2) IN LAWS

3575 Words
Annie's POV "Masarap ba 'yan?" Pang-iintriga ko kay Jensen habang inilalapag nito sa lamesa ang dalawang bowl na naglalaman ng niluto niyang chicken adobo at bicol express. Agad ako nitong sinamaan ng tingin. "Pag kumain ka ng marami, ipapasuka ko sayo lahat ng nilamon mo." Nakangusong sabi nito kaya naman malakas akong tumawa. Napakapikon talaga nitong bestfriend ko, eh. "Alam ko namang masarap ka magluto, noh! Kaya nga dito ako madalas kumain eh. Sorry na agad!" Pa-cute kong sabi kaya naman napailing-iling si Jensen bago umupo sa sarili nitong pwesto. "Hambalusin kita ng sandok d'yan, eh." Natatawang banat nito sa'kin bago sumigaw. "Calyxto! Mason! Tigilan niyo na nga 'yang paglalaro niyo!" Sinulyapan ko sandali ang dalawa pa nitong kapatid na kasalukuyang naglalaro sa sala ng Xbox. Si Calyxto Lim at Mazon Ricks, ang mga nakababatang step-brothers nila Seven. Pito silang lahat na magkakapatid at puro lalaki. Pero sina Jensen, Kuya Brix at Seven lamang ang pure na magkapatid sa parents nila, samantalang ang apat naman ay mga anak sa labas ng Daddy nila. Ewan ko ba, nag-iipon ata ng panganay yung tatay nila noong kapanahunan nito. Haha! Kidding aside, sa sitwasyon nilang ito silang tatlo lang nila Seven ang Cabello ang apelyido samantalang ang iba naman ay dala-dala ang mga surnames ng mga birth moms nila. Desisyon ito ng magkakapatid kaya naman nirespesto ito ng kanilang parents. "Lower your voice, Kuya Jen! Hindi ako makapag-focus dito." Reklamo ng isa sa mga kapatid nila na kasalukuyan na ring nakapwesto sa lamesa pero sobrang busy naman sa notes at scientific calculator na nasa harapan niya. Speaking of Kuya Brix, ganyan talaga siya pag nagsasagot ng homework. Siya ang brainy at pala-english sa kanilang pito. "Isa ka pa! Sabi ko naman sayo mamaya mo na tapusin 'yan at kumain muna." Reklamo pabalik ni Jensen kaya naman napakamot na lamang sa ulo si Kuya Brix at itinabi ang kanyang mga gamit. Pinakamatanda sa kanilang lahat si Jensen pero hindi ko ito natatawag na Kuya. Ito kasi ang madalas kong kasama mula pa noon kaya nakasanayan ko na rin. At isa pa, Annienipot ang tawag nito palagi sa'kin kaya lintek lang ang walang ganti. Insert evil laugh. "Babs, ito na yung gatas mo. Hindi malamig hindi rin mainit." Lumapit sa'kin si Seven na nanggaling pa sa kusina at inilapag ang isang baso ng gatas malapit sa pwesto ko. Napaka-sweet talaga nitong boyfriend ko. Kahit wala akong sinasabi, kusa niyang ginagawa yung mga gusto ko. Hays, ang swerte ko. "Kaya ka naman pala biglang nawala eh. Thank you!" Ngiti ko at bahagyang pinisil ang ilong nito. Niyakap ulit ako ni Seven. "Nasaan reward ko?" Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi at tuwang-tuwa naman ang mokong. Inaya ako nitong umupo na kaya pumwesto na rin ako sa hapag-kainan gaya niya. "Oh, inggit ka na naman?" Natawa ako nang pagtingin ko ulit kay Jensen ay nakangiwi na ito. "Kadiri kayo!" Singhal nito samin pero tinawanan lang namin siya. "Smooth like butter!" Biglang komento naman ni Kuya Brix na siyang katabi ni Jensen at nakipag-apiran pa kay Seven. "Wow, tamang-tama gutom na ako!" Rinig naming sigaw ni Kuya Phaxton, isa rin sa mga step-brother nila Seven na halos kasing edaran lang din ni Kuya Brix. Mukhang kauuwi lang nito mula sa practice dahil pawisan pa ito at kapapasok lang sa main door. Ito ang lagalag at laging nasa labas dahil na rin sa laging may practice sa dance troupe na kanyang kinabibilangan. Si Kuya Phaxton din ang pinaka-maingay sa kanila at mood maker dahil palagi itong hyper. Unlike kay Jensen na maingay lang dahil mahilig ito manermon. Well, kahit na ganoon mahal ko 'yang bestfriend ko na 'yan. Kahit pa madalas niya akong talakan. "Hey, Annie, long time no see!" Bati sa'kin ni Kuya Phaxton bago umupo sa kabilang side ni Jensen. "Kuya Phaxton, lalo kang gumagwapo ah!" Banat ko. "Aba syempre naman! Phaxton Ramirez ata 'to!" Pagsang-ayon nito at nag-apiran kaming dalawa. "Inuuto ka lang n'yan ni Annienipot." Singit ni Jensen habang nagsasandok ng kanin kaya nagtawanan kaming tatlo nila Seven at Kuya Brix. "Hindi ah! Honest 'yang si Annie, hindi 'yan nagsisinungaling. Di ba? Di ba?" Baling nito sa'kin at tumango naman ako. "Gwapo ka rin naman kapatid, wag kang mag-alala." Umirap na lamang si Jensen imbes na sumagot pero nang makitang sasandok na sana ng kanin si Kuya Phaxton pinalo niya ang kamay nito. "Ay! Mapanakit!" Reklamo ni Kuya Phaxton kaya naman muli kaming nagtawanan. "Pwede magpalit ka na muna? Ang baho mo kaya!" Singhal ni Jensen dito. "Alright, boss!" Hindi na umangal pa si Kuya Phaxton at agad nang tumayo papunta sa sarili nitong kwarto. "Hoy, last game! Napakadaya, palagi na lang ikaw nananalo!" Napalingon kaming lahat kay Calyx na nagrereklamo habang nakaupo sa sofa sa sala kasama si Mazon. "Magaling lang talaga ako." Asar dito ni Mazon at pinatay na nang tuluyan ang TV at tumayo na para lumapit samin. Nagmamaktol namang sumunod si Calyx dito. Heto talagang dalawang 'to palagi na lang nagbabangayan. Bunso si Mazon sa kanilang pito pero ito na siguro ang pinaka-talented sa kanilang lahat. Sa lahat ng talent magaling siya. Sa pagkanta, pagsayaw, martial arts, pagtugtog ng instruments, pag-painting, pag-drawing at sketch, at higit sa lahat magaling siya sa lahat ng games. "Kayong dalawa nakailang tawag na ako sa inyo huh? Naunahan pa kayo ni Phaxton lumapit dito." Sermon pa ni Jensen sa dalawa nang tuluyan ang mga itong makalapit sa amin. Akala ko uupo na si Mazon sa tabi ko pero ginulo lang nito nang bahagya ang buhok ko bago dumiretso sa banyo. "Tingnan mo 'tong batang 'to! Parang hindi kinakausap eh!" "Wait lang! Madaling-madali eh!" Sigaw ni Mazon. Isa rin 'yan siguro sa talent niya, ang hindi galangin si Jensen. Kahit siya ang bunso, paborito niyang asarin sina Jensen at Calyx. Minsan magugulat ka na lang dahil walang araw na hindi niya bwibwisitin ang dalawa kahit pa mas matanda ang mga ito sa kanya. "Bilisan mo!" Singhal pa ni Jensen kaya naman napangiwi si Calyx na kasalukuyan nang nakatayo malapit samin. "Kuya, tama na nga. Your voice is--" Napatigil si Calyx sa kalagitnaan ng banat niya at tila ba nag-isip. "Oh ano? Ano?" Paninindak ni Jensen habang hawak ang kutsara na animo'y handa nang ibato kay Calyx. "It brokens my ear. Haha! Kuya Brix tama ba?" Natatawang pagtatapos nito sa kanyang sinasabi habang tinuturo ang sariling tenga. "If I we're you, I'll just sit down, Calyx." Sagot ni Kuya Brix na napapailing na lamang at nagsimula na ring magsandok ng kanin. "Tanggalin ko pa tenga mo eh. Umupo ka na nga!" Saway pa dito ni Jensen kaya naman natatawang umupo na si Calyx sa tabi ni Seven. "Hala siya! Bilib na talaga ko sayo Kuya, Jen! Napababa mo nga sina Seven!" Manghang sabi nito bago inakbayan si Seven. "Kamusta? Naka-round 1 na ba?" Bigla akong naubo sa iniinom kong gatas dahil sa narinig. Mabilis naman itong binatukan ni Seven kaya naman nagtawanan kami. Napakaloko talaga nitong si Calyx eh. Kahit kailan walang pinapalampas ang kaharutan. Siya ang numero unong laging nang-aasar sa amin ni Seven lalo na pagdating sa ganyang bagay. Napakamanyak seryoso, until now nga iniisip ko pa rin kung paano napasagot ng bansot na 'to si Tris eh. Habang nagtatawanan, bigla na lamang binato ni Jensen si Calyx ng tissue. "Bunganga mo talaga!" "Sorry na po!" Nagsimula nang magsandok ng sariling kanin si Calyx. Akala ko tapos na ito sa pang-aasar pero nakita kong siniko niya si Seven habang may ngisi pa rin sa mukha. "Yieee! Happy anniversary!" Napangiti kami ni Seven pareho sa pagbati nito at agad namang nalipat ang tingin nila Jensen at Kuya Brix sa amin. Palibhasa isa si Calyx sa pinakamalapit kay Seven kaya updated ito sa lahat. Ito rin ang madalas naming kasama sa school dahil ka-batch din namin ito. Kaming tatlo kasi ang magkakasing-edaran. "Anniversary niyo na pala? Teka, 17 na pala ngayon?" Tanong ni Jensen at sinagot naman agad ito ni Kuya Brix. "Sobrang busy mo kasi sa panenermon lagi, so you never know what day it is." Binatukan ito ni Jensen dahil dito kaya nagtawanan kami. "Happy anniversary for the both of you." Nakangiting baling sa amin ni Kuya Brix at talaga namang napaka-cute nito dahil halos mawala na ang mga mata nito at kitang-kita pa ang malalalim na dimples. "Thank you, Kuya." Sabay na sabi namin ni Seven na hinalikan pa ako sa ulo kaya naman palihim akong kinilig. "Nakanang! Three years na kayo, ah!" Komento naman ni Jensen na mukhang maganda na ang mood. "Hoy ikaw, Seven. Buti natagalan mo 'yang si Annienipot. Ang baho kaya ng utot n'yan!" Hindi makapaniwala na tiningnan ko ito. "Abnormal ka talaga! Kaya dapat talaga sayo hindi ginagalang eh!" Tumawa nang tumawa ang magkakapatid dahil sa sinabi ko. Para silang palihim na sumasang-ayon dahil pare-pareho silang nag-thumbs up sa'kin kahit pa pare-parehas na silang kumakain. Akala ko maaasar si Jensen pero tinawanan lang din ako nito. "Kaya pala todo kulit ka sa'kin. Balak mo lang pa lang puntahan si Seven sa kwarto ah!" Intriga pa nito. "Sira ka! Kung hindi mo nga sinabi, hindi ko pa malalaman na nanggaling pala sa sakit 'tong si babs eh." Saglit kong tiningnan si Seven at binigyan ito ng masamang tingin. "Bigla na lang kasing hindi magpaparamdam. I'm so worried kaya!" Ngumisi sa'kin si Seven habang nilalagyan na ng pagkain ang mga plato namin. "Hindi na po mauulit." "As if naman na papayagan kong maulit 'yon." Natatawa kong sabi at pinigilan si Seven dahil halos punuin na nito ang plato ko. "Tama na 'yan babs. Baka hindi ko maubos." "Dapat magpataba ka." Nakangising sabi nito kaya pabiro ko na lang itong inirapan. "Hoy, ikaw Seven. Umayos ka rin ah, pag 'yang si Annienipot sinaktan mo. Lagot ka talaga sa'kin." Biglang banta ni Jensen. Akala ko sasagot si Seven pero tahimik lang itong ngumiti at umiling. Nagsimula na itong kumain kaya tipid na lang din akong ngumiti at sinimulan na rin kainin ang pagkain ko. "Happy anniversary sa inyo ni Kuya." Nagulat na lamang ako nang biglang kurutin ni Mazon ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko namalayan ang paglapit at pag-upo nito sa tabi ko. Masyado kasi akong naka-focus sa naging reaksyon ni Seven sa sinabi ni Jensen sa kanya. Ewan ko kung bakit, pero bigla akong nabahala. "Thank you." Nakangiti kong sabi at nagitla ako nang bigla na lamang akong hilahin ni Seven palapit sa kanya. "Ikaw Mazon huh? Nagseselos na ako! May Katniss ka na 'di ba?" Parang batang reklamo nito. May laman pa ang bibig nito pero hindi nito pinalagpas ang pagnguso. "Para kang tanga, Kuya!" Tawa ni Mazon kay Seven. Mabilis na nawala ang pagkabahala ko dahil sa inakto nito na kahit bunso niyang kapatid ay pinagseselosan. At dahil na rin sa hindi ako makapaniwala sa narinig ko, napunta na ang atensiyon ko kay Mazon. "Kayo ni Kat?" Pang-iintriga ko pero umiling lamang si Mazon. Sa kabila nito, hindi naman matanggal ang ngiti sa mga labi niya. "Ibang ngitian 'yan ah." "Hindi nga." Tanggi pa rin nito habang nagsisimula na ring magsandok ng sariling pagkain. Natawa na lamang ako dahil sadyang hindi mawala ang ngiti sa mukha nito. I smell something fishy! Pag nagkataon, dalawa na ang jinowa ng mga ito sa mga kaibigan ko. Si Calyx, kay Tris. Tapos si Kat kay Mazon? Eh si Selene kaya kanino? "Oh my God! Jensen!" Agad na napunta ang atensiyon ng magkakapatid sa akin habang kumakain. "Mukhang mauunahan ka pa ni Mazon, oh!" Uminom saglit ng tubig si Jensen bago magsalita. "Pinagsasabi mo? Nashunga ka na?" "Di ba type mo si Selene?" Diretso kong sabi at para itong nabilaukan dahil sa narinig. Bigla na namang nagtawanan ang magkakapatid habang si Jensen naman ay ngiwing-ngiwi na. "Gaga! Hindi ko gusto yun!" Pagtanggi nito pero ngumisi lang ako. Biglang pumitik si Kuya Brix at tiningnan nang makahulugan si Jensen. "Yeah, right. That's why you were in a bad mood yesterday when Selene didn't answer your call." Muli kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Kuya Brix. Halos mamula naman ang tenga ni Jensen dahil sa pambubuking nito. "Aww. Ang cute mo bestfriend!" Asar ko kaya ako naman ang binato ni Jensen ng tissue. "Kailan pa kayo nagkakausap behind my back? Hindi ko knows yun!" "Tigilan mo nga ko, Annie. Ba't ba napunta sa'kin ang topic?" Nakanguso nitong sabi habang pinipilit ang sariling mag-focus sa pagkain niya. "Ang defensive!" Gatong naman ni Seven kaya mas lalo akong napangisi. Nag-apiran pa kaming dalawa kaya mas lalong nainis si Jensen. "Pag-untugin ko kaya kayo?" Pikon nitong sabi kaya naman napabungisngis kami pareho ni Seven. Maging sina Calyx at Mazon ay hindi na rin mapigilan ang pagtawa habang kumakain. Tuwang-tuwa siguro talaga sila na inaasar ang Kuya nila. "Don't worry. Boto ako sayo!" Banat ko pa kaya mas lalo lamang namula si Jensen. Ang cute isipin na yung dalawang bestfriends ko ang magkakatuluyan. Nakakatuwa pa kasi miminsan ko nang inisip na ibugaw sila sa isa't isa pero heto at malalaman ko na nagkakausap pala sila kahit pa nasa ibang bansa na si Selene. Big deal na iyon sa'kin dahil pag magkakasama kami para silang aso't pusa na laging nagbabangayan. Oh my God! My heart is so happy! My ship is already sailing! "Ikaw Calyx? Balita ko makikipag-break na sayo si Tris?" Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko nang marinig ang tanong ni Seven. "Seryoso?" Agad na tanong ko pero maski si Calyx ay natigilan sa narinig. Para itong natulala at literal na tumigil sa pagnguya. "Sino nagsabi sayo?" Seryosong tanong nito kapagkuwan at uminom ng tubig. Biglang nagbago ang mood sa hapag-kainan at lahat kami ay nakatingin lamang kay Calyx. "So seryoso nga? Wala namang nasasabi sa'kin si Tris ah?" Tanong ko pa bago balingan si Seven. "Sino nagsabi sayo?" Imbes na sumagot ay kinindatan lang ako ng mokong. Napasimangot ako at muling binalingan si Calyx dahil tinanong na rin ito ni Jensen. "Calyxto? Ano'ng nangyari?" Nagtatakang tumingin si Calyx sa Kuya niya at patay malisyang nag-react. "Huh? Saan?" "Sa inyo ni Tris. Ano'ng nangyari?" Ulit ni Jensen kaya napabuntong-hininga si Calyx. Tahimik naman namin itong tiningnan, inaabangan kung ano'ng isasagot niya. "Wala. Misunderstanding lang. Okay na kami nung isang araw pa." Ngisi nito bago nagpatuloy sa pagkain. "Sure?" Pang-iintriga ko pa at tumango-tango naman si Calyx. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Kahit maloko at bulgarang manyak 'yan si Calyx alam kong totoong mahal niya si Tris at seryoso ito sa relasyon nila. Halos palagi silang nagbabangayan din pero saksi kami sa pinagsamahan nila at nakita namin kung gaano nila kamahal ang isa't isa kaya kung maghihiwalay sila, bad news iyon para samin. Bigla tuloy naging seryoso ang lahat at nagpaka-busy na lang sa pagkain. Pare-parehas ata kaming nabahala dahil sa nalaman. "Oh, ba't ang tahimik niyo?" Bungad na tanong ni Kuya Phaxton na kasalukuyang pinupunasan ng towel ang basang buhok. Mukhang naligo ito kaya natagalan sa pagbalik. Umupo na ito sa tabi ni Jensen at nagsimula na ring kumuha ng sariling pagkain. "Happy anniversary pala sa inyo ni Seven, Annie!" Ngumiti ako. "Thank you, Kuya." "Salamat, Ya." Tipid namang tugon ni Seven. "Ikaw Calyx, malapit na rin kayong mag-second anniversary ni Beatrice 'di ba?" Nakangiting tanong pa ni Kuya Phaxton kaya awkward kaming nagkatinginan lahat. "Oo, Kuya. Two months na lang ata haha!" Tawa ni Calyx at sinulyapan kami saglit. "Oh? Ano'ng problema niyo?" Natatawang dagdag nito. "Kaya nga. Parang kanina lang puro kayo tawanan eh, naririnig ko kaya hanggang kwarto." Segunda ni Kuya Phaxton. "Akala kasi ata nila nag-break kami ni Tris." Nakangising sabi pa ulit ni Calyx. "Guys, relax. Hindi mangyayari 'yon!" Tumawa sina Mazon at Seven sa pagmamalaki nito. Nakitawa na lang rin ako dahil nakita kong ngumisi na rin sina Jensen at Kuya Brix. "Bakit ba napunta sa usapang break? Eh kahapon lang nahuli ko pa kayo--" "Hoy! Kuya, parang ewan eh! Kailangan pa bang ipagsabi 'yon?" Tawang-tawang pigil ni Calyx sa sasabihin sana ni Kuya Phaxton. Parang automatic na nabuhay na naman ang mood naming lahat dahil sa narinig. "Phax? Continue, what did you see?" Nakangising tanong ni Kuya Brix. "Itutuloy mo o sasapakin kita?" Parang baliw na banta pa ni Jensen dito. "Alam mo na, the usual session." Nakangising sagot ni Kuya Phaxton. Nagsimula nang kornerin at asarin nila Mazon at Seven si Calyx dahil dito. Boys talk sa mismong harapan ko di ba? Ang galing. "Saan naganap? Dito ba?" Intriga pa ni Jensen na para bang excited na malaman ang details. Nakangising nilingon saglit ni Kuya Phaxton si Calyx bago sumagot. "Sa school. Sa cr ng boys." "Hala!" "Ay gago!" "Really?!" "Ang lupit mo boy!" "Tangina mo! Nalungkot pa kami kanina kasi akala namin nagkakalabuan na kayo, ayun naman pala may cr session!" "Hoy, Jensen! Bad words!" Natatawang saway ko dito. Hindi na magkamayaw sa pangangantyaw ang magkakapatid kay Calyx na bahagya pang itinaas ang manggas ng suot na t-shirt para ipakita ang muscles niya kuno. "Ako pa ba?" Pagmamayabang nito. "That's my bro!" Nakipag-high five pa si Kuya Brix dito. "I can't believe I'm hearing this now." Hindi makapaniwala at nanlalaking mata na sabi ko habang tumatawa. Isa sa mga malapit kong kaibigan si Tris kaya hindi ko malaman kung ano bang dapat na maging reaksyon ko ngayong nalaman ko ang intimate session nila ni Calyx, at kasama ko pa ang mga kapatid nito. "Sshh! Quiet na! Nandito si babs, oh!" Saway ni Seven sa kanila pero tawa pa rin ito nang tawa. Bahagya pa nitong tinakpan ang magkabilaang tenga ko pero huli na ang lahat. "Kaya nga! Private kasi yun Kuya Phaxton, masyado ka eh!" Natatawang sabi naman ni Calyx. Patay malisya na akala mo hindi siya nagmamalaki kanina. "Baliw 'yang si Phaxton eh. Matulis na nga baba, chismoso pa!" Komento naman ni Jensen. "Hala siya! Ako pa sinisi! Hindi kaya!" Natatawang depensa ni Kuya Phaxton sa sarili. "Akala mo naman talaga tahimik ka kanina eh isa ka rin naman sa nangulit para malaman!" Pagtatanggol ko dito kaya nag-make face ang baliw na si Jensen habang si Kuya Phaxton naman ay nag-thumbs up sa'kin. Nagpatuloy lamang ang tawanan at kwentuhan naming lahat habang kumakain. Kasalukuyang studies na nina Seven, Mazon at Calyx ang pinag-uusapan nilang magkakapatid at maya't maya na naman ang pagtaas ng boses ni Jensen dahil sa panenermon sa tatlo. Palihim akong napangiti habang pinapanuod sila. Paano na lang kaya pag nakasal na kami ni Seven? Automatic na may mga brother-in-laws na ako na laging nagbabangayan kaya for sure laging maingay ang bahay. Pero kahit na ganoon, ang swerte ko dahil close ko silang lahat at talaga namang gustong-gusto nila ako para kay Seven. "Busog ka na?" Bahagyang tanong sa'kin ni Seven at tumango naman ako sa kanya. Ngumiti ito ng signatured boxy smile niya bago muling nakipag-usap sa mga kapatid. Maya-maya pa, biglang tumunog ang chimes na nasa main door palatandaan na may nagbukas at pumasok sa pinto. Bukod tangi na ako lang ang napalingon dito dahil busy ang magkakapatid magkantyawan at napalunok ako nang makitang si Kuya Calvin ang dumating. Speaking of in-laws, hindi pala lahat kasundo ko dahil itong si Kuya Calvin ay medyo may sariling mundo. Isa siya sa mga step-brother ni Seven at siya ang sumunod na matanda kay Jensen. Sa totoo lang, nakakatakot ang aura niya dahil parang palagi siyang galit at ayaw paistorbo. Dahilan kung bakit madalas iniiwasan ko siya or kaya naman ay tumatahimik na lamang ako pag nand'yan ang presence niya. "Oh, Calvin. Nand'yan ka na pala. Tara, sumabay ka na samin kumain." Aya dito ni Jensen nang makita siya. Tinawag na rin siya ng iba pa niyang kapatid para maupo na pero nang mapatingin ako kay Seven na siyang katabi ko, tahimik lamang itong nakatingin sa Kuya niya. "Busog pa ako." Walang emosyon na sabi nito kapagkuwan ay tumingin sa direksyon namin ni Seven. "Okay ka na ba, Sev?" Tumingin ako kay Seven at hinintay ang isasagot nito kay Kuya Calvin. "Oo, Kuya." Sagot nito at tipid na ngumiti. Biglang namayani ang katahimikan sa hindi malamang dahilan. Bakit ganoon? Pakiramdam ko biglang may namumuong tensyon? Takot rin ba sila sa presence ni Kuya Calvin? Well, hindi ko naman sila masisisi. Talaga namang nakakatakot si Kuya Calvin eh. "Annie?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla kong marinig ang pangalan ko na tinawag ni Kuya Calvin. Hala bakit? May nagawa ba ako? "Po?" Mahina kong sagot at lumingon ako nang bahagya dito. "May dala ka bang cookies?" Kaswal na tanong nito at tumango ako. "Opo, Kuya. Naiabot ko na kay Jensen kanina." Nilingon ko sandali si Jensen at pinanlakihan ito ng mga mata. Kumunot ang noo ng baliw kaya sinenyasan ko ito na sumagot kay Kuya. "Nand'yan sa kusina. Nasa loob ng jar." Sabi ni Jensen kaya naman umalis na si Kuya Calvin at pumunta na nga ng kusina. Jusmiyo! Kinabahan naman ako doon! Akala ko kung ano. "Okay ka lang?" Mahinang tanong ni Seven at tumango naman ako. Nagsimula na ulit magkwentuhan ang magkakapatid at unti-unti na naman silang umiingay. Dala ng curiosity, palihim kong sinilip sa kusina si Kuya Calvin at nakita kong dala na nito ang jar na naglalaman ng cookies. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa umakyat na ito ng hagdan at pumunta na sa sariling kwarto niya. Unti-unti akong napangiti. Trip pala ni Kuya Calvin ang cookies na gawa ko. Makapag-bake nga ng mas marami sa susunod, susuhulan ko siya at baka sakaling mas maging boto pa siya sa'kin para kay Seven. Hihi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD