CHAPTER 4

3022 Words
“Ayo! Ayo!” (tao po! Tao po!) sambit niya. Naglakad na siya dahil wala naman siyang dapat ipangamba dahil wala namang alagang aso sila Kiel kaya ayos lang.  Takot siya sa mga aso, dahil may rabies ito, at hindi pa siya handang mabaliw dahil lang sa kagat ng aso. “ali dire Kristine!” (halika dito Kristine) sambit ng nanay ni Kiel na si Aizel. “naa diay koy dala na suman te.”(may dala akong suman ate)  aniya sabay bigay ng suman na kamoteng kahoy na kagagawa niya lang. “daghan man gud akong gibuhat, mao na ihatag nako sa inyo ang uban. Nihapit lang ko dire kay, maghatod pud ko ug suman sa akong mga ig-agaw na perte katapulan maghimo ug suman. Ako daw ilang pahimuon kay lami daw.” (marami kasi ang ginawa ko, kaya ibigay ko na lang ang iba sa inyo. Dumaan lang ako dito kasi, magbigay din kasi ako ng suman sa aking mga pinsan na sobrang tamad gumawa ng suman. Ako daw ang gagawa kasi masarap daw.) Aniya dito. Bakit niya kaya kinuwento ang mga pambobola ng mga pinsan niya sa mga ito. “oy Kiel!” sambit niya kay Kiel na nakatingin sa kanya ng masama. “hilom!” (shut up!) sigaw nito sa kaniya. Tumawa lang siya at tumingin sa lalaking busy sa panghuhuli sa manok, natawa siya. Sinamaan siya ng tingin nito nang makita siyang tumatawa. Problema ng lalaking ito? “gusto mo tulungan kita manghuli ng manok?” aniya dito. “tsk. Hindi nga ako makahuli na lalaki ako, ikaw pa kaya na babae ka.” Mukha yatang minamaliit siya ng lalaking ito ah? Napalingon siya sa nanay ni Kiel at ngumiti. “pwede ba nako siya tabangan? Murag gaina ra man siya dira wala man gihapon siya kadakop ug manok.” (pwede ko ba siyang tulungan? Parang kanina pa siya diyan wala pa din siya nakahuli ng manok.) Aniya sabay tawa. “saman te?” (ano ate?) “sige inday Kristine, tabangi kay aron makakaon na siya.” (sige inday Kristine, tulungan mo para makakain na siya.)  Ani ng isang babae na medyo may edad na din. humarap siya dito, “kinsa imong mama?” (sinong mama mo?) “si Joanna po.” Sagot niya dito. “ikaw na ang anak ni Joanna? Dakoa na ba nimo day. Sa una nakita taka, gamay pa man ka. Parehas lang mo ug edad sa akoang anak.” (ikaw na ang anak ni Joanna? Ang laki mo na inday. Noon nakita kita, maliit ka pa. parehas lang kayo ng edad ng anak ko.)  Kumunot ang noo niya, hindi naman niya kilala ang babae at isa pa, ngayon nga lang yata niya ito nakita eh. Paano nangyari na nakita siya nito noong bata pa siya? Wala siyang maalala na nakita niya ito noon. Pumunta ba sila sa ibang lugar dati? “dili jud ka kadumdom day, bata pa kay ka ato sa una.” (hindi mo na talaga maalala inday, bata ka pa kasi noon.) Alangan naman na bata lang siya palagi. Hindi na siya tatanda, gano’n. sanaol! Sanaol hindi tumatanda pero, nakakatakot din kapag hindi ka tatanda dahil maiiwan ka sa mundong ibabaw at ang mga pamilya, kaibigan mo, isa-isang papanaw. “nag-adto man gud mo ug maynila kay naa man mo paryente didtu, mao tu.” (pumunta kasi kayo sa maynila kasi may relatives kayo doon, kaya ayon.) Tumango lang siya sa sinabi nito. Kaya pala, iyon din sinabi ng mama niya dati, pero hindi naman siya  naniwala. Malay niya ba, eh, ang bata niya pa noon at wala man lang siyang litrato na nakita na pumunta nga siya ng maynila.   Isa pa, kung maninirahan man sila sa maynila in the future, baka babalik din siya sa kung saan siya ipinanganak. Kung saan siya nararapat na lugar at isa pa, wala siyang plano na iwanan ang montilla para sa maynila. Ang gusto niyang buhay ay simple lamang, iyong kakain sila tatlong beses sa isang araw at hindi na maghahangad ng kahit ano. Living with a simple life is fun, ayaw niya sa magulong buhay na kagaya sa mga siyudad na p*****n ang palaging binabalita. Sa montilla kasi, walang ganoon. Wala kang mababalita na may p*****n na nagaganap dahil busy ang mga tao sa paghahanap buhay. Ngumiti na lang siya sa sinabi nito. “naingon pud na ni mama te…” (sinabi din iyan ni mama ate.) sabay ngiti dito. “sige te, una na diay ko. Hapit lang ko dire pagbalik, hatod sa nako sa akong mga ig-agaw ang suman na akong gibuhat.” (sige te, una na ako. Dadaan lang ako dito pabalik, hated ko muna kina pinsan ang suman na gawa ko.)  Paalam niya sa mga ito at dumaan na sa likod bahay diretso sa bahay ng pinsan niya. Habang naglalakad, napatingin siya sa mangga at sa puno ng niyog na baliko ang katawan. Napatingin siya sa kanang bahagi at nakikita niya ang karatig lugar, kung tawagin ay tokablaw, naririnig  at nakikita din niya ang  sasakyan dumadaan mula sa kinatatayuan niya. Nagkibit balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa bahay ng mga pinsan niya. Ang layo ng nilakad niya ah, dahil sa sanay siya sa lakaran kaya ayos lang na maglakad siya kahit malayo. Wala din naman siyang magagawa, gagamitin niya sana ang kabayo pero, nauna na itong gamitin ni Midnight. Tinamad ang isa, ayaw maglakad.  Gusto sumakay ng kabayo, siya naman ito, naglalakad na lang.   Napapangiti siya habang naglalakad. Siguro nababaliw na siya, hindi niya alam kung bakit ngumingiti siya? Anong meron ang lalaking iyon? Anong lahi ito? Bakit ang gwapo sa paningin niya? Parang artista sa sobrang gwapo niya. Nag-iinit ang pisngi niya, kinikilig ba siya? Kinikilig siya? Ito na ba ang sinasabi nilang kilig? Hindi pa naman kasi siya nagkakagusto sa isang lalaki eh. siguro baliw siya kasi wala siyang gusto sa mga kaklase niya. Kung meron man, siguro isang beses lang at hindi na niya maalala pa. tinampal niya ang noo niya dahil sa mga naiisip niya. Huwag nga kasi lumandi eh, ang bata-bata mo pa para lumandi. Aral muna bago landi, mahirap na baka maging batang ina ka. Aniya sa sarili. Winala niya na lang ang mga naiisip niya kanina, gusto niyang maging kaibigan ang lalaki at hindi na pwedeng humigit pa doon. Hindi siya pwedeng magkagusto dito, at kung may gusto man siya dito, kailangan niyang iwasan o iisipin na kaibigan lang ang hangad niya. Hindi siya pwedeng mainlove sa isang taga maynila. Alam niya sa sarili niya na  hindi din siya magugustuhan nito. Malabo ang mga naiisip niya. Ang isang taga maynila ay para sa taga maynila lamang, hindi ito papatol sa isang kagaya niyang taga bundok. Baka nga may nobya na ang binata eh, hindi din siya pwedeng pumatol baka siya ang dahilan kung bakit maghiwalay ang dalawa. Sa gwapo ba naman ng binata imposibleng single ito. Baka ang mga babae pa ang maghabol dito at aminado naman siya sa sarili na gwapo nga ang binata. “hoy! Bayhana ka! Asa man tawon ka padung!?” (hoy! Babae ka! Saan ka pupunta!?)  narinig niyang sigaw ng pinsan niya. Kaya agad siyang napalingon dito at nanlaki ang mata niya.  Sa lalim ng iniisip niya lumampas na siya sa bahay ng mga pinsan niya at  nasa paakyat na siya na daan. Agad siyang tumakbo pabalik sa bahay ng mga pinsan niya. Dali-dali niyang binigay ang suman na ginawa niya. Tinanggap naman agad din nito. “kaganina pa ko sigeg sampit nimo, wa jud ka. Nabungol na kang bayhana ka!” (kanina pa ako sige tawag sa’yo, wala ka talaga. nabingi  ka ng babae ka!) sa umiling siya at huminga ng malalim. “naunsa naman tawon ka? lawom man kay ka ug hunahuna gaina.  Asa naka dapit gaw?” (anong nangyari sa’yo? Ang lalim ng iniisip mo kanina. saan kana pinsan?)  kumunot ang noo niya dito. “wa uy.” (wala nga) aniya at ngumiti. “pag-sure kay tuwang karon.” (siguraduhin mo lang tumba ka ngayon.)   “wa lagi uy!” (wala nga!) “gaw! Naa koy nakita ba gwapo,  didto ila inday Kiel.” (cuz! May nakita ako gwapo, doon kina inday Kiel.)   agad siyang napatingin sa mukha nito at nakita niyang namumula ang pisngi nito. “gwapo gaw! Crush nako, ikaw nakit-an nimo?” (gwapo cuz! Crush ko, ikaw nakita mo?) iiling sana siya pero hindi niya na lang ginawa kaya tumango siya, anong silbi ng pag-iling niya? Kahit hindi man siya dumaan doon kila Kiel ay makikita niya pa din ang lalaki dahil sa madadaanan din naman ang bahay ng mga ito. Walang silbi kung magsinungaling siya. “gwapo no!?” tumango siya. Totoo naman kasi na gwapo si Daniel eh, hindi niya iyon ipagkakaila. “crush nimo?” (crush mo?)  umiling siya. “atik!” Huminga siya ng malalim. “oh.” “ayey! Crush daw niya. Sanaol crush…” anito sabay tawa. “adtuon nato imong crush.” (puntahan natin ang crush mo.) Bumusangot ang mukha niya sa narinig mula dito. “sus uy! Dili man nako siya crush na crush jud.” (sus uy! Hindi ko man siya na crush na crush talaga.) “pagpuyo diha! Ayaw na siyag idamay sa imong pagkabigaon bayhana ka!”  (tumigil ka nga! Huwag na huwag mong siyang idamay sa pagiging malandi mong babae ka!)  singhal niya sa pinsan niya pero imbis na mainis o magalit ito sa kaniya, tinawanan lang siya. Inisnaban niya na lang ito, kailan pa siya masasanay sa pinsan niya? May pagka santomoniya talaga ang ugali nito. “kaon na diha! Paluto –paluto ka tapos dili ka mukaon! Nabugnaw ng suman.” (kumain kana dyan! Nagpaluto ka tapos hindi ka kakain! Malamig na ang suman.) “sus… too man kag bugnaw! Gugma gani niya nabugnaw na, kaning suman pa kaha na bag-o ra naluto.” (sus … maniwala kan man malamig! Pag-ibig nga lumalamig na, ito pa kayang suman na bagong hain lang.)  Hugot nito na nakabusangot ang mukha. “mao na! gugma-gugma pa more! Sakit!” (yan kasi! Pag-ibig – pag-ibig pa more! Sakit!)  sabay binilatan niya ito. Tumawa ito sa sinabi niya. “bitaw day! Makatisting lagi kag gugma lantawon lang nato ug dili taka kataw-an bayhana ka! Karon kay,  wa kay uyab pa! kung makauyab gani ka ah! Hilak-hilak jud kang bayhana ka!” (totoo inday! Kung maka-try ka talaga ng pag-ibig tingnan natin kung hindi kita tawanan babae ka! Ngayon kasi, wala ka pang nobyo! Kung magkaroon kana ng nobyo! Iiyak ka talagang babae ka!)  anito sa kaniya. “kaon na! ayaw na sigeg gugma diha. Pasagdi tung imong uyab na way klaro. Sige na uy, dili nako magdugay.” (kain na! huwag parating pag-ibig dyan. Pabayaan mo ‘yong nobyo mong malabo. Sige na uy, hindi na ako magtatagal.) “sus… dili daw magdugay! Too ko nimo, nawong nimo dili magdugay. Muhapit pa ka diha! Ayg kog charchari day! Kaila ko nimo.” (sus… hindi daw magtatagal! Maniwala ako sayo, mukha mo hindi magtagal. Dadaan ka  pa diyan! Huwag mo akong charcharin inday! Kilala kita.)  anito at tinaasan siya ng kilay. Napangiti siya sa tinuran nito. “oh…tinuod jud akong gisulti no!? sus… kaila kos dagan sa imong utok bayhana ka! Kung dili ka muhapit ilang Kiel para mangitag away napud, aw, isa lang jud na, ahem! Kinsa pa? tung laki na ig-agaw nila Kiel.” (oh… totoo talaga ang sinabi ko no!? sus… kilala ko ang takbo ng utak mong babae ka! Kung hindi ka dadaan kina Kiel  para maghanap ng away na naman, aw, isa lang talaga ‘yan, ahem! Sino pa? ‘yong lalaki na pinsan nina  Kiel.)  anito na may malaking ngisi sa labi, siya naman ay uminit ang pisngi sa sinabi nito. “bahala ka na diha uy, mulakat nako. Basi nangita na si mama nako. Patay na pud ko ato.”  (bahala kana diyan, aalis na ako. Baka hinahanap na ako ni mama. Patay na naman ako no’n.) aniya sabay talikod at alis. “diretso jud day! Ayawg hapit diha!” (diretso ka lang inday! Huwag ka ng dumaan diyan!) sigaw ng pinsan niya. Humarap siya dito at inirapan ito. “hilom!” sigaw niya, pagkatapos ay naglakad na siya na siya patungo sa bahay nina Kiel. Napalingon siya sa mangga. Ang sarap, may mga bunga pa naman ang mangga. Gusto niyang umakyat diyan, kaya lang naisip niya, bakit naman siya mangunguha ng mangga ng hindi sa kanila? Nahuhulog lang kasi ang mangga at hindi naman kinukuha nila Kiel. Hay. Nang makarating na siya sa bahay nina Kiel ay agad siyang nakita ng ama ni Kiel. “uy day! Hapit jud ka para tabangan akong pag-umangkon manakop ug manok?” (oy inday! Dumaan ka talaga para tulungan ang pamangkin ko manghuli ng manok?) “oo kol. Nakadakop na siya?” (opo tito. Nakahuli na ba siya?) sabay tango niya habang naglalakad siya papalapit dito. “wa pa gani uy. Gareklamo na gani siya kay gutom na daw siya pero tung nakatilaw siya sa suman na imong giluto. Lami daw!”  (wala pa nga eh. nagrereklamo na siya dahil gutom na daw siya pero no’ng matikman niya ang suman na ginawa mo. Masarap daw!) anito na may ngisi sa lami. Siya naman ay nagpipigil ng ngiti. Lumingon siya sa kanan para hindi siya  Makita ng ama ni Kiel na nagpipigil ng mga ngiti. Mahirap na, tuksuhin siya nito. “tulo gani kabuok ang iyang nakaon na suman. Unsay pasabot ato day? Unsa gani pasabot basta tulo? Uyy…” (tatlong piraso nga ang nakain niyang suman. Anong ibig sabihin no’n inday? Ano nga ang ibig sabihin kapag tatlo? Uyy…) Huminga siya malalim para pakalmahin ang dibdib na parang may pinapahiwatig. “hilom dira angkol uy. Gigutom jud siguro siya eh, gareklamo man kaha siya na gutom na siya. Nganong wala pa man siya nagkaon?” (tumahimik ka diyan tito. Gutom lang talaga ‘yon siya eh, nagrereklamo na siya na gutom na siya. Bakit  hindi pa siya kumakain?) tanong niya dito at tiningnan ang binata na hinahabol ang mga manok. Patay! Paano nga naman mahuhuli? Hinahabol ang manok. “idlas naman nang manok. Ngano mana iya pa manang gikukod, nisamot jud nag dili na siya makadakop. Wala nimo gitudluan kol? Kung unsaon pagdakop ug manok?” (bakit niya hinahabol ‘yong manok, mas lalala talaga na hindi iyan mahuli. Hindi mo tinuruan tito? Kung paano manghuli ng manok?)Napalingon siya sa ama ni Kiel na grabe ang ngisi habang nakatingin kay Daniel na hinahabol ang manok. Huminga na lang siya ng malalim at nilingon ulit ang binata. Napailing na lang siya. “naa bitaw ka mutabang sa iya inday Kristine, ikaw nay bahala mutudlo niya. Tudlui pag-ayo day, kanang makahibaw jud siyag unsaon pagdakop kay aron sa sunod, dili na siya manginahanglan pag tabang sa uban para mudakop ug manok.” (andiyan ka naman para tulungan siya inday Kristine, ikaw na ang bahala magturo sa kaniya. Turuan mong mabuti inday, para matuto siya kung paano manghuli para sa susunod, hindi na niya kailangan  pa ng tulong ng iba para manghuli lang ng manok.) Anito sa kaniya. Tumango siya sa sinabi nito. “gai kog mais kol.” (bigyan mo ako ng mais tito.)  Sabay lahad sa palad.                             “kadali lang.” (sagslit lang) anito sabay tayo at tumungo sa pinto ng bahay at kumuha sa loob ng mais. Dalawa ang binigay nito sa kaniya, alam na niya ang gagawin. “tudlui tawon na akong pag-umangkon. Si Kiel man gud ug si Melrose kay dili sila mutabang kay Daniel mudakop ug manok.” (turuan mong mabuti ang pamangkin ko. Si Kiel kasi at Melrose hindi nila tutulungan si Daniel manghuli ng manok.)Tumango lang siya at hawak-hawak ang dalawang piraso  ng mais. “sige kol. Tabangan sa nako imong pag-umangkon na dako sa siyudad.” (sige tito. Tutulungan ko itong pamangkin mong laki sa siyudad.) Aniya at  lumapit kay Daniel. “hoy!” tawag niya. Hindi siya masiyado nakalapit dahil ayon tumatakbo at hinahabol ang mga manok na putak ng putak at lumilipad na kung saan-saan. Napatingin siya kay Kiel na nasa ibabaw ng puno ng mansanitas at nakatingin kay Daniel habang tumatawa. Si Daniel naman patungo na sa baba. Siya ang kinakabahan dahil dito. Baka may ahas at kagatin ito. Kawawa naman ang binata na hindi sanay sa gawaing bukid. Alam naman siguro nito kahit papaano ang magtanim di’ba? May TLE naman siguro ito na subject di’ba no’ng high school? Ang tinuturo kasi sa amin nung first year kami sa school ay magtanim tapos no’ng second year magtanim pa din hanggang umabot ng third year. Pero sa fourth year na sila more on computer na sila. Kaya fourth year high school lang ang pwedeng gumamit sa computer laboratory. Hindi pwede ang mga lower year, kung hindi naman importante. Napalingon si Daniel sa kaniya. kumunot ang noo nito nang Makita siya. Ano kayang problema ng lalaking ito? May ginawa ba siya dito? Sa pagkakaalam niya wala siyang kasalanan dito. “tabangan taka magdakop ug manok.” (tutulungan kitang manghuli ng manok.)  Aniya dito. Kumunot lang noo nito. Napatamapal siya sa noo niya dahil nakalimutan niyang hindi nga pala siya naiintindihan ng kausap. “ang sabi ko, tulungan kitang manghuli ng manok.” Tumango ito sa sinabi niya kaya napangiti siya. Lumapit ang binata sa kaniya. “Daniel pala.” Anito sabay lahad ng kamay nito sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. “Kristine. sorry nga pala kanina.” aniya dito. “ayos lang.” nakangiti pa din ito.  Saang lupalop ka ba nanggaling bakit ang gwapo mo? Tanong niya sa isipan. “ang una nating gawin ay kailangan tawagin ang mga manok huwag mong habulin mas lalo silang tatakbo at lilipad sa malayo.” Aniya. Tumango ito sa sinabi niya. Naintindihan kaya  nito ang mga sinasabi niya? Tagalog naman iyong sinasabi niya di’ba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD