-=m*******e's Point of View=-
Talagang sinigurado kong hindi nagmimintis ang umaga na hindi ako dumadaan sa bahay ng mga Saavedra para na ngang naka-program sa isip ko iyon pag kagising na pagkagising ko pa lang.
Alam kong nagtataka pa din sila sa ginagawa kong iyon, pero ginagawa ko iyon hindi lang para mas mapalapit sa pamilya niya, kung hindi para na din masanay sila na nakikita na nila ako araw-araw, just in case na ayain agad ako ni Rick na magpakasal sa kanya.
May mga araw pa nga na sinasadya kong huwag papasukin si Kevin sa klase nito para magamit ko... este mapuntahan nito ang kuya nito sa school, at ang laging dahilan ay dahil sa pagka-miss ni Kevin dito na siyempre ay gawa-gawa ko lang.
Alam ko na din kung saan ito madalas naglalagi kapag wala ito sa bakanteng lote, nalaman ko kasi na binigyan ito ng sarili nitong opisina, kasama na din ang dalawa pa nitong makakasama sa pagpaplano sa ipapatayong building sa parteng iyon ng campus.
Katulad ng dati ay maaga akong gumising ng umagang iyon, at matapos kong mailigpit ang pinaghigahan ko ay nagmamadali na din akong nag-ayos para sa pag-alis kong iyon, at katulad ng dati ay tutungo ako sa bahay ng mga Saavedra.
Inabot din ng halos isang oras bago ako natapos sa pag-aayos, ngunit kumpara sa mga nakaraang mga araw ay minabuti kong mag-uniform naman, ayoko kasi isipin ng security guard na madalas na naninita sa akin na masyado na akong umaabuso, mabuti ng mag-ingat.
Ilang sandali nga lang ay sakay na ako ng kotse ko patungo sa bahay ng mga Saavedra, at matapos lang ang mahigit kalahating oras ay nasa tapat na naman ako ng bahay ng mga ito.
Bago bumaba ng sasakyan ay nag-practice muna ako ng magandang ngiti na ipapakita ko sa mga ito, at matapos nga noon ay bumaba na ako sa kotse, at naglakad patungo sa nakasaradong pinto.
"Good morning, Jane. Sakto kakatapos ko lang din magluto ng almusal," nakangiting sinabi ni Lizza sa akin nang mapagbuksan ako nito ng pinto.
"Naku, sana hinintay mo ako Mrs. Saavedra para sana natulungan ko kayo," kunwaring nahihiya kong sinabi dito, pero ang totoo ay natutuwa ako lalo na at wala naman akong kaalam-alam sa pagluluto.
"Ok lang iyon, at isa pa, bisita ka namin, kaya paano kitang oobligahin na magluto," naiiling na natatawa nitong sinabi.
Sabay na nga kami nitong dumiretso sa dining room, kung saan naroon ang mag-ama nito, ngunit katulad ng mga naunang beses kong pagpunta doon ay wala doon si Rick.
"Good morning, Mr. Saavedra, good morning, Kevin," ang nakangiting bati ko sa mga ito.
"Good morning din naman, Jane. Tara na, at kumain na tayo," nakangiting aya naman ni Richard, samantalang ang anak nitong si Kevin ay halata na naman na hindi mapakali nang makita ako.
Hindi na nga ako tumanggi, at agad na akong kumuha ng pinggan, at kutsara't tinidor sa kusina, at matapos noon ay masaya na akong nakikisabay sa pagkain ng mga ito.
Hindi ko namamalayan na nae-enjoy ko na din pala ang kasabay ang mga ito sa pagkain, nasanay din kasi ako na lagi akong kumakain mag-isa, pero ngayong nakakasabay ko ang pamilyang Saavedra ay masaya din pala, lalo na sa tuwing aasikasuhin ako ni Lizza sa pagkain ko.
Matapos kumain, at hintayin si Kevin na makapag-ayos ay agad na din kaming umalis para ihatid ko ito sa school, at nang maihatid ko si Kevin ay dumiretso naman ako papasok ng school ko.
Bago dumiretso ay naisipan kong dumaan sa isang restaurant na kilalang-kilala sa breakfast meal nila, naisipan ko kasing baka hindi pa ito nag-aalmusal kaya binili ko ito ng makakain.
Nang makarating na ako sa school ay minabuti kong puntahan ito sa kanyang opisina, at ngunit pagdating ko sa opisina nito ay nalaman kong wala pa ito, kaya naman minabuti kong iwanan na lang ang binili kong almusal para dito na may kaakibat na note.
Mahirap na, at baka may ibang mag-claim na sila ang nagbigay dito ng almusal, nangyayari kasi iyon sa mga napapanood ko, at ang masama ay nahuhulog pa ang loob ng bidang lalaki sa ibang babae ng dahil sa maling akala, kaya nga para maiwasan iyon ay kailangan kong magsiguro.
Dumaan na din ako sa bakanteng lote para makasigurado, ngunit wala din ito doon, dumaan na din ako sa bahay ng mga Saavedra kaninang umaga, ngunit wala din doon si Rick, kaya naman naisipan kong baka nasa bahay pa niya ito.
Isa pa iyon sa tingin ko ay kailangan kong malaman, kung saan ito nakatira, pero siyempre hindi ko naman pupuntahan si Rick sa bahay nito, lalo na kung nag-iisa lang ito, ayoko naman kasing isipin nito na ang cheap ko, dapat tamang chill lang, simple papansin lang ba.
"Hey, Jane. Can we talk?" Nabigla naman ako nang basta na lang sumulpot sa kung saan si Eduardo nang papunta na ako sa classroom ko.
Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ko nang makita ito, naisip ko kasing baka magkamali pa si Rick kung sakaling makita nitong kasama ako si Eduarado, ayoko naman na isipin na hindi pa nga kami ay nagtataksil ako.
I may be a b***h, but I am not a two-timer b***h, sa attitudee lang naman ako b***h eh, pero loyal ako, especially kay Rick ko na aking future boyfriend.
"I'm kind of busy right now, Eduardo, maybe some other time?" Nakangiti ko pa din na sinabi dito, kahit na nga ba kaninang-kanina ko pa gustong singhalan nito na ayoko siyang makausap.
"This would not take long, I promise," pakiusap nito.
Gusto ko na talaga sanang iwan ito, ngunit kahit paano naman ay naawa naman ako dito, noong una kasi ay naging maayos ang pakikitungo ko dito, ngunit nang bigla kong makilala si Rick ay nagbago na iyon.
Oo nga at guwapo talaga si Rick, at may magandang pangangatawan, maliban pa doon ay talaga namang ang sexy ng accent nito, pero katulad ng ibang mga kaedadan ko ay bata lang din ang tingin ko dito, hindi katulad ni Rick na lalaking-lalaki.
"Ok fine, I'm giving you two minutes," napipilitan kong sagot dito.
Agad namang nagliwanag ang mukha ni Eduardo nang marinig iyon, at matapos lang noon ay agad na itong nagsalita, makikita ang pag-asa sa mukha nito habang sinasabi ang pakay nito.
"I really like you, Jane, and I was hoping if you could be my girlfriend?" Nakangiti nitong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Kung ibang babae siguro sa school ay kanina pa nangisay sa kilig ng dahil sa pagtatapat na ito Eduardo, ngunit ibahin ninyo ako, dahil wala akong naramdaman na kahit na anong kilig sa pagtatapat nito, mas nasuya nga ako sa sinabi nito, dahil nababasa ko sa mga mata nito ang labis na kumpiyansa na para bang tiwala nito na mapapa-oo ako nito.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang matapos itong magsalita, at dahil sa ginawa kong iyon ay mukhang mas lalong tumaas ang kumpiyansa nito na mapapasagot niya ako, ngunit nagkakamali siya.
"Look, Eduardo, you're really a nice guy, and you look good too, but I'm sorry, I like someone else," minabuti ko ng diretsuhin ito kaysa naman na paasahin ko pa ito.
Gaya ng inaasahan ay agad nawala ang ngiti sa mga labi nito nang marinig iyon na sinundan naman ng pagsasalubong ng mga kilay nito.
Ang guwapong mukha nito ay biglang nabahiran ng galit nang marinig ang sinabi kong iyon, nagmukha tuloy itong nakakatakot, kahit na nga ba angkin pa din nito ang kaguwapuhan na kinababaliwan ng ilang mga classmates, at schoolmates ko.
"But, why?" Naguguluhan nitong tanong, pilit pa din nitong tinatago ang galit sa mukha nito, ngunit bigo ito.
Mas lalo ko tuloy nakita ito bilang isang bata, para sa akin kasi ay kung hindi ka gusto ng isang tao dapat matured enough ka para tanggapin iyon, ngunit sa nakikita kong reaksyon nito ay masasabi kong tama nga ang pagtingin ko dito na immature pa din ito.
"It's because, I like someone else," sagot ko dito.
Hindi ko na pinansin ang tila hindi nito makapaniwalang reaksyon, wala na akong pakialam pa kung maniniwala ba ito sa akin, o hindi.
Agad akong tumalikod para sana magpatuloy sa paglalakad ko, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat, at pagkairita ko nang maramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa braso ko.
Ang dali ko pa naman na pasahin, dahil na din sa maputing kulay ng balat ko, kaya naman agad nakikita ang mga pasa ko sa katawan, at ang loko talagang sa braso pa ako hinawakan, puwede naman sa palapulsuhan ko na lang, o kaya naman sa kamay ko.
Hindi ko na talaga mapapalampas ang isang ito, kaya naman nang harapin ko ito ay binalak ko ng bigyan ito ng leksyon, hindi naman ako basta-basta magpapaapi dito gayong black belter ako, ngunit nang may mapansin akong papalapit sa akin ay biglang nag-iba ang plano ko.
"Ouch! Let go of my arm," may kaartehan kong sinabi dito, sinigurado ko din na medyo teary-eyed ako para mas kapani-paniwala ang drama ko.
"I will not let you go, until you..." Ngunit biglang naputol ang sasabihin ni Eduardo nang sa wakas ay makaralapit na sa amin ang bagong dating.
"Is there anything wrong here?" Seryosong tanong ni Rick nang makita ang braso kong hawak-hawak ni Eduardo, at ang sakit na nakabalatay sa mukha ko.
"There's nothing wrong here; my girlfriend and I are just having a lovers quarrel," kunwaring natatawa nito.
Kung hindi lang talaga ako nagpipigil ay kanina pa ito nakatikim sa akin, biruin mo ba naman sinabi nitong girlfriend ako nito sa taong gusto ko, kaya naman bago pa man mag-isip ng kung ano-ano si Rick ay agad ko na iyong kinaila.
"That's a lie, I don't even know you, and yet you grabbed my arm," naiiyak ko pa ding sinabi.
Nang marinig nga iyon ay mas lalong naging seryoso ang mukha ni Rick, hindi nakaligtas sa akin ang paglunok ng laway ni Eduardo na halatang natakot nang makita ang reaksyon ni Rick.
Nagmamadali nitong binitawan ang braso ko, at walang sali-salita itong naglakad palayo sa amin, hinayaan ko na lang itong makaalis, umasa na lang akong titigilan na ako nito, dahil kung hindi ay makakatikim talaga ito sa akin.
"Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Rick, at bigla akong nakaramdaman ng masarap na kilabot ng bayanad nitong hawakan ang braso ko.
"Oo, ok lang ako," sagot ko dito.
Sobrang bilis ng tahip ng dibdib ko sa nakikita kong pag-aalala sa guwapo nitong mukha, mas lalo tuloy nahuhulog ang loob ko dito.
Imagine, good-looks, good physique, and a kindhearted heart, nandito na ang mga katangian ng hinahanap ng isang babae sa lalaking pinapangarap nito.
"Mag-iingat ka sa susunod, at kung sakaling guluhin ka pa ng lalaking iyon ay sabihin mo lang sa akin, at ako ng bahala sa kanya," determinado nitong sinabi.
"Maraming salamat talaga, Rick, hindi ko alam kung anong maaring nangyari kung sakaling hindi ka dumating," kunwaring natatakot na sinabi ko dito, ngunit sa totoo ay kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kung gugugstuhin ko, pero dahil nga sa kailangan kong ipakita ang weakness sa harap nito ay kailangan kong itago iyon.
"Huwag kang mag-aalala, habang nandito ako sa school ay hindi ka niya magagalaw, mabuti pa sigurong ibigay ko sa iyo ang number ko," sinabi nito.
"Hindi na kailangan dahil meron na akong..." Gusto kong batukan ang sarili ko nang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Rick.
Nawala kasi sa isip ko na hindi nito alam na meron na ako nitong number dahil nga kinuha ko iyon mula kay Kevin, at dahil sa hindi ko pag-iisip ay nadulas akong sabihin ang bagay na iyon.
"Ahhhh... I mean, meron akong cellphone number mo, sabi kasi ng mga magulang mo na kung sakaling hindi ko sila ma-contact patungkol kay Kevin ay maari kitang tawagan," mabuti na lang talaga, at mabilis akong mag-isip.
Agad namang napatango-tango si Rick nang marinig iyon, makes sense naman kasi ang sinabi kong iyon, ngunit bago pa man mas lalo kong mapahamak ang sarili ko ay minabuti ko ng magpaalama dito, ngunit bago pa man iyon ay muli ako nitong tinawag sa pangalan ko, at ganoon na lang ang saya na naramdaman ko nang marinig ang pangalan sa mga labi ni Rick.
"Susunduin ka na lang namin ni Kevin sa inyo bukas para sabay-sabay na tayong magpunta ng Enchanted Kingdon," nakangiting sinabi nito.
"Sige... ikaw ang bahala," mahinhin kong sagot dito, at matapos nga noon ay nagpatuloy na ako sa pagpunta sa una kong klase na may ngiti sa aking mga labi.