Naveen's POV
"Why don't you go to a blind date? Malay mo, baka may matipuhan ka. Mas better na rin ‘yun kesa sa ipakasal ka sa hindi mo naman kilala." Nagaalalang payo sa’akin ni Coleen habang nasa bahay nila ako. Kasalukuyan kaming nasa garden at kumakain ng meryenda.
"Ayan ka na naman Sweetheart. Let's say may natipuhan nga si Naveen, papayag kaya ang matinong lalaki kung bigla siyang yayain ni Naveen ng kasal?" Biglang singit naman ni Gerald. Mas lalo tuloy akong nawalan ng pagasa. Tama si Gerald. Baka mapagkamalan pa akong baliw.
Napabuntong hininga ako. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magusap kami ni Dad at hanggang ngayon, wala pa akong desisyon. Well, gusto ko talagang kunin si Gelo, wala nga lang akong mapapangasawa. Hindi ako makapag-isip. Ayaw gumana ng utak ko. Ang gulo ng isipan ko.
"Sorry sis, kung hindi kita pinilit pumunta sa Laoag…" Coleen apologized. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ng pilit.
"Nandito na 'to, nandito na si Gelo. Tulungan mo na lang ako sa problemang hinaharap ko." Bilin ko. Nahihiya naman itong ngumiti at yinakap ako.
"Whatever your decision is, I'm always here for you. Magkakampi lang tayo." She assured. Tumango ako at nagpasalamat dito bago tinapos ang kinakain namin.
MATAPOS KONG dumalaw sa bahay ni Coleen, naggrocery muna ako ng mga kailangan ni Gelo. Pinaimbestigahan ko na ang background niya at hanggang ngayon wala pa ang resulta.
"Nandyan ka na pala." Bungad sa’akin ni Mommy pagpasok niya sa kusina. Lumapit ako rito at humalik sa mga pisngi niya. Alam kong hindi siya payag sa naging desisyon ko pero alam kong lumalambot na siya kay baby Gelo. Hindi kasi mapili ang bata at nginingitian niya palagi si Mommy.
Kasalukuyan din kaming nasa poder nila dahil hindi kami pinayagang umalis ni Dad hangga't wala pa akong desisyon.
"Si Daddy?" Tanong ko. Hindi ko pa kasi ito nakikita, tinulungan naman niya akong iligpit ang mga pinamili ko.
"May pinuntahan." Maikling sagot nito. Huminga siya ng malalim bago ako tignan ng seryoso. "Naveen, nagaalala ako sa’yo. Hindi mo ba talaga pwedeng bitawan ang bata?" Tanong niya mayamaya. I looked at her and slowly shook my head.
"Mom..."
"Look, you're smart and beautiful, tanga lang ang tatanggi sa’yo. Hindi man ako payag sa desisyon ng Dad mo na i-arrange ka, wala akong magawa kung hindi mo bibitawan ang bata. I love you sweety and I also want to see you happy." Bilin nito sakin, naluluha na rin ito.
Wala akong masabi kaya yinakap ko na lang siya. I got her point. I got their points. But I really want Gelo to be on my side. Ayoko siyang pabayaan. I'm afraid thinking about that fixed marriage but I don't have any choice but to get myself ready for the consequences. Maaring hindi iyon maging successful. Pero wala na akong pakialam. As long as Gelo's with me, it'll be fine.
"Mommy, I'm alright. Don't worry about me. I'm twenty-six now and not a ten-year-old kid anymore." I reminded. Nakita ko ang pagsimangot niya.
"You're twenty-six now but I'm still your mother Naveen, I can't stand to see you crying because of that freaking marriage." Medyo naiirita niyang sabi sa’akin, hindi na lang ako nagsalita. I wanted to smile for her reaction about arrange marriage, hindi niya rin kasi ito gusto.
"Don't worry Mom, I can handle it." Nakangiti kong sabi rito. She just gave me a worried face. She cupped my face and smiled a bit.
"I don't know if I should be happy or sad. Heto na nga ba ang ikinakatakot ko sayo, masyado kang matapang. Masaya ako dahil nakuha mo sa ama mo ang tapang na yan but I'm afraid dahil minana mo ang katigasan ng ulo ko." Natutuwa niyang sagot habang naiiling. Tinigil ko ang pagayos sa gamit ni Gelo at yinakap si Mommy.
"Of course, I need to be strong. I'm giving hope and faith to my patients and giving up wasn't in my vocabulary. I'm a doctor, remember Mom?" I cracked and smiled sweetly.
"Of course I know that sweetheart, I'm so proud of you and Coleen." She said and smiled back.
Mayamaya ay may tumikhim sa likuran namin kaya agad kaming napalingong dalawa. Kumabog ulit ang dibdib ko pagkakita kay Daddy. Ewan ko pero ganun na palagi since nagusap kami ng masinsinan. Parang 'pag nagkita kami, bad news for me.
"Hon." Bati ni Mom sa kanya.
"Dad." Bati ko baman at humalik rin sa kanyang pisngi.
"Sorry to disturb your moment but I have something important to say." Kalmadong sabi ni Dad. Nagkatinginan naman kami ni Mom.
"About?" Hindi mapigilan ni Mom ang hindi sumingit sa usapan. Dad sighed then look at us.
"About Naveen's fiancée." Again, mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Pasimple akong kumapit sa mga upuan at tumingin kay Dad.
"Daddy..."
"My friend's son already accepted our proposal. He's an architect and he's going to be the CEO of their company soon. He's a good catch." Halos maputulan ako ng hininga dahil sa sinasabi ni Dad.
"Pero Dad, I still have a week to think about this right?" I asked him. Kahit ramdam kong hindi na talaga ako makakaurong dito.
"Oo nga Hon." Segunda ni Mom. Huminga ulit si Dad ng malalim at tumango.
"You only have a week Naveen." Sagot nito. Tango lang ang naisagot ko rito. Naglakad na siya papunta sa labas ng kusina ng bigla siyang huminto at liningon ako.
"By the way sweetheart, it looks like this man already knew you. He graduated in ZAY University too. Mukhang alam na rin niya na matapang ka at matigas ang ulo." He said then chuckled.
Kumunot naman ang noo ko. Nagkatinginan kami ni Mom at yinakap ako.
"Hindi naman siguro papayag ang Dad mo na sa basta basta ka na lang ipapakasal. He also wanted the best for you. Mahal na mahal kayo ng Daddy niyo kahit strict yan anak. Hindi kami matutulog nang hindi namin kayo pinaguusapang dalawa." She said. I just nodded and hug her back.
Goodluck talaga sa pinasok ko.