-=m*******e's Point of View=-
"Gusto kong makinig ka sa akin, ok?" Ang sinabi ko kay Kevin nang sa wakas ay makarating na kami sa school ko.
Tanging pagtango lang ang sinagot nito habang nakatingin sa akin, ngunit nababanaag ko sa mga mata nito ang labis na excitement sa muli nilang pagkikitang magkapatid.
Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang pamilyang ito, mukha naman kasing hindi sila naghihikahos, pero trabaho pa din ng trabaho.
Nakukuha ko naman na ginagawa nila ang mga ito para sa kanilang mga anak, pero meron ding kasabihan na ang sobra ay nakakasama din, sa sobrang paghahanapbuhay kasi nila ay nawawalan na sila ng oras sa kanilang mga anak, kaya nga siguro madami-dami ding mga anak ang nagrerebelde dahil naghahanap sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang.
Sinasabi nila na hindi namin iniintindi ang mga magulang namin, pero ganoon din naman sila eh, hindi nila naiintindihan ang tunay naming pangangailangan na hindi matutumbasan ng materyal na bagay.
Agad ko namang tinigil ang pag-iisip kong iyon, hindi ko na-realize na muli ko na naman naisip ang bagay na iyon, kahit na nga ba matagal-tagal ko na ding sinubukang kalimutan ang mga ganoong kaisipan.
Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay kung paano ako magiging masaya, at kung paano ko makukuha ang mga bagay na gusto ko, or in this case, tao na gusto ko.
Napansin ko naman na nanatili pa din na nakatingin sa akin si Kevin, at saka ko lang naalala ang sinasabi ko dito, ganito kasi kapag naalala ko ang mga bagay sa pamilya ko, kung puwede nga lang magkaroon ng selective amnesia ay ginawa ko na.
"Ayokong maging masyado kang madaldal kapag kasama natin ang kuya mo, mahirap na, at baka madulas ka pa, alam mo naman siguro ang mangyayari kung magkaganoon?" Pananakot ko dito, at para mas maiparating ko ang ibig kong sabihin dito ay pinakita ko pa sa cellphone ang picture nito na suot-suot ang maid outfit na pinagawa ko para dito.
Takot na takot naman na tumango ito bilang tanda na naiintindihan nito ang gusto ko, at matapos kong tignan ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon ay lumabas na kami ng kotse.
Kanina sa gate ay pinigilan ako ng guard dahil nga hindi ako naka-uniform, ngunit dahil sa charm, at galing kong mambola ay napapayag ko din ang security guard nang pinangako kong magpapalit ako bago pumasok sa mga klase ko.
Ayon sa text message ni Rick ay nasa bakanteng lote ito ngayon, kaya naman agad kaming dumiretso sa lugar na iyon, bago pa man kami dumiretso sa school ni Kevin ay naisipan kong bumili ng almusal para sa amin na balak ko sanang pagsaluhan namin.
Isang matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi ko nang sa wakas ay nakita kong muli si Rick, simpleng Lacoste na polo shirt na kulay pula, at kupasing maong lang ang suot nito, pero kahit ganoon ay sobrang lakas pa din ng dating nito, para nga itong modelo, no! Mas magandang lalaki naman ito sa mga modelo na makikita mo online.
"Kuya!" Hindi napigilan na tawag ni Kevin sa kapatid, hindi ko na pinigilan ito ng excited itong tumakbo palapit sa nakakatandang kapatid.
Nahigit ko ang paghinga ko nang makita ko ang malapad na pagkakangiti sa mga labi nito, lumabas tuloy ang mapuputi, at pantay-pantay na ngipin nito na mas nagpadagdag sa angking kaguwapuhan ni Rick.
Napangiti ako nang masaya nitong binuhat ang bunsong kapatid, at hindi pa ito nakuntento, at hinagis pa paitaas si Kevin na labis na nagustuhan nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong nito kay Kevin, ngunit bago pa man may kung anong masabi ang bata ay inunahan ko na ito.
"Masyado ka kasing na-miss ni Kevin kaya humiling sa akin na puntahan ka," pagsisinungaling ko dito.
Lihim naman akong napangiti nang hindi makaligtas sa paningin ko ang tila paghanga sa mga mata nito, sandali lang iyon kung tutuusin dahil agad nito iyong naitago, pero sapat na iyon para mas lumakas ang tiwala ko na may epekto din ako talaga sa kanya.
No one could resist m*******e Advincula's charm! And that is a fact!
"Totoo ba? Na-miss mo ba talaga si Kuya?" Nakangiting tanong nito kay Kevin na agad din nitong sinagot ng sunod-sunod na pagtango.
"Sorry, kiddo, kung sakaling hindi kita masyadong nadadalaw sa bahay. Alam kong kakauwi ko lang, pero nagtatrabaho na agad ako, don't worry babawi ako sa iyon," nakangiting sinabi ni Rick.
"Actually, gusto niyang mag Echanted Kingdom, this weekend! Nasabi niya sa akin kanina sa kotse," nakangiti ko ding sagot.
Hindi ko na pinansin ang pagkagulat sa mukha ni Kevin, kasi naman wala naman itong sinabi na gusto nitong mag-Echanted Kingdom, naisip ko lang iyon sa pag-iisip na aayain din ako nito, ngunit mukhang hindi ito nakahalata, at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap sa kapatid.
"Masaya siguro doon, no?" Kunwari ay tanong ko dito.
Muli tuloy napatingin sa akin si Kevin, marahil ay naalala nito nang dinala ko ito sa lugar na iyon noong birthday nito, mabuti na lang, at hindi na nagsalita pa si Kevin patungkol doon.
Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Rick nang marinig iyon nang mabaling ang tingin nito sa akin.
"Hindi ka pa ba nakakapunta sa Enchanted Kingdom?" Hindi pa din makapaniwalang tanong nito.
"Hindi ba, masyado kasi akong busy sa pag-aaral, saka sa pag-babysit," tugon ko dito.
"Jane, kailangan mo ding mag-relax paminsan-minsan, you know what? Why not join us this Saturday? Ipapasyal ko si Kevin sa Enchanted Kingdom." ang sinabi ni Rick.
Para namang musika sa pandinig ko ang sinabi nitong iyon, nararamdaman ko ang pagtanggi ni Kevin, hindi ko alam kung dahil gusto nitong masolo ang kapatid, o dahil ayaw lang nito akong makasama, pero kahit anong gagawin nito ay hindi ako papayag na maiwan.
"Sabi mo yan ah! Sila Mr. and Mrs. Saavedra kaya, baka gusto din nilang sumama?" Kunwaring tanong ko dito, ngunit sa totoo lang ay alam ko na naman ang magiging sagot nito kahit hindi pa ito magsalita.
"Malabong sumama sila Daddy, at Mommy, kaya tayo-tayo na lang," sinabi na siyang inaasahan ko din naman.
Masaya na akong makasama ito, kahit na nga may asungot na kasama, isipin ko na lang na a.... errr... anak naman ang lampa... este ang cute na batang ito.
Matapos nga ang pagpaplano naming iyon ay pinagsaluhan na namin ang almusal na binili ko, masarap kasama si Rick, at masasabi kong close na close talaga ito kay Kevin, naisip ko nga sa oras na makasal kami, at magka-anak ay siguradong mamahalin nito ang mga anak namin, hindi katulad ng...
Mabuti na lang talaga, at napigilan ko ang sarili ko sa muli kong pag-iisip na iyon, kahit makailang beses kasi na sinabihan ko ang sariling huwag ng isipin ang mga bagay na nangyari noon ay sumasagi pa din sa kanyang isip ang mga iyon.
"Mabuti ng pumasok ka na sa mga klase mo, Jane. Ako ng bahalang maghatid kay Kevin sa school niya," ang sinabi ni Rick nang matapos na kaming kumain.
"Pero... kailangan ko pang ipaliwanag sa teacher niya kung bakit siya late nakapasok," pagtanggi ko dito.
"Don't worry ako ng bahala, siguro naman madaling mapapaliwanaga ang teacher ni Kevin," tiwala nitong sinabi, at sa paraan ng pagsasalita nito ay masasabi kong kumpiyansa ito na mapapaliwanagan nito ang teacher ni Kevin.
Wala naman akong duda na makukumbinsi nito ang teacher ni Kevin, pero iyon din nga mismo ang kinakatakutan ko, Ilang beses ko na ding nakita, at nakausap ang teacher ni Kevin, at hindi ko maikakatwa na maganda din talaga ito, at maliban pa doon ay lamang na lamang ito sa akin pagdating sa hinaharap, kaya hindi ko maiwasang mangamba ba baka magkagusto si Rick sa naturang teacher, dahil siguradong-sigurado ako na magugustuhan ng teacher ni Kevin ang binata.
Kahit anong pagpupumilit ko ay wala na din akong nagawa kung hindi ang tahimik na tignan ang magkapatid na sakay ng kose ni Rick, umaasa na lang ako na sapat pa ang good karma na nagawa ko para hindi maagaw sa akin ng iba si Rick.
Saka lang ako kumilos nang hindi ko na matanaw ang kotse na sinasakyan ng dalawa, at matapos nga noon ay dumiretos na muna ako sa CR para magpalit ng suot ko, hindi naman kasi puwedeng pumasok ako ng hindi naka-uniform.
Dalawang subjects ang hindi ko napasukan ng araw na iyon, kaya naman nang makita ako ni Sandy ay nagmamadali itong lumapit sa akin.
"Anong nangyari sa iyon?" Nag-aalalang tanong ni Sandy sa akin.
"Wala naman na-late lang ako, may nangyari bang hindi maganda?" Nakangiting tanong ko dito.
Kahit kasi hindi ako nakasama sa paghahatid sa lampang bata na iyon ay masaya pa din ako dahil makakasama nila ako sa kanilang pamamasyal sa Enchanted Kingdom.
"Wala naman masyado, pero nag-quiz kasi kanina, mabuti na lang one to ten lang naman," sagot ni Sandy.
"Sus! Iyon lang naman pala, babawi na lang ako next quiz," tiwalang sagot ko dito.
Ilang sandali lang ay dumating na ang kasunod naming professor, at matapos nga noon ay nagsimula na ang klase namin, ngunit hanggang ngayon ay naalala ko pa din ang nangyari kanina.
Sobrang saya ko na nakasama ko si Rick na makapag-almusal, at nagawan ko ng paraan na maimbitahan ako sa pamamasyal nila sa Sabado.
Nagpatuloy ang masaya kong mood na iyon, hangang sa mag-lunch break kung saan kinuwento ko kay Sandy ang nangyari kaninang umaga.
"Hanga na talaga ako sa fighting spirit, at pagiging resourceful mo, imagined nagawan mo ng paraan para mapalapit kay Rick, at isasama ka pa nila sa Enchanted Kingdom," hindi makapaniwalang sinabi ni Sandy, habang si Brent naman ay naiiling sa narinig.
Wala naman akong pakialam kung anong iniisip nito sa akin, dahil ang mas mahalaga ay nagtatagumpay ang mga plano ko, at nararamdaman ko na mas napapalapit ako sa goal kong iyon.
Nasa masaya kaming pagkukuwentuhan nang bigla may lumapit sa table kung saan kami naroon, at nang tignan ko kung sino iyon ay nalaman kong si Eduardo pala ang taong iyon, ang exchange student na gustong makipaglapit sa akin.
Guwapo din naman si Eduardo, at maganda din ang pangangatawan, pero magmula ng makilala ko si Rick ay parang tuluyan ng nawalan ng dating sa akin ang binata, kahit na nga ba ang sexy ng accent nito kapag nag-ienglish ito.
"Hi, Jane, I tried calling you, but I couldn't reach you?" He asked with his usualy sexy accent that most of the female students hearing us right not found very attractive.
"Oh I'm sorry, Eduardo, but my phone is broke, and I didn't think it will be fix soon," nakangiting sagot ko naman dito.
Nararamdaman ko naman na gusto pa nitong makipag-usap sa akin, ngunit agad ko ng tinuon ang atensyon ko kay Sandy, at Brent, kaya naman wala na itong nagawa kung hindi lumayo na kamot-kamot ang ulo nito.
"Grabe ka naman sa tao, pero bagay din naman kayo noon, guwapo, maganda ang katawan, saka sexy ang accent," sinabi ni Sandy.
"Hey!" Kunwaring nagseselos na sinabi ni Brent dito, ngunit tiwala naman ito sa nobya kaya hinding-hindi nito pagseselosan ang girlfriend.
"Dahil diyan!" Hindi ko mapigilan na sabihin sa mga ito na mas lalo atang nagpalito sa dalawa.
"Anong ibig mong sabihin na dahil diyan?" Naguguluhang tanong ni Sandy.
"Just like you guys, sa isang iglap lang ay masasabi mo na ang spark sa pagitan ninyo, pero pagdating kay Eduardo ay wala akong nararamdaman na kahit na ano sa kanya. Yes, there was no denying that he is handsome, but that was it, nothing, that I found special," pagtatapat ko sa mga ito.
"At kay Rick, meron? Ganoon ba?" Muling tanong ni Sandy.
"Yes, hindi lang spark kung hindi electricity!" Natatawa kong pagbibiro dito.
Napailing na lang ito sa sinabi kong iyon, ngunit anong magagawa ko, kung si Rick talaga ang nagugustuhan ko, kaya nga hindi ako makakapayag na makawala pa ito sa akin.
Maaring nagmumukha na akong possessive, pero ganoon talaga siguro kung gustong-gusto mo ang isang tao, at gagawin mo ang lahat para lang mapasaiyo ang taong iyon.
Matapos ang lunch break ay agad na kaming bumalik sa classroom, at habang iniisip ko ang magiging date namin ni Rick ay hindi ko mapigilan ang mag-daydream habang nasa klase, mabuti na lang talaga, at hindi ako masyadong nahuhuli ng mga professor namin, kaya naman natapos ang araw na iyon na walang halos pumasok sa isip ko sa mga tinuro sa mg klase, dahil ang isip ko ay sa nalalapit na pagpunta namin ni Rick sa Enchanted King.
Oh wait! Kasama nga din pala si Kevin, pero ok na siguro iyon, at least makakasama ko pa din si Rick.