CHAPTER 25: Another Date with Rick, and Kevin

2680 Words
-=m*******e's Point of View=- Nagpatuloy ako sa pagmamaneho, kahit na nga ba alam kong hindi ko naman kailangan magpatuloy, walang makakapigil sa akin na pumunta sa school na iyon, dahil alam kong kasalukuyan na patungo na din doon si Rick. Kailangan ko ngang maunahan ito, kung hindi ay baka masayang ko ang pagkakataon na makita, at makasama ito, base kasi sa sinabi ni Lizza ay ilalabas ni Rick si Kevin para mag-arcade, at manood ng sine. Sa totoo lang ay hindi ko ma-imagine ang lampang... este ang batang iyon na naglalaro ng arcade, madalas kasi ay nagbabasa lang ito, o kung hindi naman ay nanonood ng TV. Hindi ko pa ito nakitang maglaro ng gaming console kahit na nga ba meron naman ito sa bahay, o kahit nga anong games sa cellphone nito ay hindi nito ginagawa. Ganoong ka-boring ang buhay ni Kevin na minsan ay hindi ko maisip kung paano nito napagtatiyagaan na lumipas ang mga oras na ang ginagawa nito ay ang mga boring na mga gawain. Inabot din siguro ako ng mga thirty minutes nang makarating ako sa school ni Kevin, saktong-sakto dahil meron pang ten minutes bago matapos ang klase nito. Sandali ko munang inikot ang paningin ko sa paligid, at agad akong napangiti nang mapansin kong wala pa doon si Rick sa mga oras na ito. Makalipas ang sampung minuto ay nakita ko na si Kevin na lumabas ng school, at agad itong dumiretso sa waiting shed, kahit medyo malayo ay nakikita ko ang tila excitement sa mukha ni Kevin habang naghihintay ito, kaya naman ganoon na lan ang reaksyon sa mukha nito nang imbes na si Rick ang makita nito ay ako ang nakita nito. "A...anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong nito, napansin ko pa ang pagtingin nito sa likuran ko na para bang inaasahan nitong kasama ko si Rick. "Sinusundo kita, hindi ka di ba masusundo ng mga magulang mo?" Kunwaring naguguluhang tanong ko dito. "Pero..." Ngunit bago pa man ito makapagsalita ay nabitin na sa lalamunan nito ang mga salita nang isang tinig ang narinig naming dalawa. Agad namang nagtahip ng mabilis ang puso ko nang marinig ang baritonong boses na iyon na kahit kailan ata ay hindi ko maipagkakamali sa kahit na kaninong boses. Meron itong distinct voice na magdi-distinguish dito sa ibang mga lalaki, at tanging boses nito na kayang pabilisin ang t***k ng puso ko. "Jane?" Nagtatakang tawag nito sa pangalan ko. "Rick? Anong ginagawa mo dito?" Kunwari ay hindi ko alam na tanong dito, at talagang feeling ko ay may future ako sa pag-aartista kung gugustuhin ko, dahil maliban sa magandang mukha ay masasabi ko din na magaling akong artista, kahit nga ang sarili ko ay napapaniwala ko sa kinikilos ko. "Sinusundo ko si Kevin, manonood kasi kami ng sine ngayon," sagot naman nito, habang nanatili ang pagkunot ng noo nito. "Ahhh ganoon ba, akala ko kasi na ako ang susundo kay Kevin, hindi kasi ako nasabihan," pagsisinungaling ko dito. Hindi naman kasi puwedeng sabihin ko dito na nakausap ko si Lizza na Mommy nito, dahil masisira ang plano kong sumama sa kanila. "Ahh ganoon ba? Pasensya ka na, medyo busy kasi ang mga magulang namin, baka na-overlook lang nila," paghingi nito ng paumanhin. Sandali naman akong natahimik, dahil hindi ko alam kung paano ko ba isisingit ang sarili ko sa lakad ng mga ito, mukha kasi wala silang balak na isama ako. "Ahhh sige uuwi na lang ako," kunwaring sinabi ko, pinilit kong tumalikod, at magsimula ng maglakad na para bang umaasa akong tatawagin ako ni Rick pabalik, ngunit hanggang sa makalapit na ako sa kotse ay wala pa din akong naririnig mula dito. Mukhang wala talaga akong isama ng mga ito, wala na nga akong nagawa , kung hindi buksan ang pinto ng kotse ko, at papasok na sana ako nang sa wakas ay marinig ko ang pagtawag ni Rick sa pangalan ko. "Jane, wait!" Tawag nito sa akin. "Yes?" Malambing kong tanong dito. "Gusto mo bang sumama sa amin ni Kevin? Sinabi niya kasi na tanungin daw kita," ang sinabi nito. Agad namang lumipad ang tingin ko kay Kevin, hindi ako makapaniwala na ito pa mismo ang magsasabi sa kuya nito na tanungin ako kung gusto kong sumama. Hindi ko alam kung dapat pa akong matuwa, o magduda sa ginawa nito, ngunit nang makita kong wala namang kakaiba sa reaksyon ni Kevin ay pinili ko na lang na maging grateful dito, dahil sa ginawa nito ay titigilan ko na talaga ang pambu-bully dito, or susubukan ko at least. Hindi naman kasi madaling magbago, kahit na gustuhin ko, kapag nasanay ka na sa isang gawain ay mahirap siyang kalimutn, at baguhin, pero sa pagkakataong ito ay pipilitin ko talagang maging mabuti na kay Kevin, kahit na nga ba mukha siyang aanga-anga, at sarap batukan. "Jane?" Nagulat naman ako nang muling magsalita ni Rick, at saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ito naghihintay ng sagot ko, masyado kasi akong na-shock nang malaman kong si Kevin mismo ang nagpatanong na iyon. "Oo, gusto kong sumama, kung hindi nakakahiya," kunwaring pagpapapilit ko, at gaya nang inaasahan ay pinilit naman ako ni Rick kaya naman agad na din akong sumang-ayon. Dahil pareho kaming may dalang sasakyan ni Rick ay nag-convoy na lang kami, kasama nito sa kotse si Kevin, samantalang ako ay nag-iisa sa kotse ko na naging pabor din naman sa akin. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka ako kung bakit ako pinasama ni Kevin, oo nga, at makailang beses na ko na din nagawan ng kabutihan ito, pero kung ikukumpara ang dami ng kasalanan ko dito ay parang gatuldok lang ang mga mabuting nagawa ko sa kanya, kaya nagtataka ako kung bakit. Nagpatuloy ang pag-iisip kong iyon habang nagmamaneho, ngunit ilang sandali pa ang nakalipas nang magpasya na akong kalimutan ang bagay na iyon, kahit naman kasing anong isip ko ay wala din akong makukuhang sagot, kaya mabuti pang ipagsawalang-bahala ko na lang iyon. Inabot din kami ng kalahating oras hanggang sa makarating na kami sa mall na pupuntahan ng dalawa, at matapos ngang ma-park ang kotse naming dalawa ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. "Gusto ninyo muna bang kumain bago manood ng sine, o manood na muna ng sine, at bumili na lang tayo ng popcorn. at soda?" Nakangiting tanong ni Rick, ngunit ang mga mata nito ay naka-focus kay Kevin. "Manood na lang muna tayo ng sine, Kuya Rick," nakangiting sagot ni Kevin dito. Sandali munang tumingin sa akin si Rick na para bang tinatanong nito ang opinyon ko, busog pa din naman ako, at saka maaga pa para maghapunan. "Ok lang sa akin, masyado pa din namang maaga para mag-dinner," nakangiting sagot ko dito, at matapos nga noon ay nagtuloy na kami sa cinema sa mall na iyon na nasa fourth floor. HInayaan ko ng si Rick ang bumili ng ticket, kaya naman naiwan kaming dalawa ni Kevin, at dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin ito. "Bakit mo ako sina?" Mahinang tanong ko dito. Hindi naman agad nagsalita si Kevin, at nang tignan ko ito ay saka lang ito sumagot sa tanong kong iyon. "Naramdaman ko kasi na gusto mong sumama," ang inosenteng sagot nito. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, pakiramdam ko nga ay labis na konsensya ang nasa didbib ko nang dahil sa sinabi nito. Halatang-halata ang kainosentehan nito, samantalang ako ay kung ano-anong masasamang ginawa dito, pero pangako ko talaga na hindi na mangyayari iyon. Ilang minuto pa ang lumipas nang makabalik na din si Rick na hawak ang tatlong ticket, sakto naman dahil thirty minutes na lang, at magsisimula  Ilang sandali lang ay nakabalik na din si Rick na hawak ang tatlong ticket, sakto naman dahil thirty minutes na lang, at magsisimula na ang palabas, puwede na kasing pumasok ng ganoong oras sa loob, pero bago dumiretso sa sinehan ay minabuti na muna naming dumaan sa bilihan ng popcorn, at drinks. "Mabuti pang bilhan na lang kita ng solo mong popcorn, at hati na lang kami ni Kevin," ang nakangiting suhestiyon ni Rick. Sa totoo lang ay gusto ko sanang tumanggi, dahil mas ok siguro kung mag-solo na lang ng popcorn si Kevin, at kami na lang ang hati, at kahit siguro sa drinks ok lang sa akin na hati kami. Na-imagine ko tuloy na kapag sabay kaming kumuha ng popcorn at hindi sinasadyang magdikit ang mga kamay namin, o kaya naman magsasalo kami sa iisang straw, meron na tuloy kaming indirect kiss kung nagkataon, but unfortunately ay hindi pa mangyayari ang bagay na iyon, dahol hindi naman ako ang kahati nito. Isa pa ito sa magiging plano kong gawin, kapag naging kaming dalawa ni Rick, at ito ay ang mag-date, at manood ng sine. Una na iyong pagpunta namin sa Enchanted Kingdom in the future, at sunod naman ay ang panonood ng sine naming dalawa, at sisiguraduhin kong wala kaming kasamang bata, at solo ko lang si Rick. "Jane, tara na?" Nagulat naman ako nang marinig ang sinabing iyon ni Rick, at nang mapatingin akong muli dito ay nalaman kong hawak na pala nito ang mga popcorns, at drinks namin. "Si...sige," nauutal kong sagot dito, at matapos nga noon ay dumiretso na kami sa sinehan. Isang animated film ang napili naming panoodin ng araw na iyon, actually, ito ang movie na napili ni Kevin kanina, at dahil nakikisaling-pusa lang naman ako ay wala akong karapatan na magreklamo, unless na lang kung gusto ko ng ipakita kay Rick ang totoong ako, which is hindi dapat mangyari. Madalim sa loob nang makapasok kami, kaya naman hindi ko naiwasang ma-out of balance, mabuti na lang talaga, at laging nakahandang umalalay ni Rick. Naamoy ko tuloy ang pabango nito na ang sarap sa pang-amoy, hindi ako sigurado kung anong pabangong gamit nito, pero halata na hindi basta-basta ang gamit nito. "Sorry," kunwaring nahihiya kong sinabi dito, pero ang totoo ay kanina pa lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. "Ok lang, mabuti pang humawak ka sa akin, mukhang nahihirapan kang makakita sa dilim," sagot nito na labong nagpakabog sa puso ko. Piniliti kong huwag manginig ng humawak ako sa braso nito, at ganoon na lang ang pagpipigil kong mapatili nang dahil sa pagkakataong ito. Mas lalo tuloy akong nagiging grateful kay Kevin, dahil kung hindi dito ay hindi ko mararanasan ang mga ito kasama ng taong gusto ko. Kung maari nga lang sanang mas mahaba pa ang lakarin namin para mas matagal kong hawak ang braso nito, ngunit hindi naman puwede iyon, at ilang sandali nga lang ay nakarating na kami sa naka-assigned na seat para sa amin. Gusto ko sanang katabi si Rick, ngunit hindi nangyari iyon, dahil nasa gitna namin si Kevin, kaya naman wala akong nagawa kung hindi maging kuntento na kasama ko si Rick ngayon, kahit na nga ba nasa gitna naman ang lampang... este ang mabait na si Kevin. Ilang minuto pa ang nakalipas nang sa wakas ay patayin na ang mga ilaw sa loob, at matapos ang ilang minuto pa ay tuluyan na ngang nagsimula ang naturang movie. Sa totoo lang ay hindi naman ako masyadong mahilig sa mga ganitong mga movie, pero in fairness ay natuwa naman ako sa naturang animated film. May nakakatuwa kasing part sa movies, at meron ding nakaka-touch na mga scenes, tungkol kasi ito sa pamilya, at kahit anong pilit ko sa sarili na huwag ng isipin ang tungkol sa mga magulang ko ay hindi ko pa din napigilan ang sarili kong maalala ang mga ito. Mabuti na lang din, at kahit paano ay na-control ko ang emosyon na nararamdaman ko bago matapos ang movie, at muling nagliwanag sa loob ng sinehan. "Did you cry?" Nagulat naman ako nang marinig ko ang inosenteng boses ni Kevin, at nang tumingin ako dito ay napansin kong nakatingin ito ng diretso sa mga bata ko. "s**t!" Sa loob-loob ko, nahuhulaan ko kasi na maaring namumula ang mga mata ko nang dahil sa pagpipigil ko ng emosyon kanina. Kanina ay tuwang-tuwa na ako dito, pero ngayon ay gustong-gusto kong batukan ito, pero siyempre hindi ko maaring gawin iyon. "Ako?! Iiyak? Nakaidlip lang ako kanina," pagdadahilan ko naman nang mapansin kong nakatingin sa akin si Rick. Ayoko naman kasing isipin nito na napakahina kong nilalang na sa simpleng movie lang ay magiging emosyonal agad, gusto kong makita ako nito bilang independent,at matapang na babae na siyempre ay meron ding side na malambing na kailangang protektahan, kung meron nga bang sense ang naiisip kong ito. Mabuti na lang talaga, at hindi na nag-usisa pa si Kevin, kung hindi ay baka kinalimutan ko na ang pangako kong magiging mabait na dito, at ipagpapatuloy ko ang pambu-bully ko dito. Mabuti na lang din, at hindi na nagtanong pa si Rick, kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Matapos manood ng sine ay dumiretso naman kami sa isang pizza parlor, at dahil na din iyon sa gusto ni Kevin. Mukhang tinutupad talaga ni Rick ang kung anong gusto ni Kevin. Nararamdaman ko na gusto nitong makabawi sa bunsong kapatid sa matagal nitong paninirahan sa ibang bansa, kaya naman habang kumakain ay hindi ko napigilan na tanungin ito tungkol doon. "May balak ka pa bang bumalik sa US?" Tanong ko dito. Agad namang napatingin si Kevin sa kuya nito, at makikita sa mga mata ni Kevin ang pag-asang hindi na aalis muli ang kanyang kuya. Sandali muna nitong nginuya ang pagkain na nasa bibig nito, at matapos noon ay uminom ito ng tubig, bago tuluyang sagutin ang tanong ko. Gusto ko din kasing malaman kung nagbabalak pa itong mangibang bansa, dahil kung magkataon nga na may balak pa itong umalik ay mukhang kailangan kong mag-isip kung kakayanin ko ba ang long distance relationship, unless kung sumunod ako dito na mukhang malabo pang mangyari dahil nae-enjoy ko ang buhay ko sa Pilipinas. "Actually, wala na akong balak na mag-abroad, unless kung may mga kailangan pa akong gawin, pero ang tumira sa US ng mahigit isang buwan, mukhang malabo na iyon," sagot nito. Sandali naman nitong ginulo ang buhok ni Kevin nang makita nito ang reaksyon ni Kevin, halata kasi ang saya ng mukha nito nang marinig ang sinabing iyon ni Rick. Pinilit ko naman na huwag masyadong ipakita na sobrang saya ko sa sinabi nito, siyempre tamang matipid na ngiti lang dapat ang makita nito. Nagpatuloy ang masayang pagkain naming iyon, sandali muna kaming nagpahinga para magpababa ng kinain, at matapos noon ay dinala naman ni Rick si Kevin sa isang amusement park para maglaro ng arcade. Naglaro ang mga ito ng zombie video games, at hindi matatawaran ang saya ni Kevin, at ganoon din si Rick na sobrang lapad ang ngiti sa mga labi. Hindi ko namalayan na kanina pa akong nakangiting nanonood sa mga ito, ngunit bigla namang umasim ang mukha ko nang mapansin kong hindi lang pala ako ang nanonood sa dalawa, lalong-lalo na kay Rick. Alam ko naman na dapat na akong masanay na magiging center of attention ang future boyfriend ko, dahil talaga namang sobrang guwapo nito, at sobrang kisig pa nito. Mabuti na lang din, at mukhang walang interes si Rick sa mga ito, kaya naman napanatag ang loob ko. Mag-aalas nueve na ng gabi nang sa wakas ay nag-aya na si Kevin na umuwi, at dahil magkaiba ang direksyon ng tinitirhan namin ay kinailangan ko ng magpaalam sa mga ito. "Maraming salamat talaga, Rick, sa pagsama ninyo sa akin," ang sinabi ko dito. Hindi ko na napasalamatan si Kevin, dahil nakatulog na ito habang buhay ng kuya nito. "Wala iyon, Jane. Salamat din dahil inalagaan mo si Kevin sa tuwing wala ang mga magulang namin," sagot nito. Minabuti kong huwag na lang sagutin ang sinabi nito, dahil muli ay nakakaramdam ako ng guilt sa mga pinaggagawa-gawa ko kay Kevin noon. Sabay na kaming dumiretso nito sa parking lot, at matapos nga noon ay sabay na din kaming umalis gamit ang sari-sarili naming mga kotse. Kahit nasa biyahe ay hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi ko habang inaalala ang masaya naming panonood ng sine, at pagkain sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD