-=m*******e's Point of View=-
Twenty minutes before seven nang makarating ako sa school, at dahil maaga pa naman ay hindi ko naman kailangang magmadali sa pagpasok, kaya naisip kong dumaan na muna sa bakanteng lote kung saan itatayo ang bagong building, umaasa na din ako na nandoon na sana si Rick para makita ko man lang ito bago ako pumasok sa klase ko, ngunit nang makarating ako doon ay wala pa din ito, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi dumiretso sa una kong klase ng araw na iyon.
"Good morning, Jane. You looked pretty today," ang nakangiting bungad sa akin ni Sandy nang makapasok na ako sa classroom.
"Magandang umaga din, Sandy," nakangiting bati ko dito.
Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin hanggang sa makaupo na kami sa kanya-kanya naming mga upuan, mabuti na lang talaga, at magkatabi kami nito ng upuan.
"May naisip ka na bang paraan para malaman mo kung saan mo makikita ang man of your dreams?" Tanong ni Sandy sa akin.
Lihim naman akong napangiti nang marinig ang tanong na iyon ni Sanday, hindi kasi kami nito nakapagkuwentuhan kagabi, kaya wala itong kaalam-alam patungkol sa nangyari kagabi.
Nakikinita-nita ko na ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na nito na hindi ko na kailangan pang masyadong mag-effort na mag-imbestiga gayong tadhana na ang nag-adya na magkita kami ni Rick, ngunit bago ko pa man masabi iyon kay Sandy ay sakto naman na dumating na ang professor naman, kaya wala akong choice kung hindi ipagpaliban ang pagkukuwento ko dito.
Halos hindi ako nakakapag-focus habang pilit kong pinapakinggan ang boring na lecture ni prof, ang isip ko kasi ay na kay Rick na malamang ay nasa school na din, hindi ako sigurado kung nasaan ito ngayon, pero malakas ang kutob ko na nasa school ito ngayon.
Nagpatuloy ang mga klase ko ng umagang iyon, at sobrang pagpipigil ang ginawa ko para hindi na lang basta mag-walkout sa mga klase ko, masyado kasi akong excited na makita si Rick, kaya naman ganoon na lang ang pagmamadali ko ng sa wakas ay tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay simula na ng lunch break namin.
"Saan ka pupunta, Jane?" Narinig kong tanong ni Sandy, ngunit hindi ako tumigil para sagutin ito bagkus ay mas binilisan ko pa ang paglalalakad, hanggang sa makarating ako sa bakanteng lote, ngunit hindi ko alam kung minamalas ba ako, pero wala doon si Rick, ayon sa naabutan kong lalaki doon ay sinabi nitong kakaalis lang ni Rick, at hindi ito sigurado kung babalik pa ba ito mamaya.
Bagsak-balikat akong umalis sa lugar na iyon, minabuti kong puntahan sila Sandy na ayon dito ay nasa cafeteria, hindi naman ako nahirapan na makita ito, at katulad ng dati ay kasama pa din nito ang boyfriend nitong si Brent.
"Saan ka ba nagpunta?" Agad na bungad sa akin ni Sandy nang pasalampak akong naupo sa bakanteng silya sa tabi nito.
"Diyan lang," walang kabuhay-buhay na sagot ko dito.
"Sayang, hindi mo tuloy nakita iyong crush mong lalaki," wala sa sariling sinabi ni Sandy, bigla namang nanglaki ang mga mata ko nang marinig iyon.
"Wait, sinasabi mo bang nagpunta si Rick Saavedra dito kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Oo, bumili lang siya ng pagkain, tapos umalis din agad, ikaw naman kasi kung saan-saan ka nagpupunta," napapailing na sinabi ni Sandy sa akin, nang makita nito ang frustration sa mukha ko.
Napasubsob naman ako sa mesa sa inis na nararamdaman ko, ang buong akala ko kasi ay mas mapapadali ang pakikipaglapit ko dito ngayong alam ko na, na anak pala ito ng mag-asawang Saavedra, pero para namang nananadya ang pagkakataon na ayaw kaming pagtagpuin.
"Huwag ka ng malungkot, sigurado naman na magkikita pa kayo, ang isipin mo na lang ay kung paano mo siya makikilala ng maigi," ang sinabi ni Sandy na para bang pinapalakas nito ang loob ko.
Nang marinig nga iyon ay agad akong nag-angat ng ulo, at tumingin dito ng may pagdududa, kahapon lang kasi ay pinipilit ako nitong huwag ng si Rick ang magustuhan, kesyo malayo daw ang agwat naming dalawa, at estudyante ako sa school na ito, pero ngayon naman ay parang pinapalakas nito ang loob ko na pinagtataka ko.
"Magsabi ka nga sa akin ng totoo Sandy, kahapon lang ay pinapatigil mo ako na magustuhan si Rick, pero bakit ngayon ay parang iba na ang sinasabi mo?" Nagdududa kong tanong dito.
"Bakit ganyan ka naman makatingin? Alam ko naman kasi na hindi magbabago ang isip mo kung sakaling may gusto kang gawin, kaya naman imbes na pagbawalan pa kita ay mabuti ng suportahan na lang kita, tutal naman ay wala naman sigurong masama kung maging kayo nga, pero sinasabi ko lang sa iyo na kilalanin mong maigi si Rick, at hindi natin kilala ang totoong pagkatao niya," nagpapaalala nitong sinabi.
"In fairness, na-touch naman ako sa sinabi mong iyan, Sandy, pero meron kang hindi alam," makahulugan kong sinabi dito.
Kanina ay napigilan ang pagkukuwento ko sa kanya ng tungkol sa natuklasan ko kay Rick nang dumating ang professor namin, kaya naman minabuti kong sabihin sa kanya ang nangyari kagabi sa bahay ng mga Saavedra.
"Wait! Whatt?! Si Rick ang panganay na anak ng mga magulang ng inaalagaan mong bata?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, at dahil diyan ay mas nasisigurado ko na kami talaga ang nakatadhana, kasi naman tadhana na ang gumagawa ng paraan para mas mapalapit ako sa kanya, and what's the better way to get to close to him is through his family," tiwalang sagot ko dito na may malapad na pagkakangiti.
"Kung tadhana na ang gumagawa ng paraa, eh bakit hindi kayo nagkita ngayon?" Nagtatakang tanong ni Sandy, at dahil sa sinabi nito ay tinignan ko tuloy siya ng masama.
"Bad trip ka din minsan, minsan napaka-supportive mo, pero madalas basag trip ka din eh," naiinis kong sinabi dito.
"Sorry naman, pero sa tingin ko ay may kailangan ka ding malaman," nagtaka naman ako ng biglang nag-seryoso si Sandy.
"Ano iyon?" Naguguluhang tanong ko dito, hindi ko maintindihan ang biglang kabang bumalot sa puso ko ng mga oras na iyon.
"Narinig ko kasi kanina sa cr si Rachelle, at mukhang hindi lang ikaw ang nagkagusto kay Rick, at ayon kay Rachelle ay gagawin niya ang lahat para mapasakanya si Rick," seryoso pa din nitong sinabi.
"Over my dead body!" Halos pasigaw kong nasabi, kaya naman agad natawag ang atensyon ng ibang kumakain sa puwesto namin, ngunit wala akong pakialam doon, dahil ang isip ko ay na kay Rachelle Dela Cruz.
Hindi ko akalain na hindi lang pala sa pagiging sikat sa school kami magiging magkakumpetensya, maski pala sa lalaking gusto ko ay magiging karibal ko ito, ngunit alam ko naman sa sarili ko na mas maganda ako dito, at mas deserving kay Rick, ngunit hindi ko din kasi maikakatwa na maganda din naman ito, at kung may lamang man ito sa akin ay sa dibdib.
Mas malaki kasi ang hinaharap nito na mukhang hinog na hinog na papaya, at natatakot ako na baka mas gusto ni Rick ang mga babaeng may malalaking hinaharap, at sabi nga nila mas daig ng malandi ang maganda, at siyempre si Rachelle iyong malandi samantalang ako iyong maganda.
Ngunit kahit ganoon ay hindi ako magpapatalo kay Rachelle, kahit paano naman ay mag edge ako dito lalo na ngayon ka-close ko ang pamilya ni Rick, well, maliban kay Kevin na alam kong tintago lang ang galit sa akin nang dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya, pero hindi siya dapat magalit sa akin lalo na, at paghahanda niya iyon para matuto siya sa buhay.