CHAPTER 5

3418 Words
“ingna krok.” (sabihin mo krok.) Aniya sabay ngiti dito. “ano?” “sabi ko krok. Iyan sabihin mo kapag nagtatawag ka ng manok.” Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “sigurado ka?” tumango siya  dito. “hindi mo ako ginu- good time?” umiling siya sa sinabi nito. “ganito kasi yan,  Maglubo ka ng mais” aniya tapos pinakita kung paano kinuha ‘yong mga mais sa pakaw.  “tapos saboy mo diyan sa lupa.” Ano ba ‘yan!? Ang sakit naman sa utak magtagalog ng straight. Hindi naman niya alam kung ano ang pakaw at maglubo ng mais sa tagalog. Ano ba kasi tagalog no’n? sumasakit ang utak niya. Pinakita na lang niya dito kung paano kesa magtagalog siya. Nakapag-aral naman siya kaya lang hindi naman tinuro sa klase ang tagalog ng maglubo ug mais. “krrrrroookkkk… krrrrrooookkkk….” Aniya sabay tapon ng mais sa lupa at unti-unting nagsilapitan ang mga manok na inahin at iyong dirasa pati dumalagang mga manok. Napatingin siya sa kay Daniel na nasa gilid niya at nakatingin sa mga manok na nagsilapitan. Habang nagsasaboy siya ng mais sa lupa ay kumakain na din ang mga manok. “huwag kang gagalaw diyan okay.” Aniya dito. Tumango ito sa sinabi niya. Unti-unti siyang umupo sa lupa at may mga mais sa mga kamay niya at nilahad niya ito at may mga dumalagang manok na lumapit sa kaniya at kumakain ng mais sa kamay niya. Ang isa naman niyang kamay ay dahan-dahan niyang nilapit sa ulo ng manok at hinuli. Napangiti siya ng makahuli ng isa. Hinawakan niya ang pakpak nito at pinakita niya ito kay Daniel na may malaking ngiti sa labi. “galing!  Ako naman!” anito sa kaniya at agad na sinunod ang ginawa niya. Kaya lang nang si Daniel na ang gumawa ay nagsalayuan na ang mga manok dahil siguro sa manok na hawak niya na putak ng putak. Napailing na lang siya dito. “bakit gano’n!? bakit ayaw nilang magpahuli sa akin!? Ang daya naman! Kanina pa ako dito wala man lang akong mahuli ni isa!” pagmamaktol nito. Kumunot ang noo niya dahil sa tinuran nito. Isip bata! Napatawa siya sa mga pinagsasabi nito. Napalingon ang binata sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Umiling siya, hindi niya pala nasabi na ang nahuli niyang manok ay cobra. Napangiti siya sa naisip. “tama na yan.” Aniya sabay bigay ng manok dito.  Agad naman nitong hinawakan ang manok. “sige alis na ako.” Tatalikod na sana siya ng may naisip siyang sabihin dito. Nilapit niya ang mukha dito at sabay sabing “may cobra sa paanan mo.” At agad siyang tumakbo pababa. “ahh!” sigaw at takbo nito dala-dala ang cobra. “saan ang cobra!?” sigaw nito, siya naman ay tawa ng tawa sa reaksiyon ng binata. Wahh! Epic! “hinahabol ka!” sigaw din niya at tumakbo na sa may daan. Nakasunod ang binata sa kaniya. “hoy! Saan ka pupunta!?” “nakasunod pa ba sa akin!?” sigawan nila habang tumatakbo. “oo! Nasa unahan mo!” aniya sabay hinto. Lumingon-lingon ito sa unahan at putlang-putla ang mukha. Baka mahimatay ito, patay! “bilisan mo! Mas mabilis ang cobra sa’yo!” naiwanan na siya, takbo pa din ito ng takbo. Siya naman ay halos sumakit na ang tiyan kakatawa. Wala talaga itong alam, tumalikod siya upang tingnan ang daan sa likuran. Nakita niyang tawang-tawa sina Kiel at ang pamilya nito. Siya naman halos humiga na sa kakatawa kaya lang pinipigilan niya lang. hindi niya alam na pinapanood pala sila ng pamilya ng binata. Hindi kasi siya naka-focus sa mga tao sa paligid nila kundi sa mukha ng binata na putlang-putla. “buang jud ka day!” (baliw ka talaga inday!)  sigaw ng ama ni Kiel. Siya naman ay nagpeace sign dito. Iyong mga magulang naman ng binata ay natawa din sa anak nilang hinahabol daw kuno ng cobra. Bwisit! Epic talaga ang taong iyon! Nasaan na kaya iyon!? Lumingon ulit siya sa harapang daan at nakita niyang pabalik na ito at hinang-hina na. partida gutom pa ‘yan, may lakas naman pala tumakbo ng mabilis. “hu!” huminga ng malalim  “Kapagod tumakbo!” anito nang makalapit sa kaniya. “mabuti naman at hindi na ako hinahabol ng cobra.” Anito. “mabilis din siguro gumapang ang cobra dahil ang layo din ng tinakbo ko.” Hindi niya alam kung sasabihin niya ba dito o hindi. Ibang cobra kasi ang tinutukoy niya eh. Huminga siya ng malalim. “sige na, balik kana do’n sa inyo. Pwede na kayong kumain ng cobra.” Bulong niya sa huling sentence. “ano? May sinasabi ka?” umiling siya dito at ngumiti. “sige, gutom na gutom na din kasi ako e, at salamat pala sa suman na dala mo. Ang totoo, masarap kang gumawa ng suman. Ngayon lang ako nakatikim ng suman na ganoon. Para siyang cassava cake.” Ngumiti lang ulit siya dito. “Mabuti naman at nagustuhan mo. Unang araw mo pa dito sa montilla tama?” tumango ito sa sinabi niya. “balik kana. Bigay mo yan sa tito mo at ako’y aalis na. May gagawin pa kasi ako eh.” aniya sabay kaway dito. “siya nga pala, wala naman talagang cobrang humahabol sa’yo. Niloloko lang kita kanina at ibang cobra ang tinutukoy ko.” Aniya at salamat naman nasabi din niya ang totoo. Nanlaki ang mata nito at sinamaan siya ng tingin. Kaya bago pa siya sigawan ng binata ay agad siyang tumakbo pauwi sa kanila. “walangya ka talaga!” sigaw nito at siya naman ay  huminto nang medyo nakakalayo na at humarap dito na may ngisi sa labi. Dinilaan niya din ito at naglakad na pauwi sa kanila. Baka kapag hindi pa siya umuwi ay sunduin na siya ni Midnight. Nang nasa papaliko na siya at nakikita na niya ang bahay nina Kiel ay nakita niya ang bruha na nakatingin sa kaniya. Alam niyang galit ito sa kaniya kahit noon pa man pero, hindi niya na lang pinapansin ang galit nito. Madalas nga silang mag-away eh, pero, hindi naman umabot sa  punto na nagkasakitan, mga bunganga lang nila, hindi mapigilan.   “kadugay pud nimo uy!” (ang tagal mo naman!)  sigaw ni Midnight na nakasakay sa kabayo na nasa medyo malayo. “gisundo na lang taka kay dugay kaayo ka. Asa man tawon ka gikan?" (sinundo na lang kita kasi ang tagal-tagal mo. Saan ka ba kasi galing?) sa kakatingin niya kay Kiel, hindi niya namalayan na sinusundo na siya ni Midnight. “haw…haw…” papahinto  nito sa kabayo nang nasa tapat na niya ito. Nilahad nito ang kamay nito at agad siyang sumakay sa kabayo. Napatingin siya sa bahay nina Kiel at nakita niya si Daniel na nasa tabi nito. Ipinagsawalang bahala na niya lang. “ganina paka gipangita ni ante. Nagyawyaw nato kay dugay daw kay ka nakabalik. Unsa daw imong gidugayan.” (kanina ka pa hinahanap ni tita. Nagbubunganga na nga iyon kasi ang tagal mo daw nakabalik. Ano daw ang kinatagalan mo.) Niyakap na lang niya ang kamay niya sa baywang nito at agad na pinatakbo ang kabayo pabalik sa bahay nila. Nagkibit balikat na lang siya. “ingon nako na basi nadugay ka kay nag-istorya pa mo sa imong ig-agaw.” (sabi ko nalang na baka natagalan ka kasi nag-usap pa kayo ng pinsan mo.) “maayo kay giingnan nimo, unya unsa pud tubag niya?” (mabuti naman at sinabihan mo, tapos ano din sagot niya?) “ingon niya, mga tsismosa daw kaayo mo. Basta kamong duha daw ang mag-uban kay mga langayan kaayo mo.” (sabi niya, mga tsismosa daw talaga kayo. Basta kapag kayong dalawa daw ang magkasabay kay mga makupad daw kayo.)  Anito sa kaniya, totoo naman kasi ang sinasabi ng nanay niya. Kapag silang magpinsan ang magkasabay, walang oras na walang sasabihin o tsismis na lalabas sa mga bibig nila. Ganiyan talaga ang buhay, pero, hindi naman sa lahat ng oras ay nagtsitsimisan sila. May oras lang talaga na kapag may mga bagong balita na nasasagap ang tenga ng pinsan niya at siya naman ang sumasalo sa bunganga nitong grabe kung makalait minsan. Minsan lang naman. Hindi naman perpekto kaya lang ang pinsan niya grabe ang pagiging laitera. Napapailing na lang siya minsan kapag may nilalait ito. Sinasaway naman niya kaya lang, kapag hindi na makaya nito siya naman ang bubungangaan. Sumasakit tenga niya dito minsan. Kagaya na lang kanina, mild pa nga iyon. “pasagdi na lang gud.” (pabayaan mo nalang.) Aniya. Nakita niya si Jake sa di-kalayuan. “nganong wa paman lagi na niuli ng isa ay?”  (bakit hindi pa umuuwi ‘yang isa?) Aniya na ang tinutukoy ay si Jake. “sagdi lang sa gud na si Jake dire sa montilla. Gisugtan mana sa iyang mama bitaw. Ayaw na lang na siya paulia sa gud. May na lang na kay mutabang na siyang ante.” (pabayaan mo na lang si Jake dito sa montilla. Pinayagan naman iyan ng mama niya. Huwag mo na lang siya pauwiin sa kanila. Mabuti na lang yan kasi tumutulong kay tita.) Ani ni Midnight sa kaniya. “mao man pud.” “haw…haw…” ani ni Midnight sa kabayo at huminto ito kaya bumaba na siya at dali-daling tumakbo patungo sa bahay nila. Agad-agad siyang nagpakita sa nanay niya. “nganong dugay lagi kay ka?” (bakit ang tagal mo?) bungad na tanong ng nanay niya pagkakita sa kanya. “unsa na pud inyong topic karon ug si kinsa na pud ang inyong gipang-tsismisan?” (ano naman ang topic niyo ngayon at sino na naman ang pinag-tsismisan niyo?) “wa ma uy. Si agaw ay kay nakita niya daw tung ig-agaw ni Kiel. Gwapo daw ug crush daw niya.” (wala ma. Si pinsan ay kay may nakita na pinsan daw ni Kiel. Gwapo daw at crush niya.) Aniya dito. “unya ikaw?” (tapos ikaw?) “unsay ako? Wa man ko nag-tsismis tawon uy. Naunsa!? Ako na pud inyong targeton. Wa koy alamag ana.” (anong ako? Wala man ako nagtsismis uy. Ano!? Ako na naman ang targeten niyo. Wala akong alam diyan.)  aniya “bantay bitaw ka. Kamong duha ra ba ang mag-uban perme nay tsismis miskan di tinuod, mahimong tinuod. Kanang baba ninyong duha, di papugong. Pugngi pud panagsa uy, unya ang batasan, bag-oha pud tawon. Tiguwang naka batasan nimo maldita ra gihapon.” (siguraduhin mo lang. Kayong dalawa talaga ang magkasabay palaging may tsismis kahit hindi naman totoo, magiging totoo. Iyang bunganga niyong dalawa, hindi papipigil. Pigilan niyo naman ‘yan paminsan-minsan, ‘tapos ang ugali, baguhin din. matanda kana pero iyang ugali mo maldita pa din.) “lah! Maldita daw ko, kabuutan ra nako. Wa man gani koy kaaway sa eskwelahan. Sila Midnight ug Jake noon daghan na silag kaaway.” (lah! Maldita daw ako, ang bait ko kaya. Wala nga akong kaaway sa eskwelahan. Sila Midnight at Jake ang maraming kaaway.) Depensa niya sa sarili at pinaparinggan ang dalawa na kumakain ng suman sa ilalim ng puno ng kamansanitas. Nabilaukan tuloy ang mga ito dahil sa narinig. “ay jud ug tuo anang Kristine te. Tikalon pa na sa tanang pabo.” (huwag kang maniwala kay Kristine tita. Sinungaling pa iyan sa lahat ng pabo.) Depensa ni Midnight sa sarili. “tinuod tu ma, akoy tuohi kay anak nimo ko. Kana sila kay mga ampon lang na sila.” (totoo iyon ma, ako ang paniwalaan mo dahil anak mo ko. Iyan sila mga ampon lang iyan.) Aniya na may sinusupil na ngiti sa labi. “nabuang nani run!” (nabaliw na ngayon!) ani ni Jake. “wa man tawon me kaaway sa eskwelahan te. Wa jud! Ayg tuo anang Kristine. Tikalon pana sa tanang tikalon.”  (wala talaga kaming kaaway sa paaralan tita. Wala talaga! Huwag kang maniwala kay Kristine. Sinungaling pa iyan sa lahat ng sinungaling.) Hinarap niya si Jake at sinamaan ng tingin. “kinsa man mas tikalon sa atong duha? Ikaw di’ba? Ow… tubag! Lagpot ka run!”  (sino mas sinungaling sa ating dalawa? Ikaw di’ba? Ow… sagot! Lipad ka ngayon!) aniya dito. “kay wa man jud.” (kasi wala naman talaga.) Depensa pa din nito. “wa gyud? Sure ka? Katong niaging semana, kinsa man tung imong kasumbagay sa likod? Didtu pa jud mo sa kawayanan, kabalo man mo na bawal didtu mag-adto. Unya kung nasudlan mo, unsaon man nato?” (wala talaga? Sigurado ka? Iyong nakaraang linggo, sino iyong kasuntukan mo sa likod? Doon pa talaga kayo sa may kawayanan, alam niyo na bawal magpunta doon. ‘tapos kung masaniban kayo, aanhin man natin?) Hindi nakaimik sina Midnight at Jake sa sinabi niya. Dahil alam niya ang nangyayari sa dalawa sa loob ng eskwelahan. May mga tsismosa kasi siyang mga kaklase at isa pa, nang mga araw na iyon ay nasa H.E siya tumutulong sa pagluluto ng pagkain ng mga teacher dahil may isang guro na may kaarawan. Kailangan maghanda at isa siya sa mga nakita ng home economics teacher kaya wala siyang nagawa kundi tumulong sa paghahanda ng pagkain. Nakita niya si Jake doon sa likod ng HE room na may kasuntukan ding estudiyante. Sigurado siyang away sa babae na naman ang dahilan ng away. Palagi kasi nasasangkot sa gulo si Jake dahil sa may pagkababaero talaga ang kaibigan niya. “wa ka katubag nu? Igo ka prend? Igo ka? Ay kog ingna na tikalon kay kamo lang gyud ang mga tikalon sa atuang tulo dire.” (hindi ka nakasagot? Natamaan ka friend? Natamaan ka? Huwag mo akong sabihan na sinungaling kasi kayo lang talaga ang sinungaling sa ating tatlo dito.)  Aniya sabay taas baba ng kaniyang dalawang kilay na may kasama pang ngisi. Yumuko na lang ang dalawa. “saman? Ipadayon pa nako? Kahibaw ko na ana,  away napud tungod lang sa baye. Na! kamo na lang jud duha awayan ug baye. Mga babaero… mga babaero daw sila.” (ano na? ipagpapatuloy ko pa? alam ko yan, away na naman dahil lang sa babae. Na! kayo na lang talaga ang awayan ng mga babae.) Kanta niya sabay turo niya sa dalawang nakayuko.  “Sino may sabi…magaganda kong lahi.” Aniya at tumawa. “ahem!” parinig niya sa dalawa. “kinsay sunod? Ikaw midnight?” (sinong susunod? Ikaw midnight?) umiling ito. “aw lagi…ana ba.” (aw ganiyan ba.) Aniya sabay ngisi at kumain na lang siya ng suman. Wala eh, ayaw na marinig ng dalawa ang mga pinaggagawa nito sa loob ng paaralan. Humarap siya sa nanay niya na may ngisi sa labi. “na! sila lagi ang tikalon ma dili ako. But-an man gani kaayo kung matulog.” (na! sila nga kasi ang sinungaling ma hindi ako. Ang bait ko nga kapag tulog.) Aniya sabay tawa. “ay! Ambot sa inyong tulo.” (ay! Ewan ko sa inyong tatlo.)  Ani ng nanay niya at umalis. Lumapit siya sa dalawa at pumagitna sa mga ito. Inakbayan niya ang dalawa. “saman? Asa ta karon? Mananom ta ug saging  or mamugas tag mais? Unsa may nindot buhaton?” (ano na? saan tayo ngayon? Magtatanim tayo ng saging or mananim tayo ng mais? anong mas magandang gawin?) tanong niya sa dalawa. “tsk. Magpuyo ta kay init kaayo.” Ani ni Midnight.  Kumunot ang noo niya. “unsay init gud? Taka raka, mura man kag wa naanad ug bukid dong.” (anong init? Parang hindi ka sanay sa bukid dong.) Aniya. Lumingon siya kay Jake na nasa kanan niya. “ikaw?” “nanampit  man tu si ante Minda ganina kung magharvest ba daw ka ug mais sa ilaha?” (tumawag kasi si tita Minda kanina kung magharvest ka ba daw ng mais sa kanila?) Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at naexcite. “tinood? Tara mang-harvest ta. Duol lang bitaw na,  naa raman dira sa dalan.” (totoo? Tara mangharvest tayo. Malapit lang naman sa kanila nandiyan lang sa daan.)  Lumingon siya kay Midnight. “tara dong, mang-harvest ta ba para naa tay kwarta. Wala bitaw tay buhaton dire.” (tara dong, mangharvest ta para magkaroon tayo ng pera. Wala naman tayong gagawin dito. Huminga ito ng malalim at agad na tumayo. “tara na.” anito at agad na naglakad papasok sa bahay nila. Siya naman ay sumunod na din dito at kinuha ang kaniyang jacket at jogging pants pati ang sombrero para hindi siya mainitan. Itim na itim na siya e, isa pa hindi din maganda sa katawan ang mabilad sa araw dahil nagkakaroon ng skin cancer at baka ma- heat stroke siya habang naghaharvest ng mais. Kailangan din nilang magdala ng tubig. Nagdala siya ng isang galloon ng tubig para na iyon sa kanilang tatlo at si Jake ang nagdala ng baso. Kinuha ni Midnight ang isang galloon na tubig at ito na ang nagbitbit. Hindi na sila nagdala ng kabayo dahil malapit lang naman. Hindi naman aabot ng isang oras ang lalakarin nila eh nasa ilang minuto lang naman kung lalakarin nila at kung tatakbuhin ay nasa isang minuto lang. Nang makarating na sila sa bahay-kubo nina Minda ay nakita niya ang mga anak nitong babae na kambal na kausap ang mga asawa nito. Siya naman ay sumunod lang kina Midnight at Jake. Nang makita sila ng mga ito ay agad silang tinawag. “mang-harvest mo day? Ali! Ali! Namahaw namo?” (mangharvest kayo inday? Halika! Halika! Kumain na kayo ng agahan?) ani ng isa sa mga kambal. “humana meg pamahaw te. Gaina pa unta me direa kung nakaingon ni si Jake ug sayu-sayo ba.” (tapos na kami nag-agahan tita. Kanina pa sana kami dito kung nakapagsabi si Jake ng medyo maaga. “okay lang uy. Ulahi pud ko nakaingon sa iyaha ganina kay nilakat pa man gud ko.” (ayos lang. huli na din kasi ako nakapagsabi sa kaniya kasi may pinuntahan pa ako.) Ani ni Minda sa kaniya na naglalakad papalapit sa kanila. “gamay raman pud inyong harvest-son day Kristine uy.” (konti lang naman ang haharvest-sin niyo inday Kristine.) Anito sa  kanila. Tumango siya sa sinabi nito. “mga hapon day, humana nana ninyo.” (mamayang hapon inday, tapos na ninyo yan.) Anito sa kanila. Malaki ang lupa ng mga ito,  kaya lang dahil na din sa mga daga,  kaya konti lang tumubo dahil no’ng panahon na nagtanim ng mga mais ay kabuwanan din ng mga daga kaya ubos ang mga semilya na tinanim kinain ng mga daga.  “sige te… magsugod nami kay aron sayu-sayo mi mahuman. Unahon lang namo tung didtu sa tumoy padung dire sa bay ninyo para duol na inig hakot namo unya nila Midnight ug Jake.” (sige tita, magsisimula na kami para medyo maaga kami matapos. Unahin namin doon sa dulo patungo dito sa bahay niyo para malapit lang kapag buhatin namin mamaya nina Midnight at Jake.)  Aniya dito. “sige day. Pagbantay ra ba diha ha.” “sige te.” Aniya sabay alis at sumabay na sa kaniya sina Midnight ug Jake. “kinsay pares nako sa isa ka tudling? Ikaw labs?”  ani ni Jake sa kaniya kaya agad niya itong sinamaan ng tingin. “ay dili bitaw uy. Atik-atik raman tu. Ako lang bitaw sa isa ka tudling. Wa koy kasugat ani, sakita sa akong dughan uy, murag gimartilyo sa kasakit.” Anito sabay drama. Inirapan niya ito at agad na iniwan. Siya ang nasa pinakadulong tudling ng mais. Sa katunayan ay hindi naman talaga kompleto ang bawat tudling dahil na din sa kinain na nga ng mga daga. Huminga na lang siya ng malalim at agad sinimulan ang pangha-harvest ng mais. Ang ginagawa niya ay binabalatan niya ang mais at nilalagay niya sa sako na nakasabit sa baywang niya tapos ay tinutumba niya ang puno ng mais gamit ang paa niya at aabante siya sa susunod na puno ng mais. Ganoon lang paulit-ulit hanggang umabot siya sa pinakadulo. Kapag nabigatan na siya sa sako ay agad niyang nililipat sa isa pang sako na dala niya na nasa loob din ng sako na nilagyan niya ng mais. iyon ang palatandaan niya kung saan niya iniwan ang mga mais na naharvest na niya. Dahil hindi naman siya ang magbubuhat kundi ang dalawang kasama niyang lalaki kaya napangiti na lang siya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD