CHAPTER 7

2791 Words
Habang nag-uusap sila ni Melrose, napansin niya si Daniel na parang hindi mapakali sa inuupuan, kaya kumunot ang noo niya. “anong nangyayari sa’yo?” tanong niya dito. Umiiling lang ito kaya nagkibit-balikat na lang siya. Napatingin din si Melrose sa kaniyang pinsan at tiningnan ito. “naunsa ka?  Nangluspad lagi ka?” “hah?” “ay! Anong nangyayari sa’yo? Bakit ka namumutla?” translate nito para maintindihan nito ang tinatanong. “natatae ako.” Anito sa mahinang boses at parang nahihiya pa. Yumuko din ito pagkatapos nitong sabihin iyon kaya napailing siya.  Patay! Nagkatinginan silang dalawa ni Melrose. Pinanlakihan niya ng mata ang babae lumingon tinuturo ang pinsan nito gamit ang mata. Nagsisinyasan din sila, gusto niyang matawa pero nagpipigil siya. Patay talaga sila nito. “ahem!” napatingin si Daniel sa kaniya. “saglit lang, usap lang kami ni Melrose.” Tumango ito sa sinabi niya kaya agad tumayo si Melrose at agad niyang kinaladkad sa malayo’t hinarap ang babae. “naingnan na ninyo siya?” tanong niya. Umiling ito sa kaniya. napatampal siya sa noo. Patay talaga sila. “kabalo ba na siya sa kahimtang aning lugara? Wa tay cr dire ug di na uso direng dapita kahibaw mo.” “nabalaka noon ko da. Unsaon man nato pagsulti sa iyaha uy? Kauwaw ba.” Ani din ni Melrose na namomoroblema  din, kaya huminga siya ng malalim. “unsa man atong buhaton?” anito at napatingin siya sa kay Daniel na nakahawak sa tiyan nito. Nagpipigil ito sa nais gawin. Pumikit siya ng mata at nag-isip ng nais sabihin sa binata. Alam niyang nakakahiya pero, anong magagawa niya? Wala siyang maisip na paraan kundi kailangan nitong tumae in a natural way. Napapailing siya, nakakahiya talaga. Ano ba kasi ang ginagawa ng isang taga maynila sa ganitong klaseng lugar? Hindi ito bagay sa ganitong lugar. Hindi dapat ito magtagal dahil siya ang naaawa sa dito. Pumunta siya sa likod bahay at kinuha ang pala. Kumuha din siya ng isang tabong tubig. Wala na siyang maiisip na paraan dahil sabog na ang utak niya sa pag-iisip, lumapit siya dito at binigay niya ang dala niya dito. Napatingin ito sa kanya na nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim dahil hindi pa din nito tinatanggap ang binigay niya. “aanhin ko iyan?” “ito ang gamitin mo para tumae.” Aniya at lumingon sa kabilang direksiyon. Nag-iinit ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Sana naman tanggapin na nito ang mga binigay niya. “siguro naman alam mo kung para saan ito? Wala kasi ditong cr at hindi iyan uso sa lugar na ito.” Aniya.                                                                                                                                                                                                                                                 Walang nagawa si Daniel kundi kunin ang binibigay nito sa kaniya. nahihiya din naman siya dahil sa sinabi niya na natatae siya. Malay ba niya na walang cr sa lugar kung saan siya ngayon? “doon ka magbungkal sa baba.” Sabay turo nito sa likuran niya kaya Napalingon siya doon at nanlaki ang mata niya.  Kasagingan? Napanganga siya at napalingon kay  Kristine na pulang-pula ang mukha.  Napalunok din siya dahil hindi naman niya inaasahan na ganito ang mga tao sa bundok na ito eh. kung  alam lang niya hindi na sana siya sumama pa. “kung naghahanap ka ng cr, wala iyan dito at hindi uso dito yan. Sabi nga ni Dora, it’s a natural fertilizer.” Anito at ngumiti sa kaniya “dalia pud, bahala ka makalibang gani ka sa imong purol, dili na namo sa.” Anito kaya tinanggap niya ang tabo na may tubig at pala. Sabay itong umalis kasama ang pinsan niya. “I hate this place.” Aniya. Wala naman siguro nakakaintindi sa sinabi niya di’ba? Mga bobo naman mga tao dito.       Nang makalayo sina Kristine ay hindi na niya napigilang tumawa. Tumawa din si Melrose. “piste! Uwawa uy!” sigaw niya. “piste! Di nako muosab pa!” tapos tumawa na naman siya. “buang jud ka ba.” Ani ni Melrose sa kaniya. Lumingon siya dito at tumawa ng malakas. “unsay mahimo nato na way man be? Sultihi ko kay aron buhaton nato na sa sunod na mag-ingon siya.” Aniya tapos ay tumawa. Napalingon siya kay Daniel na tumayo ng dahan-dahan. “sundon kaha niya akong giingon?” aniya na nagpipigil ng ngiti.  “ang pangutana kahibaw pud kaha siya kung unsaon to paggamit?” nagkibit balikat lang si Melrose. Tumawa si Melrose ng malakas kaya napalingon sa kanila si Daniel na may galit ang mga mata. Kaya agad silang tumawang dalawa at tumalikod. “litse! Kusog man gud kaayo ka mukatawa tan-awa. Hahaha.” “ikaw man pud gani, nikatawa man gani ka ug kusog.” Anito sa kaniya. “sa jud ni ninyo nganong wa ninyo giingnan kung unsang kahimtang direng dapita.” Paninisi niya dito. “duh! Nahitabo na ang nahitabo! Wa natay mahimo, ang importante maka- experience siya ug ingon ani na panginabuhi uy. Dili kay perme lang siya pahayahay sa ilaha. Unsaon na lang kung ang iyang maminyuan parehas pud natug panginabuhi? Unsaon man niya? Tapos ang babaye kay dili gusto na magpuyo sa siyudad uban niya, wa siyay mahimo diba? Kinahinanglan niya na maanad karon palang para sa future pud niya ning atong ginapabuhat sa iyaha.” Anito at tumawa. Future your face. “daghan kaayo kag nahibaw-an nu? Unya ang imong uyab wa pud nasayod sa panginabuhi nato direng dapita.”  Aniya habang pinandidilatan ng mata ito. “alangan, atua bukid man ta, ila dagat man. Mananagat man siya alangan man, pero okay raman pud ko sa iyang trabaho uy, at least nagapangita siyag trabaho ug dili ra tambay sa ilahang bay.” Tumango siya sa sinabi at totoo nga naman kasi ang sinasabi nito eh. Ang importante kasi merong trabaho ang lalaki. “unya sugot ka na ingon ana lang taman ang kinabuhi nimo? Wa kay pangandoy day? Future - future pa kang nabal-an unya imong uyab murag way balak sa inyong future.” Anya “hoy! Aron masayod ka dako kaayo ang pangandoy sa akong uyab para sa amoang duha nu. Ikaw guro wa kay balak sa imong future.” “na tawon koy balak nu. Mananom diay ko, unsaon man gud nakong ng kadato kung dili man gihapon nako na madala ug mamatay ko diba?” “pero pwede nimo ipamana sa imong mga anak.” “ang pangutana kung magminyo ba ko? Basi mapaingon ra pud ko sa pagkamadre ani, parehas sa akong maguwang.” Ang ate kasi niya ay nagmadre dahil nasulsulan ng kaniyang tiyuhin na pare. “mao pud na, pero day Kristine, mas okay jud kung magminyo ka day. Unsaon na lang kung matiguwang ka? Kinsa may muakay nimo sa cr? Alangan naman na malibang rakas imong purol?” anito at tumawa. “murag na- imagine na nako imong kahimtang kung matiguwang ka unya wa kay anak na muakay nimo. Hahaha laina uy hahaha.” Pinagtatawanan na naman siya nito. “hilom diha! Ayg sigeg imagine dilikado ra ba nang kahimtanga na mukalit rakag katawa na, basi mahiktan kag wa sa oras.” Aniya tapos siya naman ang tumawa. “heh! Tara na uy, may pag-adtuon natu si Midnight tabangan natug maglubog mais.”  tumango siya. Nang makalapit ay agad siyang umupo pabalik sa pwesto niya kanina at pinagpatuloy ang ginagawa. Si Melrose naman ay tinutulungan si Midnight at ang gagong kaibigan namumula na nakatingin kay Melrose eh. “hoy! Matunaw ng isa.” Napatingin ang dalawa sa kanya ng sabay. “Match made in heaven lang ang peg.” Aniya “ayg samok diha ba.” Ani ni Midnight sa kaniya. “tsk.  Padayon ug lubo na diha! Ayg pahalata na ginakilig ka kay tapad mong Melrose, hunahunaa dili ikaw ang giadtu niya dire, katong isa.” Sabay tingin niya sa dalawang naglalampungan sa ilalim ng mangga. “mapaakan untag hantik ng duha dira.” “hoy! Ayaw pud uy, malooy pud ka sa akong baby Jake, but-an raba kaayo na siya kanang haliparot lang.” ani ni Melrose at tumawa. “ako diay Melrose dili ka sa akoa? Gwapo man pud ko sama kay Jake ug mas gwapo pud ko sa imong uyab karon, kung kinsa man tung tawhana tu? Ug but-an pud ko.”  Pagbubuhat nito ng sariling bangko. “sabaa nimo Midnight uy! Ipakaon nuon nako ning pakaw sa imuha karon.” Ani ni Melrose at siya naman tumawa ng malakas sabay turo kay  Midnight na ang sama na ng tingin sa kaniya. “wa epic! Gwapo daw aha kaha dapit?” sabay tawa “gwapo ka kung mutalikod! Hahaha tapos mata na dayon dong ha kay nagdamgo ra tawon  ka hahaha.” Sabay tapon niya ng pakaw sa mukha nito at ayon natamaan gumanti din ito sa kaniya kaya lang mas mabilis ang kamay niyang sumalo sa mga binabato nito at umiilag lang din siya sa iba para hindi siya matamaan. Tinataas baba niya ang dalawang kilay niya kay Midnight habang tumatawa. “oh diba? Mas abtik jud ko nimo.” “hilom!” sigaw nito. Kibit balikat lang ginawa niya at pinagpatuloy na ang ginagawa, hindi na niya ginulo si Midnight dahil pikon ito. Ayaw nitong mapahiya sa harap ni Melrose eh. kalalaking tao, ang landi! Hindi nakukuntento sa nobya nito. Napatingin naman siya kay Melrose na nakatingin kay Jake. Isa pa itong babaeng ito, malandi din! “inyong mga mata mangahug na run.” Aniya sa dalawa. “di ka muhilom!?”  sigaw ni Midnight sa kanya, she zippers her mouth at tumingin sa ibang direction. “ganina paka ba.” Inisnaban niya ito. “ganina daw, unsa diay akong gibuhat gaina?” aniya sa mahinang boses. Wala naman siya ginagawa dito. Ay, tama pala, high blood ang utak nito dahil nasa tabi nito si Melrose. Tsk. “naa man silay mga uyab, nganong mangita pa mag lain? Dili niya magets? Unsa diay tung uban? Pangreserba tu?” aniya sa mahinang boses na nakatingin sa kalangitan. “liboga nilag mga utok uy.” Aniya at napapailing pa. “wa sila nalooy sa ilang mga uyab? Gusto nilag daghan ug uyab? Kuyaw!” sigaw niya sa huling sinabi. Napatingin sila Midnight at Melrose sa kaniya na nakakunot ang noo. “nabuang naka? Andaman na ba takag hikot? Hunahunaa daghan rabang kahoy direng dapita. Asa man ka gusto? Mangga, doldol, ipil-ipil, mahogany, ayg pangandoy ug narra kay wa tay narra direng dapita, pili lang ka, asa man?”   Hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi ni Midnight sa kaniya at nagpatuloy lang sa pag-iisip kung bakit nagkakagusto pa din sila sa iba ang mga kaibigan nila kahit may mga nobya’t – nobyo na ang mga ito? Bakit hindi loyal sa isa ang mga kaibigan niya? Bakit kaya ganoon? Required ba talaga na dapat marami kang girlfriend or boyfriend para kapag iniwan ka ng isa may naiiwan pa sa’yo. Ganoon ba iyon? May mga kaklase din siya na ganiyan. May girlfriend ito sa malapatan at meron din sa mga kaklase niya dalawa tapos magkaklase pa talaga pero ex na iyong isa. Ang awkward sa totoo lang, na iyong present at past magkaklase di’ba? Ano kaya ang feeling no’n? malay mo naman di’ba may gusto pa iyong ex sa lalaki kaya lang may present na. wala na siya magagawa dahil nga past na lang siya. Ano nga kaya ang rason no’ng mga kaklase ko na maghiwalay? Okay naman sila no’ng third year kami ah? Ang sweet pa nga nila noon kahit hindi sila magkaklase no’ng third year pa sila. Alam niya kasi, dahil pumupunta siya sa room ng dalawa. May mga barkada kasi siya na ibang section. Hindi kasi siya hilig magtambay sa room nila dati no’ng mga panahon na kakabukas pa lang ng klase kaya ginagawa niya, gumagala siya kabarkada niya. Siya lang kasi ang napahiwalay sa mga kabarkada niya no’ng third year siya. Apat kasi sa mga kabarkada niya no’ng second year sila ay nasa iisang section na no’ng third year na sila. Ay halos pala ng mga kaklase niya no’ng second year siya ay nasa iisang section lang at siya lang ang naiba kasi iyong medyo matalino niyang kaklase ay nasa first section na. Kaya nung malaman niyang hindi niya kaklase ang mga kaklase niya dati ay nalungkot siya kasi, out of place na siya. Isa pa, hindi din kasi siya third section noong nasa third year siya, dapat fourth section siya kaya lang hindi na siya lumipat pa ng room kasi, nasimulan na niya na mabelong sa third section at hindi lang naman siya nag-iisa, marami sila. Kaya magulo ang room palagi kasi nasa sixty silang  lahat na estudyante kapag may absent ‘yan. Kapag wala nasa seventy to seventy-five pa sa isang classroom. Akalain mo iyon? Ganoon sila kadami.   Nang makatapos tumae ay agad bumalik si Daniel taas dala-dala niya ang tabo at pala. Natural fertilizer nga ang ginagawa niya. Nang makabalik ay nakita niya si Midnight at Melrose na nag-uusap at napatingin naman siya sa may ilalim ng  punong mangga  at nakita niya si Jake at ang kasamang babae na hindi niya kilala pero sa sweetness ng dalawa ay halatang magkasintahan ang mga ito. Napatingin siya kay Kristine na nasa langit ang tingin pero ang mga kamay nito ay may hawak na mais at hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito pero hinihiwalay yata nito ang seed sa pakaw ng mais. tumingin siya kay Midnight. “mayroon ba kayong sabon?” tanong niya. “hugas kamay ka?” tumango siya. Tumayo ito at sumunod naman siya sa binata. Kumuha ito ng tubig sa may planggana na may tubig na medyo green na. napangiwi siya sa nakita at nandiri. “alam ko na nandidiri ka, huwag kang mag-alala hindi naman madumi iyan, tubig ulan kasi iyan.” Anito sabay turo sa balani ng saging na nasa bubong. “ginagamit lang naman namin iyan para sa maghugas ng kamay, plato at painom sa alaga naming mga hayop. Hindi naman kami umiinom ng tubig ulan kung ganiyan kadumi eh at isa pa. kung gusto naming uminom ng ulan doon kami sa kabila kumukuha.” Anito sabay turo ang sandayong din at may screen ito para hindi sumama ang dumi. Tumango siya sa sinabi nto. “pero, kailangan muna naming pakuluan bago namin gamitin. Alam ko na hindi ka sanay sa pamumuhay dito sa bundok. Kung ayaw mo talaga dito pwede ka naman umuwi sa inyo. Dito kasi sa amin, wala kaming mga cr, walang permanenting tubig kaya hindi masiyado naliligo ang mga tao dito. Kung kinamumuhian mo ang ganitong lugar umuwi ka inyo.” Anito sa kaniya sa malamig na boses. nasaktan siya doon, totoo ang mga sinabi nito sa kaniya. hindi siya sanay sa lugar na ito. Hindi siya sanay sa mga tao, kung paano makihalubilo dahil hindi naman nakakapagsalita ng bisaya pero, isa lang ang gusto niya dito. Tahimik ang lugar na hindi kagaya ng sa maynila na puro usok at polusiyon. “sorry.” Aniya sa mahinang boses. “ayos lang iyon, alam ko naman na hindi ka talaga sanay pero nasaktan lang ako sa sinabi mo na kinamumuhian mo ang lugar na ito. Kung sasabihin mo iyan sana iyong walang nakakarinig. Dahil hindi lang ako ang magagalit kundi pati ang lahat ng tao dito. Lalo na si Kristine, mahal na mahal niya ang lugar na ito. Ayaw kong masaktan ang kaibigan ko. Mahal na mahal ko ‘yan  kahit palagi kaming mag-away. Huwag na huwag mong idadamay ang lugar kung saan siya masaya.” Tumango siya at tiningnan si Kristine na nakakunot ang noo nito nakatingin sa kalangitan. Anong nangyayari sa babaeng iyon? “ayos lang ba siya?” tanong niya sa kaibigan nito. Binigyan siya nito ng sabon at tubig kaya agad siyang naghugas ng kamay. “siya?” tapos tumawa. “ayos lang ‘yan, may pinuntahan lang yan.” Anito. “ha?” “wala. Tara na.” tumango siya at sumunod dito. Bumalik ito sa tabi ni Melrose at pinagpatuloy ang ginagawa, siya naman ay tumabi kay Kristine. paano nagagawa ng babaeng ito ang matulala pero gumagalaw ang kamay? “Kristine…” tawag niya pero wala pa rin epekto dito. “Kristine!” sigaw niya sabay yugyog dito. “seventy-five!” sigaw nito sabay tayo. Humihinga din ito ng malalim. “kurat man sad ta sa imo uy!” sigaw nito sa kaniya. kumunot noo niya dahil hindi naman niya naiintindihan ang sinasabi nito. “ay sorry… sabi ko. Nagulat naman ako sayo.” Tumango siya at ngumiti dito. Ngumiti din ito ng matamis sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD