KINABUKASAN ay nakasabay ni Gabriella si Mandy sa hallway. Kinumusta siya nito at kinuwentuhan ng kung anu-ano. Naguguluhan siya sa loob niya, kapag nakakausap niya kasi ito ay parang mabait talaga at totoo. Sweet din ito at palatawang babae. Tulad ni Ken ay corny rin pero nakakatawa. Siguro ilan lamang iyon sa mga katangiang nagustuhan ni Lucas dito. “Kumusta kayo ni Lucas?” biglang tanong niya. Natigilan ito at napangiti. “Ayos naman kami.” Tinitigan siya nito nang mabuti. Sa mga tingin nito ay parang may ipinahihiwatig. “Mabuti kung gano'n.” Nagtuloy na sila sa mga classroom. Ilang oras pa bago matapos ang mga klase at nagtungo siya sa canteen. Naabutan niyang may nagkukumpulan doon. Nang tingnan ay nakita niyang si Fiona ang pinagkakaguluhan. Nakaupo ito sa sahig at puro mantsa ang

