Chapter 5

1963 Words
DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang bumalik si Mandy ngunit hindi pa niya ito nakikita. Kaaalis lang pala nito nang kinausap sila ni Myla. Bukas na ang kompetisyon at lahat handa na. Napabuntong-hininga siya. Hindi pa niya naitanong kay Lucas ang tungkol sa pagbabalik ni Mandy, mukha namang wala rin itong balak na sabihin sa kanya. Sabagay, umiiwas nga rin pala sa kanya ang binata. Madalang na sila magkasama sa campus at hindi na rin siya nakatatanggap ng mensahe mula rito. Hindi na rin sila nagsasabay pumasok. Ramdam niya ang lahat ng sakit na dulot niyon. Gustung-gusto niyang magtanong dito kung bakit, pero hindi niya magawa... sapagkat ito na mismo ang kusang lumalayo. Ano pang magagawa niya kung ayaw na siya nitong kausapin? Pero tama bang ganoon na lamang? Iiwan siya nito sa ere nang basta-basta? Ayaw niyang paniwalaan ang isinisigaw ng isip niyang hindi naman talaga siya nito pinahalagahan at marahil pampalipas lamang siya nito ng oras dahil sa lungkot ding pinapasan nito nang mga oras na iyon, pero paano kung hindi? May kaunti pa siyang pag-asa. At mamaya ay balak niyang siya na mismo ang magtanong dito para malinaw na rin at masiguro na niya kung tama o mali ba ang hinala niya. Nakaupo siya sa mataas na lamesa ng oras na iyon habang nag-aayos ng scripts. Napalingon siya sa papalapit na si Fiona; paglakad pa lamang nito ay alam nang hindi maganda ang gagawin. Huminto ito sa harapan niya habang nilalaro ng daliri ang curly na blonde hair nito. “Hi, dear! How are you? I mean, how's your dream?” Ngumiti ito nang hindi siya sumagot. "How about your heart? Are you feeling nervous? Scared? Guilty—oh! Yeah. Feeling guilty for stealing someone's position?" Nanikip ang dibdib niya. Sa sobrang daming tumatakbo sa isip niya ay hindi na niya alam kung anong mararamdaman. But she still chose to show her smile and told herself to remain calmed. “Pumunta ka ba rito para sabihin lang ‘yan?” Bumaba siya at inilapag ang mga scripts. “Hmm? Something like that." Nagpakawala ito ng hangin at pinakatitigan siya. "Alam mo, naaawa ako sa 'yo," Hindi siya sumagot at hinayaan lamang ito sa sasabihin. "Why are you still holding on the things that are not meant for you? I mean, yes, bilib ako sa iyo. You are trying hard to make them yours. But let me ask you, are your plans work? Huh? Gabriella?" Naramdaman niya ang pag-init ng gilid ng mga mata niya. Para siyang sinasampal sa katotohanang mga binitawan nito. Pero hindi naman siya nang-agaw, hindi lang niya alam na ganoon pala ang sitwasyon nang makamit niya ang inaasam niyang pagtanggap sa kanya ng mga taong itinuturi na niyang mahalaga sa kanya. Pinigilan niya ang pag-iyak sa harapan nito. "Bakit mo sinasabi 'to?" Ngumisi ito. "Ayoko lang ma-blindside ka. I'm still nice naman. I suggest, do what is right." Tinitigan siya nito bago tumalikod paalis. “Ano ba ang tama para sa 'yo?” Napatigil ito sa paghakbang ngunit hindi siya liningon. "Surrender everything that you have been stealing all this time. To make it not-so-harsh, borrowing." Iyon lamang at tuluyan na itong umalis. Doon nag-unahang bumagsak ang kanina pa'y pinipigil niyang mga luha. Pinunasan niya ang mga iyon gamit ang likod ng mga palad. Mahina ang naging paghikbi niya dahil pinipigil niya pa ring sumabog siya at magpakain sa sariling emosiyon. Siguro nga tama ito. Ibalik niya ang mga naagaw niya nang hindi sinasadya. Pero paano ang kompetisyon bukas? Hindi naman niya puwedeng bitawan ang role niya. Siguro ang posisyon niya na lamang na lead vocalist ng mga babae, na dati pa man ay kay Mandy talaga. At si Lucas... Si Lucas, dapat bang bitawan niya na rin? Lalong sumakit ang dibdib niya. Ngayong bumalik na si Mandy, paano kung magbabalikan pala ang dalawa? Nalungkot lalo ang puso niya. Kahit naman hindi niya i-surrender ito, kung magbabalikan ang dalawa ay wala naman siyang magagawa. Ano bang pinanghahawakan niya? Ang pag-amin nito ng damdamin? Hindi sapat iyon para ipaglaban niya ito kung ito naman na mismo ang umiiwas sa kanya. Pupuntahan niya ito ngayon din. Gusto niyang kausapin ito nang magkaalaman na. Ayaw niyang sa huli ay hindi na siya makalaban pa sa sakit. Itinanong niya ito sa mga kasamahan ngunit hindi raw nila alam. Marahil daw ay nasa paligid lang ito at may ginagawa. Nagpunta siyang garden kung saan madalas sila tumambay nito ngunit parating pa lang siya roon ay nasalubong na niya si Ken. Tila ba nagulat ito nang makita siya. Tinanong niya pa si Ken kung ayos lang ba ito at tumango naman ito. Ngumiti siya rito at nagpatuloy sa paglakad ngunit nakalagpas pa lamang siya sa likod nito nang hinawakan siya nito sa braso. Dahil doon ay liningon niya muli ang binata. Bago pa man siya makapagtanong ay nagsalita na ito. "Ah... saan ka pupunta?" "Hinahanap ko si Lucas," aniya. Nakita niya ang pagdaan ng... anong emosyon ba iyon? Lungkot ba iyon o awa? "Gab..." "Hmm?" "Tara na?" "Ha? Ano kasi, hahanapin ko pa si—" "Gab..." Nakatitig lamang ito sa kanya at sa boses nito, parang may kakaiba. Hindi gaya ng boses nito na parating masigla at minsan lamang magseryoso. "If you can't handle it anymore... remember that you can always have my shoulder..." Magtatanong na sana siya kung ano ang pinupunto nito nang maulinigan niya ang tawanan na nagmumula sa likuran niya. Humarap siya roon na sana ay hindi niya na lang ginawa. Literal na napigil niya ang paghinga at naestatwa sa kinatatayuan. Si Lucas iyon kasama ang babaeng sa tingin niya ay si... Hindi niya na pala kailangang tanungin pa si Lucas. Nakita na niya mismo ang sagot sa mga katanungan niya. Sa kabila ng bigat na nararamdaman ay pinilit niyang pumihit paharap kay Ken. At pagtingin niya rito, nakita niya sa mga mata nito ang tuluyang nagpabagsak ng mga luha niya. Puno ng awa iyon. "S-si... si Mandy 'yon, t-tama?" aniyang basag ang boses. Tipid itong tumango kapagkuwan ay tuluyan na siyang hinila nito paalis sa lugar na iyon. Noon niya lamang naunawaan ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito sa kanya. Nagtungo sila sa isa sa mga benches na naroon sa gym. Alas-nuwebe pa lang ng umaga at doon nila nasumpungan tumambay. Tahimik pa rin siyang umiiyak. Hindi niya alam kung bakit nagtutuloy-tuloy pa rin iyon kahit na kanina pa niya nailabas ang bigat na nadarama. Sa katunayan ay wala na siyang maramdaman. Para siyang namanhid. Hindi nagsasalita si Ken ngunit inaabutan siya nito ng tubig kapag natitigil siya sa sobrang pag-iyak. Marahil ay alam nito na nakakapagod ang pag-iyak. Ilang minuto pa ang tinagal nila roon bago naisipan niyang mag-aya na pabalik sa pag-eensayo. Hindi pa nga sana ito papayag dahil hindi pa raw siya okay ngunit pinilit niya pa rin ito. "Wala akong pagsasabihan," anito pagtayo. "Hmm?" "Alam kong ayaw mo silang pag-alalahanin, pero kung gusto mo ng kausap, I'm always here." "Ken..." Humarap ito. "Thank you," aniya. Kasabay niyon ang muling pamamasa ng mata niya na maagap nitong tinuyo. "Tubig, gusto mo pa?" "Hindi na. Naka-isang galon na yata ako," Natawa ang binata kaya natawa na rin siya. Kahit kailan talaga ay nakakahawa ang pagtawa nito. Aaminin niyang gumaan ang pakiramdam niya. At least, babalik siya roon na hindi overloaded ang puso niya. Nagtuloy siya sa pag-eensayo na para bang walang nangyari. Kailangan niyang pilitin ang sariling maging masaya sa harap ng mga ito dahil ayaw naman niyang siya ang makasira ng magandang atmosphere nila roon. “Know you better I am trying! Not to tell you! But I want to! I'm scared of what you'll say! And so I'm hidin—” napatigil silang tatlo nina Mervie at Myla sa pagkanta nang may pumalakpak. Napatingin sila sa babaeng naglalakad palapit sa kanila. Bigla ay nabuhay ang kabigatang nadarama kanina. It's her... Yet there's this feeling that keeps bothering her. Mandy looks very familiar to her but she has no idea where they met or they haven't yet? Nagkita na nga ba sila noon? Inuusig man ng kyuryusidad ay hindi naging hadlang iyon para mapahanga siya sa taglay nitong kagandahan. As in! Ika nga. “Wala pa ring kupas, Mervie. Napakagaling n'yo pa rin," nakangiting pamumuri nito. “Of course we are, Mandy," anang sagot ni Mervie. “Hi, there! Gabriella, right?” anito na ikinagulat niya. “Kilala mo ako?” “Of course, sinabi sa akin ni Lucas.” Napaiwas siya ng tingin nang mabanggit nito ang pangalan ni Lucas. Normal lang naman siguro iyon dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Mmm." Tipid na tumango siya kapagkuwan ay binigyan ito ng ngiti. “Maiwan ka na namin, Mandy. Let's go.” Pagkatapos sabihin iyon ni Myla ay iniwan na nila ito. Huminto sila sa back stage. “Okay ka lang?” tanong ni Mervie. Tumango siya at pinilit na ngumiti. “Don’t hide it, Gab. Ilabas mo,” ani Myla. Pagkasabi ni Myla niyon ay hindi na niya naitago ang pag-iyak. Sobrang bigat pa rin pala kahit na naglabas na rin siya kanina. Niyakap siya ni Mervie habang hinahagod ng mga ito ang likod niya. Hindi nagsasalita ang dalawa, tanging ang iyak lang niya ang maririnig sa loob. Hindi na niya kayang itago ang bigat na tumatalo sa kanya. Nahanap niya na lamang ang sarili na sinasabi sa mga ito ang pinagdadaanan niya. Hindi naman nagsasalita ang dalawa marahil ay hinahayaan siyang ilabas ang bigat na nadarama. Nauunawaang nakinig lamang ang mga ito habang inaalo siya sa pag-iyak. Mayamaya ay ipinatawag lahat ng member ng grupo. Nagtungo silang lahat sa kuwarto ng Harmony. Kumpleto na marahil sila roon pero hindi niya na hinanap pa ng mga mata si Lucas. "May announcement," bungad ni Gerald na seryoso ang mukha. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito bago nagpatuloy. "May nag-request na palitan ang gaganap na Galelina which is si Gabriella.” Napasinghap ang mga naroon sa silid lalo na sina Mervie. So... she doesn't need to make a move. Heto na pala, kusa nang binabawi sa kanya. Pinakatitigan niya lamang mga ito na nagdidiskusyon. Para siya sabaw sa mga oras na iyon. Hindi na alam kung ano ang dapat maramdaman at gawin. “Seryoso ka? Hindi ba 'yan joke? Na-practice na lahat-lahat, oh! Hinihintay na lang natin ang competition bukas. C'mon!” ani Ken. Tumayo rin si Mervie. “At sino namang nagsabi niyan? Sa tingin n'yo matatapos natin 'to kung magsisimula na naman?” “Kaya nga para naman tayong nagtitinidor ng tubig niyan, eh!” nababanas na sambit din ni Denver. Iilan lang iyan sa mga reklamo na naririnig niya. Tahimik na pinakikiramdaman niya ang paligid at hindi gumagana ang isip niya. Hindi mag-sink in lahat sa isip niya ang nangyayari. “Shut up!!!” sigaw ni Gerald. “Makinig muna kayo! Galing ito sa principal, naiintindihan n'yo ba? Walang may gusto nito sa atin, maging ako tutol! Pero wala tayong magagawa!” Tumahik ang paligid. Mayamaya ay nagtanong si Myla, “At sinong ipapalit?” Ilang segundong hindi nakasagot si Gerald na napabuntong-hininga na lamang kapagkuwan ay tumingin sa kanila. “Si... Mandy.” Napanganga ang lahat. “Ano!? Gano'n-gano'n na lang ‘yon? Pagkatapos niyang umalis babalik siya kung kailan niya gusto!? Aba! Ibang klase!” “Ano bang magagawa mo, Mervie? Naiinggit ka ba?” “Manahimik ka, Fiona!” “How about Gabriella? This would be unfair to her! Alam natin kung gaano siya nag-adjust para lang mapatunayan sa ating kaya niya! Madi-disregard na lang ba 'yon?” Natahimik ang lahat sa sinabi ni Denver. Napapikit siya sa frustration at tumayo nang hindi na niya makaya. Ayaw niyang mag-away-away ang mga ito. “Tama na.” Ngayon, ang atensyon ng mga ito ay nasa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD