Sa huli ay wala rin siyang nagawa nang pagtulungan siya ng mga ito. Isinalaysay niya ang nangyari ngunit hindi lahat. Hindi siya tinigilan ng pang-aasar ng mga ito. Nang makahanap ng tsempo ay tinakasan niya ang mga kaibigan at nagtungo sa room ng Harmony, doon ay hinanap niya si Lucas, ngunit wala ito roon.
Nasaan kaya ito? Kung tawagan niya kaya? Ah, 'di bale, huwag na lang. Baka isipin niyon ay ginaguwardiyahan na niya. Mag-iikot na lamang siya para maaliw. Lumapit siya sa isang booth para bumili ng cotton candy.
"Oops! Ako muna!"
Napalingon siya sa bagong dating. "Ken?"
"Uy, Gab! Ikaw pala 'yan!" Ngumiti ito kapagkuwan ay tumingin sa nagbebenta. "Siya pala muna,"
Pagkakuha sa binili ay naglakad-lakad sila habang nagkukuwentuhan. Natutuwa siya dahil may kadaldalan din ito, medyo mahangin sa ibang bagay, pero madalas ay humble.
"So, namuhay kang hangin sa loob ng anim na taon? Nice! Puwede pala 'yon?"
"Mmm. Kapag pangit ang isang tao, gano'n ang treatment. Hindi ka na nasanay sa sistema ng school na 'to," aniya at sinipa ang maliit na batong nadaan.
Nanlaki ang mata niya nang humarang ito sa harapan niya kaya naman napahinto siya sa paglakad. Tiningala si Ken. May inilabas ito mula sa bag. Nagtaka siya nang makitang magnifying glass iyon.
"Huy, teka, anong gagawin mo?"
Itinutok nito ang hawak na magnifying glass sa mukha niya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya roon nang ilapit nito iyon sa ilong niya, sunod sa mata, at panghuli sa labi.
Napapatango pa ito nang matapos sa ginagawa. "Okay naman."
"Ha?"
"Base sa pag-aaral ko, hindi ka naman pangit. Matangos ang ilong, may naglalambing na mga mata at manipis ang mga labi."
Literal na napatanga siya sa tinuran nito.
"Kulang ka lang sa ayos. Pero cute naman 'yong bangs mo, bagay lang. Hawig mo nga si May Who, kilala mo 'yon?"
Umiling siya.
"'Yong Thai actress!"
"Hindi ako palanood, eh," aniya at nagsimula muling maglakad.
"Hayaan mo na nga. Oh, basta 'wag mo na ida-down sarili mo. Kung ayaw mong pag-aralan ka ulit ng guwapong eksperto."
Natawa siya. "Ha?"
"Handsome Ken,"
"Okay."
"Ang dali mo naman kausap,"
"Hmm?"
"Oo,"
Nagtatawanan lamang sila nang mapansin nilang may kumpulan sa gym. Nagtungo sila roon at nagitla nang makita si Lucas sa gitna, nakaupo sa isang monoblock—at kasalukuyang naglalaro. Tinatanong ito ng kung anu-ano ng emcee. May punishment din kapag hindi sumagot.
"Sino pinakaguwapo sa Harmony?"
Nag-ingayan ang mga tao, pero mas malakas sa bandang kanan kung saan naroon ang mga members ng Harmony.
"Tara ro'n," ani Ken at iginiya siya papunta sa mga kamiyembro. Tumabi sila kina Denver na may mga hawak na naglalakihang torotot. Natawa siya dahil doon. Parang mga batang nag-iingay ang mga ito.
"Sige, Lucas! Pektus ka, isang maling sagot!" sigaw ni Denver. Nagtawanan ang mga tao.
"Huwag kang magkakamali!" dagdag pa ni Gerald.
Tumatawa si Lucas bago sumagot: "Ako. Period."
"Isang kasinungalingan! Minus points ka sa langit!"
"Ang kapal ng apog mo, pare!"
Nagtuloy ang tanungan. "Sino naman ang pinakanagagandahan mo sa Harmony?"
May sumigaw na "Mandy", pero hindi galing sa Harmony. Nasundan iyon, hindi lang dalawa, kundi paulit-ulit. Nabuo ang boses dahil sabay-sabay na ang mga ito.
Mula sa magulong mga kamiyembro ay nanahimik ang mga ito. Ayaw niyang maapektuhan. Bakit? Totoo naman. Anong malay niya kung gaano kaganda si Mandy. Hindi naman niya dapat ikinalulungkot iyon.
"Si Mandy raw," wika ng emcee. "Si Mandy nga ba?" Inilapit nito ang mikropono kay Lucas. "Para sa 'yo lang, Lucas,"
Tumango ito. "Mmm."
Doon naghiyawan ang crowd. Pero nanatili siyang nakatingin sa binata. Para siyang namanhid.
Binulungan siya ni Mervie at sinabing: "Tara, makihiyaw na lang din tayo!"
Sinakyan na lamang nila ang mga nagsisigawang mga tao. Para silang mga timang na nakikisaya at may patalon-talon pa. Nasiyahan naman sila sa ginawa nila na naging tawanan. Ganoon lang, kailangan lamang sabayan para hindi madala ng emosiyon.
"Here, last question at makakalaya ka na." Natawa ang emcee. "Kung babalik si Mandy, may chance bang magkabalikan kayo?"
Doon siya tuluyang natigilan. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o papakinggan ang isasagot nito. Pero gusto niyang marinig mula rito. Para masiguro na rin niya kung nakapag-move on na ito.
Ilang segundong hindi ito umimik. Muli ay tinanong ito ng emcee. "Sasagutin o consequence?"
Sa kabila ng ingay sa paligid ay hindi na niya iyon alintana. Ang gusto niya lamang marinig ay ang sagot nito.
"Hindi ko alam."
Walang-kasiguraduhang sagot, pero may puwersa na nagdudulot ng sakit. Ibig sabihin ba ay confused pa rin ito sa nararamdaman? At posibleng hindi ito sigurado sa kaniya? Pero bakit pa siya nililigawan?
Aalis na sana siya nang magsalita muli ito.
"Hindi ko alam kung bakit ko sasagutin 'to, pero sige para malaman n'yo na. Kami ni Mandy, matagal nang wala. Pero 'yong friendship namin, hindi mawawala. She's my childhood best friend after all."
Nagpalakpakan ang crowd. Samu't-saring opinyon ang naririnig nila. Ang kanina'y lungkot na nadarama niya ay napalitan ng lubos na paghanga para sa binata.
Nang magsasalita pa ang emcee at balak magtanong ay kaagad nang tumakas si Lucas. Tinawag pa ito ng emcee pero hindi nito pinansin. Naiwang nagtatawanan ang mga tao.
"Sabi sa 'yo naka-move on na 'yon, eh," bulong ni Denver na kalalapit lang sa kaniya.
Hindi niya naitago ang ngiti sa mga labi. Tuloy ay gusto niya itong makasama. Hinanap niya si Lucas kung saan-saan at nakarating siya sa garden kung saan ang paborito nilang spot sa campus.
“Looking for me?”
Agad na napangiti siya ng boses na iyon at dali-daling humarap dito. Lumapit ito at niyakap siya nang mahigpit.
“Bakit hindi ka nagpakita sa akin kanina? Kanina pa kita hinahanap.”
Hinaplos nito nang masuyo ang buhok niya. “Nagpapa-miss lang. Tingnan ko kung hahanapin mo ako,”
Sinilip niya ang mukha nito. Nakatingin pala ito sa kaniya. “Ah, Lucas."
"Hmm?"
"After ng competition, may sasabihin ako sa 'yo.”
Bahagyang nangunot ang noo nito. "Ano 'yon?"
"Pagkatapos nga ng competition, 'di ba?"
"Pero matagal pa 'yon,"
"Ito naman, na-move lang ng tatlong araw. Pektusan kita, eh!"
“Kaya mo?”
Hindi siya sumagot sa halip ay handa na siyang pektusan ang binata nang hulihin nito ang mga kamay niya.
“Oy! Oy!”
"Sabi mo,"
"Kasalanan 'yon, bad. Halika na lang dito. Come to daddy,"
Pumalatak ang tawa niya. "Sugar daddy?"
"Something like that," he then winked.
Nakangiting lumapit siya rito at hinayaan ang sariling magpakulong sa mga bisig nito. Hinagkan siya nito sa noo at ang mas nakapagpamangha sa kaniya ay nang magsimula itong kantahan siya.
“Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you
I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go...”
She closed her eyes.
“But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seem so unfair
You can count on me to stay
Just take sometime
To lend an ear
To this ordinary song.”
Nagsimulang sumabay ang kanilang mga katawan na para bang idinuduyan ng musika.
Itinuloy niya ang second verse.
“Just an ordinary song
To a special man like you
From a simple girl
Who's so in love with you
I don't even have the looks
To make you glance my way
The clothes I wear
They just seem so absurd...”
Hinigpitan nito lalo ang pagkakayakap saka sabay nilang sinalubong ang huling koro.
“But deep inside of me is you (only you)
You give life to what I do
All those years may see you through
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear
To this ordinary song.”
Kumawala siya sa yakap at tinitigan ang mga mata nito. Maingat na hinawi niya ang buhok nito na bahagyang nakababa na abot hanggang pilik-mata nito.
“I love the way you make me feel special, Lucas. Please, stay.”