-=m*******e's Point of View=-
Nang magising ako ng linggo ng umaga ay agad akong napangiti nang maalala ko ang nangyaring pamamasyal namin ni Rick, kasama si Kevin.
Hanggang ngayon kasi ay iniisip kong official date namin ni Rick iyon, at ang saling-pusa ay si Kevin, ito ay isang istorbo na kailangan ng mawala, ngunit siyempre joke lang iyon.
Naisip ko ngang baka kailangan ko ng baguhin ang pakikitungo ko kay Kevin, sa oras kasi na maging kami na ng kuya nito ay kailangan ko ding makuha ang loob nito, dahil pamilya ito ng future boyfriend ko.
Alam kong mahihirapan ako, lalo na at nasanay na akong binu-bully ito, ngunit mukhang kailangan ko ng itigil iyon, at maging maba... maging maba...
"s**t!" HIndi ko mapigilan maibulalas, isipin ko pa lang kasi na kailangan kong maging mabait kay Kevin ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko, kasi naman ang itsura talaga ni Kevin ay ka-bully bully, kaya nga hindi ko din nasisisi ang mga kaklase nito dati na nam-bully kay Kevin dati, hanggang sa turuan ko nga ito kung papaano nito maipagtatanggol ang sarili.
Hindi ko na natanong kay Kevin, kung kumusta na ba ito sa school, kung may gumugulo pa din dito, naalala ko nga ang kapatid ng bully ni Kevin na tinuruan ko din ng leksyon noon.
Maling-mali kasi ito nang inakala nitong kakayanin ako nito, porket babae ako, at mas maliit sa kanya, kaya naman natutunan niya sa masakit na paraan ang katotohanan na hindi ako basta-bastang babae, at hindi ako papayag na magpapa-agrabyado sa kahit na kanino.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa mukha ko nang makita ko ang isang teddy bear na kasing laki ng isang backpack.
Sa pamamasyal kasi namin sa Enchanted Kingdom ay naglaro kami sa mga booth kung saan puwede kang manalo ng mga laruan, at dahil dalawa ang napanalunan ni Rick ay binigay nito sa akin ang isa.
Hindi ko napigilan ang sarili kong buhatin iyon, at mahigpit iyong yakapin. Ang saya-saya ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
Ganito talaga siguro kapag in-love, kahit gaano kasimple ay mabilis na nagpapasaya sa iyo, at dahil iyon kay Rick Saavedra.
Habang yakap-yakap nga ito ay sandali kong tinignan ang mga pictures na kinunan ko sa tuwing sa iba ito nakatingin, at kahit sa mga pictures nito ay sobrang guwapo nito, wala ngang pangit na anggulo ito, kaya lahat ng mga pictures na kinunan ko sa kanya ay magaganda.
Bandang alas-siyete na nang magpasya akong tuluyang lumabas ng kuwarto ko, at lumabas lang ako nang makaramdam na ako ng pagkagutom.
Sakto naman dahil meron pang natirang palaman, at white bread, kaya naman iyon na lang ang inalmusal ko ng umagang iyon.
Habang kinakain ko nga ang sandwich na iyon ay hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi ko, naalala ko kasi kung gaano ito ka-grateful sa sandwich na hinanda ko.
Kaya nga naisip kong araw-arawin ang pagdadala ko ng almusal dito simula bukas, kahit hindi ako marunong magluto ay pag-aaralan ko talaga.
Siyempre sa mga simpleng lutuin muna ako, siguro puro prito-prito muna, at pag na-perfect ko na iyon ay saka na ako tatalon sa mas komplikadong lututin.
Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw ay minabuti ko na lang na matutunan ang pagluluto, at masasabi ko naman na maayos naman ang naging pagsasanay kong iyon, iyon nga lang madami akong naluto kaya naman alam kong masasayang lang ang mga iyon.
"Di bale, Jane. Maliit na bagay na lang iyan kumpara sa kung para saan ang paghahanda mong iyan," pagpapalakas ko ng loob.
Dahil sa dati ng nailuto ko ay minabuti kong iyon na din mismo ang kainin ko sa tanghalian, ngunit wala pa ata sa one fourth ang nakakain ko ay suyang-suya na ako, kaya naman tinigil ko na din ang pagkain kong iyon.
"What to do?" Sa isip-isip ko nang makita kong ala-una pa lang ng hapon, mahaba-haba pa ang oras kaya naman maari pa akong mamasyal kung gugustuhin ko.
Bigla ko namang naisipan na tawagan si Sandy para ayain itong mamasyal, balak ko na din ikuwento dito kung gaano kasaya ang date namin ni Rick.
Agad kong hinanap ang cellphone ko na naiwan ko lang pala sa mesa sa kusina, at matapos nga noon ay nagmamadali kong tinawagan si Sandy.
"Hello, Jane, napatawag ka?" Tanong nito nang sagutin nito ang tawag ko, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang tila ingay sa linya.
"Nasaan ka ngayon?" Imbes na sagutin ay tinanong ko ito, base kasi sa naririnig ko ay marahil ay wala ito sa bahay ng mga oras na iyon.
"Nasa mall ako ngayon, kasama ko si Brent may date kami, may kailangan?" sagot nito.
Kahit hindi ko kaharap si Sandy ngayon ay nai-imagine ko ang nakangiti nitong mukha, alam ko naman kasi kung gaano na kamahal ng dalawa ang isa't-isa kaya masaya ako para sa kanila, at dahil may pag-asa ng magka-boyfriend ako ay hindi na ako masyadong bitter.
"Wala naman, nangungumusta lang, sige enjoy your date," nakangiting sinabi ko dito, at matapos nga noon ay agad ko na ding tinapos ang tawag kong iyon.
Gusto ko sanang ayain si Sandy na mamasyal, pero ayoko naman istorbohin ang dalawang iyon, ngunit kahit ganoon ay nagpasya pa din akong mamasyal na mag-isa, sanay na naman ako kahit noon na lagi akong nag-iisa sa mga ginagawa ko, ito na nga lang na nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan ni Sandy na may nakakasama ako sa pamamasyal kong iyon.
Matapos kong iligpit ang pinaglutuan, at pinagkainan ko ay agad na akong bumalik sa kuwarto ko para maghanda sa pamamasyal kong iyon.
Medyo nagsawa na ako pamamasyal sa mall, paulit-ulit lang din kasi ang gagawin ko doon, at iyon ay ang pagsha-shopping, kaya naman naisipan kong pumunta sa mga lugar na maaring magustuhan ni Rick.
Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang mga hilig nito, ngunit naalala kong may nabanggit itong nahilig ito sa mga paintings, kaya naman sa isang art exhibit sa bandang Pasay ang napagpasiyahan kong puntahan.
Sa totoo lang ay hindi ako gaanong kahilig sa mga painting lalo na sa mga abstract dahil kahit ano kasing tingin ko ay hindi ko maintindihan ang mga ganoong larawan.
Ilang sandali lang ay sakay na ako ng kotse ko patungo sa naturang art exhibit, inabot din siguro ng isang oras bago ako makarating sa lugar na iyon.
May mangilan-ngilan na ding mga kliyente nang makarating ako doon, at matapos kong mag-register ay nagsimula na ako sa pagmamasid sa mga naturang paintings.
Natuwa naman ako nang makita kong patungkol ang mga paintings na iyon sa iba't-ibang bagay na makikita sa kapaligiran, kahit paano kasi ay naaa-appreciate ko ang mga ito.
Feeling ko naman ay magugustuhan ni Rick ang mga ganito, kaya naisip kong dalhin si Rick sa lugar na ito kung magkakaroon ng pagkakataon.
Masyado kong na-enjoy ang pagmamasid kong iyon na hindi ko namalayan ang oras, ngunit nagulat naman ako nang may lumapit sa akin na isang lalaking nakasuot ng suit.
In fairness guwapo din naman ito, at mukhang hindi ito tulad ng mga schoolmates, at classmates ko, kung titignan ay marahil ay matanda lang sa akin ito ng limang taon.
"Enjoying the exhibit?" Nakangiting tanong nito sa akin, at dahil ayoko naman maging rude ay minabuti kong sagutin ang tanong nito.
"Yes, maganda ang pagkakapinta ng mga larawan," sagot ko dito.
Sa tanong nito ay bigla ko tuloy naisip na baka isa ito sa mga tauhan sa naturang art exhibit, hanggang sa wakas ay nagpakilala ito.
"Good to know, by the way I am John Paul Chavez," pagpapakilala nito sa sarili na inabot pa ang kamay.
Sandali naman akong nag-alangan na tanggapin ang pakikipagkamay nito, ngunit naisip kong wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko iyion, hindi nga lang nakaligtas sa akin ang bahagyang pagpisil nito sa palad ko na bahagyang kinataas ng kaliwang kilay ko.
Nararamdaman ko na gusto pa nitong makipagkuwentuhan sa akin, ngunit medyo nairita na ako dito, kaya naman hindi ko na ito pinansin, at pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa mga paintings, hanggang may isang painting ang nakatawag ng atensyon ko.
"Magugustuhan kaya ito ni Rick?" Sa loob-loob ko, sandali pa akong nag-isip, hanggang sa mapagdesisyunan kong bilhin ang naturang painting.
"Excuse me, gusto ko sanang bilhin ito," agad kong tawag sa assistant na nakita ko, mabuti na lang, at hindi ko na nakita si John Paul Chavez.
Nang marinig ngayon iyon ay agad akong nilapitan ng naturang assistant, at nang sabihin nito sa akin ang halaga ng painting na napili ko ay nalaman kong may kamahalan pala iyon, ngunit sa totoo lang ay balewala sa akin iyon, dahil may ipon na din naman ako, maliban pa sa mga pinapadala sa aking pera na hindi ko din halos nagagalaw.
Sa totoo lang ay hindi ko na nga talaga kailangan mag-babysit, na-enjoy ko lang kasi masyado ang trabahong iyon dahil sa mga nagagawa kong pambubully sa mga batang inaalagaan ko.
Ilang sandali lang ay binabalot na ng assistant ang binili ko, ngunit sandali akong natigilan nang makita ko ang initial na nasa ibabang kanang bahagi ng naturang painting.
Nakalagay kasi doon ang initial na JPC, at isang ideya ang pumasok sa isip ko.
"Hindi kaya ang preskong lalaking iyon ang nagpinta ng mga ito?" Sa loob-loob ko, ngunit minabuti kong huwag ng masyadong isipin ang bagay na iyon, tutal naman hindi ko na inaasahan na magkikita pa kami nito.
Matapos mabayaran ang naturang painting ay nagpasya na din akong umalis, at dahil malapit din naman ang mall sa lugar na iyon ay nagpasya na din akong mamasyal sa mall.
Alam kong sinabi kong nakakasawa na din mamasyal sa mga mall, ngunit ito kasi ang pinakamadaling mapuntahan, at naisip ko din kasing mamili ng mga damit na gagamitin ko kapag mag-date na kami ng totohanann ni Rick.
Iniwan ko na lang ang painting sa likuran ng sasakyan ko nang makarating na ako sa mall, at nang makarating na nga ako doon ay agad ko ng sinimulan ang pamamasyal kong iyon, at katulad ng dati ay nagsimula ako sa pagpunta sa mga boutique na naroon.
Ilang piraso lang din ang mga napamili ko matapos ang dalawang oras na paghahanap, wala din kasi akong masyadong nagustuhan kaya naman ilang piraso lang ang nabili ko na malayong-malayo sa mga dati kong pamimili.
Nang mapagod ako sa pamimili ay naisipan kong umuwi na dahil may pasok pa ako sa school, at hindi maganda kung sakaling uubusin ko ang oras ko sa pamamasyal kong ito.
Medyo maaga pa para maghapunan, pero dahil nasa mall na din naman ako ay mabuti na din na kumain na ako doon, sa isang Italian restaurant ang napili ko, nag-crave kasi ako bigla sa pasta, at pizza.
Agad din akong nakahanap ng puwesto nang makapasok ako sa naturang restaurant at ilang sandali nga lang ay may lumapit na sa akin para kuhanin ang order ko, at matapos maibigay ang order ko ay agad ding umalis ang naturang waiter.
Kapansin-pansin na magmula pa lang kanina nag makarating ako ay puro magkakapamilya ang nakikita kong namamasyal sa mall na ito, linggo kasi kaya naman hindi kataka-taka na madaming pamilya ang mas pinipiling mamasyal sa mall.
Dito kasi ay libre ang mamasyal, maliban na lang kung kakain ka mismo sa mga restaurant dito, o kaya naman ay kung mamimili ka.
Inabot din ng mga twenty minutes ang paghihintay kong iyon, hanggang sa wakas ay i-serve na ang mga inorder ko, isang eighteen inch na meatlovers, at solo na carbonara ang inorder ko, at matapos ngang tuluyan ng mai-serve sa akin ang mga iyon ay agad na din akong nagsimulang kumain.
Talaga naman na na-enjoy ko ang mga order kong iyon, at muli ay na-imagine ko na naman kung sakaling maging kami talaga ni Rick ay sisiguraduhin kong madalas kaming magkasama na kakain sa labas, hindi ko namamalayan na nagpaplano na ako ng mga gagawin, at pupuntahan namin ni Rick, kahit na nga ba wala pang kasiguraduhan kung magugustuhan din ako nito, pero just in case lang naman.
Pinilit ko talagang ubusin ang order kong iyon, pero hindi ko na talaga kaya, nakadalawang slice nga lang ako ng pizza, kaya naman naisipan kong ipabalot na lang ang mga iyon, sayang din naman kasi, at kung sakaling magutom ako mamaya pag-uwi ay may makakain ako.
Nang tuluyan na ngang hindi ko na kinayang kumain ay hiningi ko na ang bill, at pinabalot ang natirang pizza, naubos ko naman ang carbonara kaya ok na din.
"Thank you," ang sinabi ko sa naturang waiter nang ibalik nito sa akin ang credit card ko, at matapos noon ay nagpasya na akong umuwi ng bahay.
Naglalakad na ako patungong parking lot nang may madaanan akong isang pamilya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang payak na pagkain na kinakain ng mga ito.
Simpleng kanin lang kasi, at pritong itlog lang ang nakita kong pinagsasaluhan ng mga ito, at mas lalo pa akong nahabag nang makita ko kung paanong makatingin sa dala kong pizza ang isa sa mga anak ng mga ito, kaya naman nakangiti akong lumapit sa mga ito, at inabot ang natira kong pizza.
"Huwag na po," pagtanggi ng Nanay ng pamulya, ngunit hindi ako pumayag kaya naman napipilitan na nitong tinanggap ang pizza na binibigay ko sa kanila.
Natutuwa ako na makakita na kumpletong pamilya na magkakasamang namamasyal, nakakatuwa dahil kahit simple lang ang baon nila ay nagagawa pa din nilang mamasyal na magkakasama, hindi ko tuloy napigilan na naman na maikumpara ang pamilya ko sa pamilyang ito, ngunit agad kong inalis sa isip ang bagay na iyon.
Hindi na din ako nagtagal pa, at nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa parking lot ng naturang mall, pasakay na sana ako nang may marinig akong boses, at ganoon na lang ang pagkadismaya ko na makikita ko ito sa lugar na ito.
Kahit kasi na hindi ko tignan ito ay ito lang naman ang kilala kong may ganoong accent, accent na noong una ay akala ko ay sexy, ngunit ngayon ay nakakairita na.
"I knew it was you," nakangising sinabi ni Eduardo sa akin.
"What do you want, Eduardo? I don't have time for you," walang kabuhay-buhay kong sinabi dito.
Nang dahil nga sa sinabi kong iyon ay biglang nandilim ang expression sa mukha nito, ngunit hindi man lang ako nakaramdaman ng kahit na anong takot dito.
"Why are you treating me this way? Aren't you my girlfriend already?" Tiwalang tanong nito.
Bigla namang nanglaki ang mga mata ko nang marinig iyon, hindi ako makapaniwala kung saan niya nakuha ang ideyang nobya niya ako, dahil unang-una ay hindi naman ito nanligaw sa akin, at lalong-lalo naman na hindi ko ito sasagutin, bakit ko naman sasagutin siya eh ibang tao ang nagugustuhan ko.
"Just go home, Eduardo, you're being delusional," napapailing ko na lang na sagot dito.
Minabuti kong magpatuloy na sa pagsakay ng kotse ko, ngunit ganoon na lang ang galit na naramdaman ko nang maramdaman ko na naman ang malapad nitong kamay na mahigpit na humawak sa balikat ko.
Sa totoo lang ay medyo masakit ang paraan ng pagkakahawak nito, ngunit hindi ko hahayaan na makita nitong nasasaktan ako.
"Let go of me, Eduardo, or else you were going to regret it," pagbabanta ko dito, ngunit imbes na sundin ang gusto ko ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin kasunod ng isang nakakalokong pagngisi nito.
"I don't think so, Jane," tiwala pa din nitong sinabi.
Akma ako nitong hahalikan ng ginamitan ko ito ng maneuver na natutunan ko, at sa pagkagulat nito ay namalayan na lang nito ang malakas nitong pagbagsak sa lupa ng dahil sa ginawa kong iyon.
"What the..." gulat na gulat nitong nasambit na sinundan naman nito ng malakas na pagmumura sa lenguwahe nito.
"Hijo de..." nasasaktan nitong pagmumura.
Binalaan ko na siya, pero hindi siya nakinig kaya huwag na huwag niya akong sisisihin sa ginawa ko sa kanya, muli na sana akong sasakay ng kotse ko, ngunit nagmamadali bumangon si Eduarado, at base sa itsura nito ay masasabi kong gusto ako nitong saktan,. ngunit bago pa man nito magawa ang p*******t sa akin ay inunahan ko na ito.
Dalawang magkasunod na suntok ang pinakawalan ko na tumama sa magkabilang mga mata ni Eduardo, at hindi pa ako nakuntento dahil pati ang ilong nito ay pinatamaan ko na naging dahilan para magdugo ang ilong nito.
Mukha namang na-realize nito na hindi ako basta-bastang babae, kaya naman takot na takot na itong lumayo sa lugar na iyon.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang tuluyan ko ng hindi siya makita, umaasa na lang ako na dahil sa nangyari dito ay titigilan na ako nito.
Hanggang ngayon ay nangingilabot ako sa sinabi nitong girlfriend daw niya ako, paano na lang kung makarating ang maling balita na iyon kay Rick, eh di, naunsyami na ang love story namin ng dream guy ko.
Sa wakas ay nakapasok na ako sa kotse ko ng walang aberya, at matapos nga noon ay pinaandar ko na iyon para makauwi na ako sa bahay.
Sayang ang me time ko, ok na sana ang naging pamamasyal kong iyon, pero kasamaang palad naman ay makikita ko si Eduardo, at pinalabas pa nitong may relasyon kami, huwag na huwag ko lang malaman na kumalat ang bagay na iyon sa school, dahil sisiguraduhin kong lulumpuhin ko talaga siya.
Ang ganda na nga ng tinatakbo ng love story namin ni Rick tapos manggugulo pa siya, kaya huwag ko lang talagang malaman na pinakalat niya ang kalokohan niya.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iyon ang tumatakbo sa isip ko, nawala tuloy sa isip ko ang sayang naramdaman ko nang dahil sa pamamasyal namin ni Rick na kasama si Kevin sa Echanted King dom, at hanggang sa makahiga, at makatulog ako ay iyon ang nasa isip ko.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag-umaga na para makapasok ako sa school, kailangan ko kasing malaman kung nangyari nga ang kinakatakutan ko, o hindi, at kung mangyari nga iyon ay kailangan kong magawan iyon ng paraan.