Annie's POV
"Nakakainis naman! Bakit ba sobrang in-denial nila!" Reklamo ko sa dalawang bida sa pinapanood naming movie na ang title ay 'Love, Rosie'. Isa ito sa pinaka-favorite naming movie ni Seven na kahit pa ulit-ulitin namin ay hindi kami nagsasawa.
"Hindi mo masisisi si Alex, takot lang siyang ma-reject." Komento ni Seven habang nilalaro ang buhok ko. Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya ngayon at nakahiga sa kama habang nanunuod.
"At ano? Si Rosie ang may kasalanan?" Tanong ko at bahagyang bumangon mula sa pagkakahiga sa braso niya. Imbes na sumagot ay ngumisi lang sa akin si Seven. Napansin ko sa kabilang braso niya na yakap pa rin niya ang box ng cookies at malapit na itong maubos. "Hala, grabe! Ang takaw mo!"
"Sabi mo special 'to? Bakit meron din silang cookies?" Nakangusong tanong nito at napataas naman ang kilay ko.
"Bad ka! Ayaw mo mag-share?" Umismid ito sa'kin kaya natawa ako. "Of course they are your brothers, natural lang na bigyan ko rin sila. They're happy with my cookies and I want them to be happy. Saka special talaga 'yang iyo noh! Bumili talaga ako ng purple box at sayo lang ang hinaluan ko ng strawberry syrup."
"Joke lang po." Ngumiti ng tipid si Seven at hinawakan ako sa braso. "Massage mo na lang ulo ko, babs. Medyo nahihilo ako eh."
Agad kong inilapat ang kamay ko sa noo nito at pinakiramdaman ang balat niya. "Wala ka namang lagnat. What's happening to you? Napapadalas na 'yang hilo mo babs."
"Kaya nga." Bumangon ito at kinuha ang stuffed toy niyang si CJ Seven. Isang cute na alien character. Lumapit siya sa'kin habang yakap ito at inalalayan ko naman siyang makahiga sa hita ko para simulan hilutin ang ulo niya.
"Pa-check up ka na kaya?"
"Okay na. Normal lang naman daw."
"Sure?" Paninigurado ko pa at tumango naman si Seven. Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa stuffed toy na yakap niya habang patuloy na hinihilot ang ulo niya.
"Favorite mo talaga 'yan, Sebastian?" Tawa ko at napangisi si Seven.
"You know how much I love CJ." Biglang kumunot ang noo nito na akala mo may na-realize. "Wait, ngayon mo lang ulit ako tinawag niyan ah? Sesermunan mo ba 'ko, Mariannie?"
Pabiro kong tinampal ang pisngi nito. "Buti naman alam mo. Hindi naman sa galit ako, pero magiging honest ako, okay?"
"Okay. I'm listening."
"Kasi 'di ba we already have plans. Dapat pupunta tayong theme park this week, you promised me that. But then, ilang araw kang hindi nagparamdam sa'kin. It's supposed to be our celebration because it's our anniversary, right?"
Kinuha bigla ni Seven ang kamay ko at niyakap din ito. "Sorry.."
"I understand naman kung bakit hindi tayo natuloy, babs. Saka marami pa namang next time eh." Tumigil ako sandali at hinawi ang mga buhok ni Seven na tumatakip sa noo niya. "What my point is, medyo nagtatampo lang ako kasi kay Jensen ko pa nalaman na may sakit ka pala. Don't do it again, okay? Promise me."
"Promise, hindi na po mauulit." Mahinang sagot ni Seven at bahagyang hinalikan ang kamay ko. "Sorry din pala kasi wala akong gift sayo."
Ngumiti ako. "It's okay. Atleast I'm with you right now."
"Hindi kamo ako makapaniwala babs." Biglang sabi nito habang makahulugan na tumitig sa'kin.
"Saan?"
"Sa'ting dalawa." Nakaramdam agad ako ng pagtataka pero tinitigan ko na lang din siya at hinintay na lamang ang sunod niyang sasabihin. "I mean, akalain mo yun? Three years na tayo."
Natawa ako. "Bakit? Hindi mo ba in-expect na magtatagal ka sa'kin?"
"Baliw. It's not like that." Tawa nito bago sandaling natahimik. "It's more like, hindi ako makapaniwala na naging girlfriend kita at nag-stay ka sa'kin for three years. For me, it's like a dream come true."
"So cheesy." Biro ko pero deep inside kilig na kilig na ako. Ngumisi ito at mas tinitigan ako nang seryoso.
"Seriously, babs. Thankful ako dahil ako ang boyfriend mo. Sobrang swerte ko dahil nag-stay ka sa buhay ko--Na until now, ako ang kasama mo. Hindi ko ata kakayanin pag napunta ka sa iba at nawala ka pa sa'kin." Bahagya niyang idinikit sa pisngi niya ang kamay kong hawak niya. Para niya itong dinadamang mabuti bago niya muling binigyan ng halik. "I promise you that you'll never be alone and I'll never let you down. Mag-stay ka lang sa'kin at wag mo 'kong iiwan huh?"
After saying those lines, muli ko na namang nakita ang ngiti niyang pinakapaborito ko. Nakatitig pa rin siya sa'kin at kitang-kita ko sa mga mata niya yung pagmamahal. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang lumambot ang puso ko. Pakiramdam ko unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. Bwisit kasi 'tong si Seven. Hindi ba siya aware na mas maswerte ako dahil dumating siya sa buhay ko?
"Hey, hindi ka dapat malungkot." Hinaplos nito ang mukha ko at pinunasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Napangiti ako at idinampi ang labi ko sa noo nito.
"Always remember that I'm here with you because I love you. Walang makakapagpabago no'n." Sincere kong sabi at walang ano-ano'y tumayo si Seven at hinalikan din ako sa noo. Napapikit ako at dinama iyong mabuti.
"I love you most. I love you more than most." Mahinang sabi nito bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Ayaw magpatalo. Mahal na mahal mo talaga ako, noh?"
Kinurot nito nang bahagya ang mukha ko. "Mahal na mahal mo din naman ako. Quits lang tayo hahaha!" Tawa nito. Baliw talaga, ang bilis magbago ng mood.
"C'mon, let's take a picture!" Natatawa kong inabot ang cellphone ko.
"Sige sige. Wait lang." Kinuha ni Seven ang purple box na pinaglagyan ng cookies at ipinatong dito ang stuffed toy niyang si CJ Seven. "Dapat kasama sila sa picture."
Tumango ako. Agad na pumwesto sa likuran ko si Seven at inabot sa'kin ang box kasama ang paborito niyang laruan. Gusto niya raw kasi na naka-backhug siya sa'kin while hawak ko naman ang mga ito sa kamay ko. Kinuha niya rin ang cellphone at siya na raw ang bahala sa pagkuha ng litrato naming dalawa.
"Ready?" Natawa ako sa sobrang cute ng reaksyon niya habang hinahanap ang anggulo at tamang paghawak sa cellphone na nasa kamay niya. Para siyang bata na excited mag-pose sa harap ng camera. Yumakap na nga siya sa'kin at sumandal naman ako sa kanya habang hawak sa mga kamay ko ang box at si CJ.
"1, 2, 3--Smile!" Parehas kaming ngumiti kasabay nang pag-click niya ng capture. Natatawa akong lumingon kay Seven dahil bigla nitong hinipan ang tenga kong malapit sa kanya.
"Nakakakiliti oy!" Reklamo ko rito. Ngumisi ito sa'kin bago ako hinalikan sa pisngi.
"Palagi ka lang ngumiti sa'kin ah?" Napatingin ako sa mga mata ni Seven bago sumagot.
"As long as you're happy too." This time, ako naman ang humalik sa pisngi niya. Laking gulat ko na lang dahil nang tingnan ko ulit ang mukha ni Seven ay may kakaiba na itong ngiti sa mga labi. Natawa ako at pabiro itong hinampas sa braso. "Hoy, alam ko 'yang ngiti mo na 'yan ah!"
"I love you." Mas lalong lumaki at lumapad ang ngiti ko nang muli ko na namang marinig iyon. Hindi ko na nagawang sumagot pabalik dahil pagkatapos niyang bigkasin iyon, naramdaman ko na ang paglapat ng mainit at puno ng pagmamahal na halik ni Seven sa labi ko.
-
"But if the world was ending, you'd come over, right? You'd come over and you'd stay the night? Would you love me for the hell of it? All our fears would be irrelevant." Mahinang pagkanta ko habang naghuhugas ng mga kamay. Pagkatapos ay pinunasan ko na ito ng towel bago tuluyang lumabas ng banyo at naglakad na papuntang sala.
"If the world was ending, you'd come over, right? Right? If the world was ending, you'd come over, right?" Bahagya akong napahinto nang makarating na ako sa hagdan dahil nakarinig ako ng isang tunog. Isang tunog na nagmumula sa piano. Parang may tumutugtog doon ng isang malungkot na musika.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pinapakinggan ang tunog na parang unti-unting nagpapahina sa sistema ko. Dahan-dahan, nagsimula na akong umakyat ng hagdan habang patuloy pa ring nakatuon ang atensyon ko sa tunog ng piano. It was like a lullaby that enticed me to come closer.
Nang makarating na ako sa ikalawang palapag, napatitig ako sa pinto ng kwarto ni Seven. Malalim na ang tulog nito kanina bago ako bumaba. Kaya sino yung tumutugtog? Sa pagkakaalam ko si Seven at Mazon lang naman ang kumakanta sa kanila at mahilig sa instruments. Imposible rin namang si Mazon dahil nasa baba ang kwarto nito.
Dala ng kuryusidad, imbes na dumiretso at bumalik na sa kwarto ni Seven ay lumihis ako at naglakad papunta sa kanang bahagi. Sinundan ko ang tunog ng piano. Hanggang sa makatayo ako sa tapat ng isang kwarto kung saan medyo nakaawang ang pintong hindi tuluyang naisasara.
Napatingin ako sa welcome rug na nasa pinto at may print ito ng pusa na naka-dirty finger, kasama ang mga salitang "Get out". Napailing ako habang may ngiti sa labi, ngayon alam ko na kung sino ang nagpapatugtog.
At nakumpirma ko lang iyon nang pagsilip ko ay nakita ko nga siyang nakaupo sa harap ng piano at seryosong tumitipa dito. Sinusundan niya ang isang musika na naka-play sa cellphone niya at naririnig kong kumakanta rin siya kasabay nito. Siguro studio niya 'to? Alam ko kasing mahilig siyang gumawa ng kanta eh, sinabi sa'kin nila Kuya Brix at Kuya Phaxton.
Napangiti ako. Kumakanta at magaling pa lang tumugtog ng piano si Kuya Calvin?
Umalis ako mula sa pagsilip at tumayo sa gilid para hindi niya ako makita. Sumandal ako sa dingding at nanatili lang ako sa pwestong iyon habang pinapakinggan ang pagtugtog niya.
"Don't think I would just forget about it. Hoping that you won't forget. I live through pictures, as if I was right there by your side--" Napapikit ako habang pinapakinggan ang boses ni Kuya Calvin. Ewan ko ba, pero may nararamdaman akong lungkot habang kinakanta niya iyon.
"--But you'll be good without me, and if I could just give it some time. I'll be alright.." Napadilat ako nang sinabi na lamang niya ang huling salita ng pabulong. Nawala na rin ang tunog ng piano. Pero may mumunting tunog ang pumalit doon. Isang mahinang paghikbi.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naririnig ang paghikbing iyon. Kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, damang-dama kong sobra siyang nasasaktan dahil dito. Parang gusto ko tuloy pumasok at yakapin si Kuya Calvin at sabihing magiging okay rin ang lahat.
Muli kong sinilip si Kuya Calvin sa loob ng kwarto. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng awa at lungkot nang makita ang sitwasyon nito. Nakatalikod ito sa'kin pero nakikita ko naman ang pagtaas-baba ng balikat niya habang nakatakip sa kanyang mukha ang kanyang mga kamay.
Bakit kasi siya umiiyak?
Kahit hindi ko close si Kuya Calvin, naiinis ako sa taong dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Hays!
"Ay!" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na bahagya ko pa lang naitulak ang pinto. Bago pa ako makaalis at makahanap ng pagtataguan, nakita ko na si Kuya Calvin na papalapit sa direksyon ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin.
Agad akong nakaramdam ng pagkataranta. Pero imbes na tumakbo ay nanatili ako sa kinatatayuan.
"Ano'ng ginagawa mo?" Bungad na tanong ni Kuya Calvin sa'kin.
"H-Huh? W-Wala, Kuya. Napadaan lang ako."
Tumingin ito saglit sa kanyang suot na relo bago ako muling binalingan. "1 am na. Bakit nandito ka pa? Dito ka matutulog?"
"O-Opo." Napayuko ako. Bigla akong nahiya sa sinabi ko. Pakiramdam ko hindi ko dapat sinabi na dito ako matutulog, katabi si Seven. Gusto kong makausap at makuha ang loob ni Kuya Calvin pero bakit naman sa ganitong pagkakataon pa kasi kami nagkaharap?
"Si Seven? Nasa'n?"
"Tulog na po." Pagkasagot ko no'n ay napalunok ako. Kinakabahan na baka mas magtanong pa siya about sa amin ni Seven. In fact, guilty ako. Ngayon kasing gabi nangyari ang pagsuko ko kay twinkle. Huhu!
"Kanina ka pa ba nand'yan?" Agad akong napaangat ng tingin kay Kuya Calvin habang nanlalaki ang mga mata dahil sa panibagong tanong nito. Gusto kong huminga nang maluwag dahil nag-change topic na siya pero mas nakakakaba naman ang pumalit.
"H-Hindi naman po. N-Napadaan lang po talaga ako dito kasi po narinig ko po yung piano. Ang galing niyo po pa lang tumugtog ng piano? Hehehe." Tuloy-tuloy kong sabi habang pilit na tumatawa. Nang mapansin na nakatitig lang siya sa'kin at wala man lang ngisi sa mga labi niya ay muli akong napalunok. "S-Sorry po."
"Ba't ka nagsosorry?"
"Ahm. I-I don't know. Basta sorry po." Sincere kong sabi. Nagulat na lamang ako dahil biglang sumilay ang ngiti sa mukha ni Kuya Calvin.
"Sige na, matulog ka na." Sabi nito na bahagya pang hinawakan at ginulo ang buhok ko.
Napatitig ako kay Kuya Calvin. Pansin sa mga mata nito ang pamumula dahil sa pag-iyak pero pilit pa rin itong ngumiti. Hindi man sigurado, alam kong hindi ako mapapakali pag hindi ko ito tinanong kaya nagsalita na ako.
"Can I ask you something, Kuya?" Tumango si Kuya Calvin at sumandal sa pinto habang nakakrus ang mga kamay. "Okay lang po ba kayo? I mean--"
"Ba't naman ako hindi magiging okay?" Natatawa nitong putol sa sinasabi ko. "Nga pala, happy anniversary sa inyo ni Seven."
"T-Thanks po."
Right after that, nagpaalam na si Kuya Calvin at isinara na ang pinto. While ako, natulala na lamang habang naglalakad pabalik sa kwarto ni Seven.