Nang makarating sa bahay ay walang lingon-likod na dumiretso siya sa loob ng bahay. Sinundan siya nito na ikinainis niya. “Naihatid mo na ako. Puwede ka nang umalis.” Marahas siyang napabuntong-hininga at pinilit ang sariling hindi ito sigawan. “Payment?” “Magkano?” bagot niyang tanong. “Priceless, eh.” Umismid ito at walang sabing ikinulong nito ang mukha niya sa palad kapagkuwan ay hinalikan. Nagpumiglas siya. “Buti naabutan ko kayo. Ah, Lucas—” Naitulak niya ito nang makita si Mandy sa pintuan. Napahinto ito at diretsong nakatingin sa kanila. Nanlaki ang mata niya sa gulat at dali-daling nagpaliwanag. “Mandy, it's not what you think. Please le—” pinigilan siya ni Lucas nang lalapitan niya ito. Tiningnan niya si Lucas at nainis nang makitang nakangiti pa ito kay Mandy. “Lu...lu

