Nang makarating ay nandoon na rin ang mga ito. Invited din sina Stephen at ang Harmony members. Naroon din ang ibang kaibigan ni Fiona. May mga tent at mayroon ding carpet na nakalatag sa bermuda. Maliwanag din dahil sa ilaw at sa nagkalat na christmas lights sa paligid. “Ay, ang cute naman ng Gabgab na ‘yan! Ipatumba na ‘yan!” sigaw ni Mari Lu nang papalapit na sila. Sinundan iyon ng tawanan. “Hi!” Niyakap niya ang kaibigan at ang iba pa. “Nasaan ‘yong birthday celebrant?” tanong niya. “Ah, nasa loob,” sagot ni Denver. Pinuntahan niya si Fiona at binati ito. Nakilala niya rin ang magulang nito at ang ibang kapatid. Mababait ang mga ito at hospitable. Mayamaya ay pinaupo na sila. “Hello!” bati ni Mandy na paparating kasama ang sa tingin niya ay boyfriend nito. “Guys, this is Ivan, b

