CHAPTER 1

2764 Words
Maaga pa lang ay gumising na si Daniel para mag-agahan, napagdesisyunan kasi ng pamilya niya na umuwi ng probinsya kaya maaga pa lang ay gising na siya. Wala naman talaga siyang balak na sumama kaya lang pinilit siya ng magulang niya, wala din siyang nagawa sa huli. Ang daming pumapasok sa utak niya. Ano kaya ang bahay doon? Sementado kaya or nipa, may permanenteng tubig kaya doon? Naliligo kaya ang mga tao doon? Anong magiging buhay niya doon? May kuryente kaya doon? Ano nga ulit ang pangalan ng lugar na iyon?  Mababait kaya mga tao doon?   Sa lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na naubos na pala ang kanin na sinandok niya. Habang nag-iisip kasi siya ng malalim, sumusubo din siya. “handa kana? Tara na, malayo ang lugar na iyon.” Tumango siya sa sinabi ng nanay niya at agad na tumayo. Kumuha pa siya ng isang sandwich at agad na kinain, sa biyahe na lang siya iinom or hindi na siya iinom ng tubig.  Nang makalabas siya ng bahay nila ay naghihintay na pala ang Taxi na pinara ng ama niya, nilagay niya ang mga gamit nila sa back compartment ng taxi at agad na pumasok siya sa front seat ng Taxi dahil alam niya sa sarili niyang hindi maghihiwalay ang mga magulang niya, kulang na lang ay magpalit ng mukha ang dalawa.   Sa kalagitnaan ng biyahe ay natulog lang siya, nagising lang  siya ng maramdaman niyang  huminto ang sinasakyan nilang taxi. Nang tumingin siya sa paligid ay nagtaka siya kung bakit sa airport sila pumunta. Gaano ba kalayo ang pupuntahan nila at sasakay pa sila ng eroplano papunta doon? Ang sinabi lang kasi ng ina niya na sasama siya, walang sinabi na kung gaano man kalayo ang lugar na pupuntahan nila. Bahala na, matutulog na lang  ulit siya, siguro naman sa pupuntahan nila ay maganda ang mga tanawing makikita niya.  Tutal isang oras lang naman ang biyahe.   ******* “saan na tayo ma?” tanong niya sa mama niya nang makalabas sila ng airport.   “nasa airport pa tayo, kita mo di’ba?” sagot ng mama niya sa kaniya. Mainit pa din ulo eh, sumama na nga siya. Nagpaiwan na lang sana siya sa Maynila. “ang ibig kong sabihin, kung anong pangalan ng lugar na ito. Kung barangay ba ito.” “hay.” Sabay hingang malalim ng mama niya. “barangay Fatima, General Santos City.” Sagot  ng mama niya. “may siyudad pala dito? Akala ko sa maynila lang may siyudad. Akala ko kasi kapag probinsiya hindi na siya City.” “ay, gago ka pala! Nag-aral ka ba? Hindi porke’t  maynila, maynila lang may siyudad? Gano’n?! isa pa, hindi din sa maynila ang may pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Nandito sa Mindanao ang pinakamalaking siyudad sa Pilipinas kung alam mo. Okay na? naliwanagan kana?”  mahabang sabi ng mama niya sa kaniya. Grabe! Ang bobo niya sa history ah, hindi niya yata napag-aralan iyon no’ng high school siya ah. Ah, oo nga pala, tuwing history na subject kasi nila ay palagi siyang tulog. “okay na po ma. Nakakaintindi ba sila ng tagalog dito? Baka kasi, hindi nila ako maintindihan at hindi ko din sila maintindihan, di’ba iba ang dialect na ginagamit nila dito.” Aniya. “marunong naman sila magtagalog at nakakaintindi din sila, hindi naman sila kagaya mo na bobo.” “sakit naman no’n ma, hindi naman ako bobo ah, sabi nga iba, walang tao na bobo.” “wala naman talaga, pero, mukhang hindi ka tao eh. bobo ka kasi.” Anito. Ganyan  ang mama niya, binubully siya. Natural na sa kaniya na binubully ng sariling magulang iyan ang past time nila lalo na at wala sa tabi ng mama niya ang papa niya, siya kasi ang nakikita nito eh kaya wala siyang magawa kaya pakisabayan ang mama niya. Nag-iisang anak lang din siya, gusto niya nga ng kapatid kaya lang, hindi na makagawa ng anak ang mama niya dahil may edad na din ito, ang mama niya ang tumutulong sa kaniya sa mga subject na may kinalaman sa history at iba pang tungkol sa bansa. Ang ama naman niya tumutulong sa kaniya sa subject na TLE. Magaling ito sa larangan na napili, isang programmer ang papa niya, siya naman ay kain tulog lang ang trabaho sa bahay nila.  hindi naman, isa din siyang programmer, sumunod siya sa yapak ng kaniyang ama. Sa ngayon ay basic lang muna na mga program ang alam niya, nasa first year pa naman siya eh. Hindi din siya nagmamadali na gumaling, may tamang oras ang lahat, pasasaan ba’t mahahasa din siya sa larangan na napili niya.  Kailangan niya lang magpraktis ng husto para kahit papano ay maging magaling katulad ng ama niya. Maraming taon pa ang dadaan, maraming kanin pa siyang dapat kainin. Ika nga sa kasabihan, papunta ka lang pabalik na ako. “kung nasa Gensan tayo, ibig sabihin, dito nakatira or ipinangak ang ating pambansang kamao? Saan bahay nila ma? Puntahan natin.” Aniya dito. “magpapapicture lang sana ako sa kaniya.” tiningnan siya ng masama ng mama niya. “ay, hindi na pala, baka ako na naman pagdiskitahan mo e.” ngumisi lang siya dito. “oh, andiyan na pala si papa.” Tinuro niya ito at agad nagliwanag ang mukha ng ina niya. “sino naman iyang kasama niya?” tanong niya. “ang kapatid ko ‘yan, hindi mo pa kilala kasi sa maynila ka lumaki at hindi ka pa nakakatapak dito kahit isang beses.” “ay, akala ko ma, nag-iisang anak ka lang din.” Nang makalapit ang ama niya kasama ang uncle niya ay yumakap agad ito sa kaniyang ina at niyakap naman ng ina niya pabalik. “tiguwang naka te.” Anito sa nanay niya. Tumingin ang uncle niya sa kaniya at ngumisi. “ikaw na ba ‘tong pag-umangkon nako? Kadako na ba nimo, sa picture lang taka nakita ba. Gwapo man diay ning akong pag-umangkon nako uy.” Sabi nito sa kaniya. kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang mga sinabi nito sa kaniya. alien language ba ‘yon? Napatingin siya sa magulang niya at humingi ng tulong pero ngumiti lang ang mga ito sa kaniya. magsasalita sana siya kaya lang niyakap na siya ng mahigpit ng tiyuhin niya. Hindi na lang din siya nagprotesta pa, para walang gulo, isa pa, baka minumura siya ng tiyuhin niya kaya ngumiti lang ang mga magulang niya para hindi mag-away dahil bago lang nakarating. Baka ganiyan lang talaga ang trato nila kapag may bagong dating, nagmumurahan muna bago magkumustahan di’ba? Pero, ano kaya ang ibig sabihin nung sinabi niya? Ang naintindihan lang kasi niya ay gwapo, siya gwapo? Ay matagal na niyang alam na gwapo siya, minsan nga mga babae pa ang lumalapit sa kaniya pero, dahil programmer siya, wala din siyang interes sa mga babae dahil boring sila kausap at hindi din nito maiintindihan ang isang kagaya niya, sabi nga ng iba, mahirap daw pakisamahan ang isang kagaya niya. Nakakulong lang din sa kwarto, nanonood ng mga palabas kundi kaya gumagawa ng program sa computer niya or sa cellphone niya. Sa ngayon ang alam pa lang niya ay C++ basic tapos ang susunod na pag-aaralan niya ay ang Java. Ang  sabi ng professor niya kailangan may isang language or program siyang alam kung saan hasa siya.     Kaya gumagawa siya ng paraan, nanonood siya ng mga tutorial sa YouTube at sumasali din siya ng mga group page na may kinalaman sa kurso niya. Nagbabasa din siya ng mga module, tinuruan naman siya ng ama niya kaya lang, iba pa din sa school. Sa ama niya kasi, basic lang tinuturo sa kaniya dahil wala din itong oras na magturo masiyado dahil na din sa busy ito, marami ang inaayos na problema sa system. Hindi naman sila mayaman, may kaya lang din kung tutuusin. Nang kumalas na ang tiyuhin niya sa kaniya ay nag-aya na din itong umalis na sila, kaya binuhat niya na ang bagahe niya at ang nagdala ng bagahe ng mama niya ay ang tiyuhin niya. Kung tutuusin sa  tingin niya, mas matanda lang ang tiyuhin niya sa kaniya ng ilang taon, siguro bunso ito. Sumunod lang sila dito, siya naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan ng mga ito kahit wala siyang maintindihan dahil ibang dayalekto ang gamit ng mga ito. Etshapwera siya ng mga ito. Hangin lang kumbaga. Wala din naman siyang pakialam eh, tsk. Nang papasakay na sana siya ng tricycle, may biglang bumanggang babae sa kaniya. “ano ba!?” singhal niya doon. Napatingin ito sa kaniya. “hala! Sorry jud. Sorry.” Anito sa kaniya at ngumiti at may kasama pang payuko konti. “namangga na pud ka Lovekiel.” Ani ng tiyuhin niya. “nagsorry naman ko pa, unsa pa diay gusto niya?” anito na hindi naman maipinta ang mukha. Sorry daw pero, alam naman niya na labag sa kalooban, nagsorry pa siya.   “ay, pinsan mo pala. Lovekiel ang pangalan niya.” Napatingin sa kanya ang babae at ngumiti, nilahad nito ang kamay nito sa kaniya at tinanggap naman niya. “Lovekiel diay, pwede pud Love imong itawag sa akoa.” Anito sa kaniya na hindi naman niya naintindihan. “Daniel Maurer.” Sabi niya at nakipagkamay din sa babae na pinsan niya. Ngumiti ito at agad na bumitaw sa pakikipagkamay niya. “Kiel! Naay nanawag sa cellphone nimo. Ganiha pana.” Sambit ng babae na nasa loob ng tricycle. Pinasok na din mga bagahe nila, hindi naman iyon madami eh, konti lang. Sumakay na din ang mama niya at papa niya, siya na lang yata nasa labas, kaya wala siya magawa kundi sumakay na din, kasya naman siguro sila? Hindi naman sila masiyadong matangkad at tama-tama lang naman ang height nila. Katabi niya si Kiel na may hawak ng cellphone at may katext yata, pindot ng pindot sa keypad niyang cellphone. Luma na din ang cellphone nito, wala ba itong pera pambili? Napatingin ito sa kaniya. Umandar na din ang tricycle, hindi niya alam kung saan sila titira? “ngano man? Tabis man ka?” anito at tinaasan siya ng kilay, kumunot ang noo niya. “manghinaway ka kay keypad akong cellphone? May gani ni, kay dugay malowbat, kesa anang touch screen daw kuno. Duh.” “Kiel!” sambit ng papa nito “may pag wa taka giuban da.” “kay dili man gud ko gusto muuban pugson man jud ta, di’ba Melrose?” “sorry na gud, ikaw pud KJ kaayo ka miskan dili ka si KJ.”   “hilom diha! Kj ka karon, nganong naapil naman pud tong bayhana sa atong estorya?” “eh, ingnang nagselos ka, kay perme sila uban ni Midnight? Yey… untanan nagaselos.” Siya na walang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito. “selos man jud ka, gwapo man jud si Midnight, crush gani nako.” Napatingin siya babaeng nagsabi at nakita niyang nagpipigil ito ng tawa. Napatingin naman siya sa pinsan kuno niya at kitang-kita niya ang galit sa mukha nito. Hindi niya na lang inintindi ang mga sinasabi ng mga ito, wala naman kasi siyang naintindihan sa mga pinagsasabi nito. “hoy! Nagsugod na pud mong duha. Magtagalog gud mo, dili baya na kasabot inyong pinsan ug bisaya.” “untanan dili kasabot ug bisaya.” Ani ni Kiel tapos tumawa. Baka hindi nga ito marunong magtagalog eh, feeling nga niya walang pinag-aralan ang mga taong ito. “kapuyag adjust uy. Kita naman nuon magtagalog, sawayon palang niya na akong tinagalog na bisagol basi dili gihapon me magkasinabtanay.” “sige na, tagalog nay gamito ninyo, basi makaingon na siyag ginalibak na ninyo siya.” “lagi uy.” “pa! pasagdi na lang gud na si Kiel kabalo baya ka na nagaselos na siya.” “selos…selos… mura mog korek… manaka tag montilla ugma. Kung gusto nimo makita si Midnight, naa siya sa montilla, kagahapon pa sa hapon sila nanaka kauban si Kiel, mangharvest guro tu sila ug mangga, saging ug mais guro. Basta manaka tag montilla.” “yes!” sumayaw pa ito ng igiling giling habang umaandar ang sinasakyan nila. “pagpuyo! Para kang bulate na inasinan.” “Sorry na gud.” “sige lang mo ug sorry, ginaulit  japun ninyo. Hilom mo.” Ani ng ama ni Kiel sa dalawa. Tumawa lang ang mama at papa niya sa sinabi ng ama ni Kiel. Ilang minuto na ba silang bumabiyahe? Saan na ba sila? Saan ba sila pupunta? Nasa daang sementado  pa naman sila at hindi niya alam kung nasaan sila, magdata na lang kaya siya? Baka mahina ang signal dito, wala ding signal siguro  dito. “oy! Dong! Dong!” sambit nung isang babae, hindi niya alam kung sino si dong basta hindi niya na lang pinansin. “dong! Daniel!” napatingin agad siya ng tawagin siya nito. “hindi mo na gud ako kilala?” napakunot ang noo niya sa tanong nito. So, nakakaintindi ang mga ito ng tagalog pero hindi straight magsalita. Okay… hindi naman pala mga bobo ang mga tao dahil naiintindihan naman ng mga ito. Sabagay nga naman, mukhang may pinag-aralan din naman ang mga ito sa tingin niya. “hindi eh, sino ka ba? Kilala ba kita?” “ay, hindi niya na ako kaila. Unsa ba yan uy.” Narinig niyang tumawa si Kiel. “tagalog pa to? Tarunga daw ug sulti, mura man kag way grado, imo napud nang natripan si dong Daniel diha. Wa lagi na siya kaila nimo. Pangit man gud ka.” “wow… nanaway ang gwapa…untanan gwapa nu?” inisnaban lang nito ni Kiel. “bitaw dong Daniel, nakalimutan mo jud ako?” “hindi po talaga kita kilala, pasensiya na.” “bata ka pa kasi no’n anak, kaya hindi hindi mo na siya  naalala. Siguro nasa two years old ka pa no’n.” “gani… bata pa ka ato na time, tapos, ako ato.” Sabay tingin sa am ani Kiel.  “pila gani akong edad ato pa?” “sais.” Sagot naman nito. “oo, tama, sais.”  Anito at ngumiti sa kaniya. “nakadumdom na talaga ako. Nagpunta kami ni mama sa maynila ato na time ‘tapos nakita taka na naa sa duyan.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Malamang hindi niya maalala eh, ilang taon pa pala siya no’ng panahong iyon. Two years old? Ano tingin nito sa sarili niya may photographic memory siya. Wala siyang gano’n, hindi siya   genius na bata. “baka hindi mo talaga naalala ‘yon, bata ka pa man gud ato na time. Same age lang mo ni Kiel, parehas din kayo ug nawong.” “ano iyong nawong?” hindi niya gets ‘yong ibang sinasabi nito.” “mukha.” Napatingin agad siya sa katabi niya. “tabis man ka? Dili pud ko gusto ug parehas tag nawong.” Anito na nakataas ang isang kilay. “gets mo?” “kiel!” sigaw ng ama nito. “sige ganito. Tatagalogin ko okay, sabi ko. Tingin tingin mo diyan? Hindi ko din gusto na parehas tayo ng mukha or magkahawig kumbaga. Okay? Naintindihan mo na?” tumango na lang siya dito at napangiti’t napailing. Magkaparehas nga sila ng ibang parte ng mukha ni Kiel, the girl version of him. Maganda din ito, napatingin siya sa kapatid siguro nito dahil kahawig din nito ng tiyuhin niya kuno. May edad na ito at mas matanda na ito sa kaniya ng apat na taon. “s**t! Ginakilig ko!” biglang sabi ni Kiel habang kanina pa hawak ang cell phone. Adik ba ito sa cell phone? Kanina pa yata ito may katext. Hindi niya lang masiyadong pinapansin. “si Midnight na pud na iyang katext diha. Kay Midnight ra man ka ginakilig.” “magtagalog nga kayong dalawa, baka isipin na naman ni Daniel ay ginalibak ninyo siya.” “pa. tagalog pa ‘to.” “kahirap man gud magsalita ng tagalog uy. Mabulol man sad ta.” Ani ng ama ni Kiel. “hindi naman po mahirap, magpractice ka lang po.” Aniya. “salamat. Medyo iba lang  talaga ang tono ng tagalog namin dahil hindi kami sanay pero, nakakaintindi naman kami.” Anito with bisaya accent. Ang sakit pala sa tenga. Kung nagsasalita sila ng tagalog tapos ang tigas pa ng accent nila. Bisaya talaga. Tsk.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD