Chapter 5: ~The Call of duty~

3071 Words
~SPO2 Martin Cerna~ "Salamat sa pagpa pasakay mo sakin dito sa Audi RS 6 Avant mo, Rylle!" sabi ko sa kanya. Habang sya tahimik lang na nagmamaneho. "Walang ano man! Nakalimutan mo yata na ako ang sumundo sayo kahapon, kaya ako rin ang maghahatid sa'yo!" sabi nya, nakatuon lang ang tingin nya sa daan. "Alam mo, inaantay ko talagang mapa luha si Diego sa ginawa natin para sa kanya. Kaso ang gago, hindi man lang tinablan!" pagkwento ni Rylle. "Tinablan sya, kunti nga lang!" sabi ko. "May trabaho kaba sa araw na'to?" tanong nya sakin. Change topic. "Wala! nag day off ako. Dahil ang sakit ng ulo ko!" sagot ko habang hinahagod ang aking sentido. "Mabuti kapa! Makapag day off!" sabi nya na bagsak ang balikat. "Bakit ikaw?" takang tanong ko."Akala ko ba naka plano nato?" "Yes! but, wala eh! i need to check the other details in the exhibit. Ayoko ko namang i-asa sa iba ang mga art works ko" pag dahilan nya. "Bakit ang akala mo ba si Christian mag da-day off din? Hindi no!" Takang napatingin ako sa kanya. "Tumawag sa kanya ang isang staff nurse nya at sinabi na nagkaroon ng emergency sa isang patient nya. Kaya ayon! ura-uradang na patakbo sa hospital" salaysay nya. "Call of duty pala kayo ngayon!" sabi ko. "Malamang iinom nalang ako ng aspirin nito!" sabi nya. "Ano pa nga ba?!" sagot ko. After 20mins na byahe ay nakarating din kami sa exclusive subdivision na tinitirahan ko. "Grabe ang yaman mo, Martin!" bulalas ni Rylle. "Mayaman na ka agad? Porket nakatira sa ganitong subdivision?" tanong ko. "Ikaw nga brand new tong sasakyan mo!" sabi ko sa kanya. "Eh, di pareho na tayong mayaman!" naka ngiti nyang sabi at napa ngiti naman ako. Nang itinigil nya ang sasakyan sa harap ng isang 2 story house, painted in moss green color. "Nandito na tayo mahal na hari!" naka ngiti ulit sya sakin. "Maraming salamat, prince charming!" sabi ko at bumaba na. "Hoy! bakit ngayon mo lang hinatid ang asawa ko?!" sigaw ng isang batang babae nasa edad 8 years old kay Rylle. Nagtataka nya akong tiningnan mula sa kanyang window car. Kilala na nya ang batang babae, si lyca anak sya ng kapitbahay kong sina Mr & Mrs. Chua. "Bakit hindi ba naka pag paalam ang gwapo mong asawa sayo?" naka ngiti nyang tanong sa bata. Simula kasi ng makita nya ako, ay lagi na nyang sinasabi na ako ang gusto nyang maging asawa. Natatawa nga ang tatlo ng ekwento ko sa kanila ang tungkol kay lyca. Kinantyawan pako na laos na ang kagwapohan ko at sa bata nalang tumatalab ang karisma ko. "Hindi!" sigaw nyang sagot kay Rylle habang naka-halukipkip sa harap ko. "Pano ba yan, Martin! Mukhang galit yata ang asawa mo!" sabi nito at diniinan pa ang salitang asawa. "O, pano alis na ako! paki kamusta mo nalang ako kay tito at sa'yo, pagalitan mo yang asawa mo!" nag wink eye pa sya kay lyca, bago pina andar ang sasakyan at umalis. "O, ano! wala kabang explanation sakin?" naka halukipkip nyang tanong. Napapailing na alang ako sa kadaldalan ng batang to! Yumuko ako sa harap nya para mapantayan ang taas nito. "Nagkaroon ng celebration party sa bahay nina Diego, kasi nanalo ulit sya isang Tournament at doon na kami na tulog" pag e-explain ko sa kanya. "Grabe daig ko patalaga ang may totoong asawa nito" sabi ko sa sarili ko. Nang may dalawang babae ang nag jo-jogging ang mapapa daan sa harap namin. Huminto sila sa harap ko at binati ako ng "Goodmorning, sir!" maarte nilang sabi. "Hoy, wag nyo ngang landiin itong asawa ko!" sigaw ng bata sa dalawa. Napa tawa tuloy sila dahil sanabi ni lyca. "Ang cute naman nya!" dinig ko pang sabi ng isa. "Bye, sir!" at balik jogging silang umalis. "Martin naman! bakit mo sila tinitignan?" nag rereklamo nyang tanong sakin. "Kasi-" hindi ko na sabi pa ang aking sasabihin dahil dumating na ang kanyang ama at napakamot ng ulo. "Lyca, anak! Ini istorbo mo naman ba si sir Martin?!" tanong nya sa bata. "Ah, hindi naman po. Nasanay nako sa kakulitan nya!" pagtatanggol ko. "Papa naman, eh! kinakausap ko lang etong manugang mo dahil ngayon lang nakauwi!" pag rarason nya na parang matanda. "Ay, dios ko po! halika ka na rito!" binuhat at ikinarga na nya ito. "Nako pasensya kana talaga, Martin! hindi ko alam kung ano ang nakain ng anak ko at nasabi nya yon. pasensya na talaga ha!" pag hingi nya ng paumanhin. "Wla po yon!" naka ngiti kong sagot. "Oh, mahal kung asawa! bukas ulit, strict si papa!" pahabol na sabi nya sakin. Napatawa naman ako sa sinabi nya. Kaya tinakpan na ni Mr. chua ang bibig ng anak dahil sa mga pinag sasabi nito. Ako naman napapa-iling parin na tumatawa. Napa isip tuloy ako na sana meron narin akong little princess. "Papa naman, eh! ayaw nyo po ba sa kanya? gwapo sya, matalino, pulis at mahilig din sya sa basketball tulad mo!" rinig kong sabi ng bata sa kanyang ama. Hindi man lang maka sagot si Mr. chua sa kadaldalan ng anak. Ako naman ay diretso na sa loob ng bahay. Pagka-pasok ko ay bumungad sakin ang amoy ng longganisa at tuyo. Nakaramdam tuloy ako ng gutom, nang may lumabas na lalaking na sa late 50s mula sa kusina na may soot na apron. "Oy, anak!" tawag nya sakin na makita nya akong nakatayo sa pinto an. "tamang-tama lang ang dating mo at mag hahain na'ko ng agahan!" naka ngiti nyang sabi sakin habang naghahanda sa lamesa. Ako naman ay lumapit sa kanya para mag mano. "Goodmorning, pa!" bati ko sa kanya. "Teka! ma upo kana muna at maghahanda ako!" sabi nya at bumalik ulit sa kusina. "Tulungan ko na po kayo!" pagre-representa ko. "Kamusta nga pala ang surprise party nyo kay Diego? Successful ba?" tanong nya. "Oo, naman! Medyo napa luha yong gago sa ginawa namin!" pag kwento ko. "Bilib talaga ako sa katatagan nyong magkaibigan. Hindi parin talaga kayo mapaghiwalay. Almost 13years na!" naka ngiti nyang sabi. "Ganon talaga, pa! may mga tao paring pinahahalagan ang pag kakaibigan kaya mas tumatagal" naka ngiti kung sabi. "I agree with you!" naka ngiting nyang sagot. "Pero martin, bago matulog uminom ka muna ng aspirin para mabawasan nyang hang over mo!" utos nya sakin habang kumakain kami. "Yes, sir!" sagot ko naman. "Masarap ba ang luto ko?" naka ngiti nyang tanong. "Kailan pa po ba kayo nag luto ng hindi masarap. Kaya nga tumataba nako dahil sa mga luto mo!" pagrereklamo ko. "Para laging kang malusog at alesto sa bawat oras!" rason nya. "Oo, nga po! kaya lang hindi naman ako makatakbo ng maayos dahil sa taba ko" sagot ko. "E, di! mag-excercise ulit tayo! Sama natin si lyca, gusto ko kasi ang pagka madaldalin ng batang yon!" sabi nya sakin. "Ang sabihin mo, excited kalang na magka-apo!" pagtatama ko sa sinabi nya. "Eh, kahit sabihin ko sayo ng harap-harapan ang isasagot mo lang naman sakin. Busy ako sa trabaho ko, wala akong time para sa mga ganyang bagay, delikado ang uri ng trabaho ko ayoko ko syang madamay. Paulit-ulit na rason, anak! Sayang naman ang gandang lalaki mo kung hindi mo naman lang ito mapapa-kinabangan!" mahabang salaysay nya. Nasanay nako sa ganito lagi naming topic. Dapat sya lang daw sa angkan namin ang hindi maka pag asawa. At ako naman ay dapat raw na magka pag asawa, para merong mag dadala ng apelyido namin. "Tito! can we just eat?" pag change topic ko. Napa buntonghininga nalang sya at nag patuloy sa pag kain. Pagkatapos kung mag ligpit ay diretso ako sa aking kwarto at pa bagsak na humiga sa kama. Makakatulog ako nito ng walang distorbo at walang mag lalagay ng kung ano-ano sa mukha ko. "Savour your day-off, Martin!" sabi ko sa sarili ko na papikit ng tuluyan. Kakapikit ko palang ng biglang tumunog ang calling ringtone ng cellphone ko. Tinatamad ko itong kinuha sa leather jacket ko at sinagot. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya. "Hello, Captain!" sagot sa kabilang linya. Tiningnan ko ang caller i.d. Si red! "Bakit, red?" takang tanong ko. "Captain, meron isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang dito sa ilog ng cusim" pag report nya. Agad akong napa balikwas ng bangon dahil sa sinabi nya. "Text me the exact location at pupunta ako" end call. I take a quick shower and dress a type-c uniform with matching black leather jacket. Nag mamadali akong lumabas ng bahay. "Anak, bakit?" tanong sakin ni tiyo ng makasalubong nya ako sa pinto an. "Call of duty, pa!" sagot ko. Alam na nya ang ibig kong sabihin. "Magiingat ka!" at niyakap nya ako ng mahigpit. "I will, pa!" sagot ko sa kanya at niyakap din sya. "Alis na'ko!" at kumalas ako sa pag kakayap sa kanya. Agad kong Pina andar ang aking Kawasaki ninja 400 at pinaharorot ito ng takbo. Pagkarating ko sa location, ay nakita ko ang mga taong nag kukumpolan sa paligid. "Captain!" tawag sakin ni red habang naka salute. Agad ko naman syang nilapitan at nag return salute. "Ano ang balita rito?" agad kong tanong sa kanya. "Merong isang bangkay ng lalaki ang nakita ng tatlong bangkero na yon!" turo nya sa tatlong lalaki na parang nasa 30s at 40s ang edad. "Yong una, akala nila katawan lng ng baboy na palutang-lutang kasama ng mga kangkong. Pero nong lapitan nila, na pag tanto nilang isa itong tao. Kaya agad na silang tumawag ng police" salaysay nya sakin. "Nakita mo na ba ang bangkay?" tanong ko sa kanya. Nakita kong biglang namutla ang mukha nya. "Ang mabuti pa, Captain! Kayo nalang ang tumingin sa bangkay. Hindi kaya ng sikmura ko" pagrarason nya. "Asan na yong bangkay?" tanong ko sa kanya. Sinamahan nya akong makalapit sa bangkay. Tinatakpan ng kumot ang buong katawan ng nito. Nang makalapit ako ay unti-unti kong inangat ang kumot na nakatakip. (SPG) Na amoy ko ka agad ang maalisang-sang na amoy mula sa bangkay dahil siguro sa pagkababad sa tubig at sa katagalan. Halos masuka ako sa akin nakita, basag ang bungo nito sa anit. Merong isang malaking hiwa ang mukha nito at nakikita ko na ang laman nito. Maga ang parehong mata, putok ang labi, nawawala rin ang dalawang ngipin nya sa harap. Puno ng pasa ang kanyang mukha. Nanlumo naman ako ng makita kong dislocated ang kanang braso nito at putol ang ilan sa mga daliri nya. "Sinong demonyo ang may gawa nito?" galit kong tanong sakin sarili na kuyom ang kamao. Mas lalo pa akong nanlumo ng makita ko ang katawan nyang may mga malalaking hiwa, mula sa isang matalim na bagay at tadtad ng bala kaya nag kagutay-gutay ang damit nya. Hindi ko napigilang ang mapaluha ng makita kung putol ang kaliwang paa nya at puno ng maliliit na paso at may mga latay ng latigo ang buong binti nya. "Hayop ang may gawa nito!" sabi ko habang pinupunasan ang mga munting luha sa mga mata ko. "Hindi ako papayag na hindi mahuli ang hayop na gumawa nito" seryoso kong sabi. "Captain! kailangan na nilang kunin ang bangkay!" sabi sakin ni red. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa mga nakita ko. Sa almost 7 years ko sa trabaho, meron pa palang mas hihigit pa sa mga kriminal at pusakal na taong nahuli ko. "Red!" tawag ko sa kanya. "Captain?" sagot nya. "Tawagan mo ang team mo! Gusto kung maki pag coordinate kayo sa SOCO sa pag iimbestiga sa bangkay. At i-update mo'ko!" utos ko sa kanya. "Dahil susundan ko ang bangkay sa morge" sabi ko. "Yes, Captain!" sagot nya at nag salute. Nag salute return ako sa kanya at naglakad na papunta ng aking motor. Habang naglalakad ako ay nahagip ng aking mata ang isang babaeng nag hihinagpis sa pag iyak sa likod ng mga taong nag kukumpolan. "Kamag anak sya siguro ng lalaki" sa isip ko. Naawa ako kaya naglakas loob akong lapitan sya. Nang papalapit nako sa kanya ay napansin nya ako. Agad syang umiwas at naki pagsabayan ng lakad sa mga taong nagsi alisan sa lugar. Nagmamadali ko syang hinabol at hinanap, pero bigo ako. Hindi ko man lang na-familiaran ang mukha nya. Nag palinga-linga pako sa paligid sa pag babasakaling makita ko sya. Nang may biglang kamay ang pumatong sa balikat ko. Agad kung hinarap ang may ari ng kamay. Si red! "Captain! bakit?" takang tanong nya sakin. "Wala! meron kasi akong nakita, akala ko kakilala ko kaya hinabol ko. Mali pala ako!" pag aalibay ko. "Ah, ganon ba! sige alis na'ko!" sabi nya at naglakad na papuntang service vehicle namin. Naiwan naman akong napa isip sa kinilos ng babae kanina. Nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking leather jacket. Isang text message mula kay P/Col. Guero. From: P/Col Guero Martin, asan ka? I need you in my office now! I have something to tell you! ASAP! Nag reply ako na pupunta na ako. Agad akong sumakay sakin motor at pinaharorot ulit ito ng takbo. Nang makarating ako sa headquarters ay diri-diretso akong nag lakad papunta ng opisina ni P/Col Guero. "Pasok na daw kayo, sir!" sabi ng secretary nya sakin. Pagkapasok ko ay agad akong nag salute sa kanya ganon din sya sakin. "Maupo ka, Martin!" utos nya sakin. Agad naman akong umupo sa upuang nasa harap ng table nya. "Narinig mo na ba ang balita tungkol sa bangkay ng isang lalaking nagtupo an sa ilog ng cusim?" seryosong nyang tanong sakin. Tumango lang ako bilang pag sagot sa kanya. "Gusto kung ikaw at ang team mo ang humawak ng kaso!" sabi nya. "I know you can solve this case. I give you all my access in this case and i trust you!" patuloy nya. "Mukhang hindi ko na pala kailangan pilitin kayo na ibigay to sakin!" naka ngiti kong sabi. Nagtaka naman sya. "Pina punta ko na kasi ang team ko sa SOCO para maki pag coordinate. Para in case na hindi mo ibigay to sakin, ay may dahilan nako" sabi ko. Tumawa sya dahil sa sinabi ko. "Your just like your tiyo! I remember him to you!" "Sige, sir! alis na'ko!" pag papaalam ko sa kanya. Nagsalute muna ako bago lumabas at ganong din sya. Pagkalabas ko ng opisina ay diretso naman akong palabas ng headquarters at sumakay ng motor. Kailangan ma puntahan ko ang bangkay sa morge. Pagkarating ko ay nakita ko ang dalawang officer ng SOCO sa hallway at lumapit ako sa kanila. "Mga brod, tapos na bang ma forensic examine ang bangkay nakita sa ilog cusim?" tanong ko. Nagtataka nilang akong tiningnan. "Bakit, brod? may kailangan ka?" seryosong tanong ng isa. Kihuna ko ang aking Chapa bilang pagpapakilala na mula ako sa CIDG. "Ah, ikaw siguro ang tinutukoy ni P/Col Guero. Halika sumama sakin!" sabi ng isa. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto at napa tingin sila sakin. "Bata! tibayan mo yang sikmura mo sa makikita mo!" ngumiti sila ng nakakaloko. Hindi ko nalang sila pinansin at nag kunwaring walang narinig. Pagka-pasok namin ay tumambad sakin ang mga nakahigang bangkay sa stretcher trolly. Tinatakpan sila ng puting kumot at ang tanging makikita lang ay ang kanilang paa na may name tag. Nilibot ko aking mata sa mga bangkay na nakahiga. "Brod, wala dyan ang hinahanap mo! nasa special room sya!" naka ngising sabi sakin ng isa. Tahimik lang akong sumunod ulit sa kanila papunta sa special room na sinasabi nila. Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ko ang isang katawan na nakahiga sa stretcher trolley na may takip na puting kumot ang kalahati ng katawan. Malinis na ang katawan nito wala na ang mga dugo at dumi nito sa katawan, di gaya ng nauna ko itong nakita. "Doc! samahan mo muna kami dito!" tawag nya sa lalaking naka white gown at lumapit sya sa amin. "Paki tulungan mo naman kaming e-explain sa kasama namin ang nangyari dito sa bangkay!" utos nya. Nag suot muna ito ng surgical gloves at iisang tinuro ang sugat nito. (SPG) "Nakikita nyo ba ang malaking sugat nya sa ulo. Sa aking palagay, hinampas sya gamit ng isang steel tube, at malaki ang taong humapas sa kanya. Dahil kung regular lang na tulad natin hindi mag ka-cark ang bungo nya. Tapos itong hiwa sa mukha nya" turo nito sa sugat. "kung pagbabasihan ko ang lalim ng sugat, sapalagay ko cleaver knife ang gamit nya. Yong dalawang ngipin naman nya, natanggal dahil sa lakas ng impact na pag bugbog sa kanya. At meron sya 10 gun shot sa katawan at isa sa ulo. Total 11. Yong pagka dislocated ng braso, parang sinadya, itong mga daliri nyang putol" habang hawak ang kamay nitong may putol na daliri. "Alam nyo torture to para sakin! kasi kung hindi ako nag kakamali, yong cleaver knife na ginamit sa mukha nya ay ito din ang ginamit sa mga daliri nya ganon din sa katawan. At yong mga paso sa binti, galing sa sigarilyo at yong mga latay na hindi ko mabilang. And worst yong kaliwa nyang paa. Hindi ko alam kung ano ang ginamit sa pag putol cleaver knife o sinsaw!" malungkot nyang salaysay. Nakita kung patakbong pumunta ang isang SOCO officer sa lababo at nagsuka. Hindi siguro kinaya ang narinig mula sa forensic pathologist. "At meron pa!" sabi nya at meron kinuha mulansa isang freezer na lalagyan ng mga parte ng katawan. Pagkabalik nya bitbit nya ang isang plastic bag na may lamang isang paa. "Ito yong kaliwang paa nya nakita 1 meter away sa katawan nya" at inilagay ito sa tabi ng bangkay. "Meron akong napansin, tingnan nyo yong taas ng buko-bukohan" turo nya. "Ang cute ng blue spade tattoo nya" naka ngiti nyang sabi. Agad ko namang tiningnan ng mabuti ang tinutukoy nyang tattoo. Nang may maalala ako tungkol sa tattoo. "May koneksyon ba sya sa ML?" tanong ko sa sarili ko. "Salamat!" sabi ko sa doctor. "Pag may kailangan ka, tumawag ka lang!" sabi nya sakin. Tumango lang ako at tumalikod na sa kanila. Naglakad nako palabas ng kwarto at napa isip tungkol sa Black Organization na sinasabi sakin ni P/Col Guero. Sumakay ulit ako sa aking Kawasaki ninja 400 pabalik ng headquarters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD