ILANG linggo na ang nakalipas mula nang makauwi sila galing resort. Balik sa normal ang lahat, puspusan sa pag-aaral dahil malapit na silang grumaduweyt. Pero hindi gaya ng dati na hindi siya napapansin, ngayon ay mas kilala siya ng mga tao. Hindi na rin nalilimutan ang pangalan niya ng mga guro. Masaya siya dahil dito at sa wakas, sa huling taon niya sa academy ay nagkaroon na siya ng pangalan. Ngunit hindi na niya madalas nakikita sina Lucas, kahit ang pagpunta nito sa coffee shop ay hindi na rin nito nagagawa. Pabor naman siya roon. Hindi niya na dapat hanap-hanapin ang presensya nito at mainam na mag-focus na lamang siya sa pag-aaral at pagtatrabaho. Maaga siyang umuwi para makapagpahinga. Nang mag-alas-singko ay nagtungo na sa trabaho. Nandito na naman si Grace at nagkuwentuhan lang

