"NAGUGULUHAN AKO. I'm having doubts kung talagang sa kaibigan mo ang unit na ito o nirerentahan mo o pag-aari mo. Basta mo na lang ako dinala at pinatira dito in no time at all. Ngayon, pati grocery ko ay gusto mong ikaw ang bumili. I wouldn't be surprised if one of these days ay bibigyan mo ako ng pera." Akmang magsasalita si Lance subalit nagpatuloy ang dalaga.
"Please don't, Lance. Pakiramdam ko ba ay isa akong itinatagong babae. Kung puwede nga lang ay sa room for rent na lang ako tumira," she said wearily.
Nagbuntong-hininga si Lance. "I'm sorry, Desiree. Kung 'yan ang naramdaman mo. I was just so excited to do all these things for you. Maniwala ka man o hindi ay wala pa akong ginawan ng ganito kundi ikaw. I didn't mean to offend you. Honestly."
"Dahil ako lang ang mahirap sa lahat ng naging girlfriends mo, ganoon ba?" Bahagya siyang nakadama ng habag sa sarili roon. But she dismissed the thought immediately.
"Inakala mo bang mao-overwhelmed ako sa lahat ng luxury na ito? Well, I am, Lance. And excited, too. Pero hindi sa karangyaan but the thought that I will be alone at last. Sa loob ng dalawang taon ay puro boardinghouse ang tinitirhan ko and shared them with four or six students. Of course, maliban na lang sa mga bakasyon na umuuwi ako. Now, I am so glad because of this privacy."
Nagbukas ng ref si Lance at kumuha ng bottled water na ipinalagay nito sa driver kaninang umaga. Umabot ng baso at nagsalin at uminom.
"Hindi ko inaasahang mao-overwhelmed ka, Desiree. Sa loob ng ilang oras na pagkakakilala ko sa iyo ay alam kong hindi ka tulad ng iba. Totoo, ikaw ang pinakamahirap sa mga naging girlfriends ko pero hindi iyon ang dahilan kaya ko ginagawa ito."
"Ano ang dahilan, kung ganoon?"
He looked straight into her eyes. "Dahil gusto ko. As simple as that." Hindi nito idinagdag na napukaw ni Desiree ang protective instinct niya. That she looked like a little girl lost and in need of his protection.
He felt like a hero habang nag-iisip na ibigay kay Desiree ang proteksiyon mula sa isang tulad ni Harley. From all men in general. Perhaps including him. Dahil hindi lang niya gustong proteksiyunan si Desiree.
The gods forbid, but he wanted her! His senses were screaming to reach for her and take her right here and now. Make her his.
Now, was he a hero or a wolf in a lamb's clothing?
Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang lason sa kanyang isip.
"Bumaba na tayo at maghanap ng makakainan bago pa tayo mag-away sa unang araw ng freedom mo mula sa boardinghouse," tudyo nito na nakangiti, "And also your first day as... my girl." May diin nitong sinabi ang huling salita. Na tila ba nagpapaalala kay Desiree ng napagkasunduan nila.
Sa Greenhills na rin sila kumain at pagkatapos ay inihatid na siya ni Lance pabalik sa townhouse. Nagpakawala ng maluwag na paghinga si Desiree nang sabihin ni Lance na hindi na ito bababa ng sasakyan.
Hinawakan siya nito sa mukha bago pa siya makababa. Nakangiti ang nanunuksong mga matang nakatitig sa kanya.
"You can't escape from me forever, my dear Desiree." Ginawaran siya ng isang halik sa mga labi.
Napapikit ang dalaga. Wanting the kiss to last forever. Subalit sandali lang ang halik na iyon at binitiwan siya ni Lance. Pero nanatili siyang hindi kumikilos. Eyes closed and lips still parted as if wanting for more.
"See what I mean'?'' he teased and tapped her cheek so softly. "Good night."
Gustong sipain ni Desiree ang sarili. Bakit hindi niya maitago ang pag-o-overdrive ng puso sa tuwing hahawakan siya ni Lance? Totoong kinakabahan siya sa anticipation sa maaaring nangyari sa pagitan nila ng lalaki. Subalit kasabay niyon ay ang pag-asam.
Isinisigaw ng isip niyang hindi siya bagay kay Lance. Na hindi niya kayang pakibagayan ang lifestyle nito, that she wasn't sophisticated enough to handle a man like him. That their relationship would never last long. Makahahanap ito ng ibang babae at maiiwan siyang sugatan.
Subalit tinalo ang mga kaisipang iyon ng matinding atraksiyon niya para sa binata. Natitiyak niya sa sariling imposibleng magkagustuhan ang dalawang taong noon lang nagkita. Pero sa wari ay iyon ang nararamdaman niya para dito. At si Lance man ay inaming iyon din ang nararamdaman para sa kanya.
Fatal attraction, iyon ang tawag ng binata roon.
PAGPASOK ng dalaga kinabukasan ay may dinatnan na siya sa mesa niyang tatlong rosas. Tuwang-tuwang dinampot niya iyon at dinala sa ilong upang samyuhin. Natitiyak niyang galing kay Lance ang mga bulaklak kahit na walang naka-attached na card.
"Uy, kanino galing iyan?" si Keith na kararating lang.
"Wala ngang nakalagay na card, eh." Inayos niya ang tatlong bulaklak sa pencil holder. Hindi niya gustong sabihin sa kaibigang natitiyak niyang kay Lance galing iyon.
"Gusto ka pang i-suspense ng admirer mo, ha?"
Ang ibang mga empleyadong naroroon ay nakitukso rin kay Desiree. Nagsisimula na siyang magtrabaho nang tumunog ang intercom sa mesa ni Keith.
"Pakisagot mo nga, Desiree. May ipinahahanap si Sir Mauro sa akin," ani Keith na nasa filing cabinet.
Tumayo ang dalaga at dinampot ang receiver.
"Hello."
"Si Desiree, please."
"Harley?" Kilala niya ang boses nito at napasimangot siya.
"Desiree. Natanggap mo ba ang mga rosas?"
Biglang nadismaya ang dalaga. Galing kay Harley ang mga bulaklak at hindi kay Lance.
"Para saan ang mga bulaklak na iyon, Harley?" malamig niyang tanong. "I'm sure they're expensive. You've wasted money on them."
"Don't be cruel, Desiree. Peace offering ko iyon. Bati na tayo, please."
"Hindi na ako nagagalit sa iyo, Harley. But you can't rekindle old flames. Ayoko na..."
Muntik na niyang masabing may boyfriend na siya.
"Hindi ako naniniwala sa iyo. Isa pa ay gusto kitang kausapin kung bakit sinabi kagabi ng Mama na umalis ka na sa bahay. Hindi masyadong malinaw ang lahat pero may tumawag daw sa bahay at inalam kung may dapat ka pang bayaran sa Mama. Sino iyon, Desiree? At saan ka nakatira ngayon?" he demanded.
"Office hour, Harley, at under probation ako. Puwede ba, saka na lang tayo ulit magusap?"
"Bababa ako diyan mamayang breaktime." At bago pa nakatanggi ang dalaga ay naibaba na nito ang intercom sa kabilang linya.
Nairitang bumalik sa upuan niya si Desiree at hinablot ang mga bulaklak sa pinaglagyan niya rito kanina at inihagis sa waste bin.
"Hey, bakit mo itinapon ang mga iyan?" si Keith.
"Kay Harley galing."
"Hindi ko nga alam kung ano pa ang Sasabihin ko sa kanya para maniwalang hindi ko na gustong makipagbalikan pa sa kanya." Pabagsak siyang naupo sa swivel chair.
"Bakit hindi mo sabihin ang totoong dahilan at natitiyak kong hindi ka na ulit gagambalain pa niyon. At siya nga pala, kumusta ang unang gabi mo sa bago mong tirahan? Saang lugar iyon?" May pailalim na kahulugan ang tanong ni Keith na hindi nito naiwasang isatinig.
"Come on, Keith. I slept alone. Kumain lang kami sa labas at pagkatapos ay inihatid na niya ako."
Kinakitaan ng bahagyang pagkapahiya si Keith. "I am sorry. Nanghihinayang kasi ako sa iyo. Kailangan mo ng isang totohanang relasyon. Huwag ka mag-settle sa ganyan. Someone you could look forward to becoming a husband."
"I know and you're forgiven." Ngumiti siya at sinabi sa kaibigan ang address at telepono ng townhouse.
Bahagya nang naitago ni Keith ang pagkabigla nang malaman kung saan siya nakatira.
"At sabi ni Lance na sa kaibigan niya ang unit?" maingat nitong tanong: Alam nitong pag-aari ng mga Ordoñez ang townhouse sa address na sinabi ni Desiree.
At kung iyon ang sinabi ni Lance sa dalaga, wala siyang karapatang ipaalam dito ang totoo.
Tumango ang dalaga. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "Pero anumang iwas ko ay pasasaan ba't doon din ang tuloy namin, Keith. Sabi nga ni Lance, I can't escape forever."
Hindi sumagot si Keith at nakatingin lang. Ano ba ang maaari pang sabihin sa kaibigan na marupok?