-=m*******e's Point of View=-
Nagpatuloy ang pakikipaglapit ko kay Rick, at masasabi ko naman na nagiging malapit na din kami sa isa't-isa, ngunit hindi sapat iyon, dahil natatakot akong baka maging tingin kaibigan lang ang maging turing nito sa akin.
Ang gusto ko ay magkagusto din ito sa akin na katulad ng nararamdaman ko para sa kanya, ngunit hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mangyari ang bagay na iyon.
"Ano bang problema, Jane? Akala ko ba nagiging malapit ka na kay Rick, at sa pamilya niya?" Nagtatakang tanong ni Sandy sa akin habang nagla-lunchbreak kami ng mga oras na iyon.
Hindi ko kasi namamalyan na kanina pa ako nagbubuntung-hininga, habang pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa pinggan ko gamit ang kutsara.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang sagutin ang tanong nito, hindi na ako nag-abalang magsinungaling dahil naman alam naman nito ang lahat ng mga plano ko, at maliban pa doon ay mas lalong napalapit ako dito, tinuturing ko na nga siyang best friend ko talaga.
"Oo nga, nagiging close na ako kay Rick, at pamilya niya, pero na nga ang kinakatakutan ko," sagot ko dito na mukhang mas lalo lang na nagpalito kay Sandy, kaya naman nagpasya akong magpatuloy sa pagsasalita.
"Natatakot akong baka makita lang niya ako bilang kaibigan, o worst isang nakakabatang kapatid na babae," frustrated kong sinabi.
Agad naman ang realization na nag-register sa mukha ni Sandy nang marinig iyon, sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang ganoong result, dahil ang buong akala ko ay mahuhulog ito sa akin, ngunit halos isang buwan na ang nakakalipas magmula nang makilala ko ito ay wala pang nangyayari sa gusto ko.
Kung ibang boys lang siguro sa school ay siguradong ilang araw pa lang ay patay na patay na sa akin, ngunit siyempre hindi naman ako matutuwa kung ganoon lang, iba pa din talaga ang tulad ni Rick, at si Rick lang ang magugustuhan ko.
Ngayon kasi, kahit siguro may makilala ako na katulad ni Rick ay wala akong mararamdaman na espesyal sa taong iyon katulad ng nararamdaman ko para dito.
"Ano ng balak mo niya?" Tanong ni Sandy na nagpagising sa sandaling pag-iisip kong iyon.
"Hindi ko din alam eh, basta ang alam ko ay hindi maaring hanggang tinging kaibigan lang, or worst tinging kapatid lang ang turing niya sa akin. I don't need a brother for Pete's sake!" Sinabi ko dito.
Hindi ko naman maintindihan ni Sandy, naawa kasi ito na para bang natatawa na pilit nitong nilalabanan, kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong tignan ito ng masama na naging dahilan para bigla itong magseryoso.
"Bakit kaya hindi ka maging honest sa nararamdaman mo, sabihin mo na sa kanya na gusto mo siya, para na din malaman mo kung may pag-asa ka ba sa kanya?" Suhestiyon nito.
Sa totoo lang ay naisip ko na ang bagay na iyon, pero hindi lang talaga ako magkaroon ng lakas ng loob na gawin iyon, unang-una kasi ay kahit naman may pagka-bratinela ako ay mahiyain pa din naman ako lalong-lalo na sa taong gusto ko, at umasa din kasi akong ito ang unang magtatapat sa aming dalawa ng kanyang nararamdaman.
"Hindi ko ata kaya, Sanday," sagot ko dito.
"Seryoso ka ba, Jane? Ikaw ang pinakasikat na babae sa campus, at kaya ko ngang patumbahin ang isang tulad ni Eduardo ng walang kahirap-hirap," ang sinabi nito.
Matapos kasi ang ginawa ko kay Eduarado ay nag-dropout na ito tuluyan na nga itong bumalik sa sarili nitong bansa, mukhang na-trauma kasi ito sa ginawa ko sa kanya, at umasa akong sana ay may natutunan ito sa ginawa ko sa kanya, at iyon ay huwag mamaliitin ang isang tulad ni m*******e Advincula.
"Alam ko naman na matapang ako, pero iba kasi ito, hindi ito basta-basta, kung gusto mo nga kaya kong pagbuhulin ang tatlong iyon," sadyang nilakasan ko ang boses ko para marinig ng paparating na grupo.
Katulad nga ng inaasahan ko ay agad napatingin sa akin ang tatlo, partikular ng babaeng may malaking hinaharap na si Rachelle na agad akong sinamaan ng tingin.
Kung meron man pakonswelo ay ang katotohanan na kung nahihirapan ako ay mas nahihirapan naman si Rachelle sa pakikipaglapit nito, at sa pang-aakit nito kay Rick, kahit kasi anong gawin nitong panlalandi sa future boyfriend ko ay walang epekto ito kay Rick na labis kong pinagpapasalamat, ngunit isang ideya naman ang pumasok sa isip ko na hindi ko makakayang tanggapin.
"What if?" Sa loob-loob ko, ngunit bago ko pa man maituloy ang iniisip ko ay agad ko na iyong binura sa isip kong iyon.
Hindi kasi maaring magkatotoo ang naisip kong iyon, kung titignan mo kasing maigi si Rick ay masasabi mong lalaking-lalaki ito, pero alam ko din naman na madaming mga bakla din naman ang mahihilig, o sanay na kumilos na lalaki.
"No! Hindi puwedeng mangyari iyon!" Hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko, kaya naman ilan sa mga nasa malapit sa mesa namin ay agad napatingin sa akin.
"Anong hindi puwedeng mangyari?" Tila nagising naman ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Sandy, at doon ko lang din namalayan na napalakas pala ang boses ko.
"Wa...wala, may naisip lang ako," sagot ko naman dito.
Pinagkibit-balikat lang nito ang sinabi ko, at hindi na nito masyado iyong inintindi, mukhang kailangan ko ding alamin, kung may chance nga ba na ganoon nga si Rick.
Sa dami naman kasing nagkakagusto dito ay para bang wala man lang itong nagugustuhan na babae, hindi ko nga nakitaan na nagkaroon ito ng oras para makipagkilala, o kaya naman ay makipag-date, well maliban sa akin, pero hindi naman talaga date ang nangyari sa amin, dahil sumama lang ako sa lakad nilang magkapatid.
Natatakot tuloy ako na baka nasayang lang ang mga oras, at araw na ginugol ko kay Rick, pero hindi! Hindi ako naniniwalang bakla si Rick.
Sa tagal ko na naman sa mundong ito ay nakakaamoy na din naman ako sa totoo, o hindi. Makailang beses na ba akong niligawan ng lalaki daw, pero ang totoo pala ay gusto lang akong gamitin para pang-front nila, at lahat ng mga iyon ay nahulaan ko, kaya masasabi kong malakas ang radar ko sa ating mga friends na miyembro ng LGBTQia+.
Hanggang matapos ang lunch break namin, at bumalik na kami sa classroom ay nanatili pa din sa isip ko ang bagay na iyon, wala naman akong nararamdaman na kakaiba kay Rick, pero mahirap din kasing masabi, lalo na ngayon na sobrang galing ng magbalatkayo ang iba.
Kailangan ko talagang malaman kung bakla nga si Rick, o hindi, at least kung magkatotoo man ang kinatatakutan ko ay at least mabilis siguro akong makakapag-move on mula dito, ngunit hindi ko alam kung saan ba ako dapat na magsimula.
"Bahala na!" Sa loob-loob ko, ngunit inisiip ko na kung paanong pagmamatyag ang gagawin ko kay Rick.