-=m*******e's Point of View=-
Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako, hindi kasi talaga ako mapakali na pumasok ngayong araw, kung noon ay maaga akong pumapasok para makita man lang si Rick ay iba ngayon ang pakay ko, at iyon ay malaman kung may ibang nakakaalam sa kasinungalingan ni Eduardo tungkol sa aming dalawa.
Natatakot ako na baka malaman din ni Rick ang bagay na iyon, at baka kung ano pa ang isipin nito sa akin, gayong kakasabi ko lang sa kanya na never pa akong nagka-boyfriend.
Kahit gustong-gusto ko ng pumasok ay hindi naman maari iyon, dahil kahit umalis na ako ay wala pa namang mga tao sa school ng ganitong oras, maliban na lang sa mga security guards sa school, kaya nga kahit mahirap ay kailangan ko pang maghintay.
"Relax, Jane. No need to panic, hindi din naman makakatulong sa iyo, kung sakaling mag-panic ka," pagpapalakas ko sa loob ko.
Dahil maaga pa anamn ay naisipan kong tignan na lang ang mga pictures na kinunan ko sa Enchanted Kingdom, at kahit paano ay bahagya naman nabawasan ang pag-aalala sa dibdib ko sa maari kong malaman sa oras na pumasok na ako mamaya sa school.
Kahit ginugulo ng alalahanin ang isip ko ay hindi ko pa din nakalimutan ang balak kong ipagluto ito ng almusal, naisipan kong ipagluto ito ng tocilog, sakto naman kasing may natira pang tocino na hindi ko naluto kahapon.
Basic lang naman ang pagsasangag kaya hindi din ako nahirapan, at matapos ang thirty minutes na pagluluto ay handa na ang ibibigay ko kay Rick, at nang matapos nga noon ay dumiretso na ako sa banyo na nasa kuwarto ko para maligo.
Uniform ang sinuot ko para sa araw na iyon, wala din akong balak na dumaan sa bahay ng mga Saavedra, dahil gusto ko na talagang malaman kung nagkatotoo nga ang kinatatakutan ko, mas mabuti ng malaman ko ito agad kaysa naman patagalin ko pa iyon.
Pasado alas-sais nang magpasya na akong umalis sa bahay, at ilang sandali nga lang ay kasabay na ang sasakyan ko sa libo-libong mga sasakyan na nasa kalsada.
Habang nasa sa sasakyan ay patuloy ko pa ding naiisip ang maari kong malaman sa school, hindi naman siguro exaggeration kung sasabihin kong isa ako, kung hindi man pinakasikat ba babae sa school, kaya nga kung may kumalat man na balita tungkol sa relasyon ko ay panigurado akong pag-uusapan ng lahat iyon.
"Humanda ka talaga sa akin, Eduardo kapag nasira ang mga plano ko," sa loob-loob ko, habang patuloy na nagtatangis ang mga ngipin ko.
Dahil maaga pa naman ay hindi pa gaanong kadami ang mga sasakyan sa kalsada, kaya nga agad din akong nakarating school, at dahil maaga pa ay mangilan-ngilan pa lang mga estudyante ang naabutan ko ng mga oras.
Agad akong nag-park sa madalas kong pinupuwestuhan sa school, at nang makababa ay didiretso na sana ako sa main campus, ngunit isang pag-uusap ang nakapagpatgil sa akin.
"Oo nga sila na daw, at bali-balita na si Eduard mismo ang nagpakalat ng tungkol sa kanila," pakiramdam ko ay binusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon, hindi ko akalain na huli na pala ako, pero kahit ganoon ay determinado pa din akong ayusin ang gusot na nilikha ni Eduardo.
"Tabi!" Galit na singhal ko sa dalawang babaeng nagkukuwentuhan, wala na akong pakialam kung ano man ang isipin nila, dahil isa lang naman ang kailangan kong paliwanagan, at iyon ay si Rick.
Hindi lang iisang beses na narinig ko ang tungkol kay Eduard kaya nga mas lalong nakumpirma ang hinala ko na kalat na kalat na sa buong campus ang diumanoy relasyon naming dalawa.
Hindi ako makapaniwala, at lalong hinding-hindi ako makakapayag na basta-basta na lang masira ang pinaghirapan ko, nag-effort ako, nagluto ako, pinigilan ko ang sarili kong batukan ang mukhang tangang si Kevin para lang kay Rick, tapos matatapos ng ganoon-ganoon lang iyon?
Over my dead, not so sexy body!
Dahil na din sa takot na baka mas marami pa akong marinig sa relasyon namin diumano ni Eduardo ay minabuti kong dumiretso na lang sa klase namin, wala pang tao doon kaya nga mas nakakapag-isip ako ng maayos.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag kay Rick na hindi totoo ang tungkol sa amin ni Eduardo, pero magtataka ito dahil hindi naman kami, at ang mas masama ay malalaman nito na may gusto ako sa kanya, at baka isipin nito na nakikipaglapit lang ako sa kanya, at sa pamilya nito dahil sa pagkagusto ko sa kanya.
"Kasalanan mo talaga to, Eduardo!" Gigil na gigil na naisip ko, sa isip ko ay makailang beses ko ng binalian ng buto ang taong iyon, bigla tuloy akong nanghinayan na iyon lang ang ginawa ko sa damuhong iyon, dapat pala talaga ay binalian ko na ng binti ang taong iyon, at mas lalo kong winasak ang pinagmamalaki nitong mukha.
"What! Anong tinitingin-tingin mo?!" Hindi ko napigilang asik sa unang kaklase ko na dumating sa classroom, pagkapasok na pagkapasok kasi nito ay agad itong napatingin sa akin.
Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ako, o talaga namang may basis ang pagtataray kong, sa totoo lang ay hindi ko sigurado kung may alam na ba ito, at ganoon na lang itong makatingin sa akin, o kaya naman ay napatingin ito sa akin dahil ako ang unang estudyante sa classroom, pero kahit ano pa man ang dahilan ng pagtingin nito sa akin ay hindi na mahalaga, dahil nagmamadali na itong dumiretso sa upuan nito, at tahimik itong naglagi doon.
Halos lahat siguro nang nakikita kong tumitingin sa akin ay tinitignan ko ng masama, badtrip ako ngayong araw na ito, kaya nga kahit tingin lang ay parang kumukulo ang dugo ko.
"Good morning, Jane, ang aga mo a..." Ngunit nabitin sa lalamunan ni Sandy ang sasabihin nito nang mapatingin ito sa akin.
Hindi ko kailangan tumingin sa salamin para malaman ko na mukha na siguro akong stress nang dahil sa nangyari, at nang maisip nga iyon ay huminga na muna ako ng malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili ko.
"Good morning, how was your date?" Pilit na ngiting tanong ko dito.
Mas mabuti na sigurong huwag ko na munang isipin ang chismis ng mga maritess sa school, saka ko na siya poproblemahin sa oras na makumpirma ko na kung alam na ba ni Rick ang tungkol sa bagay na iyon.
Nang marinig nga ni Sandy ang tanong ko ay agad nagliwanag ang mukha nito, at kahit hindi na ako muling magtanong ay nagkusa na ito sa pagkukuwento kung paano ang date nila.
For the first time ay nakita kong kumilos ito ng naayon sa edad nito, oo nga, at sinasabi kong naa-appreciate ko ang mga taong matured mag-isip, pero dapat din naman ay marunong din silang mag-relax, at magpakasaya ng naayon sa edad nila.
Hinayaan ko lang ito sa masayang pagkukuwento nito, ramdam na ramdam ko kung gaano nito kamahal si Brent, at natutuwa akong makita na masaya ito sa binata, at base din naman sa nakikita kong fondness sa mga mata ng taong iyon ay masasabi kong mahal na mahal din niya si Sandy.
"Mabuti naman, at na-enjoy ninyo ang pamamasyal ninyo ni Brent, mukhang in love ka na talaga sa kanya ah," nakangiting komento ko dito.
Agad namang namula ang magkabilang pisngi ni Sandy nang marinig iyon, ngunit sandali lang ang pagkahiya nito, dahil isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito, kasunod ng marahang pagtango.
"Well, I'm really happy for the both of you, pero huwag na huwag lang talagang lokohin ka ng mokong na iyon, kung hindi babalian ko talaga siya ng buto," nakangiting sinabi ko dito na mas lalong nagpalapad sa pagkakangiti nito.
Kahit paano ay nakatulong ang pakikipagkuwentuhan ko dito tungkol sa lakad nila ni Brent, ngunit bigla akong natigilan sa pangalang binanggit nito.
"About Eduardo..." Tangka nitong pagkukuwento, ngunit bago pa man nito matapos ang sasabihin ay sakto naman ang pagdating ng prof namin para sa unang klase, at sandali lang itong bumati sa klase, at matapos nga noon ay agad na kaming pinakuha ng papel para sa surprise quiz.
Sa unang pagkakataon ay natuwa ako na meron kaming first quiz, dahil kasi doon ay natigil ang kung ano man na sasabihin ni Sandy tungkol sa damuhong si Eduardo.
Hindi naman ako nakapag-focus sa quiz namin, kaya naman hindi kataka-taka na out of twenty ay naka-walong tama lang ako.
"Ok lang yan, madami pa naman siguradong quiz," pagpapalakas ni Sandy sa loob ko, akala kasi noon na iyon ang bumabagag sa akin, ngunit nagkakamali ito.
Isang tipid na ngiti lang ang sinukli ko dito, at minabuti kong huwag na munang magkomento, mamaya na lang siguro kapag lunch break.
Nang maalala ko nga ang salitang lunch break ay bigla kong naalala ang niluto kong almusal para kay Rick, at dahil doon ay sandali akong nagpaalam sa prof namin na mag-ccr.
"You may go, Ms. Advincula," ang sinabi nito, at nang maring nga iyon ay nagmamadali akong lumabas ng classroom, at dumiretso sa sasakyan ko.
"Sana hindi nasira," sa loob-loob ko habang pabalik sa kotse ko.
Dahil kasi sa dami sa gumugulo sa isip ko ay nawala sa isip ko ang hinanda kong almusal para kay Rick, nag-aalala tuloy ako na baka nasira iyon, ang init pa naman sa kotse, ngunit nang makarating na ako sa sasakyan ko, at makita kong ok naman ang niluto ko ay bahagya akong nakahinga ng maluwag.
Nagmamadali akong nagtungo sa pansamantalang opisina nito, at iniwan doon ang pagkain nito, at katulad ng dati ay nag-iwan din ako ng notes para dito.
Sakto naman na nakita ko ito sa bakanteng lote, tahimik lang ito habang pinagmamasdan ang lote, may hawak din itong notebook na para bang doon nito sinusulat ang mga bagay na naiisip nito.
Gusto ko pa sanang magtagal, ngunit hindi naman puwede, dahil ang paalam ko lang sa prof namin ay magbabanyo lang ako, kaya naman pinilit ko ang sarili kong lumayo sa lugar na iyon.
Wala namang napansin na kakaiba ang mga tao sa classroom nang magbalik ako, at pinilit kong sandaling kalimutan ang mga gumugulo sa isip ko, ngunit hindi iyon madali.
Sa unang pagkakataon din ay natuwa ako na walang absent sa mga professor namin, dahil kasi doon ay wala akong narinig na kuwentuhan sa mga kaklase ko, imagine kung magkaroon kami ng time kung sakaling may absent kaming prof.
Nai-imagine ko na, madami ang magtatanong sa akin tungkol sa akin sa diumano'y relasyon ko kay Eduardo, kaya nga nagpapasalamat ako na walang absent sa mga prof ko, ngunit agad nasira ang mood kong iyon nang dumating na ang lunch break.
"Saan mo gustong kumain ngayon?" Tanong sa akin ni Sandy nang lumabas na ang professor namin sa subject na iyon.
"Why not sa labas kaya tayo kumain ngayon?" Suhestiyon ko dito.
"Can't do, Jane. may usapan kasi kami ni Brent na after naming mag-lunch ay sasamahan ko siyang kausapin ang professor nila, kaya hindi ako puwedeng lumabas ng school," sagot nito.
"Ahh ganoon ba? Sige sa cafeteria na lang tayo," napipilitan kong sagot dito.
Siguro ngang kailangan ko ng harapin ang problemang kinahaharap ko ng dahil sa fake news na pinakalat ni Eduardo tungkol sa amin, kaya naman mabigat ang mga paa kong sumunod kay Sandy patungo sa cafeteria.
Madami ng mga estudyante ang mga naroon, at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay pakiramdam ko na agad na sa akin nakatingin ang karamihan sa mga naroon, ngunit pilit ko na lang hindi pinansin ang mga ito.
"Ok ka lang ba, Jane? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili," narinig kong sinabi ni Sandy nang makahanap na kami ng puwesto.
"Medyo, siguro naman ay narinig mo na ang balita? Tanong ko dito kasunod ng isang malalim na paghinga.
Tumango naman ito sa tanong kong iyon, at sa tingin ko ay hindi ko na maiiwasan na pag-usapan ang tungkol doon, alam din naman kasi ni Sandy na ibang tao ang nagugustuhan kong iyon, kaya minabuti kong sabihin na iyon dito.
"Siguro naman ay hindi ka naniniwala sa balitang iyon?" Siguradong tanong ko dito, ngunit laking gulat ko sa naging sagot nito.
"Anong hindi naniniwala? Totoo kaya iyong balita," siguradong sagot ni Sandy na naging dahilan para mapatingin ako ng diretso sa mukha nito.
"Pati ba naman ikaw, Sandy? Alam mo naman kung sino ang nagugustuhan ko," hindi makapaniwalang sinabi ko dito.
Of all people, dapat nga ito ang nakakaintindi sa akin, pero nakakagulat na naniwala ito sa mga pinakalat na iyon ni Eduardo.
"Wait, anong kinalaman ng nagugustuhan mo tungkol sa balitang kumakalat ngayon sa school?" Naguguluhan nitong tanong, at maski ako ay naguluhan sa sinabi nito.
"Hindi nga ba si Rick ang nagugustuhan ko, kaya malayong totoo ang pinapakalat na balita dito," naguguluhan ko na ding sinabi dito.
"Alam ko naman iyon, kaya nga nagtataka ako, kung bakit mo nabanggit yan?" Muling tanong nito.
"Nabanggit ko iyan, dahil nga hindi totoo ang pinagkakalat ni Eduardo tungkol sa amin, wala kaming relasyon, at kahit kailan ay hindi kami naging kami!" medyo frustraded ko ng sinabi dito.
"Ok, pero hindi naman iyon ang kumakalat sa school ngayon, tungkol kay Edward iyon, iyong heartthrob," sagot ni Sandy.
Bigla naman akong natulala nang marinig ang pangalang binanggit nito, kilala ko si Edward, dahil minsan na din itong nanligaw sa akin, ngunit binasted ko din, dahil nga sa tingin ko ay batang-isip pa ang mga ito, at maliban pa doon ay may naramdaman akong kakaiba dito na hindi ko mabigyan ng pangalan.
"Anong tungkol kay Edward?" Curious na tanong ko.
"Meron na kasi siyang karelasyon, at hindi ka makakapaniwala kung sino iyon?" Pamisteryoso nitong sinabi.
"Masyado ka naman pa-suspense, Sandy, sino ba naman ang..." Ngunit bigla akong napanganga nang sa wakas ay pumasok na sa cafeteria ang pinag-uusapan namin, at tama ito, hindi ako makapaniwala nang makita itong sweet na sweet sa kasama, at ang nakakagulat ay hindi babae ang kasama nito kung hindi isang may pagka-nerd na itsura na lalaki.
Bigla akong napatingin kay Sandy, at kitang-kita ko ang pagngisi nito bago ito magpatuloy sa pagsasalita.
"Yup, may boyfriend na si Edward, nagtapat na siya sa totoo niyang kasarian," tumatangong sagot ni Sandy.
"Kaya pala may kakaiba akong naramdaman sa kanya noong nanliligaw pa siya, lalaki pala talaga ang gusto niya," wala sa sariling nasabi ko.
Mukha kasing balak nitong gamitin ako nito para pagtakpan ang totoong kasarian nito, pero kahit ganoon ay hindi na ako nagalit dito, bagkus ay natuwa nga ako para sa kanya, at sa boyfriend nito, umaasa din ako na walang masyadong manggugulo sa kanila dahil sa taong nagustuhan nila, at isa pang dahilan kung bakit ako nakahinga ng maluwag ay sa katotohanan na wala naman palang basehan ang pangamba ko dahil walang nakakaalam tungkol sa maling impormasyon na sinabi ni Eduardo.
"You're still safe, Jane," sa loob-loob ko habang patuloy na nakatingin kay Eduardo, at sa nobyo nito.
Natutuwa ako na makitang masaya sila, at umasa din ako na magiging katulad din nila ako na masaya, not with the same s*x, but the man of my dreams.
Nang matapos ang lunch break ay bumalik na ang siglang natigil nang dahil sa pagkikita namin ni Eduardo, at sa pagkakamali kong tungkol sa amin ni Eduardo ang pinag-uusapan ng mga schoolmates, at classmates ko.
Kaya naman nang bumalik na kami sa mga klase namin ay masaya na ako, at panatag na ang isip ko, nakakapag-participate na nga ako sa mga recitation, at mga class activities nang araw na iyon, hanggang sa matapos na ang lahat ng klase namin ng araw na iyon.
"Uuwi ka na ba?" Narinig kong tanong ni Sandy sa akin habang abala ito sa pag-aayos ng mga gamit.
"Hindi ko alam, baka kasi..." Ngunit agad naputol ang sasabihin kong iyon nang makita kong tumatawag si Lizza, at matapos senyasan si Sandy na tumahimik ay agad ko ng sinagot ang tawag nito.
"Hello, Mrs. Saavedra," magalang kong sinabi dito.
"Sorry, Jane, I know last minute na, pero kailangan ko kasi ng tulong mo para sunduin si Kevin, at samahan na din sa bahay," nahihiyang sagot nito.
"Ok lang po iyon, Mrs. Saavedra ako na ang bahala kay Kevin," sagot ko naman dito.
"Maraming salamat talaga, Jane, maasahan ka talaga namin," ang huling sinabi nito bago nito tuluyang ibaba ang tawag.
"Ngayon alam ko na, Sandy, kailangan kong puntahan ang inaalagaan ko, pagpapatuloy ko sa sinasabi ko dito kanina.
Matapos ngang magpaalam kay Sandy ay agad na akong lumabas ng classroom, ngunit imbes na dumiretso sa parking lot, ay dumiretso ako sa bakanteng lote kung saan naabutan ko si Rick na abala pa din sa ginagawa nito.
"Ri..." Tatawagin ko sana ito, ngunit bigla akong natigilan nang may mapansin akong babaeng lumapit dito, at pakiramdam ko ay biglang tumaas ang dugo ko nang makilala ko ang babaeng iyon.
"Ang haliparot na si Rachelle!" Sa loob-loob ko habang kumukulo ang dugo ko.
Nagmamadali naman akong lumapit sa mga ito, at ganoon na lang ang inis na naramdaman ko nang makita ko ang suot nitong uniform, tatlong butones kasi ng blouse nito ay nakatanggal, kaya naman makikita ang cleavage ng malaki nitong hinaharap.
"Come on, Rick," sumama ka na sa amin na mag-bar," ang naabutan kong sinabi ni Rachelle dito.
Apparently ay inaaya ni Rachelle si Rick na mag-bar, at ang lakas ng loob nitong ayain ang future boyfriend ko! Kaya naman hindi na ako nag-atubiling lapitan si Rick.
"Hi Rick! Tumawag sa akin ang Mommy mo, at sinasabing sunduin ko daw si Kevin, gusto mo bang sumama?" Nakangiting tanong ko dito.
Pinigilan ko naman ang mapaismid nang makita ko ang matatalim na tingin ni Rachelle sa akin, hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat nito nang dahil sa sinabi kong iyon.
Nagtataka siguro ito, kung paano ko nakilala ang Mommy ni Rick, at ang kapatid nitong si Kevin, pero kahit na anong gawin nito ay hindi ko sasabihin ang bagay na iyon.
Isa kaya iyon sa mga alas ko laban dito, marahil nga ay mas maganda ang hinaharap nito sa akin, pero madami akong ace para talunin ito.
"Sorry, Jane, pero may lakad kasi kami ng mga dati kong kaklase noong high school, ikaw na lang muna ang bahala kay Kevin," nakangiti nitong sinabi sa akin.
"Ahhh ganoon ba? Sige," sagot ko naman dito.
Hindi na din ako nagtagal matapos kong masabi ang pakay ko, ngunit bago umalis ay tinignan ko muna si Rachelle ng nakakaloko na lalong nagpainis dito.
"ASA!"
Ang minuwestra ko gamit ang bibig ko, at napapadyak pa nga ito ng dahil sa pagkainis, marahil nga ay hindi ko makakasama si Rick ngayon, pero hindi na bale madami pa namang araw, at ang mahalaga ay mukhang hindi naman ito naapektuhan sa pang-aakit ni Rachelle sa kanya.
Umalis na din ako ng school, at dumiretso para sunduin si Kevin.