Chapter 7.2

1564 Words
“Naririnig mo ba ‘yong sinasabi mo? Ha! Lucas? Anong gusto mong isipin ng iba? Na nakikipapel pa ako sa ‘yo? Nanggugulo pa ako sa inyo ni Mandy? Lucas, naman! Ginagamot ko ‘yong sarili ko...” Bumalatay ang sakit sa mga mata nito nang makitang umiiyak na siya. Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. Mga yakap na hinahanap-hanap niya noong mga nagdaang araw. Kumakawala siya ngunit malakas ito at hindi niya kaya. Unti-unting naramdaman niya ang panghihina ng mga tuhod at dahan-dahan siyang napasalampak sa sahig habang yakap nito. Para bang bumalik ‘yong sakit noong gabing kinausap siya nito at mas dumoble pa iyon ngayon. Bakit kasi ang hirap makalimot? Bakit kasi hindi na lang puwedeng i-reset ang nararamdaman kapag sobrang hirap na. “Umalis ka na... umalis ka na, please...” nanghihina niyang pakiusap. Kalahating oras siya nitong yakap hanggang sa tumahan siya. Kumalas siya sa pagkakayap nito at pumuntang kama. Sinundan siya nito ng tingin. “Hinahanap ka na ni Mandy,” aniya at nagtalukbong. Hindi ito gumalaw at nanatiling nakatingin sa kaniya. Mayamaya pa ay lumakad ito palapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo na natatakpan ng kumot. Narinig niya ang pagbukas at sara ng pinto. Muling nagkaroon ng balong ang mga mata niya at doon siya napahagulhol. Nang kinahapunan ay saka lamang siya lumabas. Nagtatampo nga ang mga kaibigan dahil hindi siya nakasama sa mga pinuntahan nito. Nag-sorry naman siya sa mga ito. Kahit gustuhin niyang mag-enjoy, hindi naman niya magawa. Bakit naman kasi nagiging kill-joy kapag broken-hearted? Napatitig siya sa kalangitan. Malapit na lumubog ang araw. Napakaganda ng karagatan, banayag ang alon nito. Maraming tao ang nakaupo malapit sa dalampasigan, siguro ay inaabangan din ang sunset. Ang iba naman ay palakad-lakad. Nang biglang naalala niya si Tobi. Ang baby niya pa ang nakalimutan niya. Kasing Lucas ‘yan, eh! Nagpunta siya kina Denver na ngayon ay nag-iihaw at nagluluto ng iba’t ibang putahe. “Ice tea, Gab?” alok nito. Tinanggap niya ito at nagpasalamat. “Si Tobi?” aniya habang sumisimsim. “Ah, nakay Lucas—” “Ha!?” aniya na ikinagulat din nito. Tila naman nagulat ito sa reaksyon niya. Nang makabawi ay pilyong ngumiti. “Chill, bud. Kanina pa nasa kanya ‘yon noong tulog ka. Sa kanya lang kasi sumasama, siguro kasi napadalas si Lucas sa bahay mo no’n tapos akala niya ito ang daddy niy—aray!!!” kinurot niya ito. Tumawa ito. "Huwag kang mag-alala, kumain si Tobi. Nagkape pa nga kanina, eh. Astig din ni Tobi, eh, 'no?" Napangiti siya. "Paano mo nalaman na nagkakape 'yon?" "Ah, 'yon ba? Actually, si Lucas ang nagsabi na nagkakape 'yon kaya binigyan namin kanina. Kilalang-kilala talaga ni Lucas, halatang nasana—oh! No! Don't do that, please!" Pigil nito sa kamay niyang mangungurot na naman. "Baka magtago 'yong mga makikisig kong abs!" Nasamid siya sa iniinom. "Nasaan? Abs ba kamo? Baka nagtago nga. Wala naman akong makita, eh. Lakas ng loob mag-topless," "FYI, Ms. Sullivan, I'm just keeping them by covering with my flawless skin. You know, who knows somebody wants to steal it?" Pumalatak ang tawa niya. Napabusangot naman ito at napailing. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago siya inabutan ng barbeque. "Here, kumain ka na lang. Baka isipin nasiraan ka na sa gutom." Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Matapos manginain ay nagpaalam na siya rito at hinanap na si Lucas. Hindi man niya gusto ngunit nami-miss na niya si Tobi. Tiningnan niya ito sa loob ng bahay na inoukupa nila ngayon ngunit wala ito roon. “Mervie, nakita mo ba si Lucas?” tanong niya nang madaanan ang mga ito na nanginginain. “Nakikita mo ‘yong mga puno ng niyog na ‘yan na may mga sabit-sabit na christmas light? Nandoon siya. Bakit? Ayie!” Sinundot siya nito sa tagiliran. Kaagad niyang sinuway iyon. “Baliw. Salamat.” “Hoy! Hindi mo kami isasama?” pahabol pa nito nang lumakad na siya. “Hindi, kumain ka na lang diyan!” sigaw niya pabalik. Habang papalapit ay panay ang pagbuntong-hininga niya. Narinig niya ang aso niya na tumahol. Napahinto siya nang makita niyang magkasama ito at si Mandy. Nang aatras na siya ay napalingon ang mga ito sa kanya. “Oh, Gab, kumusta? Bakit?” bungad ni Mandy. Hindi kaagad siya nakapagsalita nang tila ba nai-glue ang dila niya. Idagdag pa na nakatingin sa kanya si Lucas. Gusto na niyang umalis at baka maiyak na naman siya. “Halika rito, nood tayong sunset,” pagyaya pa ni Mandy. Umiling siya. “Ahm... kukunin ko lang sana si Tobi.” Tiningnan niya ang alaga na nakababa na ang tainga. “Ay, sayang naman,” nanghihinayang na sambit ni Mandy. Lumapit si Lucas sa kanya at maingat na ibinigay si Tobi. Hindi lingid sa kaalaman niya na nakatingin sa kanya ito. Nagpaalam na siya at umalis. Naalala niya noong hapon na umamin sa kanya si Lucas, nanood din sila ng sunset. Pumunta rin sila ni Tobi sa tabing-dagat at doon pinanood ang sunset. Buhat niya ito at nakatingin din sa papalubog na araw. Lumapit sina Mandy—isang dipa ang layo sa kanya. Tahimik lang ang mga ito. “Hi!” tumabi si Ken sa kanya. Kasama nito sina Mervie na naka-two piece. “Gabgab! Tara laro tayo ng tubig!” ani Mervie na ikinatawa niya. Umiling siya sa mga ito. Inilabas ni Ken ang phone at kinuhanan ng litrato sina Mervie. Natawa si Mandy sa ginawa nito. “Magagalit ‘yan, sige ka,” si Mandy. Tumawa si Ken. “Pero ito, hindi.” Sabay kuha nito ng litrato sa kanilang dalawa. “Speechless ka pa sa kaguwapuhan ko,” anito sa kanya. Nang tingnan niya ang picture ay nakangiti ito habang siya ay nakatingin sa binata. “Iyong tipong okay ka na, makita lang siyang nakangiti ang peg,” dagdag pa ni Ken saka tumawa nang tumawa. Natawa rin si Mandy sa gilid niya. "Corny mo, Ken. Hindi ka pa rin nagbago," "Wow! Mandy? Coming from you?" "Hoy!" Tumawa ito. "Nagbago na ako, mas malala na 'yang kakornihan mo sa akin! Nilaklak mo na nga yata ang maisan dito sa buong Pilipinas! Para kang barbeque! Ang daming hugot sa buhay!" "Oh, ano namang connect ng barbeque ro'n?" "Wala. Masarap lang 'yon. Bakit ba?" Sa puntong iyon ay doon siya napatawa. Hindi niya alam na may ganoon palang personality si Mandy. "Oh? See? Tumawa si Gab! I got one point, buddy!" nagmamalaking sabi ni Mandy. Nagulat siya nang hawakan ni Ken ang magkabilang pisngi niya. "Huwag kang tatawa, Gab. Ako ang kakampi mo rito." Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito na lalong nagpatawa sa kanya. Ikaw ba naman literal na pahintuing tumawa tapos seryoso pa ito. "Hindi ko sinasadya, sorry," aniyang nagpipigil ng tawa. Biglang tumahol si Tobi. “Oh, saan ka pupunta? Babalik ka na ro’n?” tanong ni Mandy kay Lucas. Napalingon siya sa mga ito. Ganoon din si Ken na napabitaw sa pisngi niya. “Bro, dito ka muna,” sambit ni Ken habang ibinabalik ang phone sa bulsa. “Hindi na pre,” anito at tinanguan si Ken bago umalis. “Maggagabi na, tara na rin bumalik," anito sa kanya. "Mandy,” pagyaya rin nito kay Mandy. Nang makabalik ay nag-bonding sila ng mga kaibigan. Naglibut-libot sila kung saan-saan. Buhay na buhay ang mga tao dahil mayroong kantahan. Mayroong live band, sa paligid naman ay nagkalat ang mga nagbebenta ng kung anu-anong pagkain at souvenir, maliwanag din dahil sa mga nagkalat na ilaw sa paligid. Huminto sila kung saan naroon ang banda. Kasalukuyang pang-party ang kinakanta kaya nagsasayawan din ang mga taong naroon at nagsasaya na parang nasa isang bar. Mayamaya, nang matapos ang masayang kantahan ay naghanap naman ng kakanta sa stage. Lumapit siya sa nagtitinda ng ihaw-ihaw at doon nanginain kasama sina Mervie, Myla at Michaela—na isa ring kamiyembro nila, ngunit bibihira lang niyang makausap dahil sa isang oras siguro ay kasingdami lang ng mga daliri sa magkabilang kamay ito kung magsalita. Pero kapag narinig naman ang boses nito sa pagkanta, hihilingin ng kung sinuman na huwag na itong tumigil dahil sa napakaganda nitong boses. Ang lamig-lamig. “Ayun! The girl in the red dress!” Tiningnan ng mga tao ang tinutukoy nito. Habang busy siya kakakain ay kinalabit siya ng katabing babae. “Miss, ikaw raw,” “Ang alin po?” “Gabriella! Ikaw raw ang kakanta! Dali na!” Tinulak siya nina Myla. “Ha? A-ako? Ayoko! Kumakain pa ako! Saka nahihiya ako, 'no!” “Sige na, hija," singit ng matandang babae na nagtitinda ng ihaw-ihaw. Napatingin sila rito. "Natutuwa ako na bumibili ka sa akin, pero mas matutuwa ako kung kakanta ka para sa amin,” nakangiti nitong wika. Dahil doon ay napangiti siya. Naalala niya bigla ang lola niya na mahilig din siyang pakantahin lalo na kapag namamahinga sila sa terrace ng tanghali para doon matulog. "Sige po, Lola." Naglakad na siya paakyat ng stage. Nagpalakpakan ang mga tao. “What's your name, beautiful?” tanong ng bokalista ng banda. “Gabriella,” “Wooohh!!! Bespren namin ‘yan!!! Go, Gabgab!!!” sigaw nila Myla na nagpangiti sa kanya. Sinabi niya ang kakantahin at napahinto nang matanaw si Lucas na naroon din kasama si Mandy, Denver, Ken at Gerald. Ang ilang member din ng Harmony ay nagkalat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD