Nagkatinginan kami ni Win nang lagyan ni Lola ang plato ko ng kanin. "What do you want?" tanong nito sa gusto kong ulam. "Sinigang po." Sagot ko rito. Dinampot naman nito ang lagayan at inilapit sa akin. Ako na ang dumampot sa serving spoon at sinabawan ang kanin ko. "Lola, gusto ko nang magselos. Hindi mo ba lalagyan ng kanin ang plato ko?" tanong ni Winona sa Lola namin. "Tsk. Kumain ka na, Winona." Iyon lang ang sagot ng matanda na ikinabungisngis ng pinsan ko. Habang kumakain kami ay nagtatanong ang matanda kung kaya ko na bang lumabas para mag-shopping. Alam ko sa sarili ko na hindi pa, kaya naman mag-online shopping na lang daw kami. Kaya naman pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa sala. "Anything?" tanong ni Win sa matanda. Tumango naman ito. Kahit ano raw na gusto nam

