-=m*******e's Point of View=-
Maaga akong gumising ng umagang iyon, ngunit bago ako tuluyang bumangon sa kama ay kinuha ko na muna ang salamin na nasa side table ko lamang.
Sandali kong sinpat ang reflection ko sa salamin, at nang makita kong maganda pa din ako ay akong napangiti, at sandali munang nag-inat-inat.
Hindi ko nakakalimutan ang mga kailangan kong gawin para sa mga plano ko na balak kong simulan ngayong araw ding ito.
Ilang sandali nga lang ay nagmamadali na akong bumangon sa kama ko, at matapos noon ay agad din akong nag-ayos ng sarili ko matapos makaligo, at makapag-toothbrush, ngunit imbes na ang uniform ko ang suotin ko sa school ay namili ako sa mga pinamili kong mga damit kahapon.
Sinigurado kong tignan ang lahat ng mga pinamili ko, gusto ko kasing mas maging maganda ako ngayong araw na ito, not that I'm saying that I'm not beautiful, because I do, at kahit siguro anong suotin ko ay babagay pa din sa akin, pero iba ang araw na ito, dahil ito ang simula ng plano ko.
"Why not?" Sa loob-loob ko habang matiim na pinagmamasdan ang kulay azul na bestida na binili ko, at matapos nga noon ay agad ko na ding sinuot iyon.
Nag-apply na din ako ng manipis na make-up, manipis lang iyon na parang hindi nga halata, para lang mas ma-enhanced ang features ko, ayoko din naman na magmukha akong payaso kung sakaling sumobra ang ilagay ko sa mukha ko.
"Just like how Rachelle looks like," hindi ko mapigilan ang sarili kong maisip, ganito talaga siguro kung naiinis ka sa isang tao, iniisip mo ang mga bagay na hindi maganda dito.
Actually, hindi naman sa naninira ako ng tao, pero totoo naman na kung hindi dahil sa kakapalan ng make-up niya sa kasingkapal din naman ng mukha niya ay hindi pa magmumukhang maganda ito, unlike me na natural beauty.
Isang malapad na ngiti ang lumabas sa mga labi ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin, ang mukhang ito ay ang pinagkakaguluhan ng mga boys sa school, pero katulad nga ng nabanggit ko mga boys lang ang tingin ko sa mga kaklase, at schoolmate ko, at tanging si Rick lang ang nakikita ko na nababagay sa akin.
Bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko ay nagwisik na din muna ako ng pabango na nabili ko pa sa ibang bansa nang minsan akong mag-abroad para sa summer break namin, at matapos nga noon ay tuluyan na akong lumabas ng bahay, at sumakay sa kotse ko.
"Kaya mo to, Jane," pagpapalakas ko ng loob ko, at ilang sandali nga lang ay kasama na ang kotse ko sa libo-libong nasa kalsada, ngunit imbes na sa school ang destinasyon ko ay ibang lugar ang nasa isip ko ng mga oras na iyon.
Masyado pa naman maaga para pumasok ako, kaya nga sinadya kong umalis ng maaga dahil binalak kong magpunta sa bahay ng mga Saavedra.
Walang kasiguraduhan na maaring nandoon ngayon si Rick, ngunit nagbakasali na din ako, at isa pa, kung gugustuhin kong mas magustuhan ako ng mga magulang ni Rick ay kailangan madalas nila akong makita ng mga ito.
Inabot din ng mahigit thirty minutes nang sa wakas ay makarating ako sa bahay ng mga ito, at ilang sandali nga lang ay nasa harap na ako ng bahay ng mga ito.
Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ko bago ako kumatok sa pinto, at katulad ng inaashan ko ay kitang-kita ko na naman ang pagkagulat sa mukha ni Lizza.
"You're here again," gulat na sinabi nito, at kahit anong pilit nitong itago ang bagay na iyon ay hindi naman nakaligtas sa matalas kong paningin ang reaksyon nito.
"Good morning, Mrs. Saavedra! Wala nahilingan na naman ako ni Kevin eh," kunwaring napapailing na sinabi ko sa kanya.
"Yang bata talaga na yan oh," naiiling nitong sinabi, at nagawa pa nitong humingi sa akin ng tawad, ngunit agad ko itong pinigilan.
"You don't have to apoloize, Mrs. Saavedra, masaya naman ako na makasama si Kevin," nakangiting sagot ko dito, at kung may makakarinig sa akin na alam ang katotohanan ay siguradong kikilabutan kung gaano kapani-paniwala ang pagkakasabi kong iyon.
""Napakabuti mo talaga, Jane. Sigurado akong napakasuwerte ng magiging boyfriend mo," nakangiting sinabi ni Lizza habang patungo na kami sa dining room.
Pakiramdam ko ay parang nag-replay lang ang nangyari kahapon nang dahil sa mga naging reaksyon ng mga ito, ngunit hindi ako nagpahalata sa mga ito, at patuloy kong pinapalabas na kaya ako nandito ay dahil na din sa kahilingan ng batang lampa.
"Kevin, I know how much you wanted to be with Jane, pero huwag mo namang abusuhin ang kabutihang loob ni Jane," paninita ni Richard sa anak, mabuti na lang, at pinili ni Kevin na huwag magsalita, kaya kahit paano ay napanatag ang loob ko.
"It was nothing really, masaya ako na makasama din si Kevin, siya kaya ang pinakapaboriton sa mga batang naalagaan ko," nakangiti ko pa din na sagot, at gaya ng dati ay nakikita ko ang approval sa mga mata ng mga ito.
"Suckers!" Sa loob-loob ko, habang napansin ko naman ang panginginig ng katawan ni Kevin na para bang kinilabutan ito sa sinabi kong iyon, ngunit wala akong pakialam kung ano man ang iniisip nito.
Sinamantala ko na din ang pagkakataon na ito, para makakuwentuhan si Lizza, napansin ko kasing madali itong mabola basta papansinin mo ang magada nitong mukha.
Kahit kasi may edad na ito ay hindi pa din nawawala ang kagandahan nito, kung tutuusin ay baka mapagkamalan pa kaming magkapatid nito.
"You need to tell me what you're using, Mrs Saavedra, sobrang kinis ng balat ninyo, naiinggit tuloy ako, para lang tayong magka-edad" kunwari ay namimilit kong sinabi dito, habang binobola ko ito, at katulad ng inaasahan ko ay halatang natuwa ito sa sinabi kong iyon.
Kasalukuyan kasi naming pinagkukuwentuhan ang tungkol sa cream na maganda sa mukha, at doon ako nag-focus sa topic na iyon.
"Naku, Jane, kung ano-anong pinapahid ng asawa kong iyan sa mukha niya, at maliban pa doon ay halos linggo..." Ngunit agad na tumigil sa pagsasalita si Richard nang mapansin nito ang masamang tingin ng asawa sa kanya.
"Anyway, Jane. Huwag kabng mag-alalala, may mga stocks pa naman ako sa kuwarto ko, bibigyan kita para masubukan mo din," nakangiti na uli nitong sinabi sa akin.
Halos kaming dalawa lang ni Lizza ang nagkukuwentuhan habang kumakain, habang si Richard, at Kevin ay nagkakatinginan na lang.
"Ako ng bahalang maghugas ng pinagkainan natin," kunwaring alok ko, ngunit umiling-iling lang si Lizza sa sinabi kong iyon.
"Naku, Jane. Hindi maganda na ikaw ang paghuhugasan namin, bisita ka namin, at maliban pa doon ay baka masira naman ang suot mo, ang ganda-ganda mo pa naman. Oo nga pala, hindi ba ninyo kailangan mag-uniform ngayon?" Biglang tanong nito.
"Kailangan pa din naming mag-uniform, iyon nga lang ay hindi agad natuyo ang uniform kaya hinayaan ko na lang sa kotse na matuyo," pagpapalusot ko.
Tumango-tango lang ito habang inutusan nito ang asawa na ito ang maghugas ng mga pinagkainan namin, kakamot-kamot naman ng ulo si Richard na walang nagawa kung hindi sumunod sa sinabi ng asawa.
"Mabuti pang sa sala mo na hintayin si Kevin," suhestiyon nito na agad kong sinunod.
Hindi din naman nagtagal ang paghihintay kong iyon, inabot lang din ng halos twenty minutes nang sa wakas ay lumabas na ang lampang bata sa kuwarto nito na nakasuot na ng uniform nito sa school.
"Let's go?" Nakangiting tanong ko kay Kevin, at muli ay nanginig na naman ito na para bang kinikilabutan ito sa pinapakita kong iyon, dahil lang naman nandoon si Lizza kaya ako umaarte ng ganoon.
"Ikaw ng bahala sa bunso namin, Jane," paalala ni Lizza nang ihatid nito kami sa kotse ko.
"Don't worry, Mrs. Saavedra, akong bahala kay Kevin, at maraming salamat uli sa mga cream, maybe next time puwede tayong magpunta sa salon para makapag-relax," nakangiting suhestiyon ko dito.
"Magandang idea yan, sige i-schedule natin yan," agad na pagsang-ayon nito, at matapos nga noon ay agad na din itong bumalik sa kuwarto ko, at nang makapasok na ito ay tuluyan ng nabura ang ngiti sa mga labi ko, at nakataas na kilay kong tinignan si Kevin.
"At ano namang tinitignan mo?!" Mataray kong tanong dito, agad naman itong nag-iwas ng tingin ang pinagkasya na lang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana.
Hindi na ito sumagot pa, kaya naman sinimulan ko na ang pagmamaneho, at nang nakakasampung minuto na kami ay saka pa lang nagsalita si Kevin.
"Jane, hindi ata dito ang papunta sa school ko?" Nagtatakang tanong nito, at nang marinig nga iyon ay napangiti ako.
"Tama ka! Hindi ito papunta sa school mo, dahil pupunta tayo sa school ko, gusto mo bang dalawin ang kuya mo?" Tanong ko dito.
Agad namang nagliwanag ang mukha nito nang marinig iyon na sinundan nito ng sunod-sunod na pagtango, naisip ko kasing isama ito sa school nito, paraa ko na din ito para makuha ang cellphone number ni Rick.
"Ano pang ginagawa mo, tawagan mo na ang kuya mo para ipaalam sa kanya na papunta tayo," nakangiti kong sinabi dito, at agad din naman nitong sinunod ang sinabi ko sa kanya.
Agad nitong nilabas ang cellphone, ngunit bago pa man ito makapag-text ay inagaw ko na ang cellphone nito, lihim akong napangiti nang makita ko ang cellphone number ng future boyfriend ko.
Sandali kong sinave ang number nito, at matapos nga noon ay ako na din mismo ang nag-text para kay Kevin, kailangan kasing lumabas na si Kevin ang may kagustuhan na makita ang kuya nito.
Matapos kong mai-send ang text message na iyon ay muli kong binalik kay Kevin ang cellphone nito na agad ding tinanggap ang cellphone ng walang tanong-tanong.
Napagplanuhan ko na kung paano ko magagamit si Kevin para mas malapit kay Rick, at ang una nga ay ginamit ko ito para makuha ang number ni Rick, at ang pangalawa ay para makasigurado ako na kapag dumating kami sa school ay naroon na ito.
Ilang sandali nga lang ay nakatanggap na kami ng reply mula kay Rick, at sinabi nitong on the way na ito sa school, at doon na lang kami magkita kasama ng asungot na si Kevin.
Isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa maninipis, at mapupula kong mga labi, nararamdaman ko kasi na mas mapapalapit ako kay Rick nang dahil kay Kevin.