Nasa daan sila ni Midnight kasama si Jake na may dalang sako na laman ng kamoteng kahoy. Pinapunta kasi sila ng mga pinsan niya at ayon binigyan sila ng kamoteng kahoy. Ede may pangmeryenda sila mamaya, gagawin niya itong suman at bibigyan niya din ang mga pinsan niya. Ang totoo kasi niyan, tinatamad lang kasi ang mga pinsan niya na magluto kaya siya pinapunta doon sa bahay ng mga ito. Huminga siya ng malalim at tumingin sa daan. May naaninag siyang babae, napangiti siya kung sino. Si Kiel, kasama ang nakakatanda nitong kapatid. Laking gulat din niya na may iba pa itong kasama, bukod sa mga magulang nito. “ahem!” kunyari ubo niya. Ang pinaparinggan niya kasi si Midnight na ang ngisi wagas. May gusto kasi ito sa nakakatandang kapatid ni Kiel kaya lang iyong isa sa kay Jake may gusto, si Kiel naman nakikita niya ang mukha nitong papalapit habang sakay ng kabayo nito na si Midnight lang ang tinitingnan. Kinikilig talaga siya sa tatlong ito. Ano ba dapat tawag? Love triangle? Ay, ewan. Hindi naman niya alam eh. bahala na ang mga ito sa love life nila. Hindi na siya mangingialam pa, wala din naman siyang maitutulong sa mga ito. Napatingin na lang siya sa lalaking nakasakay sa may kabayo.
“hi Kiel.” Bati niya dito. Inisnaban lang siya ng bruha at hindi man lang bumati sa kaniya pabalik. Alam niya nag alit ito sa kaniya dahil kay Midnight, close kasi sila ni Midnight. Best friend niya eh, malamang close silang dalawa, tapos itong si Midnight, hindi niya din pinapansin si Kiel dahil daw sa ugali nito. Siya naman, pinagsawalang bahala na lang niya. Nakatingin siya sa lalaking nakasakay sa kabayo, gwapo ito, katamtaman lang ang katawan, kahit nakaupo ito sa kabayo, alam niyang matangkad ang lalaki. Maputi ito, tumingin ito sa kaniya kaya ngumiti siya dito. “hi.” Bati niya. s**t! Kailan pa may ganiyang lalaki na sobrang gwapo? Huminga na lang siya ng malalim, imposibleng wala itong girlfriend, siyaka isa pa, hanggang crush lang naman siya eh. Aral muna bago landi. Iyan ang motto niya, kaya nga hindi siya nagpapaligaw sa mga lalaki eh, busy din kasi siyang tao. Wala siyang oras para sa love life, isa pa, masiyado pa siyang bata para magkaroon ng nobyo. Disesais pa lang siya, hindi pa nga siya umaabot ng diseotso eh. Aral muna ang atutupagin niya bago ang tawag ng laman , ay esti giti pala.
“hi Midnight!” bati ni Kiel at huminto pa ang bruha niyan ha. Nung siya ang bumati hindi man lang siya hinintuan pero si Midnight hinintuan niya. Wow, na bruha ‘to, namimili ng nirerespeto.
“ali na Kristine.” tawag ni Jake sa kaniya.
“tara na Midnight. Pasagdi ng bigaon diha, dili kabalo murespeto.” Aniya.
“unsay gusto nimo ha!?” singhal ni Kiel sa kaniya.
“aw! Baby… sakit kaayo ka sa dunggan.” Sabay isnab niya dito.
“ikaw ra may gapangita ug away! Suko diay ka ug dili ko magtubag ug ‘hello’ sa imuha? Magbuot ka!” singhal nito sa kaniya.
Huminga na lang siya ng malalim at pinakalma sarili dahil hindi naman siya naghahanap ng gulo eh, ang gusto lang naman niya ay batiin din siya nito pabalik kaya lang, hindi eh, hindi siya binati nito pabalik kundi nag-isnab ito sa kaniya. Anong magagawa niya sa kamalditahan nito? Pinaprangka niya lang naman ito. Kung nasaktan ito sa sinabi niya, wala siyang pakialam.
“hilom uy! Saba kaayo ka. Wala ka kahibaw kung kinsa jud ang gusto ni Midnight. Dili tu ikaw day… bati man gud kag batasan…bag-oha imong batasan basi magkagusto sa imuha si Midnight, mao lang nay ma-advice nako nimo. Batasan say bag-oha dili nawong… kay ang nawong nimo okay kaayo, pero batasan jud dili… okay.” Aniya at tumawa. Napatawa din sina Midnight at Jake pati ang nakakatandang kapatid ni Kiel. Napatingin siya sa lalaking huminto din pala ang sinasakyan na kabayo nito at nakinig sa mga pinag-uusapan nila. Nakangiti ito sa kaniya kaya kumunot ang noo niya. “hoy!” tawag niya sa lalaki. “pahiyom man ka diha!” Umiling ito sa sinabi niya.
“hindi kita maintindihan, sorry.” Napansin niyang nakalagpas na pala ang mga magulang ni Kiel pati ang mga kasama nito nang hindi man lang nila napapansin.
“lakat na didtu. Wala man diay ka kasabot sa among estorya.” Ani ni Jake. “spokening dollars man ka. Alis na. dugo nose nimo karon sa pag-intindi sa amoa.”
“hoy Jake! Naunsa ka!” sabay tawa niya dito. “unsa man ng ginayawyaw mo dira? Wala na siya kasabot uy. Tagalog gamita.” advice niya dito. Huminga muna siya ng malalim. “taga saan ka pala at bakit hindi ka makaintindi ng bisaya?” tanong niya dito with bisaya accent.
“taga maynila ako.” Tumango siya sa sinabi nito. “kaya hindi ko kayo naiintindihan pero, base sa sigawan niyo mukhang nag-aaway kayo. War freak pala kayong mga bisaya, no?” anito at tumawa. “tsk… mga bisaya talaga.”
“hindi naman kami war freak, sadyang mga palaban lang talaga kami. Ganiyan lang yan, hindi kasi kami sanay na nagpapabully lang o di kaya tatahimik lang sa isang tabi.” Sagot niya sabay isnab niya dito. “gwapo unta ka, kaya lang ingon ana diay ang panlantaw nimo sa bisaya?”
“hoy! Ingon ka, tagalog gamiton nganong nagbinisaya man lagi ka?”
“kapoy estorya ug straight na tagalog nu. Sige kamo na pud estorya… kapoy ko duh… pila pa lang gani tu ka sentence unsaon na lang ug daghan na jud.” Reklamo niya sa mga ito. Bisaya accent pa naman siya, ang sakit pala sa tenga.
“ah… nga pala… si Daniel Maurer, ig-agaw diay nako.” Tumango lang sila sinabi ni Melrose. Lumingon ito sa nagngangalang Daniel Maurer. “sina Kristine, Midnight at Jake nga pala.” Tumango lang din ito sa kanila at umalis na din.
Napatingin siya sa bruha, umalis na sakay ng kabayo at pinatakbo na naman nito. “kanang imong manghod ba, maldita kaayo, kung maldita ko… mas maldita siya!”
“pasagdi na lang gud.” Nakatingala siya dito dahil na din sa nakasakay ito sa kabayo. “kahibaw man jud ka na dako kaayo tug gusto kay Midnight.”
Nang marinig ni Midnight ang pangalan nito ay agad itong lumapit sa kanila. “saon man natu, wala man ko nakahigugma niya. Alangan pugson nako ang akong kaugalingon? Mapugos ba diay ang gugma? Kanus-a pa napugos ang gugma ha Melrose? Kanus-a? ikaw man gani, nakahigugma kay Jake, tapos ako nahigugma nimo. Gapanguyab ko nimo pero, wala jud ko nimo ginasugot. Unsa may gipangita nimo? Gwapo man pud ko sama kay Jake, mas gwapo pa gani ko niya.”
Mabuti na lang hindi nakikinig si Jake sa kanila dahil medyo lumayo ito sa kanila dahil may hinahanap na naman sa may damuhan. Hindi na lang nila pinapansin ito. Sanay na sila eh.
“oh, tood gusto nako si Jake, pero, dili jud gusto kaayo. Gusto lang nako siya mahimong friend basi diay magpaampon na siya namo di’ba? Wala baya me manghod na lalaki. Kami lang ni Inday Lovekiel. Dili man pwede na mahimong kami ni Jake kay bata pa man siya, basi kasuhan ko.” Anito tapos tumawa ng malakas. “dili pud taka gusto Midnight kay naa naman koy uyab taga kawas. Tatlo na me kabulan.”
“tatlo kabulan pa lang man diay… kaya pa na.” sabi ni Midnight kay Melrose kaya ang huli nanlisik agad ang mata sa narinig.
“gago ka!? Dili gani pwede! Dili ka kasabot? Wa koy gusto nimo, miskan unsaon nako, dili pwede ug isa pa, dili ta pwede kay daghan kag uyab. Gusto nimo bilangon nako?” hamon nito kay Midnight. Siya naman ay dahan umalis. May away na mangyayari sa dalawa. “ibitay taka ron, tan-awa. Dili kasabot. Dira na ka uy… samok.” Ani ni Melrose at iniwan si Midnight. Sumunod si Midnight at huminto naman si Melrose at lumingon dito. “sunod karon, ipasipa taka sa kabayo!” singhal niya dito.
Lumingon si Midnight sa kaniya na may mukhang binagsakan ng langit. Tinawanan niya ang hitsura nito. “mao na! daghan man gud kag uyab… babaero…babaero… babaero daw ako..” kanta niya. “sinong may sabi… sinong may sabi…”
“hilom diha!” sigaw nito sa kaniya.
“walay pikonay… pikon man kaayo ka.. mao na, manguyab ganig daghan ayaw ipahibalo sa tanan.” Aniya at tumawa , iniwanan na niya ang nagdadramang si Midnight dahil basted kay Melrose. “tara na Jake!” sigaw niya. “ayg sig panulo dira…buntag pa. way damang kang makita… inshikoy naa, ali na kay magsuman pa baya ko. Pastilan.” Sumunod naman ito at dinala ang sako na may lamang kamoteng kahoy.
*********************
Nang makarating siya ay agad siyang bumaba sa kabayo at dali-daling tumayo. “ang sakit ng pwet ko kakaupo sa kabayo.” Aniya. Tinawanan lang siya ni Kiel na mas nauna sa kaniyang nakarating. Sino kaya ang babaeng iyon? Grabe kung sumagot, hindi naman niya naintindihan ang sinasabi nito pero nararamdaman niya ang galit nito. Tiningnan niya si Kiel. “sino iyong babae kanina na kaaway mo?” inisnaban lang siya, tsk…ugali nga naman nito. Ano bang problema ng babaeng ito?
“sinong kaaway mo Kiel?” tanong ng uncle niya.
“iyong babae po kanina sa may daan po tito. Iyong may kasama na dalawang lalaki.” Sagot niya.
“nag-away na pud mong Inday Kristine!? kanang imong kamaldita, ibutang sa lugar. Parehas ramong duha mga maldita!”
“siya man pud ang nanguna.”
“giunsa diay ka!?” singhal nito sa anak.
“nasuko siya, kay wala ko naghello sa iyaha.” Sagot naman nito.
“sus… mao rana inyong awayan? Nabuang naman siguro mo.”
“nagselos man gud na siya Pa.” ani naman ng kakarating lang na si Melrose.
“tungod anang Midnight?”
“oo pa, crush mana niya si Midnight tapos si Midnight way gusto niya. Sakit besh?” ani ng kapatid ni Kiel dito sabay ngisi. Wala siyang maintindihan literally. Ano ba naman yan!? Napatingin siya sa mama niya na tawang-tawa sa mga pinagsasabi ng pinsan niya. Siya naman ito, hindi makarelate sa pinag-uusapan.
“ikaw man gani kay may crush pud kang Jake, tapos si Jake walay gusto nimo.” Tinawanan lang ito ng kapatid nito. “baga kaayo kag nawong na giingon nimo na uyab mong Jake unya gipangutana nako siya, dili man gani daw mo uyab. Yay… bagag nawong! Dili ka mauwaw sa imong gipanulti!? Gikatag nimo na uyab mo… asa ka nipalit ug kabaga sa imong nawong? Baga man gud kaayo!”
“hoy!” sigaw ng nanay ng dalawa. “nabuang na pud mong duha diha!? Wala mo nauwaw na naa tay bisita!? Kamo karon sige lang mo ug away.” Napatingin ito sa kaniya at ngumiti. “respeto ha! Magtagalog kayong dalawa at isa pa, huwag nga kayong mag-away. Ikaw naman Melrose, alam mo ngang pikon iyang kapatid mo eh, inaasar mo pa. Ikaw naman Lovekiel! Ang bata-bata mo pa para lumandi. Mag-aral ka muna at kapag nakapagtapos, nakapagtrabaho kana saka kana lumandi. Hindi kami tututol kahit sino pa pakasalan mo. Kahit iyong Midnight pa iyon.” Ani ng nanay ni Kiel, nakahinga siya ng malalim dahil kahit papaano ay naiintindihan niya ang sinabi nito kahit ang pananalita nito ng tagalog ay bisaya accent. Ang importante, naintindihan niya ang sinasabi nito nang hindi naman siya out of place.
Napatingin siya sa kaliwa at natanaw ang kaharap ding bundok. Hindi niya alam kung bakit may nadidinig siyang tugtog galing doon. Kinuha niya ang cell phone niya sa bag niya at kumuha ng litrato sa paligid. Maganda din pala dito kahit papaano. Maraming tanim, may nakita nga siyang puno ng mangga at niyog na iyong punuan imbis na straight eh, baliko ang puno. Kasi minsan lang naman siya makakakita ng puno ng niyog , kadalasan nakikita niya building. Ngayon nga lang siya nakapunta sa bundok eh, minsan sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakapunta ng bundok.
Habang kumukuha siya ng litrato ay nakita niya sa peripheral vision niya si Kiel na papalapit sa kaniya. “kung gusto nimo magdugay dire na maggunit ug cell phone, may pag undangon na nimo. Direng dapita… wala me kuryente dire.” Anito sa kaniya.
Hinarap niya ito at tiningnan nang seryoso. Ang naintindihan niya lang ay ‘yong words na ‘wala’, ‘kuryente’ , ‘cell phone’, ‘kung gusto’ “ahh… pwede mo naman siguro na tagalogin ang sinabi mo di’ba? Konti lang naintindihan ko eh.” aniya dito. “hindi naman siguro ganoon kahirap magtagalog di’ba? Nakapag-aral ka naman siguro kaya kahit papaano nakakapagsalita ka ng tagalog?”
“ano po pala tingin mo sa bisaya? Mga bobo!? Hindi porket ganito kami magsalita, bisaya accent, marunong din naman kami magsalita ng tagalog dahil ang palaging pinapalabas naman sa television ay tagalog naman, kahit iyong mga taong hindi nakapag-aral marunong po magsalita ng tagalog. Ah, gusto mo di’ba tagalogin ko ang sinabi ko. Wait lang…” huminga muna ito ng malalim. “ang sabi ko… KUNG GUSTO MO NA MAGTAGAL DITO HAWAK IYANG CELL PHONE MO, MABUTI PA TIGILAN MO NA. ANG LUGAR DITO… WALA KAMING KURYENTE. Siguro naman nagets mo na ang sinabi ko?” tumango siya at tinigilan na ang kakakuha ng litrato. Wala kasi daw kuryente… ano ba namang lugar ito!? Ang layo naman pala sa kabihasnan kung ganoon. Walang kuryente, kaya kaya niyang mamuhay ng walang kuryente? Baka hindi pa umabot ang isang linggo eh, uuwi na siya ng maynila mag-isa.
“ali na, mangape sa ta! Daniel! Kiel! Ali na mo.” Tawag ng tiyuhin niya sa kanila.
“tara na.” anito at nauna na sa kaniya bumalik sa bahay. Nasa baba kasi siya, tiningnan niya iyong bahay. Makatagal kaya siya ng dalawang linggo dito? Ang liit ng bahay, hindi niya alam kung bahay ba or kubo ang tawag dito. Ah… baka kubo nga ang tawag diyan, ang bahay naman nila Kiel doon sa purok makisama ay medyo malaki naman at hindi na sila kailangan pang lumayo para mag-igib ng tubig dahil may poso sila. Sana may poso din sa maynila para hindi na sila mahirapan pa sa tubig. Minsan pa naman walang tubig lalo na kapag summer. Pahirapan sila sa tubig, dahil nagkakaubusan. Nang makabalik siya siya ay may mga native manok siyang nakikita at mga sisiw sobrang dami. Ngayon lang siya nakakita ng native na manok sa tanang buhay niya.
“gusto mo Daniel ng native na manok ang iulam natin?” tumango siya sa sinabi ng tito niya na nagpapakain ng mga manok. “siyempre kailangan mong paghirapan ang uulamin mo.” Anito na may ngisi sa labi. Huwag niyang sabihin na. “kung makakahuli ka ng manok, siyempre hindi mo isasali iyang mga inahing manok sa huhulihin mo. Baka hindi ka pa nakakalapit ay, baka habulin kana niyan.” Anito at tumawa. Hindi pa siya nakakatikim ng native na manok eh, gusto niyang makatikim. “ano gusto mo pa bang mag-ulam ng manok?” tumango pa din siya. “sige… manghuli ka na, iyong mga medyo malalaking manok ang hulihin mo hah.. bye.” Anito at umalis na.
Akma na siyang lalapit sa medyo malaking manok ng bigla ang mga itong nagsiliparan kung saan. Hinabol niya ang mga ito, pati ang mga sisiw ay nahabol niya kaya ang resulta, galit nag alit ang inahing manok at siya naman ang hinahabol. Nakita niya ang mga magulang niya na pinagtatawanan siya. Kailangan makahuli siya ng manok para may maiulam siya, ang sabi kasi ng mga kaklase niya masarap daw ang native na manok lalo na kapag sinabawan. Gusto niya rin makatikim ng sinabawan na native na manok. Habang hinahabol niya ang mga manok, nakita niya si Kiel na nakakunot ang noo. Kumakain ito ng saging, nanlaki ang mata niya at napatingin sa kubo. Dali-dali siyang pumunta sa may kubo at kumuha ng saging sa may pinggan. Agad niyang binalatan at tinikman. Ang sarap naman ng saging.
“oh… Kiel, tabangig dakop ug manok si Daniel para naa tay sud-an karon.” Anito sa kay Kiel na kakabalik lang din sa kubo.
“dili ko. Siya man gusto magsud-an ug manok, siya lang magdakop eh.” sagot nito.
Pinagkibit balikat na lang niya dahil wala naman siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito eh. “hulihin mo na anak!” ani ng mama niya. Tumango lang siya at agad na bumalik sa panghuhuli ng manok. Kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang mahuli. Susuko na lang kaya siya. Bahala na wala siyang maulam, hindi niya papagurin ang sarili para lang may maulam. Tsk. Titigil na sana siya nang may Makita siyang babae na patungo sa kanila, ngumiti ito nang makita siya.
“Ayo! Ayo!” sigaw nito.