bc

The Last Wish

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
tragedy
twisted
friendship
illness
lies
secrets
lonely
brothers
like
intro-logo
Blurb

Due to her failed relationship with Seven Cabello, Mariannie Snell was currently miserable. Three years and two months, that's how long their relationship lasted. In those times, she felt this was the man for her. He treated her like a princess and she felt that Seven really loves her. Not until she found out that Seven had a new girlfriend without even breaking up with her. Paano niya malalagpasan ang sakit na dulot nito sa kanya? Paano niya mahahanap ang closure na kailangan niya kung ayaw makipag-usap sa kanya ni Seven? And what if biglang sumingit sa moving on process niya ang kuya nitong si Calvin Montecarlo? Will Annie get what's she deserved in the end? Or she would only hurt herself more?

chap-preview
Free preview
1) BABS
(May 17, 2017) Annie's POV "Happy anniversary, babs!" masiglang sabi ko pagkabukas ni Seven ng pinto ng kaniyang kuwarto. Agad napakunot ang noo ko nang makita ang malamyang mukha nito na bumungad sa akin. "What happened? May sakit ka pa rin ba?" "Don't worry. I'm okay," nakangiting sagot nito. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at inilapag ang box na bitbit ko sa lamesa. Isinara naman ni Seven ang pinto bago lumapit sa'kin. "Babs, pasensiya na kung hindi ako nakaka-response sayo, ha?" sabi pa ni Seven gamit ang mahinang boses at bahagyang pumwesto sa likod ko para yakapin ako. "Okay lang, ano ka ba?" Natawa ako at umikot para harapin siya. Kinapa-kapa ko ang leeg at noo niya bago muling magsalita. "Sure ka hindi na masama pakiramdam mo?" "Opo." Tumango ito at mas niyakap ako. "Don't make me worry, please? Next time tell me if you need something. Anything, okay?" "Yes po," sagot ni Seven. Hinalikan nito ang noo ko habang may ngiti sa labi at nakayakap pa rin sa akin. "I love you. Happy anniversary." "I love you too. Hala! 5 pm na pala. Wait, I have something for you!" Nakangiti kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa'kin at kinuha sa lamesa ang isang purple box na naglalaman ng home-baked cookies. "This is your favorite! Ako nag-bake niyan." "Wow!" Excited na sinilip ni Seven ang hawak kong box kaya mas ibinida ko pa ito. "And because it's our anniversary, I made it with a twist!" Kinuha ni Seven ang kahon ng cookies mula sa kamay ko at ngumisi. "And what twist is that, ha?" "Taste it!" Napatango-tango si Seven at agad na kumuha ng isang piraso mula sa box habang ako ay excited na inabangan ang magiging reaksiyon niya. Unang kagat pa lang ay nanlaki na nang bahagya ang mga mata nito kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko. Nalasahan niya na kaya ang glimpse ng strawberry? "What? Is it okay? You like it?" tarantang tanong ko dahil hindi agad ito nagsalita. "s**t! Tunay ba 'to?" Gulat na reaksyon ni Seven kaya naman natatawa ko siyang hinampas sa braso. "Bad words!" sita ko. Natatawa itong nagpatuloy sa pagkain ng hawak niya at kumuha pa ng panibago. "Hala siya! Ayaw sumagot! Ano nga? What's your honest opinion!" Imbes na sumagot, umarte itong pinapagpagan ang mga kamay habang ipinipikit pa nang bahagya ang mga mata. Nako! Mang-aasar na naman 'to. Napameywang ako. "Babs, I'm waiting." "Puwede na," mabilis nitong sagot at ngumiti pa nang nakakaloko. "Grabe, ha! Excited pa naman ako sa feedback mo, tapos 'yan lang pala ang sasabihin mo." Napanguso ako at pabagsak na umupo sa kama nito. Bigla na lamang tumawa si Seven kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. "Joke lang, babs. Hindi ka pa nasanay sa'kin." Tumabi si Seven sa gilid ko at muli akong niyakap. Napairap ako pero palihim na napangiti. "Babs? Sorry na." "Oo na! Pero ano nga? Okay lang ba? Be honest," demand kong sabi. Ngumiti ulit ito ng signatured boxy smile niya bago sumagot. Mas ginitgit nito ang sariling mukha sa leeg ko at dinampian ito ng isang halik. "Masarap, parang ikaw." Ngumisi si Seven habang nakasiksik pa rin sa leeg ko at nakayakap sa'kin. Natatawa ko siyang hinampas ulit sa braso. "Baliw ka talaga!" "Haha! Napamura nga ako kasi nalasahan ko 'yong favorite kong strawberry eh," natatawa nitong sabi bago ako hinalikan sa pisngi. "You got the twist!" Natawa ako at kinurot nang bahagya ang magkabilang pisngi nito. "Love it or like it?" "Syempre love it. Basta galing sa'yo mahal ko." Lambing nito kaya mas lalo akong napangiti. "Asus! Bolero. Pinakaba mo pa talaga ako, akala ko negative na agad! Ang lakas talaga ng trip mo!" Inirapan ko si Seven kaya naman natawa ulit siya bago bumitaw sa pagkakayakap sa'kin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat para mapaharap ako sa kanya. "Wag nang magtampo," sabi nito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Napabuntong hininga naman ako at pabirong ngumuso. "Gusto mo ng kiss?" "Manyak!" Ngumisi siya. "Sayo lang naman!" Sinimulan nitong paglaruan ang magkabilang pisngi ko na para bang nilalamutak niya ito kaya naman sumimangot ako. "Ang cute cute talaga ng baboy ko!" "Baboy ka d'yan!" "Thank you sa strawberry flavored cookies. Promise! Walang halong pambobola, it's really good and I really love it. Wag nang magtampo, okay?" Lambing ulit nito kaya naman hindi ko na napigilan ang sariling labi na magkurba sa isang malapad na ngiti. "Welcome, baboy. I'm happy that you love it," nakangiti kong sabi. Sinadya kong asarin siya pabalik kapagkuwan ay pinindot ang matangos na ilong nito. Inaasahan kong mapapansin niya ang sinabi ko kaya naman napabungisngis ako nang makitang napataas ang kilay niya dahil dito. "Aba, baboy rin ako?" tanong nito. Natatawa akong tumango habang unti-unting lumalayo sa kaniya. Alam ko na kasi ang susunod na mangyayari at gusto ko lang isalba ang sarili ko sa pamatay nitong pangingiliti. "Wag madaya! Halika rito!" Tumayo na rin si Seven kaya patakbo na akong lumayo at lumapit sa pinto. As usual, naabutan ako nito at mabilis na isinandal sa pader. Tawa kami nang tawa pareho habang kasalukuyan na niyang hawak ang beywang ko. "Sorry na, hindi na tatakbo. You called me baboy first! It's your fault!" Sisi ko sa kaniya pero nginisihan lang ako ni Seven. "Kiss ko na lang." Ngumuso ito kaya mabilis ko itong hinalikan sa labi. "One more." Hinalikan ko ulit ito nang mabilis. "Ang damot, napakabilis!" Natatawa ko itong hinalikan ulit at pinatagal ko ito ng ilang segundo. Nang maramdaman kong sumasabay na siya sa halik ko at pumipikit na ang mga mata niya, nakangisi akong lumayo. "Time's up na!" "Ah, gano'n? Ginagantihan mo ko?" Napangisi si Seven at mas hinigit ako palapit sa kan'ya. Tumawa ako at ikinawit ang dalawang kamay ko sa batok niya. "I love you." Puno ng sinseridad kong tinitigan ang mga mata niya. Nakita ko ang saya sa mga matang iyon at walang ano-ano'y nasaksihan ko ang guwapong ngiti ni Seven na siyang pinakapaborito ko. Unti-unting lumapit ang mukha ni Seven sa'kin at napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng halik niya sa noo ko. "Mas mahal kita. Mahal na mahal." Seryoso akong tiningnan nito habang pinagdidikit ang mga noo namin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kasabay noon ang mas lalong paglalapit ng mga labi namin. Tuluyan nga itong nagtagpo at pareho na naming ninamnam ang matamis na halik ng bawat isa. Ramdam ko ang pagngiti niya sa pagitan ng mga halik namin kaya naman hindi ko maiwasang mapangisi habang mas hinihila ang leeg niya palapit sa'kin. Unti-unti, naging mas malalim ang halik na iyon at dahan-dahan naming iginigiya ang bawat isa palapit sa kama. Maingat akong inihiga ni Seven habang hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin. Maging ang unti-unti niyang pag-ibabaw sa'kin ay sobrang ingat din na para bang isa akong babasaging bagay na hindi puwedeng masira. Tuluyan kong narinig ang mumunting ungol sa mga labi ni Seven kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas hilahin pa siya palapit at mas lalong laliman ang halik. Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglikot ng mga kamay ni Seven na naglalakbay sa tagiliran ko na siyang nagpapadagdag sa init na dahan-dahang sumasakop sa pagitan naming dalawa. Hindi nagtagal, bumitaw si Seven sa mga labi ko at idinampi niya ang kaniyang mga sumunod na maiinit na halik sa leeg ko. Napasabunot ako sa mga buhok niya at hindi ko na mapigilan ang mga kamay kong maglakbay na rin sa likod ng katawan niya dahil sa masayang sensasyon na dinudulot nito sa akin. Bahagya akong napatingkayad nang maramdaman ko na rin ang kamay ni Seven na hinawakan ang isa sa mga dibdib ko, nang bigla na lamang may kumatok nang malakas sa pinto ng kuwartong kinaroroonan namin. "Hoy, kayong dalawa! Tama na nga muna 'yan!" Napatigil kami sa ginagawa at naalerto kami pareho ni Seven. Kapwa kaming napalingon sa pinto at sabay na nakahinga nang maluwag nang makitang sarado iyon. "Gagi! Kinabahan ako, akala ko binuksan!" Natatawa kong hinampas si Seven. "Si Kuya Jensen talaga, oo!" Rinig kong reklamo ni Seven bago inihiga ang kanyang ulo sa dibdib ko at niyakap na lamang ako. Mas lalo lamang akong natawa dahil para siyang bata na nakanguso. Mukha siyang pinagkaitan at pinagbagsakan ng langit at lupa. "Dinner's ready! Tara na sa baba at kakain na, hindi kayo mabubusog pag kinain niyo ang isa't isa, 'no! Ibang kabusugan mangyayari kay Annie niyan, sige!" Dagdag na paalala ni Jensen mula sa labas ng kuwarto kaya pareho kaming napabungisngis ni Seven habang magkayakap. "Abnormal ka talaga, Jensen!" sigaw ko at agad naman itong sumagot. "Mas abnormal ka, wag kang papatalo! Sumunod na kayo, okay?" Maya-maya lang ay narinig na namin ang paghakbang nito palayo at mukhang umalis na ito para bumaba. Natatawa kaming nagkatinginan ni Seven. Aayos na sana ako ng puwesto pero bigla ako nitong pinaulanan ng halik sa buong mukha ko. "Tama na, hoy! Haha!" "Last na!" Hinalikan ulit ako nito nang matagal sa labi. Hindi ko mapigilang humalik pabalik pero dahil na rin sa paalala ni Jensen ay unti-unti ko na siyang tinutulak palayo sa'kin. Tuluyang bumitaw sa mga labi ko si Seven at sinimangutan ako. Nag-peace sign ako. "Tara na, aakyat na naman 'yon si Jensen dito at for sure bubuksan na no'n yung pinto!" Napaisip sandali si Seven bago ako inalalayang makatayo. "Oo na, sige na." Natatawa itong umakbay sa'kin bago bumulong sa tenga ko. "To be continued mamaya, ha?" Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagtaas-baba ng kilay niya. Baliw talaga. Haha! "Mag-isa ka!" Mabilis kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa'kin at nauna nang lumabas ng pinto. "Babs naman eh!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook