Chapter 10

1063 Words
ALAS-SAIS pasado na nang bumaba si Desiree sa parking area dahil iyon ang sinabi ni Lance sa intercom. May business associate pa itong dumating ng bandang alas singko. Para kay Desiree ay mas mabuting pagabi na nga ang pagbaba niya upang walang mga ka-opisinang maaaring makakita sa kanila. Nakabukas na ang pinto ng Mercedes Benz ni Lance paglapit niya. Sumakay siya at isinara ang pinto. She winced inwardly. Para siyang mistress. Ang kaibahan ay walang asawa si Lance. "Saan tayo pupunta?" may kaba at anticipation sa dibdib niya sa tanong na iyon. Hindi agad sumagot si Lance. Ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig ang kanyang dila at hinalikan ang palad niya. Nanlaki ang mga matang biglang binawi ni Desiree ang kamay. Tila live wire ang dumampi sa kamay ng dalaga. Nangingiting nilingon siya ni Lance sa ginawi niya. "Why? Don't you like it?" She cleared her throat twice, bago sumagot. "Uhm... It's... It's sensuous..." She groaned inwardly. Saan ba galing ang salitang lumabas sa bibig niya? Nanunukso ang mga matang nilingon siya ni Lance. "I'm pleased with your choice of words, Desiree," wika nito na tila nahuhulaan ang iniisip niya. "So there's no need to blush. I meant the kiss to be sensuous." "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung saan tayo pupunta." Gusto niyang ibahin ang usapan. "Sa isang townhouse sa San Juan tayo pupunta. Malapit lang. Kaibigan ko ang may-ari ng unit at nasa ibang bansa. Matagal na niyang sinabi sa aking maghanap ako ng tatao sa unit niya habang wala siya. And you're just the right person. Maaalagaan mo ang unit." Gulat siyang lumingon dito. "Townhouse? Pero bakit doon? P-papaano ko babayaran iyon? Sana sa ibang boarding house na lang, Lance." "Boardinghouse?" ulit ni Lance at binuntutan iyon ng mahinang tawa. "Oh, Desiree, darling. How could you be so naive? Anyway, huwag mong intindihin ang bayad dahil ang gusto lang ng kaibigan ko ay may tumao sa unit at hindi para paupahan. Kung sakali nga namang umuwi siya anumang oras mula sa ibang bansa ay walang hassles sa tenant." Hindi agad makapagsalita ang dalaga. Unit sa isang townhouse! Wasn't it too good to be true? At wala pa siyang babayaran monthly. Pero utang-na-loob niya iyon kay Lance at dahil magkasintahan sila ay posibleng maglagi roon ang binata anumang oras na gugustuhin nito. Ano na nga ang tawag doon? Keptwoman? Querida? Live-in partner? She grimaced in distaste. Talaga nga bang tumalon siya mula sa kawali patungo sa apoy? And if that was so, paanong may pakiramdam siyang hindi naman siya nasusunog sa apoy na binagsakan niya? "I—inakusahan mo akong nakipag-live in kay Harley. Pagkatapos ay--" "Hindi kita inaakusahan," agap ni Lance sa pagsisikap niyang idepensa ang kalagayan. "Tinanong kita. And don't turn your back now, Desiree. Hindi kita papayagan," determinadong wika nito. Tulad ng alinmang pag-uusap nila ni Lance, nasa lalaki ang huling salita. She kept silent. Kung sa bagay ay ito na iyong pinaguusapan nila ni Keith at kahit paano ay naihanda na niya ang loob at sarili. Pero hindi niya maiwasang hindi matakot. Napakabilis ng pangyayari. Wala pang beinte kuwatro oras mula kagabi. Makalipas ang ilang minuto ay nasa townhouse na sila. Maganda ang environment at maraming puno sa paligid ng compound. Ipinarada ni Lance ang sasakyan sa garahe at lumabas ng sasakyan kasunod si Desiree na ang kaba ay gustong magpabasag sa dibdib. Sinusian ng binata ang pinto pabukas at itinulak iyon. Natambad kay Desiree ang atamtamang laking unit. Nasa loob na si Lance ay nanatili pa rin siyang nasa pinto, "May dalawang bedroom ang unit na ito. Mamili ka na lang kung alin ang gusto mo okupahin." He raised his hand to her and smiled encouragingly. "Don't just stand there, darling. Pumasok ka. Hindi mo ba gustong silipin ang magiging tirahan mo mula sa araw na ito?" Atubiling humakbang papasok ang dalaga. Maganda ang unit. Fully furnished. Bagaman masculine ang mga furnishings ay higit iyon kaysa sa inaasahan niya dahil hindi niya inaasahang may mga kasangkapan na roon. At mag-iisa siyang maninirahan dito. Walang kasama at walang pakikibagayan. Makakakilos siya sa paraang gusto niya. Makapagluluto siya ng gusto niya. Pero lahat ng excitement na iyon ay tinalo ng matinding kaba. Lalo na nang hapitin siya sa beywang ni Lance. "Why are you so tense?" banayad nitong tanong, kissing her temple softly. "G-ganoon ba ako?" "C'mon, Desiree. You look like a scared rat," natatawang tinitigan siya nito. "Ano sa palagay mo ang gagawin ko sa iyo ngayon at ganyan na lang ang tensiyon mo?" "N-naninibago lang ako, Lance. That's all. Paano nga pala ang mga gamit ko?" "Nasa silid na. Ipinakuha ko kanina sa driver. Ikinalulungkot kong kung paano na lang iyon inimpake ng mga kasamahan mo sa kuwarto. Sinabi ko sa driver na huwag nang isama ang mga maliliit na bagay tulad ng sabon, shampoo, at kung anu-ano pang madaling bilhin. At tungkol naman sa landlady mo ay tinawagan ko na kanina. Wala ka naman daw utang sa kanila at advance pa nga, eh." "You—you really took care of everything." Hindi niya maiwasang hindi haluan ng panunuya ang tinig. Hindi pinansin ni Lance iyon. "Sinabi ko sa iyo kaninang ipaubaya mo sa akin ang lahat 'di ba?" Hindi sumagot si Desiree. Wala sa loob na hinawakan ang isang decorative glass sa ibabaw ng bureau. "Hindi mo ba gustong tingnan ang silid ng unit?" She shook her head frantically. "Mamaya na lang." Lumakad siya patungo sa kinalalagyan ng ref at binuksan iyon at isinara din pagkatapos pagkuwa'y kunwang iniinspeksiyon ang mga pantries. Napalingon siya nang marinig ang pagtawa ni Lance. "What's funny?" she asked irritably. "Ikaw," nakatawa pa ring sagot nito at lumapit sa kanya at inakbayan siya. She almost flinched. "Wala akong gagawin sa iyong hindi mo gusto, Desiree. No pressure naman. So relax. Hindi ko ugaling ipilit ang sarili sa babaeng ayaw sa akin. Even if that woman happens to be my girl." She almost sighed her relief. Bakit hindi niya agad naisip na iba si Lance kaysa kay Harley. "Come, pumunta tayo sa Greenhills at mag-grocery. Walang laman ang pantry mo. Pagkatapos ay kumain tayo sa labas," anyaya ni Lance. "Kung gusto mong kumain tayo, ikaw ang bahala," she said sharply. Kumawala mula sa binata. "Pero ako ang bahala sa grocery ko, Lance. May sarili akong pera. Hindi ako ganoon kahirap at kasusuweldo ko lang." "Des—"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD