“Let's go fishing,”anito kinaumagahan. Ito ang pang-apat na araw nila sa isla. Wala siyang dala na damit. Pero may nakahanda nang mga damit na para sa kaniya. Hindi maiikli gaya ng inaasahan niya pero kadalasan ay mga summer dresses, casuals, nagsusumigaw sa pagka-feminine. Nasasagwaan siyang suotin. Naghanap siya sa wardrobe wala ring iba na mas matino para sa taste niya. Hanggang sa napansin niya ang itim na shirt ni Treous doon. May pajama kaya lang mahaba ang manggas. Wala siyang ibang choice kundi ang boxers nito na itim. Walang pakundangan niya iyong sinuot at bumaba. Naabutan niya si Treous sa daungan ng isla. Nasa speed boat na at inaayos ang tali ng sasakyan. Topless at pawis na pawis. Bahagyang nakadausdos ang board shorts kaya't sumisilip ang puson at ang sexy nitong v-line

