CHAPTER 90 “Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon,” galit na tinuran ni Nicole nang ibinalita ni Klein ang ginawa niyang paglapit sa isang pulis. “Naguguluhan na ako, Nicole. Desperado na. Alam mo namang ginawa na natin ang lahat. Ngunit heto’t hindi pa rin umuusad ang kaso ni Leigh. Parang wala nang nangyayari sa mga pagod ko.” “Iyon na nga. Ginawa na natin ang lahat. Kung ‘yan talaga ang plano ng Diyos kay Leigh wala na tayong magagawa pa.” “Kaya hahayaan na lang ba natin siya?” “Hindi naman sa gano’n. Klein baka may iba pang paraan. Iyon na lang ang tiyagain natin hindi yung gagawa ka pa ng isa na namang problema.” “Paano mo naman nasisiguradong problema ito?” “Paano kung pinapasakay ka lang niyan? Alam mong ganyan ang kalakaran sa Saudi, pasasakayin ka lang, kung p

