“Calm down, Gab. Mabait sila, trust me.” “Hindi naman sa sinasabi kong masungit sila. Ang sa akin lang, baka hindi nila ako magustuhan. Lucas, kinakabahan ako—” “Sshh... just trust me.” Nang nasa sasakyan ay kabado pa rin siya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Hindi siya mapakali. Kagat ang labing nakarating sila sa school. Hinawakan nito ang kamay niya at naglakad na patungo sa gym. Nandoon ang mga kaibigan nila. Lumapit siya kina Stephen at binigyan ng magaan na yakap ito at sina Vanessa. “Congrats sa atin!” bati ni Vanessa. "Hala, grabe! Magkokolehiyo na pala tayo! Nakaka-excite! Pagkatapos magkakatrabaho na tayo, 'tapos yayaman na tayo!" "Mayaman ka na, Mari Lu," putol ni Keith sa sinasabi ni Mari Lu. "Sina Mommy 'yon, hindi naman ako! Panira ka, Keith!" Kumapit si

