CHAPTER 14: My Future In Laws

1526 Words
-=m*******e's Point of View=- Maaga akong nagising kinabukasan ng umaga, at ang unang taong sumagi sa isip ko ay ang guwapong mukha ni Rick Saavedra. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na si Rick pala ang panganay na anak ng mag-asawang Richard, at Lizza Saavedra, at ang nakakatandang kapatid naman ni Kevin na siyang laruan ko, este ng inaalagaan ko pala. Bigla naman akong kinabahan nang may bigla akong na-realized na bagay. "Paano kung magsumbong si Kevin?" Hindi ko mapigilan na mag-alala, kung sakali mang magsumbong ang lampang batang iyon sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Kung mangyari kasi iyon ay malabo ng magustuhan pa ako ni Rick, siguradong-sigurado pa naman ako na siya na ang lalaki para sa akin. Oo nga at eighteen years old pa lang ako, pero kahit ganito palang ang edad ko ay alam ko na ang gusto ko, at gusto kong mapasaakin si Rick Saavedra, at hindi ako makakapayag na basta na lang masisira ng batang talunan na iyon ang pangarap kong iyon. "Pero, baka hindi naman gawin iyon ni Kevin," sa loo-loob ko. Maliban kasi sa may pinanghahawakan akong pang-blackmail dito ay hindi pa naman ako nito nagawang isumbong sa mga magulang nito, kaya naman, baka hindi din ito magsumbong sa kuya Rick nito, ngunit para makasigurado ay kailangan kong ipaalala sa kanya, kung sino ba talaga ang boss sa aming dalawa. Bago pumasok sa school ay naisipan kong dumaan na lang sa bahay ng mga Saavedra, umasa na din kasi ako na baka maabutan ko doon si Rick para naman maging perfect ang umaga ko. "Good morning po, Mrs. Saavedra," ang magaalng kong bati kay Lizza nang pagbuksan ako nito ng pinto. Halata naman ang pagkagulat sa mukha nito nang mapagbuksan ako nito ng pinto, masyado pa kasing maaga kaya naman hindi pa ito nakakapag-ayos, kung tutuusin ay nakasuot pa ito ng nightgown nito. "Good morning din, Jane, bakit ang aga mo naman atang mapadalaw?" Nagtataka pa din nitong tanong. Palihim naman akong sumilip sa loob na para bang inaasahan kong makikita ko agad si Rick, pero nang hindi ko ito nakita ay saka ko pa lang sinagot ang tanong na iyon ni Lizza. "Sorry kung medyo napaaga ako ng dating, nangako kasi ako kay Kevin na ako ang maghahatid sa kanya sa school," sagot ko dito. Sa totoo lang ay malaking kasinungalingan ang sinabi kong iyon, dahil malabo naman na hilingin ng lampang batang iyon na ihatid ko siya sa school, dahil madalas sa madalas ay nababatukan ko ito sa tuwing trip ko lang o kaya naman ay nabu-bully ko ito habang nasa kotse kami. Gaya ng inaasahan ko ay nakita ko ang ngiti na gumuhit sa mga labi ni Lizza, mukhang napaniwala ko naman ito sa sinabi kong iyon, at maliban pa doon ay dagdag points din iyon para mas matuwa sila sa akin, at kung maging kami nga ni Rick ay hindi sila tututol sa magiging relasyon naming dalawa. "Yang batang yan talaga, inistorbo ka pa, pero salamat dahil pinagbigyan mo ang hiling ni Kevin," natutuwa nitong sinabi. Matapos nga noon ay agad na ako nitong pinapasok, pinasunod na din ako nito sa dining room para saluhan silang kumain ng almusal. "Good morning," nakangiting bati ko nang nasa dining room na ako. Katulad ni Lizza ay nagulat din ang mga taong naabutan ko sa kusina nang makita nila akong naroon ng ganoong oras. "Good morning din, Jane, pero bakit ang aga mo naman atang napadalaw?" Tanong ni Richard sa akin, habang makikkita din ang pagtataka sa mukha ni Kevin na kakikitaan ng kaba sa mga mata nito. Pinigilan ko naman magpahalata ng pagkadismaya nang hindi ko pa din nakita si Rick sa dining room. "Ang bunso mo ang sisihin mo, nag-request siya na si Jane ang maghatid sa kanya sa school," umiiling na napapangiting sagot ni Lizza sa tanong ng asawa. Mas lalo namang nanglaki ang mga mata ni Kevin na hindi makapaniwala sa narinig, ngunit bago pa man ito may masabing mali ay tinignan ko na ito ng masama, kaya naman tinikom na lang nito ang mga labi. "Talaga ba? Ikaw talaga Kevin, hindi ka na nahiya kay Jane, pero Jane, maraming salamat talaga," natutuwang sinabi ng future father in law ko. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat kay Jane, Kevin?" Pag-uusog nito sa bunsong anak nang nanatili pa din itong walang imik. "Thank you, Jane," mahina nitong sinabi. Agad naman akong lumapit dito, at marahan ginulo ang buhok nito na para bang affectionate talaga ako dito, pero ang totoo ay sobrang pagpipigil ang ginawa ko nang makita ko ang batok nito, sa tuwing nakikita ko kasi ay parang ang sarap nitong batukan. "Wala iyon," nakangiting sagot ko dito, at dahil hindi naman nakikita ng mag-asawa ang mukha ko ay pinanglakihan ko ito ng mga mata. "Kumuha ka na din ng pinggan mo, Jane, at sabayan mo na kaming kumain," aya ni Richard, at hinding-hindi ko talaga tatanggihan ang alok nito, at nagmamadali akong kumuha ng pinggan, at kutsara't tinidor ko. "Maraming salamat sa pagkain," ang sinabi ko bago ako pumili ng makakain, ngunit kahit ganoon ay palihim pa din akong tumitingin sa bandang itaas na para bang inaasahan kong ilang sandali lang ay bababa na mula doon si Rick, ngunit limang minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ang lalaking pangarap ko, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin ang mga ito. "Si Rick po ba hindi sasabay sa ating mag-almusal?" Kunwaring balewalang-tanong ko. "Naku, Jane. Hindi siya dito tumutuloy, may nakuha kasi siyang townhouse sa bandang Quezon City, at doon siya nakatira. Kagabi ay dumalaw lang siya, at pagkatapos naming kumain ay umuwi na din siya," sagot ni Lizza. Labis ang panghihinayang na naramdaman ko ng mga oras na iyon, ang buong akala ko kasi talaga ay makikita ko ito, at kung susuwertihin ay makasabay ko ito sa pagkain, ngunit kamalas-malasan ay may sarili na pala itong bahay, ngunit kung iisipin ay dapat maging masaya ako dahil sa oras na makasal na kami ay hindi ko kailangan tumira sa isang bahay kasama ang mga magulang nito, kaya naman hindi ko kailangan na pakisamahan ang mga ito. At dahil sa naisip kong iyon ay magana na akong kumain ng almusal, hindi pa nakakaligo si Kevin kaya naman kinailangan ko pang maghintay dito na inabot din siguro ng mahigit thirty minutes. "Maraming salamat sa almusal, Mr, and Mrs. Saavedra, mauna na po kami ni Kevin," nakangiti kong sinabi sa mga ito nang sakay na kaming pareho ni Kevin. "Walang anuman iyon, Jane, at salamat din sa paghahatid kay Kevin. Ikaw ng bahala sa kanya ha," nakangiting sagot ni Lizza, at matapos nga noon ay bumalik na ito sa loob ng bahay para maghanda sa pagpasok nito sa negosyo nito. "Aray!" Ang napasigaw na nasambit ni Kevin. Pagkapasok na pagkapasok pa lang kasi ng nanay nito ay isang malakas na batok agad ang binigay ko dito, kanina pa kasi nangangati ang kamay ko, at kanina ko pa gustong batukan si Kevin, dahil parang nag-aanyaya ang nakakaloko nitong buhok. "Binabalaan kita, Kevin. Huwag na huwag kang magkamaling isumbong ako sa mga magulang mo, at lalong-lalo na sa kuya Rick mo, at kung hindi baka mangati ang kamay ko, at i-post ko ang mga pictures mo," pagbabanta ko dito. Nang marinig nga iyon ay agad nanglaki ang mga mata nito na mas lalo pang lumaki dahil sa makapal nitong salamin na mukha na nga itong tutubo. Agad itong umiling ng sunod-sunod habang patuloy ito sa pangangako sa akin na hinding-hindi ito magsusumbong basta huwag kong ilabas ang mga larawan nito. Napaismid naman ako nang marinig iyon, at matapos nga noon ay agad ko na ding pinaandar ang kotse ko patungo sa school nito. Naging maganda ang mood ko habang nagmamaneho, habang si Kevin naman ay nanatiling tahimik lang na nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko ma-imagine kung anong magiging reaksyon nito kung sakaling maging kami nga ng kuya nito, dahil ibig sabihin ay magiging sister in law ako nito, at kung sakaling sa iisang bahay nga kami nakatira ay magiging araw-araw ang pambu-bully ko dito. Oo nga at ayoko sanang makasama ang future in laws ko, but then again, magkakaroon ako ng chance na ma-bully si Kevin, so maybe hindi na din masama kung sa isang bahay kami tumira, pero sabi nga nila we'll cross the bridge when we get there. Inabot din ng mahigit kalahating oras nang makarating kami sa school ni Kevin, at bago ito tuluyang bumaba ay muli ko itong binalaan, mabuti na ang makasigurado para alam nito na may paglalagyan ito sa oras na magkamali ito. Nang makababa sa kotse ko ay nagmamadali na itong tumakbo papunta sa gate ng school nito, sa praan nga ng pagtakbo nito ay para itong hinahabol ng halimaw. Hindi na din ako nagtagal sa lugar na iyon, at agad ko ng pinaandar ang kotse ko, malakas kasi ang kutob ko na sa school ko makikita si Rick, considering na may gagawin itong design para sa itatayong bagong building sa campus. "Wait for me, Rick," kinikilig kong nasambit habang patuloy na tumutugtog ang love song na nagpapaalala sa akin sa guwapong mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD