~Rylle David~
April 26, 2020. Sunday, evening, the day of exhibit.
And here i am! Nakatayo sa harap ng malaking entrance ng National Museum. Matyagang naghihintay sa tatlong ugok kong kaibigan.
"Hindi ba uso sa kanila ang American time?! Nakakainis naman sila ho!" pagrereklamo ko. Kanina pa nag start ang event, pero heto ako at naghihintay sa kanila.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng event oraganizer namin at ang mga congratulatory speech nya.
"Rylle, darling!" maarteng tawag sakin ni Felipe Quinot habang lumapit ito sakin.
"Sino ang hinihintay mo?" tanong nya at lumagok ng red wine sa hawak nyang wine glass.
"Mga kaibigan ko!" sagot ko.
"Oh, your friends!" sabi nya at tumango-tango pa. Hindi nya kilala ang tatlo at hindi rin nya ito nakikita or nakikita nya, pero hindi nya lang alam na kaibigan ko.
"Pwede mo ba akong ipakilala sa kanila?" naka ngiti nyang tanong.
"Oo, naman! Yon ay kung gusto nila" naka ngiti kung sagot sa kanya.
"Grabe sya!" sagot nya, para syang si vice ganda.
"Ok, fine! Pasok na muna ako, baka hinahanap na'ko ng mga bakla!" at naglakad na sya pabalik sa loob.
Napa ngisi ako ng makita kung sabay-sabay na dumating ang sasakyan ng tatlo.
"Aba himala, ah! sabay-sabay pa silang dumating!" sabi ko.
Kumuha naman sa attensyon ng mga tao ang sunod-sunod na pagpasok ng sasakyan
na Black Honda ACCORD ni Christian,
kasunod naman ang Red Mazda Mazda6 ni Diego at ang White Fortuner G ni Martin.
"Wow, nahiya naman ang Audi RS6 ko!" naka ngisi akong napapa-iling.
Pagkatapos mag park ay sabay na silang naglakad papunta sakin.
"Oh, hindi ba uso sa inyong tatlo ang american time?" bungad kung tanong.
"Nandito tayo sa pilipinas kaya filipino time!" naka ngising sagot sakin ni Diego. Naka suot sya ng white botong jacket with black shawl and black pants, with eye glasses. Bagay-bagay sa kanya, para syang si shawn mendez na ikakasal.
"Haha, funny!" sarkastikong sagot ko.
"Kanina pa ba nag start?" tanong ni Christian. Nakasuot naman sya ng gray casual tailoring semi-formal white long sleeve with black tie and black pants. Jensen Ackles is that you?
"Oo, kanina pa! Hindi nyo man lang ba nakita kung anong oras ang start na event" sabi ko. "Pero ang gwapo mo ngayon, doc!" hindi ko mapigilan ang hindi humanga.
"O, ano? dito lang ba tayo?" seryosong tanong ni Martin. Nakasuot naman sya ng semi-formal attire. White pants, black shoes and baby blue long sleeve. Parang syang si john llyod sa ayos nito, may taste din pala sa fashion ang pulis na ito!
Hindi naman ako magpapatalo sa soot kung Cocktail attire suits in navy blue with white shirt and black pants matching neck tie.
"Guy's, bago tayo pumasok. Gusto kung magpasalamat dahil binigyan nyo ako ng time para sa exhibit at nag ayos pa talaga kayo! i really appreciate your effort, guy's!"-magsasalita pa sana ako ng maglakad na sila papasok ng hall ng museum at iniwan nila akong tatlo.
"Wow! ako na nga ang naghintay, ako pa yong iniwanan! Namimihasa na yata ang tatlong yon, ah!" pagrereklamo ko agad naman akong sumunod sa kanila.
Habang naglalakad kaming apat sa hall ng museum ay napapansin ko ang mga attensyon ng mga tao samin.
"Omg! sino sila? ang gwa-gwapo!" rinig kung tanong ng mga babaeng madadaanan namin.
Daig pa namin ang mga artista at kilalang mga personalidad kung maka agaw attensyon.
"Is that Doc. Christian Ramirez? the handsome bachelor of Casa Hospital? Well gwapo nga sya!" sabi pa ng isang lalaking naka suit attire kay Christian.
"OMG! si Diego Delarama, ang International gaming champion sa japan! ang gwapo nya sa personal!" kinikilig na sabi ng babae sa likod namin.
"Nako wala man lang may naka pagsabi sakin na ang gwapo pala ni SPO2 Martin Cerna!" may paghangang sabi ng babae kay Martin.
"So, he is Rylle David! the future vicente manansala of Philippines. Gwapo nya!" rinig ko pang sabi nila.
"Sir, wine?" tawag samin ng waiter na may dalang tray of wine. Isa-isa kaming kumuha, naglakad-lakad kami at paisa-isa naming tiningnan ang mga art work na makikita namin. Magkasama naming nilibot ang bawat art sa naka display.
Ang sigla sa loob ng museum, maraming makikita, may painting sa ibat-ibang medium at form, may mga art work tulad ng figurines, sculptures at mga paper art gawa sa papel. Kahit piling-pili lamang ang mga artist na kasali ay naging matagumpay ang event.
Marami ring mga kilalang art collector mula sa ibat-ibang dako ng asya ang nakisali sa event.
"Rylle, is that us?!" takang tanong ni Diego habang turo ang isang aesthetic painting ng apat na batang lalaki.
"Bakit? kuhang-kuha ba?" Nakangiting tanong ko.
"Oo, pati yong dating playstation ko!" sagot nya na nakatingin sa painting.
"Is that really us?" hindi makapaniwalang tanong ni Martin.
"Oo, Martin tayo yan! tingnan mo, may blackeye kapa!" naka ngising sabi ni Christian habang tinuturo sa painting ang batang nakasuot ng jersey no#10.
"Aray!" sabi nya pagkatapos syang batukan ni Martin.
"Ay, ang cute naman nila!" rinig naming sabi ng mga babae mula sa likod namin.
Kahit saan kami pumunta ay nakasunod din ang attention ng mga tao.
Marami-rami narin ang na ibenta sa mga art work ko ganon din sa iba. Pero meron rin na for display lang tulad ng art work ko na tinitingnan namin ngayon.
Nagtaka naman ako ng merong apat na staff ng museum ang kumukuha ng painting ko.
"Excuse me!" tawag ko sa apat na lalaki.
"Yes, sir!" sagot ng isa. I think sya ang curator ng art exhibit na ito.
"Saan nyo dadalhin yang painting?" takang tanong ko.
"It's been sold, sir!" sagot nya.
"What?!" lumaki bigla ang aking mata dahil sa sinabi nya.
Nagtatakang tumingin sakin ang tatlo.
"Why?!" tanong ni Christian.
"It's not for sale!" nanlulumong sabi ko.
"Sorry, sir! but the buyer already paid for these painting" sabi ng art curator.
"Who's the buyer?" tanong ni Martin.
"Hindi po nag pakilala" alinlangan nyang sagot kay Martin.
"Hayaan muna, Rylle! para naman sa charity yong pera!" sabi ni Diego.
Nanghihinayang lang ako, para sana yon kay ate rica. Sana hindi ko nalang dinisplay.
"OMG!" rinig naming tili mula sa isang bakla.
Sabay kaming napalingon sa kanya. Si Felipe Quinot.
Patakbo syang lumalapit samin at abot tenga ang ngiti.
Para syang nakakita ng pagkaing gustong-gusto nya.
"Alis na'ko!" sabi ni Diego at naglakad na palayo sa min. Magtatanong pa sana kami sa kanya ng bigla nalang syang naglaho sa maraming tao.
"Darling, rylle!" tawag sakin pero ang tingin na kina Martin at Christian.
"Teka parang nakita kong kasama nyo si Diego Delarama" kunot noo nyang tanong samin.
"Baka namalik mata ka lang!" sabi ko.
"No! hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko!" medyo galit nyang sabi.
"Pero darling, rylle! pakilala mo naman ako sa mga kasama mo!" change mood agad sa malambing.
"Felipe, i would like you to meet my best friend. Martin Cerna and Christian Ramirez" pag papakilala ko sa kanila.
"Wait! Martin Cerna ang Machete ng Western police headquarters at Christian Ramirez ang handsome bachelor ng Casa Hospital!" para syang nakakita ng Hollywood Actor sa expression nya.
"Hi!" bati nya at nag handshake sya sa dalawa. "Ang gwa-gwapo at ang ba-bango!" maarte nyang sabi.
"Mga kaibigan mo pala silang dalawa? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin!" may lahong panunumbat nyang sabi.
"Hindi ka naman nagtanong, eh!" sagot ko.
"Eh, sino ba naman ang magiisip na may kaibigan kang mga bigatin at gwapo. Eh, mukhang kang gusgusin sa loob ng work room mo!" mataray nyang sabi.
"Ako pa yong mukhang gusgusin sa ating dalawa?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Ok fine, ako na ang mukhang gusgusin! pasalamat ka at kasama mo ang dalawang ito!" sabi nya.
Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nya.
"Pero sigurado kaba na hindi nyo kasama si Diego?" tanong nya.
"Bakit naman sya pupunta sa ganitong lugar? Eh, ang hilig on online gaming!" pagrarason ko.
Biglang tumunog ang aking phone.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Diego! Pasimple kung tiningnan si Felipe baka kasi makita nya na tumatawag si Diego.
"Excuse me! i need to answer this call!" sabi ko nag lakad na papalayo sa kanila.
"Hello, Diego! asan ka?!" agad kung tanong.
"Nasa parking lot. Puntahan nyo na ako dito! pinapapak nako ng lamok dito" sabi nya.
"Sige, hintayin mo kami dyan!" sagot ko.
Tiningnan ko ang rolex watch, pass 9pm na. May trabaho pa ang mga to bukas kailangan narin namin umuwi.
"Chris, Mart!" tawag ko sa kanila.
"I think we need to go!" sabi ko.
Tumango naman silang dalawa sakin.
"Felipe, we need to go!" pag papaalam ko. Nagtaka syang tumingin saming tatlo.
"It's nice to meet you, Felipe! Next time ulit!"
pagpapa alam ni Martin.
"Sige alis na kami. Congratulations!" sabi ni Christian.
"Ha?!" nagtatakang binalingan nya kaming tatlo.
"Aalis na ba talaga kayo" malungkot nyang sabi.
"Don't worry, babawi ako sayo!" naka ngiti kong sabi sa kanya.
"Babawi ka ha! gusto ko yong kasama sila!" at nag puppy eyes pa sya sakin.
"I'll try, but, I'm not promising!" sabi ko.
"Bye!" at nag wave goodbye ako sa kanya, na kina-lungkot ng mukha nya.
"Asan si Diego?" agad na tanong ni Christian.
"Nag hihintay sa parking area" sagot ko.
"Aalis na sila!" rinig ko pang sabi ng mga babae sa paligid namin.
Pagkalabas namin ay deritso kami sa parking area. Nakita namin si Diego na nakasandig sa Fortuner G ni Martin.
"Oh, saan tayo!" naka ngising tanong ni Diego naka sandig parin sa Fortuner G ni Martin.
"Wala bang after party, Rylle?" tanong naman ni Martin.
"Kayong dalawa kung makahirit kayo, para kayong walang trabaho bukas!" sabi ko.
"The night is still early, Rylle!" sagot naman ni Christian.
Nakatayo lang kaming apat habang pinag uusapan kung saan ba pwedeng kaming mag celebrate ng party.
Nang may isang tao ang biglang sumulpot mula sa likod ni Deigo at Martin.
"Hands up!" ma awtoridad nyang utos samin. Nabigla kaming apat sa bigla nyang pagsulpot, na kahit si Martin ay hindi nakakilos sa pagkabigla. Madilim ang lugar kaya hindi masyadong maaninag ang mukha nya.
"The two of you!" turo nya samin ni Christian.
"turn around!" utos nya samin ni Christian na agad namin sinunod dahil sa nakita namin na meron syang hawak na baril.
"Now listen carefully to what i say!" matigas nyang pagkakasabi.
Ano ba to hold up? Carnapping? kidnapped for ransom? Mga tanong ko sa isip ko.
Kalmado lang si Martin, halatang inoobserbahan ang nangyayari samin ngayon.
Si Diego naman pinagpapawisan na nang malagkit, Si Christian hindi mapakali ang mata parang bang naghahanap ng pwedeng mahingi an ng tulong.
Ang masaklpa masyadong madilim sa lugar at ang lahat ng tao ay nasa loob pa ang event hall. Lagot mukhang madadali yata kami nito!
"Now, walk slowy away from car!" utos ulit nya.
Sinunod naman namin sya, habang ang kamay namin ay nakataas parin. Para kaming mga preso na nahuli nito sa ayos namin.
"Stop!" sigaw nya at tumigil namin kaming apat.
"Now i want the four of you to kneel!" mataray na sabi nya.
"Ano? ayoko ko nga!" matapang na pagtanggi ko.
"Rylle" saway sakin ni Martin.
"Hindi sya si god para huluran ko!" matigas kong sabi.
"Ah, Matapang!" panunuya nyang sabi.
"Kneel!" sigaw nya at ini-unlock ang baril na hawak nya.
Napilitan nalang akong luhumod.
"And know face me!" naka ngisi nyang sabi.
Unti-unti naman kaming humarap sa kanya na nakaluhod.
Nakita namin ang isang taong nakatayo sa harap namin at may hawak na .45 caliber.
Naka suot sya ng kitsune mask, just like in japan at all black clothes.
Tinitigan ko sya ng mabuti, basi sa body figure nya na balingkinitan at sa height na 5'6". "Parang magka body figure sila ni ate, pero iba ang boses!" sabi ko sa isip ko.
"What do you want from us?" tanong ni Martin.
"What i want?" balik na tanong nya kay Martin.
"I want something that's special to you!" naka ngising sabi nya. Para syang si Hela the goddess of death sa thor ragnarok.
"Spil it out!" matapang na sabi ni Diego na pinagpapawisan parin.
Humalakhak ito sa harap namin!
"Teka parang familiar sakin ang tawa nya" sabi ko sa sarili ko.
"Ate?!" takang tanong ko na syang bigla nyang pagtigil sa pagtawa.
Hinubad nya ang soot nitong kitsune mask.
"Hi, boy's!" nag hello wave pa sya samin at tumawa sya sa harap namin na parang nagtagumpay sa masamang balak.
"Oh my god!" bulalas na sabi ni Diego.
"Papatayin mo ba kami sa atake sa puso!" sigaw naman ni Christian.
"Pwede ba sa susunod, wag kang magbiro na ganito!" sabi naman ni Martin na kalmado parin.
"Ate! hindi nakakatuwa tong ginawa mo ngayon!" pagrereklamo ko.
"Eh, kung tumayo kaya muna kayo!" utos nya. Agad naman kaming tumayo.
"Sorry, if you felt that way!" nakatawa parin sya.
Bakit ba ako nagkaroon ng ateng katulad nya! Parang hindi sya sikat na theater actress kung kumilos at pag frank samin!
"Yong baril mo, it's real?" tanong ni Martin.
"No, it's fake! but, i have a real one in case!" naka ngisi nyang sabi.
"Bakit mo ba naisipang gawin ang ganito samin?" naiinis kong tanong.
"I'm just practicing my new role as kontrabida. Bagay ba sakin?" hindi parin mawala-wala sa mukha nya ang ngiti nya.
"Grabe ka!" naiiling sabi ni Diego.
"Boy's, wala man lang bang hug sa ate nyo?" at nag open arms pa sa harap namin.
"Sa tingin mo sa ginawa mo sa min kanina may gana pa kaming mag hug sa'yo!" reklamo ko.
"Ok, sorry po!" she gesture like chuchay in got to believe nina daniel at kathryn.
"Ewan!" sabay naming sabi at tinalikuran sya.
"Ang sama nyo! ngayon nga lang ako nakauwi tapos wala man lang welcome hug!" ngayon nagrereklamo na sya.
Hindi sya namin pinansin at nag lakad na kami sa aming sari-sariling sasakyan.
"May hinanda akong hapunan for us!" sigaw nya. Tumigil naman kaming apat.
"Ah, hindi parin kayo nagbabago. Pagkain parin yang laman ng kukuti nyo!" naka ngiti nyang sabi.
"Saan tayo?" sabay ulit naming tanong.
"Sa condo ko!" at tumalikod na sya samin. I bet, pupunta na sya sa sariling sasakyan nya.
Kanya-kanya naman kaming sakay sa aming sasakyan.
Nang makarating ay agad kaming umakyat sa floor unit ni ate rica.
"Ok boys, where here!" sabi nya sabay bukas ng pinto an ng condo nya.
"Wow, ngayon lang ulit ako nakabalik sa luxurious condo mo, ate!" paghangang sabi ni Diego.
"More space para don sa unang makatulog!" makahulugan nyang sabi samin.
"Goodevening, ma'am!" bungad na bati ng tatlo nyang maids samin.
"Goodevening! tapos na ba kayong maghanda?" naka ngiti nyang tanong.
"Opo!" sabay nilang sagot.
"Salamat! magpahinga na kayo, sila nalang bahala sa huhugasin" sabay turo samin ni ate rica.
Makahulugan sya naming tiningnan.
"What?! pag papahinga na sila. So, kayo nalang!" ngumisi sya samin.
Kahit kailan talaga down to earth itong si ate. Kahit gaano na sya kasikat ay hindi parin lumalaki ang ulo. Marunong parin tumingin ng estado sa buhay at rumespito sa walang-wala.
Pero iba pag dating saming apat. Amazona sya kung maka pag utos samin, palagi kaming pinagtri-tripan tulad ng kanina na halos mapatay kami sa sobrang nerbyos. Dakilang alalay kami sa lahat ng oras pag sya kasama namin. Tulad narin ngayon, paghuhugasin nya kami ng pinggan. Lagi kaming talo at walang magawa pag sya na ang nagsalita.
"By the way, boys! ready na ba kayo sa get together natin?" tanong nya sabay subo ng hipon.
"Ok, ako!" agad kung sagot.
"Sama ako, nakakabato narin ang umupo sa harap ng monitor!" sagot naman ni Diego.
"Sama din ako, nakahanap ako ng kapalit ko for my absent!" sabi naman ni Christian.
Napatingin kaming lahat kay Martin na busy kakasubo ng alimango.
Napatigil naman sya sa pagsubo ng mapansin sa kanya kami na katingin.
"Susunod ako. Meron lang akong pina-follow up na kaso" sabi nito.
"Hoy, Martin! Siguraduhin mong susunod ka dahil kung hindi, tutuluyan talaga kita!" pagbabantang sabi ni ate rica.
Kita nyo na, may pagka amazona talaga ito!
"Ok, boys! let's have a toss for another successful exhibit ni Rylle!" sabay-sabay kaming nagtaasan ng aming wine except kay Christian na tubig. May operation siguro kaya bawal malasing.
"Cheers! dahil nakauwi na ang nagiisang maganda, mabait, mapagbigay, multi-talended at amazonang kong ate!" sabi ko sabay angat ng baso ko.
"Aray!" sabi ko ng batuhin ako ni ate rica ng tsinelas nya at nagtawanan kaming lahat.
"I really miss this, guy's!" malungkot nyang sabi.
"Na miss ko yong mga kwentohan nating ganito, yong mga nakakainis nyong tawa, yong mga nakaka inis nyong reklamo sa mga admirer nyo, na miss kung palagi kayong pinagtri-tripan" napapa luha nyang sabi.
Agad kaming tumayo para bigyan sya ng aming power hug.
"Halinga kayong apat dito!" at yumakap kami sa kanya.
"Alam nyo, nakakainis! bakit ang bilis nyong lumaki!" reklamo nyang sabi at pinunasan ang luha nya sa kanyang mata.
"Ganon talaga, ate! ume-evolve din kami tulad ng panahon" sabi ni Diego.
"Tumatanda lang siguro ako, kaya nagiging emotional na ako!" sabi nya.
"Kaya dapat sa muling pagbalik mo dito, may asawa kana!" sabi ni Martin.
"Ayoko! babantayan ko pa kayo. Baka mapunta lang sa walang kwentang babae yang pag mumukha ninyo! No way!" maarteng sabi nya.
"Ikaw na pala ang taga kilatis ngayon!" naka ngiting sabi Diego.
"Yes!" mataray nyang sagot!
Nagtawanan kami dahil sa sagot nya.
"Excited na akong makita ang bagong resort ko!" naka ngiti yang sabi.
"Saan ba ito, ate?" tanong ni Martin sa kanya.
"Sa may Cavite. Maganda don at ang presko ng hangin!" pagmamalaki nya.
"Kaya kailangan sumama kayo para ma re-fresh yang polluted nyong utak!" sani nya.
"Ang sabihin mo excited kalang mag tan ng skin mo!" sabi naman ni Rylle.
"Shut up!" at nagtawan kaming lahat.
"Cheers, for more success to come to the four bachelor!"
"Cheers!" sabay naming sabi.