Chapter 9

1928 Words
DAHAN-DAHANG lumapat sa mga labi ni Desiree ang mga labi ni Lance. Soft yet firm. Warm and passionate. And he was tasting each corner of her lips with wet kisses. Suckling her lower lip gently. Hindi nagmamadali. Binibigyan siya ng pagkakataong damhin din ito. Hindi tulad ni Harley na hindi niya malaman kung saan ibabaling ang mukha. "I want to kiss you properly, Desiree," he murmured in her lips. "Part your mouth for me, darling." She did and Lance plunged his tongue inside her mouth. At may pakiramdam si Desiree na matutunaw siya anumang sandali. Tinakasan ang buong katawan niya ang lahat ng lakas. Now she knew what the line of a song meant: 'when I kiss your lips, I feel the rolling thunder on my fingertips...' Lance was taking his time in exploring her mouth with expertise. His tongue searching... playing and tasting. At hindi makapaniwala si Desiree na sa kanya nanggagaling ang ungol na naririnig niya. She never moaned with Harley! Kung gaano katagal inangkin ni Lance ang mga labi niya ay hindi niya alam. He could have been kissing her forever. Ang tanging natatandaan niya ay ang pagkakadikit ng dibdib niya sa matipunong dibdib nito. His one hand sensually moved up and down her back. Ang isa ay nakasapo sa likod ng ulo niya. And she could feel that pleasure-pain heat that flowed from her stomach and down. And there was that something she ached for. And what more, her arms were around his neck and she was kissing him back with equal fire! At halos habulin pa niya nang may panghihinayang ang mga labi ni Lance nang huminto ito sa paghalik. He gave a husky laugh. "Temptress," bulong nito, touching her wet lips with his thumb finger. "I'd better stop bago pa mauwi sa kung saan," he said shakily. "Maaaring may pumasok dito sa office every time." She was speechless! Hindi makapaniwalang nagawa niyang tumugon dito nang ganoon kainit. That she was capable of doing so. Nanatili siyang nakatanga sa lalaki. Her eyes were filled with adulterated passion. "Stop staring at me like that, Desiree. Baka hindi ko magawang magpigil." May babala sa likod ng tinig ni Lance na biglang nagpanumbalik sa isip ng dalaga sa katinuan. Napayuko siya ng ulo, trying to hide her embarrassment. "May gusto ka bang itanong o sasabihin pa sa akin?" Si Lance ulit. Tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Tumaas-bumaba ang dibdib habang dumistansiya sa dalaga. "W-wala na..." "Okay, hihintayin kita sa parking space ko mamayang uwian. Hahanap tayo ng malilipatan mo. Ayokong manatili ka pa sa bahay ni Harley. Not even tonight." Tinitigan nito ang dalaga nang may determinasyon. "Paano ang—mga gamit ko?" "Ipauutos ko na lang na kunin sa boarding house mo." Tumayo na rin ang dalaga, aware of her shaking legs. "A-ano ang sasabihin ko sa mga magtatanong kapag nalaman nila?" "Ano ang gusto mong sabihin sa kanila?" "Kung ano ang gusto mo." "If I want you to be discreet about our relationship at huwag ipaalam kahit kanino, magagawa mong ipaglihim?" naghahamong tanong ni Lance. His eyes intent on her. Tumaas ang mukha ng dalaga at sinalubong ang mga titig nito. "Ang sabi ko ay kung ano ang gusto mo," she said tightly. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit napapayag siya sa ganitong arrangement. Una ay si Harley na hindi rin siya gustong ipakilalang kasintahan. Tapos, heto pa ang isang relasyon na kung paano nag-materialize ay hindi pa rin niya kayang isipin. At muli ay nagmumungkahing ilihim ang relasyon. And what puzzled her more. She didn't want to back out. Lance smiled. "Kung may magtatanong ay sabihin mo sa kanila ang totoo, Desiree. Hindi kita itinatago, of course. Malibang dito sa opisina, we must behave just like any normal employee-employer. And also as friends. I just hope you will know how to handle intrigues, if you know what I mean." Muli siyang tumango. Natitiyak niyang maraming magtataasan ng mga kilay kapag nalamang may relasyon sila ni Lance. Siguro ay nasa kanya na lang iyong maging discreet. Titiyakin niyang kung hindi siya ipatatawag sa office nito ay hindi siya papanhik ng administrative. "Babalik na ako sa ibaba." Humakbang siya patungo sa pinto. "Hurry up before I change my mind." Nahinto sa paghakbang ang dalaga at napalingon kay Jaime sa nagtatanong na mga mata. Pinagsisisihan na ba agad nito ang ginawang proposisyon? "I wanted to kiss you more," sagot ni Lance banayad na ngumiti insecurities sa mukha ni Desiree, "I'll see you later." Pinakawalan niya ang paghinga muling tumalikod. Akma niyang hahawakan ang doorknob nang burnukas ang pinto. Sumungaw ang babaeng ipinalit ni Harley sa kanya. Sa likod nito ay si Mildred na hindi malaman ang gagawin, marahil ay inaawat si Nicole sa pagpasok. "Anong closed-door meeting ang sinasabi ng sekretarya mo, Samonte?" tanong ni Nicole sabay sulyap kay Desiree. "Sino siya?" "This is Desiree Francheska, Nicole. Keith's reliever sa sandaling mag-maternity leave ang sekretarya ni Mauro." "Oh, yes. I remember. I saw her with Keith at the restaurants." Nilingon nito si Desiree na tuluyan nang lumabas ng silid. Si Desiree ay nilingon ang sumarang pinto ng opisina ni Lance. Hindi niya gustong iwan ang dalawa sa loob ng silid. But that would be stupid. Paanong ngayon pa lang ay nakadarama na siya ng pagseselos para kay Lance? Totoong masama ang loob niya kay Harley nang malamang may relasyon ito sa ibang babae pero hindi siya nagseselos kundi nagagalit dahil sa panloloko nito. Hindi tulad ng nararamdaman niya ngayon para kay Lance. Her mind was in turmoil. At naglalakad siya nang walang direksiyon nang harangin siya ni Harley. "Bakit ka ipinatawag ni Lance, Desiree?" "Please, Harley, hindi ko na obligasyong ipaalam sa iyo ang mga kilos ko at galaw, okay?" "Makikipag-break na ako kay Nicole ngayon, Desiree, kung iyon ang ikatatahimik ng loob mo," he persisted. "Tahimik na ang loob ko, Harley. Besides, naisip mo sana iyan noon." Nagpatuloy siya sa paghakbang. Sumunod ang binata. "Hindi ako Papayag na makikipag-break ka sa akin, Desiree. Tandaan mo iyan." Hurninto sa paglalakad ang dalaga at hurnarap. "Why? Because you haven't taken me to bed yet?" aniya. Walang pakialam kung may mga interesadong mga matang nakatuon sa kanila. "Hindi kayang tanggapin ng malabundok mong ego na hindi mo ako naangkin, ganoon ba, Harley?" "Lower your voice down!" he hissed Nilingon ang mga kasamahan. Isang ismid ang pinakawalan niya bago muling tumalikod. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sinundan ng binata. SABAY na nagtanghalian sina Keith at Desiree sa canteen. Pinili ng huli ang pinakasulok kung saan may espasyo sa pagitan ng ibang mesa. "M-may gusto akong sabihin sa iyo, Keith," aniya nang maupo na sila at nagsimulang kumain. Naroon ang pag-aalinlangan sa tinig. "Kung hindi mo gustong sabihin sa akin ay huwag mong gawin, Desiree," ani Keith at hinawakan siya sa braso. "Gusto kong sabihin dahil wala naman akong napagsasabihan ng nasa loob ko, Keith. Ikaw lang. You have been a friend in such a very short time and I appreciated it very much." "Tungkol kay Lance, natitiyak ko. Please don't tell me na kamag-anak mo siya." natatawang sabi ni Keith. "As of eleven-thirty this morning, magkasintahan na kami ni Lance." "Oh, well—what?!" Natutop ni Keith ang bibig sabay lingon sa paligid na wala namang tumingin sa pagbulalas nito dahil abala sa pagkain at pagkukuwentuhan ang ibang mga empleyado sa building na iyon. "Desiree, you're a fast worker! Hindi ako makapaniwala!" Nanlalaki ang mga matang na titig ito sa dalaga. Tipid siyang napangiti sa pagkamanghang nasa mukha ni Keith. "I was here until after seven last night crying to my heart's content dahil sa mga nangyari sa amin ni Harley. Inabutan ako ni Lance. Hindi ko siya kilala, Keith. I haven't met him before last night. Akala ko'y isa sa mga empleyado sa building." Sinabi niya sa kaibigan ang buong mula kagabing pangyayari mula kagabi at hanggang kaninang umaga sa opisina ni Lance, minus the kissing scene. Nanggigilalas na napailing si Keith matapos ang kwento niya. "Hindi ko madesisyonan kung sino sa inyo ni Lance ang mabilis, Desiree," tumatawang sabi nito. "Another surprise at tiyak na mapapaanak ako nang wala sa oras." "Ano ang gagawin ko, Keith? Ano ang inaasahan ni Lance sa relasyong ito?" naguguluhang sabi niya. "Oh, dear, dear Desiree," ani Keith, kasama ang buntong-hininga. "You are just a child. Hindi ka bagay sa mga wolves na nakapaligid sa iyo. Sa lahat ng magagandang kilala ko, ikaw lamang ang hindi gumagamit ng mukha mo sa advantage mo. You're so naive and innocent." Nasa tinig nito ang simpatiya. "I like him, Keith. I really do. It must be the reason why I agreed to this ridiculous arrangement. Not to mention that I needed someone to turn to at this point in my life." Tumango si Keith. "And Lance appeared at the right time like a knight in shining armour," matabang nitong sabi. Yet silently wondering why Lance bothered with an ordinary employee, pretty Desiree might be. Sa tingin ba ni Lance ay ganoon ka-gullible ang dalaga. Keith dismissed the thought at once. Hindi ganoon ang pagkakakilala nito kay Lance for him to take advantage of a vulnerable woman. Hindi ito mawawalan ng babaeng makakasama anumang oras. "Haynako, Desiree. Hindi ang tulad ni Lance ang kaya mong iwas-iwasan. He eats pretty ladies, darling..." pabirong babala nito. "Ang problema, Keith, hindi ko gustong umiwas." "Ano ang sasabihin ko sa iyo?" Keith said helplessly. "Isinisigaw ng isip ko na sabihing mag-resign ka na lang at umuwi sa Isabela pero natitiyak kong hindi mo gagawin, 'di ba?" Tumango si Desiree. Inilahad ni Keith ang isang kamay. "See what I mean? Sarili mo ang kalaban mo, Desiree. How about taking Harley back and marry him?" Napangiwi si Keith sa ideyang ipinasok sa kaibigan. "Para ano? Kung hindi ko nga siya nakita ngayon ay hindi ko na siya maiisip la. May palagay akong hindi ko naman talaga siguro minahal si Harley. Nagkataon lang na lagi ko siyang nakakasama sa boarding house. Kagabi, laman ng utak ko halos magdamag si Nathaniel Lance Manalansan." "You were taken by Lance' irresistible and charm, cheka. At sino ba naman ang hindi? Pero wala na akong magagawa riyan. Anyway, kung kay Harley nga rin lang, kay Lance na lang ako. Magpapaloko ka na nga lang, syempre sa pogi at mayaman na! Charot. But seriously! Take the consequences for falling for a man like Lance, Desiree." "There is always the first time, Keith," ni hindi niya marinig ang sariling tinig. Niyuko ang pagkain. "Yeah. Ang nakakalungkot lang, Desiree ay hindi mo iyon ipagkakaloob sa lalaking mapapangasawa mo." sighed regretfully. "Enjoy it while it lasts. At pag natapos na a week of crying will do you good. Sabi nga ng ibang mga Americans sa mga anak nilang babae: just don't get pregnant." Pagkatapos ay umiling si Keith. "I hate saying those to you, Desiree. Para bang kinukunsinte kita." Tumingala ang dalaga. May moist ang mga matang ginagap ang kamay ng kaibigan. "Huwag. Problema ko ito, Keith. Walang nagtulak sa akin kay Lance. At nagagalak akong nariyan ka at nakikinig. I just hope that I would learn how to handle him. And would come out of this with only a few bruises." "I really hate to see you cry, Desiree. Sa loob ng isang buwan nating pinagsamahan, I have come to like you. Tulad mo ay nagiisang anak din ako. Tinuring na rin kitang kapatid." "Ako rin, Keith. Ilang buwan kong kasama ang mga boardmates ko pero hindi ako nakatagpo ng kaibigan sa kanila." "Narito lang ako, dear, if you need a shoulder to cry on."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD