okay,” she mouthed.
“Gab...”
"Okay lang 'yon, totoo... ah, ano, mauna na ako, ah?" Tumalikod na siya ngunit pinigilan siya nito sa paghakbang.
Lalong bumigat ang nararamdaman niya. Sa tindi niyon ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Kahit sa huling sandali, gusto niya itong makita nang malapitan. Ang matitigan ito kahit na magmukha na siyang kaawa-awa sa harap nito na hilam na sa luha. Kahit iyon na lang... kahit ngayon na lang...
Pumihit siya paharap dito. Tahimik na pinagmasdan niya ang mukha nito nang mabuti. Ito na ang huling beses na masisilayan niya nang malapitan ang mukha ng lalaking minahal niya sa maikling panahon. Ang lalaking umagapay sa kaniya sa mga sandaling kailangan niya ng tulong.
Hinawakan niya ang pisngi nito at may pag-iingat na hinaplos iyon. “Naging masaya ako, Lucas. Kahit sa maikling panahon lang, naranasan ko uling sumaya. Sapat na ‘yon, huwag mo akong alalahanin. Saka... hindi naman naging tayo, ‘di ba? Wala kang kasalanan. Nalito ka lang. Pero sana hindi na maulit, kasi kung gaano kita kamahal ganoon din kasakit, doble pa nga.”
Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa luhang tuloy na nagbabagsakan. Kahit gustuhin niyang yakapin ito ay pinigilan niya ang sarili. Naroon sa mga mata nito ang paghihirap habang nakatingin sa kanya. Marahil ay nakokonsensya ito. Tama.
“Aalagaan mo ang sarili mo, aalagaan mo siya at aalagaan n’yo ang relasyon n'yo, ha? Masaya ako para sa ‘yo, m-mahal ko...”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakbo na siya palayo kahit nanlalabo ang paningin niya. Sobrang sakit para sa kanya na palayain ito, pero kailangan niyang gawin kasi nagmamahal siya at uunahin niya ang kung anong makakapagpasaya rito…kahit pa ikadurog niya na ng husto.
Tuloy lang siya sa pagtakbo at hindi alintana kung nasaan na siya. Yakap ang sarili habang umaagos ang mga luha. May ilang mga sasakyan na lang ang dumaraan nang oras na iyon at medyo tahimik ang paligid dahil ang mga tao ay naroon sa plaza.
Doon nakasalubong niya ang dalawang kinatatakutan niyang lalaki; sina Pula at Lupa. Unti-unting napatigil siya sa pagtakbo, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa ramdam niyang pagod.
"Naabutan ka rin namin," si Lupa. Unti-unting lumalapit sa kanya ang dalawa.
"Oh, why are you crying?" sambit naman ni Pula.
Akmang lalapit pa ito sa kanya nang tiningnan niya ito nang masama. "Huwag ngayon," maawtoridad niyang wika na ikinalaki ng mata nito.
Lumapit din si Lupa. "Pero—"
"Ano bang problema n'yo!? Ha! Ano bang kailangan n'yo sa akin!? Pati ba naman kayo makikidagdag sa problema ko!? Lahat na lang kayo! Ano na lang gusto ninyong mangyari sa akin!?" Tuluyan na siyang sumabog. Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kalsada. Nanginginig at pipi ang paghikbi. "B-bakit naman kayo ganyan sa akin..." Yakap ang mga tuhod habang nakasubsob ang mukha sa mga tuhod habang umiiyak.
Inaasahan na niyang magagalit ang mga ito at gaganti sa paninigaw niya subalit lumipas ang ilang segundo at walang nangyari. Naramdaman niya na lamang na may umupo sa magkabilang gilid niya. Napabuntong-hininga ang nasa kanang-gilid niya. Ang nasa kaliwa ay tahimik. Hindi nga niya alam kung sino sa dalawa ang nasa kanan at kaliwang gilid niya.
"Hindi ka naman namin sasaktan..." malumanay na sambit ni Lupa; ito pala ang nasa kanan niya.
"Yeah. Iiyak mo lang. Wala namang ibang makakakita sa iyo here. Kung meron man at pag-isipan kang baliw, we're just here to give them some pamamatok," si Pula na nasa kaliwa niya.
Nagulat siya sa tinuran ng dalawa. Mula sa paghikbi ay napatigil siya. Hindi ba siya nagkamali ng dinig? Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Tiningnan niya ang dalawa sa gilid niya. Diretso lang ang tingin ng mga ito sa harapan nila.
"Nagulat ka ba?" Lupa laughed a little. "Wala naman talaga kasi kaming intensyon na saktan ka o gawan ng masama anuman 'yang iniisip mo," anito at tiningnan siya. Nagulat pa siya rito.
"Right," pagsang-ayon ni Pula.
Tumingin na lamang siya sa mga sapatos niya. Naa-awkward-an pa rin siya at hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang ginagawa ng dalawa. Hindi kaya ginu-good time lang siya ng mga ito?
"Halos lahat yata ng tao sa lugar na ito takot sa amin. Masiyado kasi kaming guwapo kaya feeling nila hindi nila kayang talunin ang karisma namin. Hays. Kung alam lang nila na nakakapagod din 'yong ganitong buhay..."
Hindi naman siya makapaniwala sa narinig kay Lupa. Mahangin pala ang isang ito. Well, base sa description niya sa dalawa ay mukha itong naka-high. Hindi dahil sa mukha silang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kundi sa mga trip ng mga ito na hindi para sa isang normal na tao. Idagdag pang nanghahabol talaga ang mga ito at may kulay pa ang mga buhok. Kung tutuusin ay walang itatapon sa mukha ng dalawang ito, iyon nga lang, mga loko.
"People always judge us just so quick. Sabi mukha raw kaming user and p****r. Some say because of our haircolors and we used to gala every night. 'Di ba, ang babaw?"
Hindi niya ipinahalatang tinamaan siya sa sinabi ni Pula. Ni hindi siya makatingin dito kaya nanatili siyang nakatingin sa mga sapatos at nakikinig. Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
"Kaya alam mo kung ano'ng ginawa namin? Sinakyan na lang namin 'yong sinasabi nila," pagpapatuloy ni Pula.
Napalunok siya at agad na napatingin dito. "N-nag-take kayo?" she was pointing out illegal drugs.
Tumawa si Lupa sa kanan niya.
"What? Hindi, 'no! Edi, ipinatapon ako ng daddy sa Russia. No, no," wika pa nitong kinikilabutan.
Lihim na napatawa siya sa isip niya. Nakakatuwa pala ang personality nito. Likas na pala talaga rito ang pagiging conyo at nakakasalamuha pala ng ibang lahi sa mundo.
"Eh, ano pala?"
"Sinakyan lang namin, hindi namin pinanindigan 'yong mga accusations. Nanti-trip kami. Boring din kasi, kaya favor sa amin 'to," paglilinaw ni Pula.
Napahinga siya nang malalim. "So, ginu-good time n'yo lang pala ako all this time?"
Nagtawanan ang dalawa. Napailing siya. Naging "kilabot sa gabi " pa naman niya ang dalawa, feeling nga niya nagkaroon na siya ng trauma, iyon pala pinaglalaruan lang siya. Pero sa kabilang banda ay nanlambot ang puso niya. Hindi naman pala masamang tao ang dalawa. Naiinis din siya sa sarili niya at ganoon na lang din niyang nahusgahan ang dalawa without knowing their stories.
"Pasensya ka na kung natakot ka namin," hinging-paumanhin ni Lupa nang makabawi sa pagtawa.
"Sorry, binibining champion ng track and field," sabi rin ni Pula na ikinakunot ng noo niya. Bago pa siya makapagtanong kung bakit nito nasabi iyon ay sinagot na nito. "Ang bilis mong tumakbo kasi. Walang 'takbuhan-scenarios' ang natalo ka, parati mo kaming natatakasan," anito at muling natawa.
"Akala mo kangaroo," dagdag pa ni Lupa na mas malakas ang pagtawa.
Doon ay natawa siya. Tawang walang bahid ng sakit at lungkot. Na-realized niyang gumaan ang pakiramdam niya.
Nang matigil ang tawanan ay humarap siya sa mga ito. "Pula, Lupa," tawag niya. "Sorry rin. Nahusgahan ko kayo kaagad. Kung naging maayos sana ang pagkaka-encounter natin edi sana hindi ko kayo idedeklarang "Kilabot sa Dilim". Sorry," aniya at nangiti. Pagharap niya sa mga ito ay napawi ang mga ngiti niya.
Kunot ang noo ni Lupa at nakanganga si Pula.
"B-bakit?"
"Puwede mo bang... ulitin 'yong... t-tawag mo sa amin?" si Pula.
Doon niya na-realized ang lahat. Sa kagagahan ay nangiti na lamang siya na hindi mawari kung ngiting-naiihi ba iyon o natatae.
"Ah, 'yon ba? Ano kasi... ah... kasi naman 'yong buhok n'yo! Hindi ko naman alam 'yong pangalan ninyo. Kaya tinawag ko na lang kayo base sa kulay ng buhok n'yo para palatandaan. Ikaw, Lupa, kasi brown-haired, and then ikaw naman si Pula kasi red-haired. Maganda naman, 'di ba?"
"Parang gusto ko na lang uli manghabol, ah," sabi ni Lupa.
"Ako rin," si Pula.
"O-oy! Hindi na, 'no! Hindi na ako takot sa inyo!"
Muli ay nagtawanan ang dalawa. Nagpakilala na rin ng pormal. Napag-alaman niyang Menezli pala ang pangalan ni Pula at Raydon naman si Lupa. Sa wakas ay matatawag na niya ang mga ito sa mga sariling pangalan. At mabubura na ang nakatatak sa isip niyang mga negatibo ukol sa dalawa. Naikuwento pa ng dalawa na kaya raw siya pinagtitripan parati ay dahil natutuwa ang mga ito sa reaksyon niya.
Nagtagal pa silang tatlo roon at nagkuwentuhan. Mainam nang maibsan ang bigat na nadarama niya. Salamat sa dalawa at nakatulong pa sa kanya. Tinanong din siya ng mga ito kung bakit siya umiiyak nang masalubong siya ng dalawa. At para gumaan ang loob ay nagkuwento siya. Hindi naman nanghusga sina Raydon at Menezli at wala ring nasabing negatibong komento kay Lucas, tila nakakaunawa naman ang dalawa. Natutuwa siyang nagkaroon na naman siya ng panibagong mga kaibigan.
A/n: Don't judge the book by its cover! Marapat na kilalanin muna natin ang isang tao o bagay bago tayo manghusga, kasi hindi natin alam kung gaano ba makakaapekto 'yong salitang bibitawan natin sa kanila. Have a nice day!