“Masaya ako... Sobrang saya ko dahil sa kauna-unahang beses, sa wakas, napansin din ako ng mga tao. Imagine for six long years here in academy, I have lived like an air. Literally." Bahagya siya natawa at tumingala nang bahagya para pigilin ang luha. Tiningnan niya ang mga kasamahan. Napangiti siya sa isiping nagkakagulo ang mga ito dahil sa kanya, dahil sa pagpapahalaga sa kanya.
"Sa katunayan, ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, "Airbender". Astig, 'no? Masakit. Mahirap kasi walang may pakialam sa ‘yo. Kapag may groupings, hindi ako belong. Hindi kasi ako kasama sa lists, maski teacher nakakalimutan ako. Binalak ko nga rin magpakalbo para mapansin ako, eh, 'di ba ang gaga ko?" Natawa siya.
"Kaya nga laking pasasalamat ko n-nang tinanggap n’yo ako...”
Muling nag-init ang mga mata niya at naramdaman ang pamumuo ng luha kaya maagap na kumurap siya para pigilan iyon.
“Pinaramdam n’yo sa akin 'yong matagal ko nang hinihiling. Siguro, para sa iba ang babaw ko. Mmm. Salamat sa tiwala... but I guess, hindi ko mapaninindigan. Ayokong nag-aaway-away kayo nang dahil sa akin kasi nasasaktan ako. We are family here. Not just a simple fam but a wonderful one. Kaya dapat hindi nagtatalu-talo. Hindi naman ako mawawala, 'di ba? Bakit palalayasin n'yo na ba ako nang tuluyan?" she then laughed a little, trying to get back the good atmosphere.
“But, Gab,” anang sambit ni Mervie na nanggigilid ang luha. Nginitian niya ito. “Nandito pa rin naman ako. Hayaan n'yo na. It's okay."
Ngunit wala pa rin imik ang lahat at nanatiling nakatingin sa kanya. Lalo siyang naghihirap sa nakikita niya. She badly wanted to cry but she could not. She had to be brave to show them not to worry.
“Huy! Bakit kayo ganyan? Dapat masaya tayo kasi huling pagpapagod na natin ngayon, for sure worth it ‘yon bukas!" nakangiti niyang paalala.
“Gabriella!”
Napalingon siya sa nagtawag. Si Mandy na ngayon ay nakatayo sa likod.
“I'm so sorry, sinabi kasi ni Lucas ‘yon. Akala ko wala pang gaganap ng Galelina. Pero puwede ka namang hindi—”
“It’s okay, Mandy. It's yours.”
Nang tingnan niya ang direksyon ni Lucas ay nasalubong niya ang paborito niyang tinititigang mga mata. But she immediately looked away. Ang titigan ito ay napakasakit para sa kanya, hindi niya maatim na ito mismo ang nagpaalis sa kaniya sa puwesto, sobra ang sakit na nararamdaman niya lalo pa nang wala itong ginawa. She's definitely a stupid for still wanting him. She's hurt, but she couldn't even get mad.
Nang maramdaman ang luhang babagsak na ay nagpaalam na siya sa mga ito at dumiretso sa classroom niya. Doon ay naabutan niya sina Vanessa, Mari Lu at Phoebe.
“What happened?” bungad kaagad ni Vanessa nang makita siya.
Nagdiri-diretso siya sa kaibigan at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Tinatanong siya ng mga ito ngunit hindi siya makapagsalita at pagod na pagod na sa pag-iyak.
“Gusto ko lang namang sumaya, gusto ko lang naman maranasan ‘yong nararasan n’yo. Mali ba ‘yon? Sobra-sobra ba 'yon?” hirap na hirap niyang sambit na pati ang paghinga ay kinakapos na.
“Gabgab... naiiyak ako sa iyo, eh. Ano ba nangyari kasi?”
Umiling siya. Gusto niya lamang magpahinga muna kahit saglit. Sobrang nalulungkot siya sa mga nangyayari. Hindi na niya mahabol ang paghinga niya pero hindi niya alintana iyon.
Mahabang oras din siyang yakap ng kaibigan bago niya maisipang magpahangin. Naglakad-lakad siya para kahit papaano ay maaliw. Naupo siya sa isang bench sa soccer field at pinagmasdan ang malawak na espasyong napupuno ng bermuda. Gusto niyang pasayahin ang sarili. Hindi niya magawang magalit kasi alam niyang walang maidudulot sa kanya ‘yon at isa pa, may kinaiingat-ingatan siyang bilin galing sa namayapang ina.
“Meh! Kinuha ni Elize ‘yong baon ko!” sumbong niya sa ina habang hawak-hawak ang cute na tumbler.
“Hayaan mo na, anak. Igagawa na lang uli kita ng sandwich mo.”
“Pero, 'Meh, baon ko 'yon! Hindi niya dapat kinuha! Nagpatulong pa siya kay Kuya Dave! Masamang manguha, di ba po?”
Ngumiti ito at dinala siya sa upuan. “Tama. Pero, mas masamang magdamot.” Tinanggal ng mommy niya ang sapatos niya. “Tatandaan mo 'yan. Dapat maging mapagbigay ka kasi matutuwa si Lord sa iyo. At 'wag na 'wag kang magtatanim ng galit sa kapwa mo. Bad ‘yon. Ang Diyos nga marunong magpatawad, tayo pa kayang mga nilalang Niya lang?”
“Kahit sobrang sama ng tao, 'Meh? Kahit nampapatay?”
"Yes,"
"Kahit nambabaril? Kahit nangunguha ng tinapay?"
Tumawa ang mommy niya. “Tatandaan mo ito, Gabgab,” Pinisil nito ang ilong niya. “Repeat after me, okay? Always choose to be kind.”
“Olweys be chus—Huh? 'Meh, ang hirap naman!”
Natawa ito. “Ang sabi ko, always choose to be kind. Hindi bichus-bichus!”
Napangiti siya sa mga alaalang iyon.
“'Ma, sinusubukan ko po.” Pinunasan niya ang luhang naglandas na naman sa pisngi niya.
Naisipan na niyang bumalik, mahaba na ang naigugol niya. Baka hinahanap na siya at isa pa ay kailangan na niyang mag-practice para sa bagong role. Hindi na dapat siya nag-iipokrita.
Pagkarating sa silid ay naabutan niya si Mandy at Lucas na nagpa-practice. Napahinto ang mga ito at napatingin sa kanya. Tatawagin sana siya ni Lucas nang unahan ito ni Denver.
“Gabriella! Come over here! Mag-practice ka na.”
Agad na nagpunta siya sa kinaroroonan nito kasama sina Myla na sinalubong siya ng yakap. Pinagagaan ng mga ito ang loob niya at naa-appreciate niya iyon. Kung anu-anong pakuwela ang ginagawa nina Ken at Denver para hindi siya malungkot at nagtatagumpay naman ang mga ito. Nalilimutan niya panandalian ang sakit. Pakiramdam nga niya ay normal na lamang ang sakit na dinadala niya. Bakit pa siya maninibago, maraming beses na siyang nasaktan ng mga taong mahal niya... sa pang-iiwan.
Namili na rin sila ng isusuot dahil dress rehearsal na nila. Nang makahanap ng kasya sa kanya ay nagsimula na silang mag-ayos ng sarili. Pinipitik ni Myla ang kamay niya sa tuwing pipigilan niya itong maglagay ng kung ano sa mukha niya. Pakiramdam niya ay torture ang makeup portion.
Nang matapos sa paghahanda ay sa wakas, tapos na rin ang kalbaryo niya sa part na iyon. Pinapila na sila sa back stage.
Napatingin siya kay Lucas na kasama si Mandy. Nang maramdamang nag-iinit na naman ang mata niya ay nakipagkuwentuhan na lamang siya sa mga kasama. Ang totoo ay hinihintay niya itong kausapin siya o kahit lapitan man lang, pero wala talaga. Napapabuntong-hiningang ipinilig niya ang ulo. Napakasaya lang nila ng mga nakaraang araw tapos bigla na lang nagbago ang lahat.
“Mamaya, galingan natin. Walang kakabahan. Babatukan ang magtatangka!” banta ni Denver na ikinatawa nila.
Naglabasan na sila at nagpunta sa kani-kaniyang puwesto.
Lights on.
Nagsimula na ang show na pinangunahan ng eksena ng Butlers which is sina Denver. Kinanta ng mga ito ang Build Me Up Buttercup.
Isa itong musical play kasama ang ilan sa mga artists ng Telon--yes, a collaboration of Telon and Harmony.