MAY mga bagay na kinatatakutan nating mangyari at hindi natin puwedeng mabago sapagkat nakatadhana. Just like death. Sabi nila kailangan lang tanggapin para maghilom ang sugat. Ngunit paano maghihilom kung nakaukit na ito sa puso? Paano matatanggap kung parati siyang pinapatay ng bangungot na ito? At patuloy na ipinaaalalang ang katotohanan ang siyang nangyayari ngayon. Hindi niya maisip. Ito na ba talaga ‘yon? Hindi ba siya binibiro ng tadhana na kapag umiyak na siya ay sasabihin nitong: “IT’S A PRANK!” Kaso makailang beses na siyang umiyak ay walang makapagsabing biro lang ang lahat. Hinayaan niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Gusto niyang mapagod para mamanhid na lang at walang maramdamang sakit. Kagigising niya pa lang at heto, paulit-ulit na naman siyang pinapatay ng kato

