-=m*******e's Point of View=-
Alam ko naman na mangyayari ang araw na ito, at sa totoo lang ay hinanda ko na ang sarili ko sa paghaharap naming ito, lalo na, at na nang mangyari ang pagkikita namin nito kahapon.
Ang pagtatagpo naming dalawa nang puntahan ko si Rick para ayain itong samahan ako sa pagbabantay sa nakakabata nitong kapatid na si Kevin.
Alam ko kasing labis na nagulat si Rachelle nang makita nitong parang magkakilalang-magkakilala kami ni Rick, at pati ang pamilya nito ay kilala ko, kung alam lang nito kung paano kami nagkakilala ng mga magulang nito na sina Richard, at Lizza, pati na din ang nakakabata nitong kapatid na si Kevin.
Kakarating ko lang ng school, dahil kakagaling ko lang sa bahay ng mga Saavedra, dapat nga ay ihahatid ko si Kevin sa school nito, pero tumanggi na ang mag-asawa, at sinabing masyado na nilang naabuso ang kabutihan ko, kung alam lang nila na ginagawa ko ang lahat ng iyon, hindi dahil sa kabutihan ng loob ko, kung hindi dahil sa gusto kong mangyari, at mukha namang nagiging effective ang mga iyon, dahil halatang mas close na sila sa akin kumpara noon.
Sumabay lang ako ng almusal sa kanila, at matapos kumain ay saka pa lang ako dumiretso sa school, kakarating ko lang sa school, pero may kung ano na akong nararamdaman na hindi ko maintindihan, hanggang sa makarating na nga ako dito, at makita kong naghihintay ito sa akin.
Kitang-kita ko ang kaseryosohan ng itsura ni Rachelle habang nakatingin sa akin, base sa reaksyon nito ay sinadya nitong hintayin ako nito sa lugar na alam nitong dinadaanan ko, ngunit imbes na pansinin ito ay nagdire-diretso lang ako sa paglalakad na para bang hindi ito nakita.
"At talagang napakabastos mo talagang babae ka ah!" Inis na inis nitong singhal sa akin.
Saka pa lang ako tumigil sa paglalakad, at hinarap ito. Mas lalo nga atang nag-init ang ulo nitong nang nakangiti akong tumingin dito.
"Sorry, Rachelle. Nandiyan ka pala, hindi kasi kita napansin. Biruin mo iyon, hindi ka kapansin-pansin." pang-aasar ko pa din dito na may ibig patunguhin.
Mukha namang hindi slow ito, at agad nakuha ang ibig kong sabihin, mas lalo tuloy nanglaki ang mga mata nito sa inis sa akin.
Hinihintay ko ngang saktan ako nito, para naman magkaroon ako ng dahilan na balian ito ng buto, pero hindi pa din kasi ito ganoon kagalit, at alam na alam nito na hinding-hindi ito mananalo sa akin, dahil kaya kong saktan ito ng hindi man lang pagpapawisan.
"Pinapalabas mo ba na para lang akong hangin?!" Inis na inis na nitong tanong, ngunit imbes na sumagot ay nagkibit-balikat na lang ako.
Napansin ko naman ang pagbaba-taas ng malulusog nitong mga dibdib, kaya nga ilan sa mga lalaking napadaan sa malapit sa amin ay napatingin doon.
"Boys," sa loob-loob ko, habang pinipigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko paitaas.
Kaya nga masasabi kong mga bata pa, at immature pa ang mga lalaki sa school namin, dahil sa ganitong kasimpleng pagkakataon ay hindi pa din nila mapigilan ang kanilang mga sarili, not that I'm judging them or anything, iyon lang kasi ang napapansin ko sa mga ito.
Ilang sandali pa ang nakalipas nang mapansin ko naman ang paghinga nito ng malalim na para bang pilit nitong pinapakalma ang sarili, at matapos nga noon ay mahinahon na ako nitong tinignan.
"May gusto ka ba kay Rick?" Diretso nitong tanong sa mahinahong boses.
"Ano naman sa iyo kung may gusto nga ako kay Rick?" Imbes na sagutin ang katanungan nito ay tanong lang din ang tinugon ko dito.
"Damn it, Jane! Just answer my question! Do you like Rick, or not?!" Galit na naman nitong tanong.
Isang malapad na ngiti ang muling nanilay sa mga labi ko habang nakatingin kay Rachelle na sinasabing matinding karibal ko sa kasikatan sa school.
"Yes, may gusto ako kay Rick," sagot ko dito.
Muling naglaki ang mga mata ni Rachelle na hindi inaasahan na sasagutin ko ang tanong nito, inasahan marahil nito na itatanggi ko ang bagay na iyon, pero bakit kailangan ko naman kasing itanggi iyon gayong totoo naman na may gusto ako kay Rick.
Actually, hindi lang gusto, dahil gustong-gusto ko si Rick Saavedra, kaya nga gumagawa ako ng paraa para mapalapit dito, at sa kanyang pamilya.
"I'm warning you, Jane. Tigilan mo na ang kakalandi kay Rick," pagbabanta nito na nagpataas ng kanang kilay ko.
"Mukhang mali ata ang nasabihan mo ng malandi, dahil alam naman natin na sa ating dalawa ay ikaw ang naglalandi kay Rick, at hindi ako," puno ng pang-uuyam kong sinabi dito.
Halata naman ang pagkailang na gumuhit sa mukha nito, ngunit sandali lang iyon, dahil muling tumalin ang mga mata nito sa akin.
"Whatever, stay away from Rick, dahil akin lang siya," muli nitong pagbabanta, ngunit kahit anong sabihin nito ay hindi ako matatakot dito.
"Or else what?" Paghahamon ko dito, ngunit hindi ito nakaimik dahil wala naman itong maibabanta sa akin.
Alam naman namin pareho na puro lang siya salita, samantalang ako ay kaya kong gawan siya ng masama, at ang dahilan kung bakit ko pinapalampas ang pagmamaldita nito sa akin ay dahil wala akong panahon na patulan ito.
"Wala kang masabi no? Saka, bakit kailangan kong tumigil gayong nararamdaman ko na mas napapalapit na ako kay Rick, biruin mo close na close na ako sa pamilya niya. Hindi mo siguro kilala man lang kung sino ang nakakabata niyang kapatid no?" Tanong ko dito, ngunit katulad kanina ay wala itong masabi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lapitan ito, at dahil sa ginawa kong iyon ay agad namang napaatras si Rachelle sa takot, ngunit nagpatuloy pa din ako, hanggang sa wakas ay tumigil ako ng ilang pulgada na lang ang layo ko dito. at para mas maiparating ko dito ang gusto kong sabihin ay sinadya ko pang ilapit ang bibig ko sa tenga nito.
"Kahit anong sabihin mo, o kahit na anong gawin mo ay walang epekto sa akin yan, Rachelle. Kailangan mong tanggapin na hanggang nandito ako ay lagi ka lang second place, second best, at anino ko. Tandaan mo iyan, Rachelle," ang sinabi ko dito.
Matapos nga noon ay agad kong dineretso ang tindig ko, at kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha nito sa sinabi kong iyon, at walang salita itong naglakad palayo sa lugar na iyon, pero nararamdaman ko naman na hindi pa din ito titigil, kung may isang ugali siguro kaming nagkakapareho ay iyon ay kapag meron kaming nagustuhan ay hindi kami tumitigil hanggang nakukuha namin ang gusto namin.
Minabuti kong huwag ng sundan pa si Rachelle, at tignan na lang ito habang naglalakad ito palayo, at tuluyan ng mawala sa paningin ko.
Nang mawala na nga ito sa paningin ko ay saka lang uli ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa una kong klase, minabuti kong huwag na munang isipin si Rachelle, at antayin na lang ang kung ano man ang maari nitong gawin.
Kahit anong gawin, o sabihin nito ay hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Rick, dahil si Rick ang future boyfriend ko, at malaki ang posibilidad na siya na din ang forever ko, kahit na nga ba madaming bitter ang nagsasabi na walang forever.
Papatunayan ko na may forever, pero alam ko naman na masyado pang maaga pa, at maliban pa doon ay masyado pa din akong bata para mag-asawa, pero clear na ako sa future ko.
Nang makarating ako sa classroom ay agad akong nakita ni Sandy na agad lumapit sa akin.
"Anong nangyari?" Tanong nito na pinagtaka ko.
"Nangyari saan?" Balik-tanong ko naman dito.
"Tungkol sa pag-uusap ninyo kanina ni Rachelle," sagot nito.
Hindi ko naman akalain na alam na nito ang tungkol sa paghaharap naming iyon ni Rachelle, dahil as in ilang minuto lang nang mangyari ang kumprontasyon sa pagitan naming dalawa.
"Ang bilis naman ng balita, at agad mong nalaman ang tungkol sa paghaharap namin ni Rachelle," nananantiyang tanong ko dito.
Bigla naman itong nataranta nang marinig ang paraan ng pagsasalita ko, kaya nagmamadali itong nagpliwanag.
"Nakita ko kasi kayo kanina nang papasok ako, gusto ko sanang lumapit kaso lang baka mas mapalala pa, kaya dumiretso na lang ako dito," nagmamadali nitong paliwanag.
Tinignan ko muna ito ng may pagdududa, at ganoon na lang ang pagpipigil ko ng pagtawa nang makita ko ang pamumutla ng mukha nito na para bang may nagawa itong mali.
Sandali ko pa itong tinignan na parang nagdududa, hanggang sa wakas ay naawa na din ako dito, at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
"I'm just messing with you, masyado kang guilty," natatawa kong biro dito.
"Ikaw talaga, Jane oh, pero seriously, kilala si Rachelle na hindi marunong lumaban ng patas, kailangan mo pa ding mag-ingat sa kanya, dahil base sa mga naririnig ko tungkol sa taong iyon ay hindi ito titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya, remember Professor Danny?" Biglang tanong nito.
Naalala ko nga ang tinutukoy nitong Danny, dati itong Professor sa school, nasa edad thirty na ito, at hindi naman maikakatwa ang kaguwapuhan ng lalaking iyon, at isa na nga sa nahumaling dito ay si Rachelle na bali-balita ay inakit ang kawawang professor, ngunit ang masama ay pinalabas ni Rachelle na ito ang humahabol, at nambabastos sa kanya, kaya nga natanggap ang professor na iyon sa school.
Rachelle is like a kind vixen you would see in a cheesy teen movie, she could be the meanest if she wanted to, and Rachelle would dare to do almost anything just to get her what she wants, just how vile her personality is, but still, I'm m*******e Advincula for crying out loud.
No one would try to mess with me, unless they had a deathwish.
"Huwag kang mag-alala, Sandy, dahil walang magagawa sa akin si Sandy na makakapagsira sa akin, at kung binabalak naman niyang gumamit ng dahas ay malabong mangyari iyon, dahil alam na alam niya na wala siyang panama sa akin," pagmamayabang ko dito, ngunit nang makita kong patuloy pa din itong nag-aalala ay minabuti kong seryosohin ang banta nito.
"Don't worry, mag-iingat ako, at kung maari ko namang iwasan ang gulo ay iiwas ako," pangako ko dito, at nang marinig nga iyon ay napangiti na ito sa akin.
Nakaka-touch talaga na magkaroon din pala ng kaibigan, ang buong akala ko kasi ay ang pagkakaroon ng kaibigan ay para lang may mautusan ka, pero mas malalim pa pala ang naidudulot ng isang kaibigan, and I must say, it is good to have a friend like Sandy.
Magkaibang-magkaiba man kami nito sa pag-uugali, pagsasalita, at personalidad, pero hindi naman maitatawaran ang pagiging close namin nito.
At hindi ako papayag na may manakit dito, o may gumawa ng masama sa kanya, dahil sisiguraduhin kong mananagot sa akin ang taong iyon.
Lingid kay Sandy ay kinausap ko din si Brent para bantaan ito na huwag na huwag nitong sasaktan si Sandy, dahil mananagot ito sa akin.
Natapos lang ang pagkukuwentuhan naming iyon nang sa wakas ay dumating na ang professor namin sa unang klase, at ilang sandali pa ang nakalipas ay nagsimula na ito sa pagtuturo sa boring nitong subject.
Maliban sa pag-uusap naming iyon ni Rachelle ay wala namang naging kakaiba para sa akin ng araw na iyon, kaya naman walang masyadong gumulo sa isip ko hanggang sa natapos ang lahat ng klase ko ng araw na iyon.
Sinubukan kong tawagan si Lizza para itanong kung kailangan bang may sumundo kay Kevin, ngunit sinabi nitong si Rick na ang susundo sa kapatid nang marinig nga iyon ay isang ideya ang pumasok sa isip ko.
Nagmamadali akong sumakay ng kotse ko, at agad itong pinaandar, ngunit imbes na umuwi ay pinili konh dumiretso pa din sa school ni Kevin.
Oo nga at sinabi na sa akin ni Lizza na susunduin ito ng kapatid, which is why patungo ako sa school ni Kevin, magmamaang-maangan kasi ako dito na nasabi ni Lizza na susunduin ito ni Rick, umaasa na lang ako na hindi nito tatanungin ang ina, dahil kung hindi ay malalaman nito ang kasinungalingan kong iyon.
"Bahala na," sa loob-loob ko habang nagmamaneho.