ROLLER COASTER FEELING

4510 Words
CHAPTER 5 ---- "paabot naman ng popcorn Paulo"sabi ko "here.. say ahh"sabay subo niya sakin "Ahh"sabi ko naman at kinain yung sinubo niya tapos sumandal na ulet ako sa balikat niya Nandito kasi kami ngayon sa bahay at nanunuod ng movie Kinuha ko yung tinidor at tinusok yung hotdog para isubo kay Paulo .. "Thank you sunshine"pagkasabi niya nun kinindatan niya ako Kaya hinampas ko siya ang landi baman pinapakita pa yung braces at pamatay niyang ngiti Tapos pinisil niya yung pisnge ko then hinawakan yung kamay ko. "ehem.. konting respeto naman po sa single.. hindi lang naman kayo ang nanunuod"biglang salita ni Myra na nasa kabilang sofa katapat namin "Oo nga ate.. kadiri kaya"sabi ni Jin at nakipag apir kay Myra ngayon lang sila nagkasundo "manuod na lang kaya kayo"sagot ko sa kanila "Nanonood naman kami ate kaya lang nakaka distract yung sweetness nyo"sagot ni Jin "FYI.. besh horror kaya pinapanuod natin, d manlang kayo natatakot dyan" "Oo nga ate"sabi ni Rm "mas kinikilabutan nga ako sa kasweetan nyo kesa sa pinapanuod naten"sabi ni Myra kaya sabay sabay kaming tumawa "Sorry na.. I can't resists sunshine's cuteness"sabat ni Paulo "EEEEEEEWWWWWWWWWWWW"sabay sabay na sabi nung tatlo kaya nagtawanan lang ulet kami "Kumain na lang kayooo"sabi ko at sumandal na lang ulet kay Paulo. Ganon lang kami palagi pag my time ang lahat sabay sabay kaming nanunuod kaya masaya.. at legal na legal sa mga kapatid ko si Paulo kasi nakapalagayang loob na din nila gawa palaging nasa bahay Nakakatuwa kasi si Paulo lagi siyang gumagawa ng time para sakin.. talagang napunta siya sa bahay kahit saglit lang pra makita ako, minsan kasama sb19 pero madalas siya lang Kasi sabi niya mas madaling mapansin ng tao pag madaming kasama saka sa gwapo ba naman ng mga yun kahit likod lang makita mapapalingon kana talaga. So bale malapit na kaming mag five months ni Paulo at sa blessings ni Lord we're still strong at nakakayanan ang secret relationship na ito.. May time na mahirap kasi d pa kami legal sakanila.. I mean dito pa lang kami okay sa fam ko. Wala kasing time kaya d namin mameet ang family niya pero sabi naman ni Paulo wag na ako mag alala kasi dadating din kami sa point na yun. Parang ewan nga lang kasi mas nauna pang nalaman ng mga staffs nila kesa sa mother niya. Pero ayos lang may tiwala naman ako kay Paulo. --- "Ate.. sayo ba to?"tanong sakin ni Rm "Ano ba yan?"sagot ko "hind ko alam nakabox, nakita ko lang sa labas ng gate"sabi niya at inilapag sa kwarto ko yung box "Walang nakalagay kahit ano?" "Wala" "patingin? baka pagkain yan"singit ni Jin at kinuha Binuksan niya yung box at ang daming laman mga kung ano ano.. "WOW Ate ang bigtime ni Kuya Sejun ahhh"sabi agad ni Jin "Hindi yan sa kanya galing"sabi ko kasi syempre may sulat yan kung sa kanya galing Lumapit na si Rm at nakihalungkat na din "May Ipod pa ate oh"sabi ni Rm "Teka baka d yan satin"sabi ko kaagad "Sayo ata to"sabi ni Rm at pinakita sakin yung ipod picture ko yung wallpaper "kanino galing yan?"tanong ko --- Iniisip ko baka siya yung nag mmiss call sakin nung nakaraang araw.. hindi ko lang masagot kasi lagi akong may ginagawa. Tapos pag naman tinatawagan ko d naman niya sinasagot. "sino kaya yun?"tanong ko sa isip ko ng may tumawag sakin "How are you?"tanong niya agad sakin sa phone "Okay naman"sagot ko "Good.. kumain kana?" "yup ikaw ba? kamusta ang all shows? saka may upcoming concert kayo di ba?"tanong ko sa kanya "Okay lang.. masaya na nakakapagod" "Kumain ka on time saka yung mga vitamins mo wag mo kalimutan" "Yes.. sunshine I won't forget" "mabuting malinaw, ayoko lang na magkasakit ka" "I know.. are you free this thursday?" "Oo rest day ko yun bakit?" "Gusto mo punta tayo sa tagaytay?" "Free ka din ba nun?" "hmm.. sakto lang I have time" "yiii talaga ba?" "Oo naman" "nga pala nagpadala ka ba ng regalo dito samin?"tanong ko sa kanya "Nope. Bakit?" "wala naman"sabi ko na lang agad "See you on thursday sunshine" "Okayyy I love you"sabi ko "I--, Sejun let's go" narinig kong sabi nung boses sa phone tas namatay na yung tawag --- "Beshy alam mo na curious lang ako bigla"tanong ni Myra "Saan naman?" "hmm nasabi ba sayo ni Sejun kung nagkaron siya ng ex? or past love?" "wala naman..hindi din kasi palakwento yun sa mga ganon, bakit?" "kasi nito nito lang naaddict ako sa mga panunuod ng mga interviews nila"pinutol ko kaagad yung sasabihin niya "Ayyy naiinlove kana kay Stell ah" "well ganon talaga.. anyway medyo napansin ko na parang may something si Sejun pag pinag uusapan yung past love" "Ha? pano mo nasabe?" "kasi pag may ganong topic si Sejun agad ang niloloko nila.. lalo na si Josh" Napaisip ako sa sinabi ni Myra "Pero wag mo na gaano isipin yun.. charot charot ko lang hehe"biro niya "ewan ko sayo Myra baliw kana talaga" "Baka naman kasi mailakad mo ko kay Stell"sabi niya sakin "Baliw! gusto mo maging single for life di ba?" "Oyy grabe naman sa for life.. waiting lang ako sa tamang tao at tamang oras no" "Woshooo" --- Hindi kami gaano nagkausap ni Paulo this week hanggang sa mag thursday na, sinundo niya ako sa bahay ng mga bandang tanghale den bumyahe kami mula manila to cavite.. Sa tagaytay na kami kumain at naggala gala.. "Ang ganda ng tanawin"sabi ko at kinuha ko yung phone ko at pinicturan ang view "Sunshine"tawag niya sakin kaya lumingon ako at saktong click ng phone niya "Pauloo"pabebe kong sabi sa kanya "Patingin akooo"sabi ko sa kanya at hiniram yung phone niya "Ang dami kong stolen shots ditooo.. stolen talaga?" "You look so beautiful kaya"sabi niya "Taga san ka ba? bat ang hilig mo mag english?"biro ko sa kanya at binalik na yung phone niya "Wala gusto ko lang subukang itry mag english" "HAHAHAHAHAH"sabi ko "Bakit?"takang tanong niya sakin tawa pa din ako ng tawa "Huy bakit?"sabi niya sakin Mangiyak ngiyak ako sa kakatawa "Sunshine"seryosong sabi niya Huminga muna ako ng malalim para matigil sa kakatawa "K-kase.. may subukan ka na nga may itry pa sa sentence.. "sabi ko habang pigil pigil yung tawa "Ahh.. haha"sabi niya at hinila na ako palakad Nagpunta kami sa Sky ranch at naggala Simpleng couple na medyo weird? Hahah Naka orange na sweat shirt si Paulo tapos cap at mask siya.. ako naman simpleng black sweat shirt with cap din tas pants Weird kasi si Paulo ganon pa din pinagtitinginan pa din ng people pero sanay naman na kami. At ako naman d naman ako mahilig magsuot ng mga girlie stuffs nagbago na taste ko sabagay laking mahirap kasi ako kaya kung ano lang merong isuot yun na lang.. Hindi naman ako mahilig mag shorts or dress kasi bihira ako bumili nun.. more on jogging pants at pants conservative din kasi ako gawa ng mga kapatid napaka grabe d ako pinapayagang umalis ng naka shorts lang dapat pants talaga. "San mo gusto sumakay?" tanong ko sa kanya "Hooy"sabi ko at kinulbit na siya Picture kasi ng picture kung san san "Ah.. kaht san okay ako.. san mo ba gusto?"balik tanong niya sakin "Binalik mo lang yung tanong" "kasi naman.."sabi niya at tinigil yung ginagawa niya at hinawakan ang kamay ko "Kahit san ako basta kasama ka okay na ako"banat niya "Yiiii.. epal ka bat d ko kaya magalit or mainis manlang sayo?"sabi ko sa kanya at niyakap siya AKO NA ANG CLINGY "So san tayo?" "sa kabayo"sabi ko Masaya akong hinila siya sa "Really?" "Oo bakit?"tanong ko kasi sa tono ng boses niya parang dissappointed siya "Akala ko mag hhorse back riding tayo"sabi niya at napakamot sa ulo "No, gusto ko sa carousel"masayang sabi ko sa kanya "okay sunshine"sabi niya at sumakay na kami Hindi pa naandar kaya panay ang picture naming dalawa.. salitan kami sa paggamit ng phone tapos nagvideo ako ng konti.. "Paulo smileeeee"sabi ko sa kanya Ang loko binaba yung mask niya at nag smile tas binalik na ulet yung mask niya "Hoyy loko ka ah"sabi ko at tumingin sa paligid baka may nakakita "Sabi mo kasi smile e d namn kita sa mask pag nagsmile ako kaya binaba ko"natatawa niyang sagot "baliw ka..baka may nakakita sayo"sabi ko at patuloy ang tingin sa madla "Wala yan saglit lang naman" "Sana" After nun nag meryenda muna kami tas nag ikot ikot pa, naisipan din namin bumili ng same shirt tas sinuot namin then nag picture ng nag picture hanggang sa magdilim na "Tara sa Ferris Wheel"aya niya sakin tas sumakay na kami pagkapasok namin unti unti ng tumaas kaya tinanggal niya na yung cap at mask niya "tara picture.. wla ng makakita satin"sabi niya "Cge" Bago kami umalis ng Sky ranch nag papicture muna kami ng magkasama suot suot pa din yung same shirt namin then nagpalit na kasi maginaw na at dumiretso na kami sa restaurant para mag dinner "Pau.. bakit dto pa? mukang ang sosyal naman dito.. nakakailang"sabi ko sa kanya Kasi private restau na naman kami kumain puro foreigners ang customer "Okay lang yan ayaw mo nun makakapag usap tayo ng wala nito.." tukoy niya sa cap at mask niya "Hayy.. sabagay" "Let's eat first"sabi niya "Alam mo ngayon ko lang napansin ako lang ng ako ang nagkkwento"sabi ko sa kanya tahimik lang kasi siya parang unsual yun kasi lagi yang maingay pag kami lang magkasama "Wala naman.. gusto ko lang ma enjoy yung araw na to" "naenjoy mo naman ba?"tanong ko sa kanya "oo naman"agad na sagot niya "Alam mo hindi ko alam na mag eend tayo sa ganito.. I mean our first met didn't go went well, nakilala mo ko kasi sa hotdog na nasanggi mo.. Cebu is the most memorable place for me"sabi ko sa kanya "Ako din"sabi niya at hinawakan ang kamay ko' "Masaya ako kasi nakilala kita.."sabi niya sakin Nung time na yan hindi ko alam kung paano explain kung gaano ako kasaya... sa piling niya --- Pagkatapos naming kumain umuwe na din kami kasi may natanggap siyang tawag mukang urgent. Hanggang sa pag uwe ko masayang masaya ako AS IN. Nakapag upload pa nga ako ng pictures namin eh. I mean akin lang pala.. d pwede yung pictures namin together.. Nilalagay ko lang sa IG ko yung mga kuha na siya mismo ang nag picture sakin. Parang kanina yung stolen picture ko with the Ferris Wheel nilagyan ko lang ng Caption na 'ILY JPN' "Beshyyyy" "Oh bakit gurl?"sagot ko sa chat niya "nasan ka? napaka kiri mo may pag tagaytay kayo ni Sejun"sabi niya sa chat "At pano mo nalaman na sa tagaytay yun?"tanong ko kasi d naman ako naglagay ng location don "Besh nagpost si Sejun tingnan mo na ss ko kaagad"sabi niya at nagsend ng picture Tiningnan ko yung picture niya.. Yun ung background ko sa picture na kakapost ko lang tas may caption na tatlong tuldok "tatlong tuldok?"tanong ko kay Myra "hahaha ily yan gurl"sabi niya "Weh" "Ayaw pa maniwala.. kainis" "d nga pano mo nalaman?" "Madami akong alam"sabi niya at nagsend ng hahaha na emoji "ewan ko sayo single ka nga dyan"loko ko sa kanya "Walang ganyanan bakla! porket may jowa ka ah"sabi niya "charot lang" "Cge bbye na bukas na lang ang chika" "Bbye" --- Ayun pinagkaguluhan yung post ni Sejun.. ako tamang heart at share kinilig ako e Ilang araw din akong d pinatulog ng post na yun hehe d ko pa ksi ulet siya nakakausap after nung sa tagaytay namin kasi sabi niya may something na inaayos lang daw sila at mukang busy kaya d ko na muna ginugulo Nag uubos na lang ako ng oras sa trabaho at sa mga kapatid ko. Naka duty ako ngayon sa office ng sunod sunod na may nagtxt sakin .. kukunin ko pa lang phone ko para icheck kung sino ng bigla na lang may tumawag "Yes.. this is Sunny"sabi ko kaagad minsan kasi si Boss natawag sakin "Where are you?" "Paulo? nasa office bakit?"narinig ko na parang napahinga siya ng malalim "nothing I'm just checking you..just trust me sunshine"sabi niya at pinatay na yung tawag ano daw? sabi ko sa sarili ko "BESH!"sigaw ni Myra ng makita ako "Bakit ka ba nasigaw?magkakasakit na ako sa puso ng dahil sayo"sabi ko sa kanya mukang nagtatakbo na namn to. "ikaw ba to gurl?"tanong niya agad sakin "Patingin" ... "Ano girl ikaw ba yan?"tanong niya sakin Pero ako nakatingin lang ako sa pictures na pinakita niya. Si Sejun.. may kasamang maglakad sa may restaurant akala ko nga ako kasi katawan at kabuhok ko pero d talaga kasi d naman ako ganon manamit. "So hindi ikaw.. kilala mo?"tanong niya ulet umiling lang ako bilang sagot "Ano bang sabi diyan sa article?"tanong ko at kinuha yung phone niya ako na mismo ang nagbasa DATING HUMOR SB19'S LEADER SEJUN WITH A GIRL. MADAMING NAGSASABI AT LUMABAS NA IBAT IBANG LITRATO NG BABAE NA NAGSASABING NAGING DATING KASINTAHAN DAW NIYA ITO. Nabato ako sa kinatatayuan ko nung mabasa ko yung nakasulat. "Besh.."tapik sakin ni Myra Pero hindi ako sumagot Ito siguro yung sinasabi sakin ni Paulo kanina.. "Sabi niya trust him daw."halos pabulong kong sagot "Ha? nakausap mo ba si Sejun?" "Oo tumawag siya sakin kanina" "ayan naman pala edi wala ka ng dapat ikabahala"unti unti akong nabuhayan sa sinabi niya. --- Nung araw na yun hindi na ako nag isip ng kung ano ano kasi baka umatake ang pagiging nega ko. Basta may tiwala ako kay Sejun Until may mga bagong photos na naman ang nareleased at this time kitang kita ko na yung babae "Besh.. kamuka mo"sabi niya at nilapit sakin ang phone niya "O-o" Kahawig ko talaga siya magkasing haba kaming buhok.. magkasing katawan din kami.. Parehas din kaming singkit.. Tangos ng ilong Kulay ng balat Pati pag ngiti tulad kami Sa way ng pananamit lang kami magkaiba, kasi ang sexy niya manamit compare sakin na lagi lang naka tshirt at pants "Ang ganda niya be.. tapos ang fashion naghuhumiyaw"puna ni Myra Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin ngayon.. Nagsisimula ng mabuo ang lahat ng mga pwedeng dahilan sa isip ko.. nagtatalo na nga sila sa sobrang dami "Besh may mga pictures ulet newly uploaded pa"sabi niya at binigay yung phone niya Kitang kita ko.. yung mga sweet moments nilang dalawa, sa beach, restaurant, church, mall at madaming pang places basta kung saan pwede mag date ang couple "Pero mga old pictures naman ata yan kasi tingnan mo ibang iba ang awra ni Sejun"sabi ni Myra habang sabay kaming nag bbrowse "Ang saya saya nilang tingnan.."sabi ko bigla "Pero besh hayaan mo na yan"sabi ni Myra at kinuha yung phone niya at tinago sa bag "Past na lang naman siya ni Sejun at tandaan mo ikaw ang present kaya wag kang malungkot... wala ng chance para maging sila"sabi nito at pinaupo ako sa sofa niya Lalong hindi ako makapag isip ng tama "atsaka hanggat walang nagpapatunay ng mga yan wag ka basta maniwala tandaan mo yung sinabi sayo ni Sejun" 'trust me sunshine..bigla kong narinig sa isip ko yung boses niya' --- Pero lumipas ang mga araw at mas lalong nalawak ang mga info about sa kanilang dalawa, may mga lumabas na din about sa girl. Buti na lang at wala kaming pasok ngayon kasi hindi ko kaya ang lahat ng mga nalaman at nabasa ko They confirm na ex nga siya ni Sejun EX NI PINUNO NAME: SAMMY NICOLAS A 25 years old famous model and actress at California, USA. She grew up here in Philippines but at the age of 20 migrated to california to pursue her dreams. SB19 Leader Sejun and Sammy are childhood sweetheart until she left. What will happen now that she comeback? Will they're feelings comeback too? Hindi ko maiwasang hindi maiyak lalo na ngayon.. nanliit ako sa kanya. Anong panama ko sa isang career woman at maganadang tulad niya, mas matagal ang pinagsamahan nila compare samin na wala pang isang taon magkakilala. --- "Ate hindi ka pa ba papasok?"tanong sakin ni RM Pero hindi ako sumagot "Ate ano ba.. ilang araw ka ng ganyan. Tinawagan ka na ba ni Kuya Sejun?"tanong niya ulet Bumangon ako at hinarap siya Niyakap niya lang ako ".. wag kana umiyak at mag kulong dito, wla pa naman tayong alam kung totoo o hind kaya please.. "sabi niya sakin Pinunasan ko yung luha ko at bumangon na para pumasok. --- Kakadating ko pa lang sa trabaho ng tumawag sakin si Myra kaya napa online agad ako Tiningnan ko yung picture "ow shet!"sabi ko kaagad "Confirm ikaw nga yan, kalat na yan sa internet at mukang hinahanap ka na ng fans nila lalo na ni Sejun"sabi sakin ni Myra through phone Ito yung time na d ako kinibo ni Sejun kasi ni Cheer ko ben & ben.. may nakakita at nagpicture samin nung papunta na kami sa dressing room nila.. hila hila ko si Sejun Naka mask ako nun kaya mata lang kita tas si Sejun halatang siya nga kasi sa buhok at mata alam na agad, nakaangat kasi yung cap niya. "Malalaman kaya nila kung sino yung babae na kasama ni Sejun?"tanong ko sa kanya habang binabasa ko yung mga comment "Hindi naman siguro.. pero besh hawig na hawig mo dito yung Sammy"sabi ni Myra tiningnan ko yung nasa comment box at puro nga kamuka ko daaw si Sammy.. sabi pa nung iba ayan na daw yung confirmation na nagkabalikan na daw sina Sejun. Matutuwa ba ako kasi hindi nila napansin na ibang tao yun o malulungkot. --- Mas lalo akong nastress ng kinabukasan may picture na naman na lumabas.. picture namin same event "Beshyy bakit naman kasi napaka sweet nyo kahit sa event?"Kausap ko ngayon si Myra kasi nga may bagong picture "D naman naiiwasan yon"sagot ko na lang "Alam mo kasi dito sa picture kahit inaayos mo yung cap niya halatang may feelings ee" "Pano mo nasabe?" "halata girl sa tinginan ni Sejun.. kita mo yung mata niya"sabi niya at tinuro yung picture sa laptop "Ay ewan d ko na alam"sabi ko "Ganito na lang wag ka muna ulet mag social media tulad nung sa Cebu.. para d ka mastress" Pero hindi ko kaya gusto kong malaman kung ano yung sasabihin nila sakin. May ilang nakapansin na parang ibang tao ako at si Sammy pero karamihan ay same person ang conclusion. --- Until the day come.. The moment that all my info pop all over the internet. Nandon lahat kung paano ako lumaki, kung sinong mga magulang ko pati mga kapatid ko damay. Lahat ng mga nangyare samin noon nandon. Pinamuka ssakin ng internet kung gaano kami kahirap at kababa. At doon nila na confirm na magkaibang tao kami ni Sammy at nagsimula na din ang mga bagay na ayaw kong mangyare.. They made lot of memes for me.. And they compare me to Sammy 'Ano ba yan hindi naman maganda! baka naman staff lang yan, assumera lang' 'bat naman papatulan yan ni Sejun e ang hirap lang niya.. saka mas maganda si Sammy GO FOR SAMMY AKOOO' 'Sus baka humanap lang ng ikakasikat yang si ate gurl kala mo naman sisikat' 'sikat na nga gurl.. sikat kasi bash na bash' 'ang assumera mo inday.. manakhimik ka na nga lang dyan.. ang panget moo' 'MAS BAGAY SINA SAMMY AT SEJUN' 'FAMEWHORE GET LOST' 'YOU'RE UGLYNESS HAS NO PLACE IN SEJUN'S HEART' 'GISING GISING GURL WAG MASYADO MAGPANTASYA' 'ASA KA NAMANG PATULAN NI SEJUN.. MAYAMAN SIYA MAHIRAP KA LANG' 'GOLD DIGGER KA SIGURO.. ANO BA YAN KAY PINUNO KA PA TALAGA KUMAPIT KAPAL NG MUKA' 'ANG LANDI MOOOOO' 'HINDI NAMAN KAYO BAGAY' 'MAS BAGAY SILA NI SEJUN PAREHONG MAYAMAN AT SUCCESSFUL D MO KATULAD NA WALANG NARATING' "H-HEY"sabi ni Myra at inagaw yung cellphone ko "Ano ba Sunny sabi ko naman sayo wag ka mag social media ang tigas ng ulo mooo"sabi niya at pinunasan yung luha ko iyak lang ako ng iyak at nanginginig ang buong katawan ko "Calm down.. sunny makakasama yan sayo" Pero hindi pa din bumuti ang pakiramadam ko... nanginginig pa din ang katawan ko "Itigil mo yan SUNNY!"sigaw ni Myra at hinawakan ang pareho kong kamay nung nag sisimula ng magsimula ng magtikom ang mga kamao ko Iyak pa din ako ng iyak.. Hind ko alam kung pano ako tatahan.. --- Nakita ng boss ko ang sitwasyon ko kaya pinauwe niya na lang ako at tinawagan si RM para maihatid ako kasama si Myra.. nagpaalam na din siya sa boss namin. Alam ng boss ko kung ano ang sitwasyon ko kaya nung nakita niya ako kanina pinauwe na niya agad ako gusto pa nga ako dalhin sa ospital pero ayoko. Ngayon lang ulet nangyare sakin to.. kasi ito ang pinaka iniiwasan ko sa lahat.. Takot akong malungkot.. dahil sobrang laki ang magiging epekto nito sakin. "Sunny magpahinga ka muna, sabi naman ni Sir okay lang kahit mga ilang araw ka munang d pumasok magpagaling ka muna" "Kukunin ko muna ang phone mo.. at Jin wag mo muna siyang hayaang manuod ng kahit ano lalo na pag news okay?" "Cge" "dito na muna ako matutulog para mas mabantayan ka.. alam nyo naman kung ano ang kaya niyang gawin di ba"kinausap niya yung mga kapatid ko "Kanino galing yang mga bulaklak na yan.. saka iyan?" tanong niya sakin pag kakita sa kwarto ko "Hindi namin alam"sagot ni RM "kay sejun?"tanong agad ni Myra Pero umiling ako "Gano katagal ng nagpapadala yan?" "Matagal tagal na din once a week siya magpadala pero walang mga note or letters"explain ni Jin "Okayy saka na natin yan problemahin. Sunny mag pahinga kana AT PLEASEEEE HAPPY THOUGHTS LNG"papaalala niya sakin --- when our parents died alam naman natin na ako lang ang nagtaguyod saming magkakapatid habang nagluluksa nagttrabaho at nag aaral ako para sa mga kapatid ko pero hindi ako ganon ka lakas para kayanin lahat..kahit masakit kailangang kayanin ko para sa mga kapatid ko. 8 years ago I was diagnosed to have mental illness. I don't know the exact word kasi d ko naman siya pinagamot.. mas kailangan kong asikasuhin ang pang tuition at pang kain ng mga kapatid ko kesa sa mga gamot ko. Ang sabi lang naman sakin ng doctor nung una kong nalaman yung sakit ko kailangan kong iwasan ang masaktan ng sobra emotionally. Kaya nga may pagka nega ako kasi part na siya ng sakit ko at once na mag triggered siya may tendency na mag commit ako ng suicide.. at iyon ang pinaka iniwasan namin. Naalala ko dati sobra akong hirap nung sunod sunod na kailangan ng pera ng mga kapatid ko at ni isa sa mga taong nilapitan ko is walang tumulong.. sa sobrang down ko sa sarili ko.. I tried to drown myself, and there I met Myra.. my savior After non hindi na ulet siya naulet.. at ayoko maulet "Ate.. okay ka lang?"tanong sakin ni Jin nung kumakain kami Ngumiti ako at sumagot sa kanya "Oo naman Jin.. kamusta ang school may nililigawan kana ba?"pag iiba ko ng topic "Walang maganda samin kaya wala.. si Kuya meron na lagi nga yang puyat kakalaro ng ml"pagsusumbong ni Jin "ha? ml player yung gusto niya?" tumango lang si Jin kaya tiningnan ko lang si RM "not really ate.. I mean gusto ko lang siya kalaro ang lakas niya kasi bumuhat sa rank"pagtatanggol naman ni RM sa sarili niya "talaga ba?"pang aasar ko sa kanya "Wala akong panahon para mag hanap ng magiging girl friend ate.. mas gusto ko munang makatapos ng pag aaral para sayo.. para satin"sabi niya at patuloy na kumain "Awww nakakatouch naman si RM sana all may brother like him"pag react ni Myra After namin kumain nanuod na lang kami ng movie, wala kasi kaming pasok bukas lahat kami pati si Myra. "Ano bang gusto nyong kainin? sagot ko na"biglang sabi ni Myra "Wow, anong nakain mo Myra"sabi ni Jin "Hoy! Myra lang talaga? nasan ang ate? pasmado bibig mo Jin ah"pagtataray ni Myra kay Jin At nagkulitan lang sila ng nagkulitan hanggang sa makatulog na kami. --- Lumipas ang mga araw at ganon pa din kalaki ang issues at ang sabi ni Myra mas okay pang wag na muna akong lumabas at mag cellphone.. at para makaiwas na din ginawa ko lahat para ma divert ang mga iniisip ko. Hindi din naman nag paparamdam si Sejun kaya d ko pa din alam ang gagawin ko.. siguro hinihintay lang nila humupa ang lahat ng kalokohang ito. Pero hindi manlang ba niya ako kakamustahin? "Beshyy may pa bulaklak ka ulet"sabi ni Myra na galing sa labas "Hindi ko pa din alam kung kanino galing yan.." "Ang bongga nga minsan bulaklak minsan damit minsan sapatos, pati kapatid mo meron" "Kaya nga bother ako" "sure ka ba na hindi si Sejun yan?" "Hindi kasi natanong ko na siya about diyan" "Ahh okayy pero sana all nabibigyan ng bonggang gift"sabi niya at pumasok na sa kwarto ---- Nagising ako ng dahil sa ingay sa labas kaya bumangon ako at sumilip sa bintana namin.. "Ang daming tao.. "yun agad ang nasabi ko kasi legit na ang daming tao sa may gate namin Lalabas na sana ako ng marinig ko sina RM at Myra na nag uusap, medyo malakas kasi ang usapan nila kaya tumigil muna ako sa may pinto ko at pinakinggan sila. 'Ate My anong gagawin natin, mas lumalala na ang sitwasyon.. 'si Rm yun 'Alam ko pero hindi dapat malaman ni Sunny ang mga nangyayare' 'Pero pano yung mga reporters sa labas? baka magising si Ate ng dahil sa ingay nila' 'nandon na si Jin para kausapin at paalisin.. naitawag ko na din yun sa security ng village nyo' 'Pero pano kung malaman niya?' 'hindi niya malalaman kung d niyo sasabihin at saka d naman siya nanunuod ng tv or nag pphone.. kailangan niya lang ,malibang' 'hindi mo pa din ba nakakausap si Kuya Sejun? Ano na bang nangyayare? hinayaan niya na lang ba talaga si Ate?.. at bakit naglabas na sila ng official statement' 'Alam ko kaya nga ginagawa ko ang lahat para ma contact siya' 'Sa nilabas nila si Ate ang naging masama!'hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ako "Anong sinasabi niyo?"sabi ko kaagad sa kanila "Ate.."gulat na sabi ni Rm "Anong meron Myra? anong sinasabi niyo..at bakit ang daming tao sa labas" "Sunny.."mabagal na bigkas ni Myra "Sagot! Myra... RM naguguluhan ako" Pero hindi pa din sila nagsalita "akin na ang phone ko.."mahinahong sabi ko sa kanila Pero d walang kumilos para ibigay sakin "AKIN NA ANG CELLPHONE ko"sigaw ko sa kanila kaya umalis si Rm at kinuha ang phone ko "Sunny wag na.."pakiusap sakin ni Myra nung hinablot ko na yung phone ko kay RM "Gusto kong malaman kung ano ng nangyayare.. ang sabi niyo okay na, nanahupa na..pero" Napaiyak na lang ako ng mabasa ko ang mga nasa article.. Hindi ko na kailangang magsearch dahil trending kami... ako actually. Bigla akong nablangko.. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman "ATE""SUNNY!" yun ang huling narinig ko bago ako natumba at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD