-=m*******e's Point of View=-
Hanggang sa biyahe ay patuloy ko pa din naiisip ang tungkol kay Rachelle, base sa nakita kong pakikitungo ni Rick dito ay mukhang hindi naman interesado ang future boyfriend ko sa kanya, pero kailangan ko pa ding mag-ingat, dahil may pagkalahing ahas, at aswang ang babaeng iyon, mahirap na, at baka madagit pa nito si Rick sa akin.
"Mukhang kailangan ko na talagang bakuran ang akin," sa loob-loob ko, habang patuloy na nagmamaneho.
Katulad nga ng tinawag sa akin ni Lizza ay patungo ako ngayon sa school ni Kevin para sunduin ito, at matapos ko itong sunduin ay kailangan ko namang bantayan ito, hanggang sa makauwi ang mag-asawa, kung puwede nga lang sanang nandoon din si Rick para mas maging masaya ang pagbabantay sa lampang batang iyon, ngunit meron daw itong lakad, at makikipag kita sa mga kaklase nito noong high school.
"Huwag na huwag ko lang malalaman na may babae itong kakatagpuin kung hindi...." Sa loob-loob ko, ngunit napigilan ako, dahil alam ko naman wala akong karapatan para pigilan ito.
Ano ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na babysitter ng nakakabata nitong kapatid, pero agad kong inalis sa isip ang bagay na iyon, dahil sisiguraduhin kong mas di hamak na higit pa doon ang magiging kaugnayan ko kay Rick.
Isa pang bumabagabag sa akin ay ang katotohanan na mukhang kailangan ko na talagang pakitunguan ng maayos si Kevin, saksi kasi ako kung gaano kamahal ni Rick ang lampang batang iyon, kaya naman, kung seryoso akong mahulog ang loob ni Rick sa akin ay kailangan ko ding makuha ang loob ni Kevin, ngunit alam kong mahihirapan ako sa bagay na iyon.
Alam ko naman kasi na sobra ang ginawa kong pagpapahirap dito noon, at hindi ganoon kadali na mabubura ko sa isip ni Kevin ang mga pagmamaltrato ko dito, unless kung iumpog ko ang ulo nito, at umasa akong magkakaroon ito ng amnesia, na malabong-malabong magagawa ko.
Hindi naman kasi ako kriminal, at kung magkalakas man ako ng loob na gawin nga iyon ay baka makulong pa ako na hindi puwede! Ang ganda kong ito ay hindi puwedeng maburo sa kulungan, kaya hindi puwedeng gawin iyon.
"Kailangan mong gawin ito, Jane! Para kay Rick!" Sa loob-loob ko nang malapit na ako sa school ni Kevin, at ilang sandali nga lang ay natanaw ko na itong naghihintay sa waiting shed.
Napabuntung-hininga naman ako nang makita ito, paano ko ba magagawang tigilan na ang pambu-bully dito, gayong ang itsura nito ay ka-bully bully talaga, kaya nga hindi ako nagtataka na merong nambu-bully dito sa school.
Ilang sandali nga lang ay tinigil ko na ang kotse ko sa malapit sa entrance, ngunit hindi agad ako bumaba, bagkus ay sunod-sunod na malalalim na paghinga ang ginawa ko.
"Kaya mo to, Jane. Kailangan mo ng pakitunguhan ng maayos si Kevin, no choice na eh," ang paulit-ulit kong binabanggit, habang nakatingin sa salamin sa kotse ko, at matapos ang ilang minuto pa ay nakangiti na akong bumaba sa kotse, at naglakad palapit kay Kevin.
Katulad ng inaasahan ko ay agad ang pagguhit ng takot sa mga mata nito nang makita ako, ngunit sandali ko lang nakita iyon, dahil agad din itong nag-iwas ng tingin sa akin.
"Hi, Kevin, tinawagan ako ng Mommy mo para sunduin ka, tara na?" Nakangiting tanong ko dito.
Pakiramdam ko nga ay magkaka-toothache ako sa paraan ng pagngiti ko dito, ngunit ang loko patuloy pa ding iniiwasan na mapatingin sa akin.
Hindi naman ito nagsalita, at tahimik lang na sumunod sa akin patungo sa kotse ko na naka-park, hindi kalayuan sa main entrance ng school.
"Let me," nakangiti ko pa ding sinabi dito nang makita kong nahihirapan itong isuot ang seatbelt sa katawan, ramdam na ramdam ko ang paninigas ng katawan nito ng dumukwang ako, at ayuin ang seatbelt.
"Thank you," mahinang-mahina nitong sinabi.
"You're welcome," sagot ko naman dito na nanatili pa din ang pagkakangiti sa aking mga labi.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dito para malaman nito na hindi ko na siya bubullyhin katulad ng dati, sa tingin ko nga ay hindi din naman ito maniniwala sa akin.
Sakto naman nang matanawan ko ang signboard ng isang sikat na fast food habang nagmamaneho ako, kaya isang ideya ang pumasok sa isip ko.
"Kevin," nakangiti pa ding tawag ko dito, at ang lokong lampang ito bigla na lang napaigtad na para bang nahihintatakutan sa boses ko, at mas lalo kong nakita ang takot nito nang maglakas ito ng loob na tumingin sa akin.
Hindi ito nakaimik, bagkus ay nakatingin lang ito sa akin, kaya naman nagpasya na akong magpatuloy sa sasabihin ko sana dito.
"Tutal naman, at walang pagkain sa bahay ninyo, bakit hindi na lang tayo mag-take out ng pagkain doon?" Tanong ko dito, sabay turo sa fast food na malapit na naming madaanan.
Bigla akong napamaang nang mapansin ko ang sunod-sunod nitong pag-iling, at halatang takot na takot pa din ito na para bang iniisip ni Kevin na may gagawin akong masama, at trick lang ang sinabi kong iyon para mahirapan siya.
Naging dahilan iyon para tuluyang sumabog ang inis ko dito, nagmamagandang-loob na nga ang tao, pero pinag-iisipan pa nito ng masama, kaya nga hindi ko na napigilan ang sarili ko na mawala ang pagkakangiti kong iyon na sinundan ng inis na pagsinghal ko dito.
"Sa ayaw, o sa gusto mo, magda-drive thru tayo! Kaya anong gusto mong kainin para ma-order ko?!" Pasinghal kong takot dito.
"Chicken with rice, at French fries!" Natataranta na nitong sagot.
Muli namang bumali ang ngiti sa mga labi ko nang marinig iyon, mukhang kailangan pa kasing singhala ko ito bago nito gawin ang gusto ko, which I don't think would help me para malapit dito, pero no choice eh.
"Good, anong drinks naman ang gusto mo?" Nakangiti ko na ulit na tanong dito.
"Orange juice na lang," sagot nito sa mahinang boses.
Ilang sandali nga lang ay nag-menor na ako sa naturang fast fast food chain, at matapos ang limang minutong paghihintay ay turn na namin para mag-order.
"Good afternoon, may I take your order?" Narinig kong tanong sa speaker.
"Good afternoon, I would like to order two piece chicken with rice, one large fries, orange juice iyong drinks, choco sundae. Tapos isang order ng cheesy burger with mozerella cheeze and a large iced team," sagot ko dito.
Sandali muna nitong inulit ang mga order ko, at matapos nga noon ay sinabi na nito kung magkano ang babayaran ko, sandali nitong kinonfirm iyon, at matapos nga ay pinapunta na ako sa unahan kung saan ko kukuhanin ang mga order ko.
"Thank you for waiting, enjoy your take out," ang sinabi ng babaeng crew sa bintana.
"Thank you," nakangiting sagot ko dito.
Matapos kong makuha ang order namin ay nagpatuloy na ako sa pagmamaneho papunta sa bahay ng mga Saavedra, inabot lang ng ten minutes nang sa wakas ay makarating na kami doon.
"Magpalit ka na muna ng pambahay bago kumain," nakangiting sinabi ko dito.
Hindi na ito sumagot pa, at tanging pagtango ang tinugon nito sa sinabi kong iyon, at ilang sandali pa ay naglakad na ito patungo sa kuwarto nito para gawin ang sinabi ko.
Isang malalim na paghinga ang muling kumawala sa mga labi ko, alam ko kasing mahihirapan akong mabago ang pagtingin nito sa akin.
Naisip ko tuloy na baka nasobrahan ang mga pinaggagawa ko dito noon, kaya ganoon na lang ang takot nito, pero kailangan kong magtiis para sa tanging goal ko.
Habang hinihintay itong bumalik ay minabuti kong isalin ang mga pagkain na inorder namin, at ilang minuto pa ang nakakalipas nang sa wakas ay lumabas na si Kevin sa kuwarto nito na suot-suot ang kanyang pambahay.
"Tara kain na tayo," nakangiti ko pa ding sinabi dito.
Tahimik lang ito nang umuwi ito sa katapat kong silya sa dining table, at ilang sandali nga lang ay nagismula na ito sa pagkain.
"Kumusta na nga pala ang nambu-bully sa iyo? Ginugulo ka pa ba nila?" Tanong ko dito nang hindi ko na natagalan ang katahimikan sa pagitan namin.
"Hindi na," matipid nitong sagot.
Sandali na namang namayani ang katahimikan sa dining room na iyon, kaya nga muli akong nagpatuloy sa pakikipag-usap dito.
"Just in case na may mam-bully uli sa iyo, make sure na ipagtatanggol mo ang sarili mo, hindi puwedeng hahayaan mo na lang silang may gawin na hindi maganda sa iyo, at kung sakali mang mas malaki sa iyo, o kaya naman mas matanda ang mam-bully ay sabihan mo lang ako, at ako ang bahala sa kanya," nakangiting sinabi ko dito.
Kahit paano naman ay may nakita akong pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Kevin, ngunit hindi ko nakumpirma kung ano iyon dahil sandali lang itong nanalagi sa batang mukha nito.
Katulad kanina ay tumango lang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi kong iyon, at dahil nararamdaman ko na wala naman akong makukuhang kahit na anong salita mula dito ay hinayaan ko na lang itong kumain ng tahimik.
Nang matapos kumain ay akmang magliligpit si Kevin, katulad ng dati nitong ginagawa kapag kami lang ang magkasama, ngunit agad ko itong pinigilan sa gagawin nito sana.
"Ako ng bahala dito, Kevin. Gawin mo na ang gusto mong gawin, at kung may gusto ka, o kaya naman ay kailangan ka, sabihan mo lang ako," sinabi ko dito.
"Wala ka bang ipapagawa sa akin?" Nagtataka na nitong tanong.
"Wala naman, sabi ko nga sa iyo, gawin mo ang mga gusto mong gawin. Kung gusto mong manood ng TV, mag-computer, mag-cellphone, o kahit na ano, gawin mo lang," nakangiting sinabi ko dito.
"Ok," ang tanging narinig kong sagot mula dito, at matapos nga noon ay muli na itong bumalik sa kuwarto nito.
Hindi ko na inalam kung anong gagawin ba nito sa kuwarto, nanatili akong nakatingin kay Kevin, hanggang sa wakas ay makapasok na ito sa sariling silid.
Nanghihina naman akong napaupo sa couch na nasa sala, hindi ko naman kasi akalain na sobrang nakakapagod ang magpakabait, at sa totoo lang ay sobrang boring.
Mas masaya, at mas madali pa din ang pagiging bully, at mean, ngunit para sa pagkakataon na mas mapalapit ako kay Rick, at magustuhan ako nito ay gagawin ko ang pagsasakripisyong ito, at iyon ay ang pagiging mabait sa nakakabata nitong kapatid.
Habang hinihintay ang mag-asawang Saavedra ay pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa panonood ng TV, mas mabuti ng naaabala ang isip ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano, at baka may ma-bully ko na naman si Kevin.
Bandang alas-ocho na ay wala pa din ang mag-asawa kaya naman minabuti ko ng puntahan si Kevin sa kuwarto nito para tanungin kung gusto nitong kumain.
"Kevin, gusto mo bang kumain? Paghahanda kita?" Tanong ko dito.
"Huwag na, Jane, busog pa naman ako mula sa kinain natin kanina," sagot naman nito na abala sa kanyang binabasang libro nang mapasukan ko ito kanina.
"Sige, kapag nagugutom ka na lang ay sabihan mo ako mamaya, hindi ko kasi alam kung anong oras uuwi ang mga magulang mo," ang sinabi ko dito, at matapos nga iyon ay bumalik na ako sa panonood ng TV.
Kalahating oras na ang nakalipas, ngunit wala pa din ang mag-asawa, at bigla naman akong nakaramdam ng gutom, kaya nagpasya akong dumiretso sa kusina para magluto ng instant noodles, napalaman na din ako ng dalawang slices ng tinapat, at nagkanaw ng juice.
Pinaghanda ko na din si Kevin ng makakain nito, kahit na nga ba kakasabi nito na hindi pa ito gutom, puwede naman niya iyon kainin mamaya, o kung ayaw niya iyong kainin ay bahala siya sa buhay niya.
Dala ang tray ng pagkain ay pinuntahan ko si Kevin sa kuwarto nito, at walang sali-salita kong binuksan ang pinto, at nilapag sa mesa nito ang pagkain na hinanda ko, at matapos noon ay lumabas na ako sa kuwarto nito na walang salitang sinabi.
Muli akong bumalik sa couch na pinuwestuhan ko, at matapos kong maging kumportable na naman ay nagsimula na ako sa panonood habang kinakain ang mga pagkain na hinanda ko.
Bandang alas-nueve na ng gabi nang sa wakas ay dumating na ang mag-asawa, at halata sa mga ito ang labis na pagod mula sa buong araw nilang paghahanap-buhay.
"Good evening, Mr. and Mrs. Saavedra," nakangiting bati ko sa mga ito nang makapasok na sila sa loob.
"Good evening din, Jane. Pasensya ka na kung ginabi ka na," paghingi ng paumanhin ni Lizza.
"Oo nga, Jane. Masyado kasing naging busy kaming mag-asawa. Si Kevin?" Tanong nito sa anak.
"Natutulog na, tapos na din ang mga assignments niya," nakangiting sagot ko dito.
Bago umuwi ay pinagkanaw ko na muna silang dalawa ng kape, madalas kasing umiinom ang mga ito kapag dumadating galing sa mga negosyo ng mga ito.
"Uminom na muna kayo, alam kong malaki ang naitutulong sa inyo ng kape," ang sinabi ko, at nang matapos nga noon ay nagpaalam na ako sa kanila.
"Palabas na sana ako ng pinto nang muli akong tawagin ni Lizza, kaya sandali ko itong nilingon.
"Maraming salamat talaga, Jane. Napakabait mong bata, sigurado akong magiging suwerte ang magiging boyfriend mo kung nagkataon," nakangiti nitong sinabi.
Pinilit ko naman huwag ipahalata ang sayang naramdaman ko sa sinabi nito, kung alam lang kasi nito na ang gusto kong maging boyfriend ay ang panganay nitong anak, pero saka ko na lang ipapaalam kapag kami na ni Rick, at sana naman ay pareho pa din ang sasabihin nito sa akin kung sakaling malaman nito ang totoo, kung maging kami nga ni Rick.
Hindi na din ako nagtagal, at agad na akong umalis sa bahay ng mga ito, at kahit habang nasa biyahe ay nanatili pa din sa mga labi ko ang mga ngiti nang dahil sa sinabing iyon ni Lizza.
Umaasa talaga ako na matatanggap ako nito bilang nobya ng kanilang panganay na anak na si Rick, at sisiguraduhin ko din naman na kapag dumating ang araw na iyon ay gagawin ko ang lahat para mas mapalapit sa pamilya nila, kabilang na din siyempre si Kevin.