“hoy! Pagdali pud dira Midnight uy. Ganina pa man ka diha!” sigaw ni Kristine kay Midnight na nasa likuran niya. Ang bagal kasi maglakad eh, parang hindi sanay sa bukid. “sige man kag ngisi diha? Nabuang naka! Kinsa mana imong katext?” hindi na niya napigilan ang sarili kaya iniwanan na lang niya. Bahala ito sa buhay nito, ang bagal-bagal. Kanina pa siya gutom, dahil hindi siya uminom ng kape bago siya pumuntang sagingan.” Mananatili siya sa montilla ng dalawang linggo bago ulit magbukas ang klase, ginagawa niya ito upang magkaroon siya ng pera at may pambaon, hindi siya umaasa sa mga magulang niya para sa pambaon niya. Kahit mahirap sanay na din naman siya. “perte jud ana niyang dugaya! Una nako kaon uy. Gutom na kaayo, dugay-dugay pa.” aniya at agad na kumuha ng pinggan sa lagayan at sumandok ng mais na kanin. Paborito niya ang mais na kanin dahil mabango ito, kung gusto nga niya ng iyong yellow corn rice ang ipabili niya sa mga magulang niya eh, kaya lang, hindi na ang mga ito pumayag. Tama na daw ang white rice corn para kainin nila. Hindi naman siya maarte sa lahat ng bagay eh. hindi siya lumaking may gintong kutsara sa bibig niya. Hindi din siya pinalaking maging mahangin kapag umangat ang buhay niya.
Mas gusto nga niyang tumira dito sa Montilla dahil sariwa ang hangin, hindi maingay at simple lang ang buhay. Iyon ang gusto niyang buhay, simple lang walang gulo at malayo sa lugar sa siyudad na may kuryente nga, maingay naman at grabe ang polusiyon. Sa montilla walang kuryente, tubig, at wala tindahan, kung meron man, medyo malayo nga lang. hindi ka magkakaroon ng pera kung hindi ka magbabanat ng buto para magkapera. Kaya ang ginagawa niya, naghaharvest ng mangga, monggo, mais, saging, at ibang pang pananim na pwedeng pagkakakitaan. Ngayon kumukuha siya ng saging, hindi para ibenta, kundi para kainin lang at pangmeryenda. Nakita kasi niya na may ilang hinog na saging kaya kinuha niya na. kasama niya si Midnight kaya lang ang damuho may katext. Akala siguro ng lalaking ito, may kuryente sila dito? Kaya ayaw niyang magdala ng cell phone sa bukid dahil balakid iyon sa kaniya kapag may trabaho siya at isa pa, hindi naman niya kailangan din iyon dahil sa wala naman siyang katext. Kung meron man magtext sa kanya, hindi din naman niya nirereplayan dahil sa wala siyang load at magastos iyon sa pera. Kaya ang midnight, may ganang mangutang sa kaniya, hindi naman nagbabayad. Akala siguro ng damuho, hindi niya nililista ang utang nito. Natapos na lang siyang kumain si Midnight ayon natambakan na siguro ng saging na dala nito.
Sunduin na lang niya kaya? “Kristine!” Kaya lang may biglang sumambit sa pangalan niya. Napalingon siya kung sino at agad kumulo ang dugo niya, ang kapitbahay niyang si Jake. Pati ba naman sa montilla susundan siya nito. Hindi naman pangit si Jake kaya lang, ayaw niya talaga dito. Matagal na itong nanliligaw sa kaniya, second year high school pa lang sila ay nanliligaw na ito, kaya lang ayaw niya eh. ilang beses na din niya itong binasted pero, ayon ang gago! Pursigido!
“nag-unsa naman pud ka dire!? Kabalo imong mama nga naa ka dire!?” sigaw niya. Ang aga-aga mainit na naman ang ulo niya.
“siyempre. But-an gud, nananghid man kong mama na mag-adto ko ug Montilla. Sugtan dayon ko eh.”
“sanaOL.” Sabay isnab dito. “may gani kay nakatuod ka? Naa bayay sawa didto sa dan.”
“ah…grabe pud ka. Gusto diay nimo kaunon ko sa sawa?” anito na ngumiti pa at kumindat sa kaniya.
“sigeg kindat-kindat diha, sigeg ngisi-ngisi dira. Labayon taka ron! Nag-init raba ning akong ‘o pagkita nimo!” singhal niya dito.
“dili pa jud diay ko nimo sugton?”
“unsay sugton sa imong kagaran! Nawong nimo sugton! Basig gukdon takag sundang diha ron!” panakot niya dito.
“grabe! Patyon na jud diay ko nimo? Dili ka malooy nako kung mawala ko aning kalibutana?”
“ako malooy nimo? Nawong nimo.”
“sakita pud nimo muestorya uy. Mura man ug kaagi.”
“luh. Pataka rakag yawyaw diha. Unsay kaagi sa imong kagaran! Pataka rakag yawit. Murag trulala, duh uy. May pag maghilom ka, basi mawa paning kainit sa akong ‘o.”
“te!” sambit nito sa mama niya.
“unsa man dong Jake!?”
“imong anak te, pakaslan na nako ni.”
“pakasli lang dong. Ang pangutana, gusto ba siya magpakasal nimo?” sagot ng mama niya sabay tawa. “ayaw na lang ug testing dong, basi ikaw ray mapatay sa konsomisyon.” Ani ng mama niya tapos tumawa.
“bahala nag magkonsomisyon te, basta makasal lang ming duha.” Pursigido talaga ang puta!
“wow! May paka buot-buot. Nawong nimo kasal! Pakasal diay kag imo didto!? Pungkol ka!?” singhal niya dito.
“te! Dili siya musugot. Unsa may buhaton nako ani te?”
“wa pud ko kahibalo dong. Pangita na lang jud ug lain dong Jake.”
“pero, siya man jud akong gusto te. Unsaon mana te?”
“may pag maghilom ka! Ayg sigeg singgit diha duol ra kaayo si mama! Saba kay ka.” Lumingon siya sa direksiyon ni Midnight na nasa damuhan halos humiga na. “hoy! Nag-unsa man ka diha!? Nabuang na jud kang tawhana ka! Pagkaon na uy, wa baya kay mama dire!”
“lagi! Samok!” sigaw din nito sa kaniya.
“unsay ingon nimo!? Samok ko! Palabay kag bato!?” sigaw niya din pabalik.
“sus… buhata dayon, dugay kaayo.” Hamon nito sa kaniya.
“buhaton diay ha.” Naghanap siya ng bato sa may bandang gilid at tinapon niya banda kay Midnight, ayon muntik ng matamaan. Tumakbo palayo ang damuho dahil sa ginawa niya. Lumingon ulit siya kay Jake. “ ikaw! Unsa pa may gitindog nimo diha!? Kaon na didtu!” ang gago laking ng ngisi sa labi. Inisnaban na lang niya. “samok kaayo ka dire ba. Human ug kaon uli ha!” aniya.
“nagbaktas raba ko padulong dire, tapos paulion dayon ko nimo?” anito.
“sa’ pa nako! Sanaol sa’ nako nu. Niingon ba diay kog muapas ka direng dapita. Kahibaw man kang layo, adto jud ka. Tapos sa’ nako kay nganong naa ka dire. Grabeha pud nimo, ngano gisugo taka na mag-adto direng dapita. Di’ba wa? Mao na, ayaw lagi sige palabi sa gugma. Makapatay na!”
“nahigugma man gud ko pag-ayo sa imuha.”
“gugma-gugma! Bata pa gani ka, gugma na imong gihuna-huna. Eskwela uy! Ay sigeg gugma, makapatay ra ba na.”
“tinuod jud na, sukad na nahigugma ko nimo. Murag mamatay ko ug dili taka makita.”
“ah… mamatay! Gusto nimog akoy mupatay nimo?”
“kung ikaw lang man. Sugot ko.”
“hilom. Basi igapos taka diha. Nawong nimo murag poste. Kaon diha.”
“ingon ana jud diay panan-aw nimo sa akoa? Poste diay akong nawong?” anito na may paawa effect face pa. Problema nito at nag-eemote sa harapan niya.
“oh dong. Oh.” Sabay pinanlakihan niya ng mata.
“posting gwapo man pud.” Anito na may ngiti sa labi at kumain ng agahan. Huminga na lang siya ng malalim para pakalmahin ang sarili baka hindi siya makapagpigil ay itali niya talaga sa kahoy ang huli.
“asa dapit banda?” singit ni Midnight sa usapan nila. “kaon nako uy. Gutom na kaayo.” Reklamo nito.
“ganiha pa taka gitawag, wa jud ka niduol. Murag muhigda naman gani ka didto sa kasagbutan, buanga ka.” Sermon niya dito.
“hoy! Kanang baba nimo ba. Bawas-bawasi pud ng pagtabil.”
“bahalag tabil basta dili liar. Dili parehas ninyong duha. Duha-duhay baye. Abe ninyog wa ko kahibalo nu!? Dagway ninyo murag thumbtacks.” Aniya sa dalawa. Ganiyan siya kumausap sa mga kaibigan niya. Hindi siya plastic na tao kaya sasabihin niya lahat ng sasabihin niya kahit ikasakit pa nito ng mga kausap niya. Wala siyang pakialam basta hindi siya magsisinungaling.
“hinawayong dako. Murag gwapa.” Ani naman ni Midnight sa kaniya.
“ngano! Ingon ba diay kog gwapa ko. At least honest kaayo ko nu. Dili parehas ninyo! Dagway pa lang mangingilad na.” sabay tawa niya ng malakas at pinagtuturo niya ang dalawa. “tinuod tu! Ingna kog bakakon. Lagpot mo ron. Di’ba?” hindi nakaimik ang dalawa dahil totoo ang sinabi niya, alam niya na may mga girlfriend ang dalawa. Kaya ayaw niyang sagotin si Jake dahil alam niyang may girlfriend ito sa ibang lugar. Baka siya ang awayin no’n, mahirap na. “oh… wa mo katubag nu? Kay tinood akong giingon. Sus… kaila nako ninyo.” Mayabang niyang sabi.
“dili uy, mga kuan lang man tu sila.” Depensa ni Midnight sa sinabi niya.
“unsay kuan?” tanong ni Jake dito. “atik-atik paka, kay tinood man jud tung giingon ni Kristine pero tung sa akoa dili.” Tumawa siya sa sinabi nito. Nilaglag si Midnight pero dumepensa ito sa sarili. “oh… tan-awa nikatawa man gani si Kristine so, tinood jud tu akong giingon nga daghan jud kag uyab tapos ako kay walay uyab. Si inday Kristine lang jud akong gipanguyaban.” Anito at kumindat sa kaniya.
“ana diay! Laglagan imong gusto ha… tawagan nako imong uyab sa tokablaw. Lantawon nato! Duol raba nang tukablaw dong… basig nakalimot kag tapad rana silag montilla.” Banta ni Midnight kay Jake. Mas lalo siyang napatawa dahil, naglaglagan ang dalawa. Alam niya na may nobya si Jake sa tokablaw noon pa. Nakikita niya kasi sa school at ang gaga walang kaalam-alam na niloloko na siya ng damuho.
“mao na! gawas lagi inyong mga tinaguan. Atik-atik pamo ug wa moy uyab. Sus… kanang mga nawong ninyo mga tikalon kaayo. Ako pay, inyong atikon… kaila nako ninyo.” Aniya sa dalawa at iniwan ang mga ito, wala siyang pakialam kung anong gagawin ng dalawa, basta siya, babalik na siya sa may kasagingan at bibisatahin niya din iyong tanim niyang pinya kung namunga na ba. Medyo matagal na panahon na din dahil naging busy siya sa school no’ng mga nakaraang buwan. Sabado at linggo lang kasi siya nasa bukid at kapag linggo ng hapon balik na ulit sila sa purok Makisama dahil may bahay naman sila. Konting panahon na lang at makakatapos na siya ng high school at titira na siya ng payapa sa Montilla. Hindi niya kasi sigurado na makakapag-aral pa ba siya hanggang kolehiyo. Siya na nga ang nagpapaaral sa sarili niya eh. Tumutulong naman ang mama niya sa tuition sa school. Nasa eight hundred lang naman ang buong taon, minsan nga nasa six hundred to seven hundred lang, kaya sa pambaon siya na gumagawa ng paraan. Nagtitinda siya ng saging, mangga, monggo, pinya kapag may bunga, basta kahit ano na pwede niyang pagkakitaan.
*******************
Hindi maipinta ang mukha ni Daniel dahil ginising siya ng maaga, inaantok pa nga siya, matagal kasi siyang natulog kagabi dahil sa puyat sa paglalaro sa cell phone niya. Hindi niya alam kung saan sila pupunta nang ganito kaaga. “magdala ka ng damit mo, pang dalawang linggo.” Ani ng mama niya. Nagtaka tuloy siya sa sinabi nito. Saan sila pupunta at magdadala siya ng damit na ganoon kadami? Magbabakasiyon ba sila? Sa pagkakaalam niya nakarating na sila di’ba? May pupuntahan na naman sila? Saan na naman sila pupunta ngayon? Anong lugar? “bilisan mo na diyan dahil naghihintay na mga pinsan mo sa may kanto.”
“ma! Alas tres pa po ng madaling araw, gaano ba kalayo pupuntahan natin?” tanong niya sa ina niya na may pakit-pikit pa.
“sus…bilisan mo na, magdala kana din ng tubig mo.” Hindi na siya nagreklamo pa at agad na naghanda ng gagamitin. Magdadala daw siya ng damit, pang dalawang linggo, ibig sabihin, magtatagal sila doon. Saan naman kaya iyon? Malayo ba ang lugar na iyon? Nang makapaghanda na siya ay agad na siyang lumabas ng bahay na tinutuluyan nila. Hindi masiyado magkakadikit ang mga bahay nila napansin niya. Hindi parehas sa maynila na ang mga bahay ay halos magkakadikit na. Hindi din magulo ang lugar at ibang-iba ang napapanood niya sa balita. Kung sa maynila ay nawawalan ng tubig, dito sa tinirhan nila, anytime may tubig dahil hindi naman kuryente ang gamit or gripo kundi poso. May poso sila kaya hindi ka mauubusan ng tubig. May mga tanim din, pwede ka din daw makahingi ng pomelo sa kapitbahay. Sa maynila binibili nila ang pomelo pero dito hinihingi lang. Isa pa, parang gusto na niyang tumira sa tinitirhan niya, kaya lang hindi pwede dahil babalik sila sa maynila kung saan sila nakatira.
Habang naglalakad sila palabas ng kanto ay maraming aso sa daan na tumatahol sa kanila pero, walang pakialam ang mama at papa niya, pero siya, kinakabahan na. ‘yung pawis niya sa noo tumutulo na, malamig pa ang hangin dahil na din sa madaling araw pa. nanlaki ang mata niya sa pagkita na may mga kabayo na nasa unahan at may mga sakay ang mga ‘to. Iyan ba ang sasakyan nila? Sa tanang buhay niya hindi pa siya nakakasakay ng kabayo. Hindi ba may kaya mga tao dito at kabayo ang sasakyan nila? Hindi ba pwedeng mag-arkila ng sasakyan para makarating sa pupuntahan nila? Kailangan talaga kabayo ang sakyan or hindi pwedeng daanan ng sasakyan ang pupuntahan nila? Alin sa dalawa?
“sakay na Daniel.” Ani ng tiyuhin niya. Lumunok muna siya ng laway at huminga ng malalim. First time niyang sasakay sa kabayo kaya kinakabahan siya sa mangyayari. “dito ka sa malaking kabayo sumakay, ikaw lang mag-isa.” Anito. “halika… tulungan kitang sumakay ng kabayo. Huwag kang matakot. Tingnan mo mga pinsan mo.” Napatingin naman siya sa mga babaeng pinsan niya na tag-isang kabayo din ang mga ito. Kaya siya pumatong na sa semento at tinulungan siyang sumakay sa kabayo. Kinakabahan talaga siya, dahil hindi niya alam kung paano palalakarin or baka bigla na lang tumakbo.
“tara na. dugay pud uy.” Ani ng pinsan niyang si Kiel. Nauna na itong palakarin ang kabayo.
“Keil!” tawag ng mama nito sa pinsan niya. “ayaw padagana ng kabayo ha!” hindi niya naintindihan ang sinabi nito pero nakita niya ang pinsan niyang pinapatakbo ang kabayo. Hala! Kaya nila iyon? Pinatakbo din ng isa pang babaeng pinsan niya ang kabayo. “mga gahig ulo jud ng anak nimo!” sigaw nito sa tiyuhin niya.
“liwat na nimo uy. Ingon ana baya kagahi ang ulo nimo sa una.” Sagot naman ng tiyuhin niya. Siya naman ay hindi pa din lumalakad ang kabayo na sinasakyan niya. “hawakan mo ang renda na ito para makontrol mo ang kabayo tapos iyang paa mo, sipain mo ng konti para maglakad ang kabayo. Nakuha mo sinabi ko?” tumango siya, iyon ang napapanood niya sa mga pelikula sa tv. Ginawa niya ang sinabi nito at naglakad naman ang kabayo.
Nauna na siya sa mga magulang niya at sinundan ang mga pinsan niya, hindi na niya makita pa ang mga ito. Ang bilis naman magpatakbo ng kabayo ang mga iyon. Hindi ba ang iyon natatakot kung matumba ang kabayo dahil sa bilis? Tumingin siya sa tiyuhin niya. “tito.” Tawag niya dito. “hindi ba natatakot ang mga pinsan ko na patakbuhin ang kabayo?” tanong niya dito.
Tumawa ito sa kaniya. “huwag kang mag-alala, ayos lang ang dalawang iyon. Sanay na magpatakbo ang dalawang iyon ng kabayo. Ilang beses na bang nahulog ang dalawang iyon? Ilang ribs na ang nabali? Pero ayon, hindi pa din nadala. Kahit anong sabi namin na huwag patakbuhin ang kabayo, ayaw nila eh. Mas gusto nila na tumatakbo ang kabayo dahil challenge iyon sa dalawa. Hindi mo sila mapipigilan sa gusto nila. Kahit anong sabihin namin, pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan. Ganiyan sila katigas ang ulo. Wala na kaming magawa kaya ayon, pinababayaan na namin pero minsan nakokontrol din nila. Dati kasi, isang kabayo lang ang meron kami, tapos si Kiel ang mahilig sa kabayo at siya din ang nagpapakain at nagpapainom ng tubig. Hanggang sa ayaw na niyang ibigay or ipagamit sa iba ang kabayo, siya lang daw dapat kaya bumili pa kami ng isa, nainggit naman ang kapatid kaya bumili pa kami. Lalaki iyong gamit ni Kiel tapos babae iyong isa tapos nagkaroon ng anak. Iyang sinasakyan mo ngayon. Hanggang sa ayon nga, dumami na, ngayon may limang kabayo na kami.” Kwento nito sa kaniya. tumango lang siya at tumingin sa daan. May mga ilaw sa daan kaya hindi din nakakatakot, malamig din ang hangin dahil madaling araw pa, may mga aso din sa daan na tumatahol sa kanila, pero, ang ipinagtataka niya lang ay maraming tao silang nakakasalubong at halos kakilala iyon ng tiyuhin niya. Ganoon ba ito ka friendly na tao dahil maraming bumabati dito.
“nasugat-an man namo tu si Kiel ganina. Naa sila sa dira sa unahan pasaka natu sila.” Ani ng isang lalaki. Hindi niya na lang pinansin at sumunod na lang sa mama niya na papaliko na din.
Hindi din naman niya kilala ang mga ito kaya wala siyang pakialam. Nanlaki ang mata niya ng lumiko sila at wala silang maaninag na daan dahil madilim pa, saan sila dadaan? Kaya pinahinto niya ang kabayo, nakikita niya sa TV kailangan mo lang i-pull ang renda at huminto nga ang kabayo. Galing naman! Wala siyang flashlight o kahit anong ilaw na pwedeng gamitin pero, namangha lang siya nang may makita siyang mga alitaptap na lumilipad. “hintay!” sigaw ng tiyuhin niya. Hindi nga niya alam kung saan dadaan kaya pinahinto niya ang kabayo eh.