CHAPTER 16: The Carrion Flower Lady

2714 Words
-=m*******e's Point of View=- Hanggang sa makabalik kami sa classroom namin, at magsimula ang sumunod na klase ay nanatili pa din sa isip ko ang sinabi sa akin ni Sandy patungkol sa karibal kong si Rachelle. Actually, madami pa ang nagkakagusto kay Rick sa mga kaklase, at schoolmate ko na hindi naman kataka-taka, kung ako nga ay nagkagusto malamang, lahat ng mga kababaihan sa school ay nagkagusto din dito, iba din siyempre kasi ang taste ko. Sa lahat ng babaeng nagkakagusto kay Rick ay kay Rachelle ako pinakanangangamba, may reputasyon kasi ang babaeng iyon na ginagawa nito ang lahat para lang makuha nito ang gusto. Bali-balita din sa school na para lang makakuha ito ng mataas na grades ay nakikipag-date pa ito sa ilang mga lalaking professor namin, kaya naman natatakot ako na gamitan ng kalandian ng babaeng iyon si Rick ko. Akin lang si Rick, at hindi ako papayag na may isang haliparot na babae na tulad ni Rachelle ang magtatangkang again ang para sa akin. Hindi kami nito magkaklase sa kahit na anong subject sa school, kaya mahihirapan akong subaybayan ito, ngunit binabalak kong mas matiyagan ito hanggang sa maari, para malaman ko ang mga susunod nitong aksyon. Nagpatuloy ang mga klase namin ng araw na iyon, ngunit kahit na anong gawin ko ay wala halos pumapasok sa isip ko mula mga lessons ng mga professor namin, mabuti na lang talaga, at nandyan si Sandy para saluhin ako sa tuwing natatawag ako sa resitation, kung hindi sa kanya ay baka kahina pa ako napahiya, at napagalitan sa hindi ko pakikinig. Kasalukuya ko kasing iniisip ang mga dapat kong gawin para maungusan ko ang malanding babaeng iyon na si Rachelle, ang kapal ng mukha niya na pag-interesan nito ang future boyfrined ko, at hindi talaga ako papayag. Ganoon na lang ang relief na naramdaman ko nang sa wakas ay matapos na ang lahat ng klase namin ng araw na iyon, ngunit bago pa man ako makaalis ay agad naman akong pinigilan ni Sandy. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Sandy sa akin. "Uuwi na, hindi ba uwian na?" Magkasalubong na kilay na tanong ko dito. "Oo uwian na, naisip ko lang na baka gusto mong mamasyal, matagal-tagal na din kasi tayong hindi nakakapag-mall, baka may gusto kang bilhin na damit?" Nakangiti nitong tanong. Pinigilan ko naman ang mapailing nang marinig ang sinabing iyon ni Sandy, ang sweet kasi talaga nito, at masyado nitong inaalala ako, pero wrong timing naman kasi ang pag-aaya nito sa akin, dahil nga sa binabalak kong paghahanap kay Rick, kaya naman mabigat man sa loob ko na tanggihan ito ay wala akong magawa. "I'm sorry, Sandy, pero may kailangan pa kasi akong puntahan, pero next time," pangako ko dito, hindi ko naman mapigilan na ma-guilty nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Ahhh... ganoon ba? Sige next time na lang siguro," pilit na ngiting sagot naman nito. Hindi na din ako nagtagal, at nagpaalam na din ako dito, nagmamadali akong makarating sa bakanteng lote sa pag-iisip na baka nandoon na nga si Rick, at isang malapad na ngiti ang namutawi sa aking mga labi nang makumpirma ko ang hinala ko. "Rick," nakangiting lumabas sa mga labi ko habang pinagmamasdan ito mula sa kinatatayuan. Kasalukuyan kasi itong nakatayo, at pinagmamasdan ang bakanteng lote, nahuhulaan kong sinisubukan nitong pagahanahin ang kanyang imahinasyon sa magiging design ng bagong building. "Rick..." Tatawagin ko na sana ito sa pangalan nito, ngunit bigla akong natigilan, at ang dahilan noon ay dahil naalala ko si Sandy kanina, hanggang ngayon kasi ay nagi-guilty pa din ako na tinanggihan ko ang pag-aaya nito sa akin na mag-mall kami. "Bahala na nga!" Naiinis kong nabanggit nang sa wakas ay magpasya na akong umalis sa lugar na iyon, at iwan si Rick na abala pa din sa ginagawa nito. Nagmamadali naman akong bumalik sa classroom namin sa pag-aakalang nandoon pa din si Sandy, ngunit nang makarating ako doon ay wala ng tao, kaya naman agad akong dumiretso sa parking lot, kung saan ko naabutan si Sandy na pasakay na sana ng kotse nito, katulad ko ay may sarili din itong sasakyan, at kung titignan ngang maigi ay mas masasabing mas maganda ang kotse nito, ngunit hindi ko na masyadong inintindi iyon, at nagmamadali na akong lumapit sa kotse nito. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Sandy nang kumatok ako sa salamin ng kotse nito, at matapos nga noon ay binaba na nito ang salamin. "Oh Jane, may kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong nito. "Oo, hindi ba nag-aaya ka sa mall ngayon?" Nakataas na kilay nitong tanong. "Oo, pero hindi ba may gagawin ka..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito, at agad kong pinutol iyon. "Bakit ba ang dami mong tanong, gusto mo bang mag-mall? Oo, o hindi?" Mataray ko pa ding tanong dito. Halata namang nataranta ito sa pagtataray kong iyon, kaya nga sunod-sunod na pagtango ang ginawa nito, naisipan kong sumabay na lang dito papuntang mall, tutal naman ay nandito na din naman kami. Agad akong sumakay sa passenger seat, at matapos nga noon ay sinimulan na ni Sandy ang pagmamaneho, pinigilan ko naman ang ngiting nagbabadyang lumabas sa mga labi ko nang mapansin kong napasaya ko ito. Hindi ko namamalayan ang mga pagbabago magmula nang magsimula akong gumawa ng kabutihan, at in fairness ay hindi naman pala masamang gumawa talaga ng magaganda paminsan-minsan. "See, gumagawa ako ng mabuti, baka naman..." Sa loob-loob ko habang nakatingin ako sa itaas, pinapaalala ko kasi sa Kanya since gumagawa ako ng maganda ay baka naman pagbigyan Niya ang kahilingan ko, at iyon ay mapasakin ang pinapangarap kong lalaki. "Anong ibig mong sabihin na baka naman?" Laking gulat ko naman nang marinig ko ang tanong na iyon ni Sandy, kaya agad akong napatingin dito, ngunit nanatili naman ang mga mata nito sa kalsada. "Anong ibig mong sabihin na baka naman?" Kinakabahan kong tanong dito, hindi ko nga na-realize na inulit ko lang din ang tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka naman nakakabasa ito ng isip, at nababasa na nito ang mga tumatakbo sa utak ko ngayon. "Sabi mo kasi baka naman, baka may gusto kang sabihin?" Muli nitong tanong. "Wa...wala, ang gusto ko lang sabihin ay baka naman..... baka naman na sale ngayon sa mall," pagpapalusot ko dito, agad naman itong napatango-tango. Saka ko pa lang nailabas ang paghingang kanina ko pa pinipigilan, akala ko talaga ay nakakabasa ito ng isip, ang nangyari lang pala ay nasambit ko ang isang bahagi ng iniisip ko. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho hangagng sa wakas ay makarating na kami sa mall, medyo madami-dami na ding mga tao, ngunit sanay na din naman ako, sa dalas ko ba naman sa mga mall para lang mag-shopping, at mamasyal. "Saan mo gustong magpunta?" Nakangiting tanong ko dito. Habang nasa loob ako ng mall ay sandali kong nakalimutan ang tungkol kay Rick, kakaibang saya kasi ang nararamdaman ko sa tuwing nasa mall ako, parang ito siguro ang sinasabi nilang lugar kung saan ka kumportable, at masaya. Oo nga at masyadong maingay sa loob, pero nakakadagdag nga iyon sa sayang nararamdaman ko, sa tuwing makikita ko ang masasayang mga mallgoers. "Hindi ko alam, ikaw may gusto ka bang bilhin na damit para sa future boyfriend mo?" Nanunudyong tanong nito sa akin, at nang dahil nga sa sinabi nito ay bigla akong nakaisip ng ideya na mamili ng mga bagong damit na tiyak na magugustuhan ni Rick kapag nakita nitong suot ko. "Now that you mentioned it, may alam akong magagandang mga dresses, tara na!" Hindi ko na hinintay na sumagot ito, at basta ko na lang hinatak ang kamay nito. Mas lalo tuloy akong na-excite na mamili, sa totoo lang ay wala naman sana akong bumili ng mga damit, ngunit nang dahil sa sinabing iyon ni Sandy ay nagbago ang isip ko. Sa isang kilalang brand ng mamahaling damit ko hinatak si Sandy, at kakapasok pa lang namin ay agad ng natawag ng isang kulay azul na bistida ang interes ko, kaya naman nagmamadali akong lumapit doon. "Maganda yan, siguradong bagay sa iyon," narinig kong sinabi ni Sandy. "Of course! Wala naman atang hindi bagay sa akin," may kayabangan na sagot ko dito, ngunit ngumiti na lang ito. Sa tagal na din kasi kami nitong nagkakasama ay nababasa na nito ang ugali ko, kaya naman hindi na ito masyadong nagugulat, o kaya nagdadamdam sa tuwing may sinasabi ako na sa tingin ng iba ay hindi ko dapat sabihin, o kaya naman ugali na dapat ay hindi ko inilalabas.  "So, bibilhin mo yan?" Tanong nito. "Not yet, kakapasok lang natin dito, siyempre kailangan pa din nating maghanap pa ng iba. You can't buy the first dress you saw," paliwanag ko dito. Kaya naman naging abala na kami ni Sandy ng pamimili ng mga damit, napilit ko na din ito mag-shopping ng mga bago nitong damit. Inabot din kami ng halos dalawang oras nang sa wakas ay nabili na namin ang mga damit na napili namin, at siyempre ay hindi ko kinalimutan ang azul na bestida na una kong nakita. "Sigurado ka na bang satisfied ka na sa mga napamili mo?" Tanong ni Sandy nang lumabas na kami ng naturang tindahan. "Oo, at saka naman malabo kong masuot ang lahat ng ito, hindi naman kasi tayo puwedeng pumasok sa school ng hindi naka-uniform," sagot ko dito. Hindi kami nito agad umuwi, bagkus ay inaya ko na muna itong kumain na lang din mismo sa mall na iyon, sa isang Japanese restaurant ang napili namin, at dahil matagal-tagal na din na hindi ako nakakapag-shabu-shabu ay iyon ang napili naming kainin. "Ikaw, kumusta naman ang mga napamili mo? Baka naman hindi makapagpigil si Brent kapag nag-date na kayo na yan ang mga suot mo," panunudyo ko dito, at katulad ng inaasahan ko ay agad namula ang buong mukha nito sa sinabi kong iyon. "Naku, hindi mangyayari iyon dahil ginagalang ako ni Brent, at saka hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay," umiiling na sagot nito. "Agree ako diyan, kung hindi ka pa handa sa mga ganyang mga bagay ay huwag na huwag kang magpapapilit, mas kilala mo ang sarili mo, kaysa sa iba. Oo nga at madami-dami na din na mga ka-age na pinapasok ang ganyan, pero hindi naman ibig sabihin noon na makigaya na din tayo sa kanila," sagot ko dito. Hindi na nagkomento pa si Sandy, bagkus ay ngumiti lang ito sa mga sinabi kong iyon. Kahit naman kasi maging kami na ni Rick ay hindi ako basta-basta papayag, kung mamahalin niya ako ay kailangan niyang maghintay kung kailan maging handa na ako. Ayokong-ayoko kasi na magkaroon ako ng pagsisisi sa mga ginagawa ko, kaya nga bago ako magdesisyon sa isang mabigat na bagay ay sinisigurado ko muna ang sarili ko. Ilang sandali lang ay na-setup na ang mga order namin, at matapos noon ay masaya na naming pinagsasaluhan ang shabu-shabu sa mesa namin. "Itadakimasu," ang sinabi ko bago ko sinimulang kumain. "Ano?" Nagtataka namang tanong ni Sandy sa sinabi kong iyon. "It's a Japanese standard phrase," sagot ko anamn dito, hindi ko alam magmula kasi nang mahilig akong manood ng Anime noong younger years ko ay nagagamit ko na ito sa tuwing kumakain ako sa isang Japanese restaurant. "Ahhh..." ang tanging sagot ni Sandy, at matapos noon ay masaya na naming pinagsaluhan ang pagkain, habang masaya naming pinagkukuwentuhan ang boyfriend nito, hanggang sa mapadako ang usapan namin patungkol kay Rick. "Kapag naging kayo talaga ni Rick, baka puwedeng lumabas tayo ng sabay-sabay, double date ika nga," ankangiting suhestiyon ni Sandy. "Oo ba! Kaya ipanalanganin mo na maging kami talaga, at huwag na huwag siyang magpapaakit sa haliparot na Rachelle na iyon," sagot ko dito. Muli na naman tuloy nagngitngit ang damdamin ko nang maalalang may masabang balak ang babaeng iyon sa future boyfriend ko. Inabot din ng mahigit thirty minutes nang sa wakas ay matapos na kaming kumain, at matapos ngang bayaran ang bill ay nagpasya na kaming umuwi. Palabas na sana kami ng restaurant nang sakto naman na may pumasok na kilalang-kilala kong babae, katulad ko ay may kasama din itong babaeng schoolmate namin. Agad naman tumalim ang tingin nito nang mapatingin ito sa akin, hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga paper bags ng mga pinamili nitong mga damit. "Bakit kaya biglang sumama ang hangin dito," pagpaparinig nito sa akin,  ngunit imbes na mainis ay nginitian ko lang ito ng malapad. "Of course! Dumating ka eh, remember you smell like a carrion flower?" pambubuska ko dito. Ang tinutukoy kong bulaklak ay tinatawag na corpse flower, or stinking flower dahil sa mabaho nitong amoy, at minsan ko na din nabanggit kay Rachelle ang bagay na iyon. Agad namang nagsalubong ang mga kilay nito, at parang nakikita ko ang literal na pag-usok ng magkabila nitong mga tenga nang dahil sa sinabi kong iyon. "Ang kapal ng mukha mong ikumpara ako sa mabahong bulaklak na iyon!" Galit na galit nitong singhal sa akin, ngunit hindi man lang ako nabahal sa pagsigaw nito na naging dahilan para matawag ang atensyon ng ilang mga parokyano ng restaurant na iyon. "Chill, Rachelle. Huwag na huwag mong mamaliitin ang bulaklak na iyon, rare flower kaya iyon," nakakaloko ko pa din na sinabi dito. Umismid lang ito nang marinig ang sinabi kong iyon, at matapos nga noon ay inaya na nito ang kasama nitong babae, at kung hindi ako nagkakamali ay iyon ay si Amor na kaklase naman nito. "Hindi ko akalain na pamilyar ka pala sa bulaklak na iyon?" Humahangang tanong ni Sandy. "Oo naman, hindi lang naman puro tungkol sa fashion ang pinapanood ko, nanonood din ako ng Discovery Channel, Animan Planet, at kung ano-ano pa, anong akala mo sa akin? Katulad nI Rachelle na puro hangin lang ang utak?" Sadya kong nilakasan ang boses ko para marinig nito, at katulad nga ng inaasahan ko ay sandali itong huminto sa pagpasok, ngunit mabuti na lang, at hindi na akio nito binalikan. Katulad ng usapan namin ni Sandy ay hinatid ako nito pabalik sa school kung saan nakaparada ang kotse ko, at matapos magpasalamat dito ay sumakay na ako sa kotse, at agad iyong pinaandar. Habang nagmamaneho ay muli kong naalala ang mga damit na pinamili ni Rachelle, mukhang pareho kasi kami ng iniisip na magpaganda para kay Rick, kaya naman nang dahil sa naisip kong iyon ay nalaman kong kailangan kong i-up ang game ko! Hindi ako makakapayag na ang isang tulad lang ni Rachelle  Dela Cruz ang magiging hadlang para mapasaakin ang pinapangarap kong lalaki. Inabot din forty ng mga minutes bago ako makarating sa bahay ko, at matapos maibaba ang mga pinamili ko ay naghanda na akong maligo. Hindi kasi maaring matulog ako ng hindi naliligo, masyado kasing masama sa balat ang mga pollution, at maliban pa doon ay kailangan ko pang gawin ang nightly routine ko, oo nga at bata pa naman ako, at maganda pa ang kutis ko, ngunit sa pagdaan ng mga panahon, at idagdag pa ang iba-ibang factors ay malaki ang chance na maapektuhan ang inaalagaan kong itsura. Nag-decide akong magpahinga muna ng mga ten minutes, at matapos nga noon ay agad na akong pumasok sa banyo para maligo. Mas magaan na ang pakiramdam ko nang matapos akong maligo, at para mas maging hydrated ang balat ko ay gumamit naman ako ng lotion na matagal-tagal ko na ding ginagamit noon pa lang, at kung ano-ano pa ang pinahid ko sa mukha, at leeg ko, at nang matapos na ako ay saka pa lang ako humiga sa kama, ngunit hindi agad ako nakatulog dahil sa pag-iisip ng kailangan kong gawin para mas maungusan ko si Rachelle, at kahit na sino pang babaeng magtatangkang agawin ang Rick ko. "Ang pinaka-advantage mo ay ang kaalaman mo kung sino ang pamilya ni Rick," kausap ko sa sarili, at mukhang kailangan ko talagang i-maximize ang bagay na iyon para magamit ko ang bagay na iyon, hindi lang sapat na natutuwa sa akin ang mga magulang ni Rick, dahil kailangan na magustuhan nila ako, at makita nilang girlfriend material ako, and eventually ay maging wife material din ako. "Just you wait, you will not know what's coming," sa isip-isip ko, and this time ay nakaramdam na din ako ng pagkaantok, at ang huling nasa isip ako bago ako talunin ng antok ay ang mga bagay na kailangan kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD