Chapter 6: ~The Doctor in room 143~

3040 Words
~Christian Ramirez~ "Hello, doc!" bati sakin ni Mrs. Romualdez. "Pano ba yan, kailangan nakitang iwan. Masyado mo naman kasing binilisan ang paggamot sa'kin!" naka ngiti nyang pagtatampo sakin. "Ginawa ko lang po ang tungkulin ko sa inyo! ayaw nyo po non? makakasama muna ang mga apo mo sa bahay!" naka ngiti ko rin sabi sa kanya. Naka simangot syang tumingin sa'kin. "Hindi ko naman makikita ang ka-gwapohan mo kapag nasa bahay ako, eh!" malungkot nyang sabi. "Magkikita pa naman tayo, diba may follow check up kapa sakin?" naka ngiting sabi ko sa kanya. Meron kasi itong sakit na Neuropathy dala ng katandaan mabuti at na agapan, bago pa ito lumalâ at maging paralisado sya. "Ah, mas lalo ka tuloy guma-gwapo kapag naka ngiti ka!" may pag hangang sabi nya sakin. "Salamat ho!" nakangiti kung sagot. "Naku ma'am, alam nyo po! Iilan lang ang mga taong ningitian ni Doc. Christian. Masyadong hong mahal, tulad ng doctors fee nya!" naka ngising sabi ni nurse Jane Tamayo sa matanda. Almost 2 years palang itong nurse dito sa Hospital. Sya ang itinalagang assistant nurse ko as my Assistant Head Director ng hospital. Medyo makulit nga lang! Matalim ko syang tiningnan at ngumisi lang sya sakin at nag peace sign. "Tama ka dyan, nurse jane! kaya siguro walang babae ang gustong lumapit sa kanya!" Naka ngisi narin sabi sakin Mrs. Romualdez. "Alam mo, Doc! kung nagkataon na magka edad lang tayo ako na ang manliligaw sa'yo!" at napa hagikhik pa silang dalawa ni nurse jane. "Mom, enough na! Dahil malamang sinasakal kana ni papa ngayon, kung nandito pa sya!" masayang sabi ng anak nyang babae. "Ah, kasalan nya. Nauna sya sakin!" sabi nya. "By the way! thank you so much, Doc!"Sabi naman ng anak nyang lalaki at naki handshake sya sakin. "Just make sure to take her medicine on time!" pagre-remind ko. "I will, doc!" sagot ni Mrs. Romualdez sakin. "Let's go, ma!" sabi ng anak nyang lalaki at tulak-tulak ang wheelchair nito. Nagwave goodbye sila sakin habang papalabas ng patient ward. "Ah, si Doc, teary eyes!" sabi sakin ni jane, habang nag papa puppy eyes. Inirapan ko lang sya at mabilis na naglakad pabalas ng patient ward. "Doc, wait for me!" patakbo syang sumisigaw papalapit sakin. Habang naglalakad ako sa hallway at tahimik lang na kasunod sakin si jane. Maya't -maya ko naman naririnig ang mga bulungan ng mga ojt nurse, habang nakatingin sakin. Napa-pansin ko pa na yong ibang nurse kinikilig na nakatingin sakin. "Hay! ang lalandi naman, hindi naman ka gandahan!" rinig kung sabi ni jane mula sa likod ko. Bigla ako napatigil sa narinig ko mula sa kanya, kaya nabangga sya sa likod ko. "Aray! bakit ba, doc?" reklamo nya habang hinihimas ang noo "ang tigas naman yang likod mo!" reklamo ulit nya. Seryoso akong tumingin sa kanya at parang iba ang ibig sabihin nito sa kanya. "Doc, wag po!" at nag arte pa syang, parang may masama akong itensyon sa kanya. "What?!" takang tanong ko sa reaksyon nya. "it's about my patient Mrs. Romualdez schedule!" Bigla naman syang ngumisi sakin na para bang napahiya. "Green mind!" pahabol kung sabi at tumalikod na sa kanya. "Yes, doc!" nahihiya nyang sagot sakin. Diretso ako sa aking doctor room at nagsimula ulit sa pagcheck ng mga laboratory result ng aking mga pasyente. Ganito lagi aking routine for almost 7 years of my life. Bahay, Hospital, My Patient, Checking the result, kung mayroon dapat operahan, ooperahan. Ang hindi ko lang inaasahan ay yong mapagkakamalan nila ako part ng LGBT community. I respect those people and i don't jugde them by who they are, but i'm not one of them. Napapangiti nalang ako sa mga naririnig kung sinasabi nila tungkol sakin. "Ang gwa-gwapo ni, doc! kaso wala paring girlfriend" "Successful, pero wlang lovelife!" "Pihikan siguro sa babae, kaya wla pa!" Napa isip tuloy ako "Masyado naba akong naka-focus sa trabaho?" tanong ko tuloy sarili ko. Nang tumunog ang aking calling ringtone. Kinuha ko ang aking cellphone sa aking white coat at nakitang kung tumatawag sakin si loisa, ang kapatid ko. "Hello, bunso!" bungad kung bati sa kanya. "Hello, my handsome kuya!" sagot nya sakin. "Kamusta kana man dyan?" tanong ko sa kanya. Nasa Hawaii ito ngayon kasama ng mga magulang namin, para sa bagong business franchise ng family business namin. "Heto, mauubos na yata ang dugo ko sa kaka nosebleed dahil sa pag i-ingles!" natatawang sabi nya sa kabilang linya. Napatawa narin nako "Kamusta naman sina mama at papa dyan?" tanong ko. "Ayon, panay ang date sa tabing dagat! Alam mo naman!" maka-hulugang sabi nya sakin. "Just let them enjoy, Liosa!" sabi ko naman. "Ano pa nga ba! teka, how about you!" pag change topic nya. "Meron kana bang dini-date dyan?" nakangiti nyang tanong sakin. "I'm busy, Liosa!" maiksing sagot ko. "Busy?! hay nako, kuya!" sabi nya. "You know my kind of work, Liosa!" sagot ko. "Kuya, enough working too hard. Make time for yourself!" seryoso nyang sabi. "I'll try, Loisa!" pag suko ko sa topic naming dalawa. Nang may kumatok sa pintoan ng opisina ko. "Pasok!" sabi ko sa kumakatok. Nakita kung pumasok si jane. "Liosa, i have to end the call. Please tell mama and papa, to take good care and you also!" habilin ko sa kanya. "Ok, take good care of yourself also. Love you!" sabi nya. Napa-ngiti akong binaba ang phone ko. "Yes?" tanong ko kay jean ng maka pasok na sya. "Nandito na po ang hinihingi nyo na mga lab result at na ilagay ko narin dyan yong schedule ni Mrs. Romualdez" sabay abot nya sakin ng mga result paper. "Ok, thank you!" sabi ko. Nagtaka naman ako ng hindi parin ito umaalis sa harap ko. "Bakit? may kailangan ka pa?" takang tanong ko sa kanya. "Doc, pwede ba akong magtanong sa'yo?" may pagalin-alangan nyang tanong sakin "Ano ba yon?" seryoso kung tanong sa kanya. "Matagal nyo na bang kilala si Dr. Amarra Nelson ng Cardiac Ward?" tanong nya. Nilapag ko ang result papers sakin lamesa at sinagot sya. "Oo, pero hindi kami gaanong close sa isa't-isa. Si Dr. Amarra, was my acquaintance in universitry where i studied my degree as doctor. Isa syang Cardiologists opt" sagot ko sa kanya. "Ah, i mean doc. Gaano mo sya kakilala bilang doctor dito sa hospital?" tanong ulit nya. "She's working here for almost 5 years, and she is a verygood doctor" sagot ko ulit. "Hmm! magaling naman pala sya, eh!" sabi nya. Nagtataka nako sa babaeng ito, ano ba ang gusto nyang sabihin. "Ano ba talaga ang kailangan mo tungkol kay Doc. Amarra?" tanong ko sa kanya. "Wala po, doc! sige alis na ako" agad syang lumabas ng kwarto. "Hindi ko talaga naiintindihan ang babaeng yon!" sabi ko sa isip ko. Binalik ko nalang ang aking atensyon sa mga lab result na nasa harap ko. Nang may matanggap ulit ako ng tawag. Si rylle! "Hello, Rylle!" bati ko sa kanya. "Chris, don't forget my art exhibit tomorrow evening ha!" bungad na sabi nya sakin. "Yes, i will never forget!" tinatamad kung sagot sa kanya. "By the way! tumawag nga pala sakin si ate Rica. Uuwi daw sya rito for my exhibit at gusto nya sana mag-reunion tayo bago man lang sya bumalik sa france at gusto nya rin makita ng bagong bili nyang private resort sa cavite" excited nyang sabi sakin. Si ate Rica, ate naming apat. Kapatid sya ni Rylle, isang sikat na theater actress sa france. Almost 3 years na syang nandon dahil sa pagiging actress. "Susubukan ko!" sagot ko. "Ano?!" biglang sagot nya sakin. "Christian naman! mag day-off kana man! 2 days and 1 nigth lang tayo!" may halong pagtatampong sabi nya. "Ang dami ko ngayong pasyente, mahirap iwan!" pag rarason ko. "Gusto mo ba na makalimutan na ni ate yang gwapo mong mukha?!" pag bibiro nya sakin. "Wag mo nga akong daanin sa ganyan mong trip!" sagot ko sa kanya. "Make time for yourself!" sagot nya. Pangalawang beses ko na atang narinig ang salitang yon, ah! "Fine, kakausapin ko ang head director namin para makahanap ng pampalit sakin, during my absent day" pag suko ko kakulitan nya. "Yes!" sigaw na sabi nya. "Natawagan mo na ba sina Martin at Diego?" tanong ko. "Si Diego, sasama. Pero si Martin, tatawagan ko palang!" halata ang saya sa boses nya. "Ok, bye for now Christian! see you at the exhibit!" pahabol na sabi nya at nag end call. "Nako, oras na pala para sa routine chart ko!" agad akong tumayo at nag mamadaling tinungo ang patient ward. Naabotan ko si jean at ang isang nurse na nag papalit ng dextrose sa isa kong pasyente. "Hi, doc!" bungad sakin ng dalaga kung pasyente nasa 16 years old ang edad, na operahan ko sya dahil sa kanyang benign brain tumors (grade 1) at kasalukuyang nagpapagaling. Ngumiti naman ako sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" naka ngiti kong tanong. "Medyo bumubuti na, doc!" malumalay nyang sagot. "Good, mabuti yan fighting spirit!" at tinapik ko ng bahagya ng balikat nya. "Salamt po, doc!" sabi naman ng ina nya sakin. Binalingan ko sya ng tingin "Wag na po kayong mag alala, maganda ang ipinapakita ang result nya!" sabi ko at maluha-luhang niyakap ng ina ang anak nyang dalaga. Ito ang hindi mababayaran ng pera, ang makitang masaya at panatag ang bawat pasyenteng maliligtas ko. "Sige ho, alis na muna po ako!" pag papa alam ko sa kanila. Pinuntahan ko naman ang sa kabilang kama. Ang pasyente kung nakabenda ang ulo dahil sa aksidente sa motor ang kadahilan ng sugat nya. "Kamusta kaman, tol!" tanong ko sa lalaking nasa 20s ang edad. "Medyo ok na po, doc!" sagot nya sakin. "Nakita ko na ang result mo, pasalamat tayo at walang internal hemorrhage dyan sa ulo mo!" seryoso kung sabi. "Salamat naman kung ganon! makakauwi napo ako?" agad nyang tanong. "Oo, makaka labas naka rito sa makalawa. Eto, payong doctor ko lang sa'yo sana mag iingat kana sa susunod!" seryoso kong sabi. Nagsalute pa ito sakin bago ako sinagot. "Yes, doc!" naka ngisi nyang sagot. "Doc!" tawag sakin ni jean, habang lumalapit sya sakin. "Bakit?" agad kong tanong. "Eto na po yong chart ni Sir. Velay. Yong patient sa 3 floor room 141 sa may private room!" sabay abot sakin ng chart. "Sige pupuntahan ko pag katapos ko dito!" sabi ko at tumango lang sya sakin bilang pag sagot. Isa-isa kung kinunsolta ang limang pasyente at ina-update ang kanilang medical chart dito sa nuero ward. Pagkatapos ay lumipat naman ako sa 3rd floor para sa aking private patient. Habang naghihintay ako sa elevator na bukas ay naka sabayan ko si Doc. Amarra. Sumagi tuloy sa isip ko ang mga tanong kanina sakin ni jean. "Ano kaya ang kailangan nya kay Doc. Amarra? Baka magpapaturo!" sabi ko sa isip ko. Ang totoo nyan, hindi ko rin gaanong kakilala ang Doc. Amarra na'to! Magkasama nga kami sa iisang hospital at pareho ng university na pinag aralan namin, pero parang ang dalang ko lang sya makasalubong. Kung may pagkakataon naman, ngumi-ngiti lang kami sa isa't-isa. Na curios tuloy ako sa kanya. Pasimple akong umatras ng kunti para makita ko sya mula sa likod nya. At nagsimula akong kilatisin ang katawan nya mula sa likod. Ano ba ang mali sa babaeng ito? maganda, matangkad, matalino, maganda naman ang hubog ng katawan, marami rin ang naka pagsabing mabait ito. Yon ang narinig kong sabi nila, hindi naman kami palaging magkasama kaya hindi ko masasabing mabait nga sya. "Ting!" ng tumunog ang pagbukas ng elevator. Agad syang pumasok, ako naman ay naka sunod lang sa kanya kasabayan ang ibang pang sasakay. Nakita kong pinindot nya ang 3rd floor botton don din pala ng punta nya. Tahimik ko lang syang pinagmamasdan, ngayon ko lang na pagtanto na may pagka-kahawig sya sa modelong si Sam Pinto, dahil siguro narin sa mahaba at tuwid nyang buhok. Nang may narinig akong bulong-bulongan sa likod. "Ang gwapo talaga ni Doc. Christian at ang bango pa!" mahina na sabi ng babaeng nasa likod ko. Kung hindi ako nag kakamali, mga intern doctors namin. At bumukas ang elevator sa 3rd floor, at naunang lumabas si Doc. Amarra at sumunod naman ako. Diretso lang ang lakad nya na para bang wala syang paki alam sa paligid nya. Habang naglalakad ako patungo sa room 141. Ay, nakita ko syang pumasok sa room 143, private ward din. Hindi ko nalang sya inintindi at pumasok nalang sa room 141. After a couple of minutes ay na tapos ko din syang konsultahin at ini-update ang kanyang medical chart. "Alis na po ako, Mr. Velay!" naka ngiti kong paalam sa kanya ganon din sa asawa nyang nagbabantay. Nang marinig ko ang emergency siren mula sa kabilang room. Agad akong tumabok papalabas ng kwarto at tinungo ang pinag mulan nito. Room 143. Agad akong pumasok at nakita ko ang isang pasyente na ngingisay at tirik ang mata. Nakita ko namang sinusubukan e-revive ni Doc. Amarra ang pasyente na kalmado lang kasama ang iilang nurse. Narinig ko ang biglang pag line tone ng EKG, senyales na wala ng heartbeat ang pasyente. "Time of death 3:20pm!" deklara nya sa nurse na katabi nya. "Ano? ganon-ganon lang?" tanong ko saking sarili. Agad akong lumapit sa kanila at pinatabi ang mga nurse sa paligid ng kama. Agad akong nag execute ng CPR sa pasyente. "Get the defibrillator!" sigaw ko sa lalaking nurse na tulala sa aking ginawa, ganon din si Doc. Amarra. "Yes, doc!" sagot nya sakin. After a second ay hila-hila na nya ang defibrillator. "Ok, doc!" sabi nya sakin. "200volts! Clear!" agad kung pinatong ang aparato sa didbid na medyo malapit sa heart. Pero wala parin responses. "Again! Clear!" for the second time tumunog ang EKG. "Thank god!" hingal na sabi ko. Agad kung cheneck ang kanyang vital sign, medyo mahina pa, pero kahit papaano ay babalik na sya sa stable. Narinig ko biglang pag palakpakan ng dalawa pang pasyente sa loob ng kwarto. Ngumiti lang ako sa kanila at binalingan ng tingin si Doc. Amarra. Na ngayon ay gulat parin sa kanyang nasaksihan. Pero parang meron akong nakitang disappointment sa mga mata nya. "Doc!" tawag ko sa kanya. Parang doon palang sya nakabawi sa pag katulala. "Doc. Ramirez! Ang galing ng ipinakita mo!" ngumiti sya sakin ng alanganin. "Sinusubukan ko narin kasi syang i-revive kanina, pero.." hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin, parang nanghihinayang sa nangyari. "Thanks for saving my patient!" sabi nya at naglakad papalapit sa kama ng pasyente nya. Nagtaka ako sa mga kinikilos nya. Pero baka dala ng gulat sa hindi nyang inasahang pangyayari. Ako naman ay umalis na sa loob ng kwarto ng makita kung pumapasok narin ang iba pang kasama aming doctor para tignan ang pasyente. Naglakad naman ako sa hallway, nang marinig kong tinatawag ako ni Mrs. Velay. Lumapit ako sa kanya at napansin ko ang pag alala nya sa mukha nya. "Bakit po, Mrs. Velay?" tanong ko. "Doc, meron naman bang namatay dyan sa room 143?" tanong nya sakin. "Wala po! nasubukan namin syang e-revive. Bakit po?" ulit kong tanong. "Eh, kasi, kung nagkataon pang apat na pasyente na syang namamatay dyan sa room 143 sa buwang ito!" may pag alalang sabi nya sakin. Natural lang naman saming mga doctor ang mamatayan ng pasyente. Ang hindi lang namin alam ay kung ilan at kung kailan. Nagkata on lang siguro na ang sa case ni Doc. Amarra ay tatlo sa buwang ito. Ang ipinagtataka ko sa sinabi nya ay paanong may tatlong pasyente na ang namatay sa room 143, at wala akong ka alam-alam. "Sige ho, alis na po ako!" pag papa alam ko. "Ay, naku sorry! naistorbo pakita!" sabi nito at bumalik nasa loob ng kwarto nila. Agad kung hinanap si Jean. May kung anong nangyayari sa room 143 na hindi ko alam. Pumunta kaagad ako ng nurse station para makausap sya. Nakita ko syang busy sa kakakain ng junk food, para tong si diego! "Jean!" agad na tawag ko sa kanya. Nakita kung nagulat pa sya sa presensya ko at natatarantang tumayo at lumapit sakin. "Yes, doc!" sabi nya sabay lunok ng piatos chips. "Sumama ka sakin sa opisina!" ma awtoridad kong sabi sa kanya. Pagkarating namin saking doctor room ay agad ko syang hinarap at tinanong. "Jane, i want your honest answer to my question. And promise me, whatever you heared it's only between us. Understand? or i'll fired you!" serious mode kong sabi. "Yes, doc!" medyo nag aalinlangan nyang sagot. "Tell me everything you heard about in room 143!" agaran kong tanong. "ah, na hindi magaling si Doc. Amarra kasi namatayan sya tatlong pasyente sa loob ng isang buwan" pag uumpisa nya. "At kung ang mga kasama pang pasyente ang tatanonging mo, para daw sinasadyang patayin ni Doc. Amarra ang pasyente nya. Kaya nga takot na takot ang mga pasyente sa room 143 sa kanya" sabi nya na walang preno. "At ito pa, Doc! alam mo na ba ang bagong bansag sa room 143?" tanong nya sakin. Takang tumingin ako sa kanya at napa iling. "143- I kill you!" seryoso nyang sabi sakin. "Paanong wala akong alam na tatlo na pala ang patay don sa room143?" takang tanong ko sa kanya. "Yon din ang hindi ko alam, doc! sadya yatang tinago nila ang huling record nong namatay" sabi nya na parang nag iisip. "Dahil kung hindi ba naman nag tanong ang isang nurse don sa pasyenteng kasama, ay hindi nya rin alam na patay na pala ang isang pasyente doon!" mahabang salaysay nya sakin. Paanong wala record? At bakit tinago? "At isa din sa ipinagtataka namin, Doc! kasi ang nakalagay sa medical chart ng pangalawang pasyenteng namatay sa loob ng room 143, na ang sakit nito ay asthma. Pero ang declare ng ikinamatay nya ay cardiac arrest!" hindi maka piniwalang sabi nya. What's wrong with Doc. Amarra? Sangkot ba sya rito? May alam ba sya? "Yon lang ba ang itatanong mo, doc?!" tanong bya sakin. "Yes, makaka alis kana! Remember what our deal!" pahabol na sabi ko. "Yes, doc!" naka ngiti nyang sabi at lumabas. Naiwan akong nag iisip sa mga pangyayari sa loob ng room 143.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD